webnovel

Sa Isang Tibok

Huminto ang oras habang nasa kasagsagan ako ng traffic sa EDSA. Hindi ko alam kung bakit at kung para saan. Tumigil ang takbo ng mundo. Tumigil ang andar ng oras. Tumigil ang mga tibok ng puso - bukod sakin. Sa wakas. Kalayaan ang mararanasan ko sa bagong mundo. Akin na ang mundo. Ako lang ang gising sa mundo - Ako at ang tatlong alaala na gugulo sa payapa at bago kong buhay. Tatlong kwento na gusto kong malimot. At isang taong hindi ko (nga ba) kilala. Isang bagong kabanata ang lilitaw. Isang kwentong naging dahilan ng pagkakaluklok ko sa kahariang meron ako ngayon - o kulungang dapat sa mga katulad ko. Ako si Sept. Ito ang buhay ko. Ang mahabang buhay ko sa loob ng isang tibok.S

Conqueror_Arnold · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
20 Chs

Bagong Kwento

Naiintindihan ko na. Naiintindihan ko na kung bakit ako naging makasarili. Hindi dahil sa mga ginawa ko sa ibang tao bilang ganti sa ginawa sakin ng iba - ibig kong sabihin, kasama yun pero ang ugat ng lahat, ay ang pag abanduna ko kay H.

Kinalimutan kong magkaibigan kami. Nangako ako sa kanya, nangako ako na makikita ko ang kabutihan ng iba kahit na anong mangyari. Nangako ako sa kanya na hindi ko kakalimutan ang pagkakaibigan namin.

Hindi ko maintindihan kung bakit ko isinisi sa kanya lahat ng kasalanan ng mga magulang ko, ni Elya at lahat ng taong nakapaligid sakin. Siguro dahil iniisip ko na sana may magagawa sya. Totoo, kaya niyang may magawa pero alam ko na sa hindi niya pagbabago ng mga nangyari sa buhay ko, may dahilan sya para dun.

Bakit hindi ko tinanong ang sarili ko nun kung may magagawa ako sa mga nangyari imbis na sumuko na lang? Imbis na itapon ko ang pagkakaibigan namin. Si H ang totoong nagpalaki sakin. Lahat ng turo ni Mama, galing sa mga bulong niya. Bawat kaibigang tinanggap ako sa mga kakulangan ko, andun sya.

Malaking pagsisisi ang naramdaman ko nang malaman ko ang buong kwento ko. Hindi ako mag isa. Hindi ako kahit kailan naging mag isa.

"Alam mo, namiss ko 'to" sabi ni H habang naglalabas ng isang pirasong papel. "Ito yung huling sulat na sinulat mo sa journal. Na miss ko lang kung papanong hindi na sya nasundan. Kaya paulit ulit kong binabasa." gumuhit ang ngiti sa labi niya habang binasa ang mga salitang sinabi ko dati sa journal.

"Balak ko nang sundan yan, wag kang mag alala" sagot ko. "O kaya, hindi ko na isusulat, direkta ko nang sasabihin sayo. Wala naman akong dapat itago kasi alam mo naman lahat" ngiti ko.

"Anong susunod na mangyayari?" tanong ko. Alam ko na totoo si H sa sinabi niyang nasa huling tibok na ko ng buhay ko. Gusto ko lang sanang malaman nila Mama na ok lang ako. Gusto kong malaman niyang magiging maayos na 'ko - na hindi ako aalis sa mundo nang may makasariling puso.

Gusto kong maging maayos lahat. Lahat ng ginulo ko habang umikot ako sa mundong nagliliwaliw sa lahat ng mga bagay bagay.

"Wag kang mag alala sa lahat ng nagulo dito." mukang binasa niya ang nasa isip ko o nakasulat sa muka ko ang pag aalala.

Pumikit sya at huminga ng malalim. Pagtapos ng tatlong bilang, umihip sya sa hangin. Malumanay na hangin ang naramdaman ko sa paligid. Payapang hangin, hindi tulad ng hangin na bumuhat sa mga bato, kundi hangin na parang may dala dalang mensahe pero walang salita.

Hindi ako makapaniwalang habambuhay ko nang mararanasan ang ganun ka payapang pakiramdam. Hindi ko na gustong bumalik, gusto ko nang makasama si H sa mga susunod na tibok. Ganitong pakiramdam ang inaasahan kong pagkikita namin. Ang matagal ko nang inaasam na makasamang ama. Malakas, mapang unawa, hindi sumusuko sa nagrebelde niyang anak at higit sa lahat, tunay na kaibigan.

