HAPON na nang magising si Benjamin nang biglang binuhusan siya ng mainit na tubig, tuloy napahiyaw siya at nagsisigaw sa sobrang init na dulot niyon sa balat niya. Napakahapdi at sobrang sakit sa buong katawan niya na para bang pakiramdam niya ay unti-unting nalalapnos ang balat niya.
"Aaaahhhh fuck, fuck!" Sigaw niya pa, habang namimilipit sa sakit.
Hindi niya tuloy maigalaw ang buong katawan niya bukod sa nakatali ang kamay at paa niya. Nanatiling nakahiga siya sa sahig habang dumadaing. Narinig niya ang paghalakhak ng lalaki na gumawa sa kanya. Kahit may dinadaing, masamang tinititigan niya ang nilalang na pumatay sa mga kaibigan niya.
"Kung nakakamatay lang talaga ang mga titig niyo malamang buhay pa kayo?" Makahulugan na wika ng lalaki. At sabay upo nito sa harapan niya.
"Patay kana, diba?" mariin at tila di makapaniwalang turan ni Benjamin.
"Anong akala mo sa'kin? Madaling mamatay?" Sarkastikong tugon ng lalaki sabay sindi ng sigarilyo at humithit buga sa harapan niya.
Napangiwi naman si Benjamin dahil sa ginawa ng lalaki sa kanya. Pero bigla niyang naalala yung ginawa niya kay Cassandra nung binuguhan niya ito ng usok ng sigarilyo.
"Walang hiya ka! Ikaw ang pumatay sa mga kaibigan ko!" Gigil na sambit ni Benjamin. Muling napahalakhak na naman ang lalaki.
"Marami ka ng nalalaman bata"
"Samuel" tiim bagang na banggit ni Benjamin sa lalaking kaharap niya, sabay dura ng dugo sa sahig.
"Paano kaya kung maglaro tayo?" Sabi nito. Hindi siya nagpatinag sa kaharap.
"Hindi ako sasali sa punyeta mong laro!" Galit sambit ni Benjamin.
"Ayaw mo niyon? Ikaw lang ang nakakaalam ng lahat nang sa amin? Sabihin mo nga ano yung natuklasan mo?" Tila naghahamon nitong sabi.
"Nagsulat ka sa papel na papatayin mo kami!" Sagot ni Benjamin habang matalim na tinititigan niya ang kaharap.
"Ako si Simon" Natatawang pakilala nito. "Pinatay ko na si Samuel yung pakialamero kong kakambal!" Napakunot noo si Benjamin halos hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kaharap niya. May kakambal ka pa pala Samuel? Wala sa sariling tanong niya sa isip. Bigla naman nahagip ng isip yung picture na kalahati at punit.
"Pinatay ko na yung dating ako," pag amin ng kaharap niya. "Pinatay ko ang sarili kong pangalan dahil gusto kong maging ako siya, kaya nararapat lamang na mamamatay siya!"
"Ikaw pa rin si Samuel kahit magpalit-palit ka pa ng pangalan kung sa ugali niyo naman ay di kayo magkapareho, malalaman at malalaman din ang katotohanan!" Giit ni Benjamin.
"Malalaman talaga nila 'yan kung sasabihin mo" natatawang sambit ni Samuel na may halong sarkastiko.
"Hayup ka!" Gigil na sabi ni Benjamin..
HINDI na umimik pa si Samuel pagkatapos siya murahin ni Benjamin bagkus tumayo siya't kinuha ang panakol sa ibabaw ng lamesa. Muli siyang lumapit kay Benjamin na nanatiling nakahiga pa din sa sahig, tila halatang tinitiis yung sakit habang masamang tinititigan siya. Napahithit tuloy siya sa sigarilyo niya sabay buga pagkatapos tsaka niya tinapon kay Benjamin kahit meron pa itong baga.
Tuloy narinig na naman niya ang pag daing at hiyaw ni Benjamin at natutuwa siya para roon na makitang nahihirapan ang biktima niya. Matapos matuwa ay walang anu-ano'y tinaas niya yung panakol para sana pupugutin yung ulo ni Benjamin nang biglang may humampas sa batok niya. Tuloy nabitawan niya yung panakol at napahiga siya sa sahig dulot ng paghampas sa batok niya, medyo tila hilo ang paningin niya.
Nang mahimasmasan at bumalik sa dati ang paningin niya ay tumalim bigla ang mga mata niya. Nakita niya ang mga kaibigan ng biktima niya na tinutulungan na ikalas sa pagkakatali ng lubid si Benjamin. Nag-init agad ang ulo niya at kinuha ang panakol na nabitawan niya kanina, sabay tayo niya na parang walang nangyari sa kanya tsaka siya galit na tumungo sa kinaroroonan ng mga magkakaibigan na abalang binabaklas yung pagkakatali kay Benjamin.