"Bumalik na sa original places nila lahat ng ginalaw mong bagay at tao. Weird sabihin pero madami tayong nilipat na mga tao sa kung saan. Ayokong magulat si Leo na wala na sya sa kotse niya dahil pinaikot ikot natin yun sa garahe tapos pinalipad mo sa ere. Hahahaha." pagpapaalala niya.

"Ang tanong, san mo..." tumigil sya at tinignan ako. "San mo gustong magpaalam?"

Gusto kong yakapin si Mama. Gusto kong malaman ni Elya na pinatawad ko sya. Gusto kong umuwi ang boss ko sa Nanay niya at malaman niyang dapat sulitin ang oras nila na magkasama.

Gusto kong sabihin sa buong mundo na maiksi ang oras para magalit at para habulin ang mga bagay na magbibigay ng konting kasiyahan.

Kaso, hindi pwede. Kailangang tanggapin ko na hindi ko mababago yun lahat sa isang tibok.

"Gusto kong bumalik sa bus, H" pakiusap ko. Tumango naman sya ng pag sang ayon. Handa na ko. Alam kong aalagaan ni H si Mama kahit wala na ko.

Dalawang palakpak ni H at nakita ko na ang sarili kong nakaupo sa huli kong inuupan bago huminto ang oras. Nasa siksikang bus sa palibot ng mga taong maiinit ang ulo. Sa tagal kong tumira sa loob ng nakahintong oras, nostalgic na saking maupo sa isang memorya ko na parang ang layo layo nang taon na nangyari.

Nakita kong nakaupo si H sa tabi ko. "Nasan na yung lalaking katabi ko dyan?" tanong ko. Hindi ko man maalala pero alam kong sa gantong siksikan ng bus, alam kong imposibleng wala akong katabing nakaupo.

"Tinabi ko muna, ibabalik ko din. Naisip ko lang na baka may mga gusto ka pang itanong bago natin pindutin ang restart?" paliwanag niya.

"Anong mangyayari sakin kapag nagsimula ulit ang oras?" tanong ko. Alam ko na naman ang isasagot niya. Gusto ko lang may mapagusapan kami sa mga huling sandali.

"Titibok sa huling pagkakataon ang puso mo. Tapos nun, magsisimula ang paglalakbay mo kasama ako." sagot niya.

"Ano namang mangyayari sa mga tao sa paligid ko?" tuloy tuloy lang ang tanong. Magtatanong ako habang buhay pa ko.

"Well, magugulat silang lahat dito. Magsisisigaw si ateng nasa harapan. Tapos ito si kuya tatawagin yung konduktor. Itong nakaupo dito sa upuan ko yuyugyugin ka. Matataranta sila lahat" mahinahon ang pagpapaliwanag niya sa isang eksena totoong nakakatakot. Baka ako din magsisisigaw kapag may namatay sa kasama ko sa bus. Hindi yun normal.

"Ang ibig kong sabihin, anong mangyayari sa mga taong nakahalubilo ko. Papano si Mama pag umalis ako?" paglilinaw ko sa tanong.

"May iba kang gustong itanong noh? Hindi kung papano kundi kung pupwede?" wala akong takas kay H lalo na at alam niya ang iniisip ko.

"Hahaha. Wala akong matatago sa'yo talaga eh." natatawa kong sagot.

"Kung pwede sana. Kung pwede silang maging ok pag alis ko. Kung pwedeng may magawa ka para sa kanila?" sagot ko. Hindi ko talaga alam kung papano. Basta ang alam ko sa puso ko, gusto kong tulungan ang mga naisip kong tao.

Gusto kong maging maayos ang boss ko at makapunta sa nanay niya dahil masama na ang kalagayan nito.

Gusto kong malaman ni Elya na napatawad ko na sya, na maiksi ang buhay ko para magalit at maiksi din ang buhay niya para palaging maisip na may kasalanan sya sakin.

Gusto kong maisip ni Mama na tama ang ginawa niyang pagpapalaki sakin. Gusto kong malaman niya na hindi naging hadlang ang mga mali niya para maging mabuting ina - na sana mas minahal ko pa sya kesa nagalit.

Sana mas nagmahal pa 'ko. Sobrang ikli pala ng habambuhay kumpara sa pagmamahal.

"Wag kang mag alala." sagot niya.

"Syempre, hindi ko pababayaan si Emy. Si Edgar at si Elya." parang mga anak niya ang binanggit niya. Alam kong may plano na sya sa kanila, nagtitiwala ako sa kanya. Gusto ko lang malaman kung ano. Kung papano nila ko maaalala. Isa ba ang pagkawala ko sa magpapahina kay Mama? Magpapalakas ba 'to sa kanila?

Maiisip ba nila ang gusto kong maisip nila?

"Ipapakita ko sa kanila ang mga sulat mo." nagising ako sa malalim na pag iisip sa sinabi niya. Sulat ko? Aling sulat ko?

Hinayaan kong maiwan mo ang mga parte ng mga sulat mo. Mga lumang sulat. Random message na parte ng mga journal. Iniwan ko sa conference table ang sulat mo tungkol sa mga pangarap mo. Alam kong mababasa yun ng boss mo dahil ichicheck niya kung kanino yun. Maiisip niya na malamang nalaglag yun habang may meeting ka dun. Pagka simula ulit ng oras, mababasa na niya yun.

Maiisip niya na sa pangarap mo, kasama ang mga mahal mo sa buhay kaya magdedecide syang puntahan ang Nanay niya. Maiisip niyang maiksi ang oras.

Si Elya naman, makikita ulit ang mga nakaraan niyang email sa'yo. Maaalala niya ang pagkakamali niya, syempre. Pero hindi yun ang mapapansin niya, maaalala niya ang Sept na una niyang nakilala. Maaalala niya na ikaw ang mapagpatawad na bestfriend na nakilala niya. Magkaiba man ang naging mga buhay niyo dahil sa mga choices na pinili niya, kilala ka parin niya, hindi matatapos ang buhay mong hindi mo maiisip ang kabutihan na meron sa iba. At alam niya, na alam mong gamot ang kapatawaran. Dadalhin niya hanggang huli ang pagkakamali niya sayo at wala kang sulat para matanggal niya yun sa puso niya, pero pipiliin niyang maalala ang kabutihan ng isang kaibigan, dahil sigurado sya, na ganun din sa kanya ang kaibigan niya na yun.

At si Emy. Madudurog ang puso ni Emy kapag nabasa niya ang mahalagang parte ng journal mo, Sept. Sinigurado kong mababasa niya ang parte ng sama ng loob mo sa kanya. Mawawalan sya ng purpose sa buhay. Sisisihin niya rin ang sarili niya kung bakit binubugbog mo ang sarili mo sa trabaho. Pero wag kang mag alala. Matatandaan niya ang sinabi ko sa kanya simula nung isilang ka niya. 'Kayanin mo pa ng isang hakbang pa'. Yun ang sinabi ko sa kanya. Lagi niyang binabanggit yun simula nun. Sa tuwing magkakamali sya ng hakbang sa pagiging magulang tungkol sayo, sasabihin niya yun. 'Kakayanin ko pa ng isang hakbang pa'. At pag nabasa niya ang journal mo, sisiguraduhin kong sasamahan ko sya. Hindi hindi ko sya iiwan.

Maaalala niya rin ang pagkakaibigan namin, Sept. At darating ang isang kinabukasan na magkakasama kayo ulit" ramdam ko ang lungkot ni H sa bawat paliwanag ng mga masasakit na mangyayari pagka nagsimula ulit ang oras.Ganun pa man, ramdam ko rin ang pag-asa sa mga plano niya.

Ramdam ko ang init sa pagkakahinto ng bus. Ang init ng siksikan ng mga tao. Ito na ang huling pagkakataong mararamdaman 'ko 'to. Sa haba ng panahong hindi ko 'to naramdaman, may parte sakin na medyo na miss ko.

"Ready na 'ko, H." pagbibigay ko ng pahintulot sa oras. Ipinikit ko ang mga mata ko para tanggapin ang mga susunod na mangyayari. Dito ako mamamatay. Hindi sa isang enggrandeng exit sa isang ospital kung saan nakapalibot ang asawa't mga anak.

Magmumukang malungkot sa ibang tao ang pagkamatay ko. Magmumukang namatay ako kakatrabaho. Magmumukang namatay ako sa boredom sa traffic.

Pero ayos lang ang lahat ng yun. Kasama ko si H. Kasama ko ang matalik kong kaibigan. Hindi ako natatakot. Hindi ko na iniisip na pangalawa ako sa pagmamahal ng taong may pagpapahalaga sakin.

Kaya masaya akong mamamatay sa ganitong lugar. Masaya akong nabuhay ako sa huling tibok.

Huminga ako ng malalim para sa mga susunod na mangyayari.

Naramdaman ako na hinawakan ako ni H sa balikat. "Ready ka na dude ah..." hinawakan niya ko sa bandang puso na parang pinapakinggan ang mga tibok nito.

"Masayang masaya ko, Sept." yun ang huli kong narinig habang unti unting bumibilis ang tibok ng puso ko.