"GUYS!" Rinig niyang sigaw ni Benjamin kung kaya't wala sa sariling napalingon siya kung bakit sumigaw ang kaibigan niya.
Nanlaki ang mata niya nang makitang susugurin sila ni Samuel at may hawak-hawak pa itong panakol na animo'y aambahin sila nito. Sa hindi malaman dahilan, bigla na lamang kusang gumalaw ang katawan niya at naramdaman na lamang niya na may malamig na bagay ang bumaon sa kanyang likod. Tuloy napadaing siya at napahiyaw sa sakit na dulot ng nararamdaman niya nang hugutin ni Samuel yung panakol na nasa likod niya.
"Prelim!" Rinig niyang sambit ni Kailyn na halos paiyak na.
"Hindi maaari!" Wika naman ni Benjamin.
Kahit nanlalabo ang mga mata niya at nanghihina siya kasabay ng nararamdaman niya sa kanya likod ay nagawa niya pa din kumilos patayo para sugurin si Samuel nang akmang papanakulin siya nito. Buong pwersang tinulak niya si Samuel sa lamesa dahilan para matumba ito at bitawan ulit yung panakol. Sabay kuha niya ng panakol at mabilis na pumatong sa ibabaw ni Samuel para pigilan ito na makatayo kasabay niyon na akmang ihahampas niya sa mukha yung pwet ng panakol na agad naman itong sinangga ni Samuel.
"Prelim!" Rinig niyang sigaw muli ni Kailyn.
"U-umalis na kayo!" Tugon aniya habang nakikipag-agawan ng panakol kay Samuel.
"Pa-paano ka?" Alalang tanong ni Kailyn.
"Ako nang bahala sa sarili ko, iligtas mo muna si Ben at umalis na kayo!" Sagot aniya.
"TARA NA!" Aya ni Benjamin sa kanya na ngayon ay inaalalayan niya ito na makatayo.
Kahit labag man sa kalooban niya na iwanan si Prelim ay sinunod niya parin yung kagustuhan nito na umalis na sila. Puno ng takot at pangamba ang puso niya sa kadahilanang baka may masamang mangyari kay Prelim tuloy di niya maiwasan mag-alala ng sobra sa binata. Kahit paika-ika maglakad si Benjamin ay binilisan nila tumakbo palabas ng bodega. Pagkalabas nila ay tumungo sila sa gubat sa likod bahagi ng store. Nang medyo makalayo-layo na sila ay bigla na lamang bumagsak si Benjamin dahil sa pagod, bukod pa roon yung mga iniinda nitong sakit sa katawan kung kaya't nabitawan niya ito.
"M-maaari bang magp-pahinga muna tayo?" Habol hininga nitong pakiusap sabay sandal sa katabing puno.
Nagpalinga-linga pa muna siya sa paligid pagkatapos ay hinarap niya si Benjamin sabay tingin sa kabuuan nito at lapitan sabay upo sa tabi nito.
"Anong ginawa niya sa'yo?" Hindi makapaniwalang sabi niya habang pinagmamasdan kung paano pasakit ang naranasan ng kaibigan niya mula sa kamay ni Samuel.
"Ang mamatay tao na 'yon.. Binuhusan niya ko ng mainit na tubig" tila hirap nitong bigkas.
Agad siyang napaiwas ng tingin sa ibang direksyon nang marinig yung sinabi ng kaibigan niya. Naaawa siya sa kalagayan nito at bigla na lamang siya nakaramdam ng tubig sa kanyang pisnge, tuloy agaran ang pagpunas niya ng mga luha.
"H-huwag kang umiyak" wika sa kanya ni Benjamin. Kung kaya't agad niya itong nilingon na maluha-luha, "Hindi pa ko patay, Kailyn" medyo mapupungay na ang mga ni Benjamin at kitang-kita na namumutla na ito. "Kapag binalik ko na ang energy ko, aalis na tayo agad at hihingi ng tulong" dugtong pa nito.
"Naiintindihan ko," tango na sagot niya. "Paano na si Prelim?" Alalang tanong niya nang biglang maalala niya si Prelim na naiwan upang makipaglaban kay Samuel.
"Don't worry kilala ko siya Kailyn. Hindi niya hahayaan na maiwan mag-isa ang taong mahal niya" napakunot noo siya sa sinabi ng kaibigan niya.
At sa hindi malaman dahilan ay bigla siya nakaramdam ng kakaiba parang naramdaman niya rin 'yon dati pero hindi niya maipaliwanag kung ano yun.