Nagsimula sa mga tibok na kaya kong marinig - hanggang sa halos maramdaman ko nang nakabog ang buong dibdib ko. Para kong nakasakay sa pabagsak na rollercoaster.

Napasigaw ako nang hindi ko na kaya ang malakas na tibok ng puso ko. Ramdam kong nayanig pati ang buong paligid sa nangyayari.

Sobrang lakas at naramdaman ko pang pinasok ni H ang kamay niya para hawakan ang puso kong matulin na natibok.

Naramdaman kong hinawakan niya 'to ng mahipit, sobrang higpit. Naglalaban ang bilis ng tibok nito sa higpit ng hawak niya.

Dumating sa puntong hindi ko na kaya kaya napahigpit ang hawak ko sa kinauupuan ko. Tuloy tuloy ang pagsigaw ko.

Hanggang sa isang iglap, naramdaman kong binasag ng mahigpit na hawak ni H ang puso kong matulin na natibok - at naramdaman ko ang pagbitaw niya.

Payapa ang naramdaman ko. Madilim. Payapa. Matiwasay.

Idinilat ko ang mga mata ko. Patay na ba ko? Ito na ba ang langit? Lugar na ba 'to ni H?

Halos hinang hina pa ko nag iniangat ko ang ulo ko para makita ang paligid.

Nasa bus parin ako. At sa pagkakataong 'to, naka tingin sakin lahat ng tao.

"Kuya, ayos ka lang?" tanong ng matanda sa tabi ko.

Takang taka parin ako habang iniikot ko ang paningin ko sa kanila. Gising na silang lahat.

"Gising na kayo?" agad kong nasabi. Nagtataka naman lahat sa sinabi ko.

"Kuya, sumigaw ka ng malakas, malamang magigising kami" sarkastikong sagot ng babae sa harap.

"Wag ka nga ate, sumigaw ka din, mas nagising nga ko sa sigaw mo e" saway ng lalaki sa tabi niya.

"Sumigaw ka habang hawak ang dibdib mo. May masakit ba sa'yo?" paliwanag ng nakatayong lalaki sa harapan ko.

"May naramdaman lang ako sa dibdib ko" LOL understatement yung "naramdaman" pero yun lang ang paliwanag na meron ako sa mga nangyari. Ayoko namang bigla kong ikwento na huminto ang oras. Hindi nila ko papaniwalaan kapag nag kwento ako ng tungkol kay H.

Si H? Nakita kong may lalaking bumaba ng bus habang nakahinto sa traffic.

Tumayo ako kaagad para habulin sya. May mga itatanong ako. Hindi pwedeng dito matapos 'to.

"H! Sandali! H!" nasigaw ako sa gitna ng maraming taong naglalakad sa gilid ng kalsada. Mabilis na naglalakad si H papunta sa kung saan. Pinilit ko syang abutin. Marami akong kailangang malaman.

Pinilit kong abutin sya sa madaming tao. Sa gitna ng kapal ng taong naglalakad. Sa wakas na hawakan ko sya sa balikat. Lumingon sya kaagad sakin.

"Oh, dude. Anong meron?" sagot niya.

"Anong nangyari, bakit hindi ako namatay?" tanong ko habang naglalakad na kami ng sabay sa kapal ng tao.

"Ahh. Namatay ka. I'm pretty sure na namatay ka." sagot niya.

Litong lito parin ako.

"Anong namatay? Dinig na dinig ng mga tao na sumigaw ako sa sakit. Dude, sobrang sakit nung pag restart ng oras ah." tuloy tuloy lang ako ng salita at medyo nilalakasan ko ang boses ko dahil maingay ang kapal ng tao.

Medyo na miss ko din ang crowd ah.

"Namatay ka Sept. Nadurog ang puso mo sa dami ng tinibok niya sa loob ng isang normal na tibok ng tao. Hawak hawak ko nga 'tong basag na piraso oh" pinakita niya sakin yung lie detector na kwintas na pinasuot niya sakin nung una. Pero hindi tulad nang una kong nakita na kulay puti ang liwanag, wala nang liwanag ang hawak niya at kulay itim na ang pendant.

"Nadurog ang puso mo sa sobrang bilis ng oras - oras na kinailangan mo para mabuhay sa gitna ng huling tibok na ginawa ko, sa mundong ginawa ko para maalala mo lahat" tuloy tuloy ang pagsasalita niya sa paglalakad namin.

"Bakit buhay pa ko ngayon?" tanong ko.

"Binigyan kita ng bagong puso" simple niyang sagot.

"May misyon ka pa sa mundo, Sept. At hindi ako nagsisinungaling nung sinabi kong mamamatay ka. Totoong namatay ka. Walang nakapagsabi sa bus na pansamatala kang nawalan ng buhay. Pansamantala kang nawalan ng puso" tuloy tuloy ang lakad niya.

"Tapos ngayon, aalis ka na? Iiwan mo ko ulit dito? Akala ko pa naman makakasama na kita sa langit. Bakit mo ko iiwan ulit dito?" May halong takot ang tanong ko. Papano kung magkamali ako ulit? Papano kung makalimot ako ulit? Ayoko nang bumalik sa ganung buhay. Ayoko nang mabuhay kung mawawala ulit ang paningin ko sa kabutihan niya.

"Wag mong isiping iiwan kita. Binigyan kita ng bagong puso. May tiwala ako sa'yo. At alam mo ang ibig sabihin nito. Hindi kita iiwan." pagpapakalma niya sakin.

"Ano nang susunod kong gagawin?" kailangan ko ng instruction na klaro para sa mga susunod na mangyayari. Ini expect ko na talaga na sasayaw sayaw na ko sa langit at yun na ang naplano ko sa isip ko. Hindi ko planong harapin ang lahat sa lupa.

"Para sa simula, gawin mo ang napag usapan nating mangyayari sa tatlong taong huli mong naisip. Ikaw ang maging dahilan para matupad lahat ng nasabi ko sa mga sulat. Anong gagawin mo pagkatapos nilang mabasa ang mga sulat mo? Sa mga pagkakataong to, sabay sabay na nilang binabasa ang mga sulat mong dapat nilang mabasa. Kumilos ka na mula dun. Anong gagawin ni Sept? Si Sept na alam ang mga masasamang nangyari sa buhay niya pero nakikita ang kabutihan sa likod nito?" buong buo ang plano ni H sa mga sinasabi niya. Planado niya na ang lahat simula palang.

"At kapag nagawa mo na yun, hanapin mo ang mga taong tutulong sayo sa lakbay na 'to. Hanapin mo ang mukang 'to dito sa buhay mo. matutulungan ka niya" sabi ni habang tinatapik ang balikat ko.

"Kakayanin mo na 'to, Sept. Magkaibigan tayo, may tiwala ako sayong magagawa mo." huli niyang sinabi sakin.

Hanggang sa tuluyan syang mawala sa kapal ng mga taong naglalakad. Nawala sya sa paningin ko ng ganun ganun na lang.

Naiwan ako sa dagat ng mga taong may iba't ibang kwento na malamang sa malamang alam lahat ni H. Naiwan akong sa dagat ng punong puno ng isda na kasama sa misyon ko. Alam ko ang gusto niyang ipagawa sakin dito.

Alam ko ang gusto niyang mangyari sa mundo.

Ang madagdagan ang magpapaalala dito sa mundo ng kabutihan. Bawat taong dumadaan sa harapan ko ramdam ko na may mga sarili silang kwento. May mga kwento sila ng pag-asa, mga kwento ng pagdududa. Trabaho kong ibigay ang kwento ko. Ang kwentong nangyari sakin sa loob ng milyong milyong tibok ng puso ko simula sa pagsilang hanggang sa pagsakay ko sa bus na yun. At higit sa lahat, ang kwento ng huli tibok ng puso ko bago 'to maging patay na pendant.

Unti unti kong nakita ang mga lungkot at pagod sa mata ng mga taong nadaan. Halos makita ko ang kwento nila ng mga walang salita kundi purong pakiramdam lang.

Inikot ko ang tingin ko para masiguradong wala na si H sa dami ng tao.

Bumalik na ang oras. Pero sigurado akong iba na ang pusong meron ako ngayon. Naramdaman kong madaming tao ang malalagay sa listahan ng misyon ko kung bakit ako binigyan ng ganitong puso - pero sa ngayon, kailangan kong mag focus sa tatlo.

Sinimulan ko ang hakbang gamit ang bago kong mga paa. Dinama ko ang tibok ng bago kong puso at inisip ang mga susunod kong gagawin sa bago kong buhay.

Dumating ang bagong araw ng Setyembre nang hindi nagbabago ang bilang sa kalendaryo. Nagkaron ng panibagong dahilan sakin ang kaarawan ko ngayon.

Bagong kapanganakan sa bagong umagang meron ako. Nakatingala ako sa langit habang ini enjoy ang buhay. Binalot ako ng pangako kay H na mas magmamahal ako at laging maaalala ang pagkakaibigan namin.

Buo na ko sa pagmamahal na binigay ni H. Magkaibigan kami at ramdam ko sa puso ko ang suporta niya. Tutuloy ako sa panibagong araw.