webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
205 Chs

Supreme Court of Wizards & Witches 4

~Tanghali~

"Saan na nagtungo ang iba? Bakit kayo na lamang ang naririto?"

Takang tanong ni Dezso kila Aneska nang makabalik na ito sa Supreme Court of Wizards and Witches kasama si Timea habang iniikot na nito ang kaniyang paningin at hindi na nakikita ang mga Diwatang kabilang sa angkan ng kapwa Diwatang mayroong kulay asul na buhok at ang angkan ng mga Balderas. Hindi sinagot ng Diwatang mayroong kulay asul na buhok ang tanong ng kapwa Diwata na mayroong kulay pulang buhok sapagkat nasa kapwa nitong Diwata na mayroong kulay lilang buhok ang atensyon nito.

"Hindi… Hindi maaari…"

Tanging sabi na lamang ni Timea habang naglalakad na ito papalapit kay Jervin upang tignan na ang malamig na bangkay ni Yvonne. Nilingon na ng binata ang Diwatang mayroong kulay lilang buhok at saka hinarap na niya ito upang ipakita na rito ang bangkay ng dalagang kaniya ring pinoprotektahan.

"Jervin! Ano ang iyong ginagawa?!"

Inis na tanong ni Jacqueline kay Jervin habang palipat-lipat na ang kaniyang tingin sa binata at kay Timea. Hindi hinarap ng binata ang matandang babae sapagkat tinignan niya lamang ang Diwatang mayroong kulay lilang buhok.

"Hayaan niyo na lamang si Timea!"

Biglang sigaw ni Dezso kay Jacqueline habang tinitignan na nito ng masama ang matandang babae. Sinamaan na rin ng tingin ng matandang babae ang Diwatang mayroong kulay pulang buhok.

"Sino ang may gawa nito sakaniya, hijo?"

Mahinang tanong ni Timea kay Jervin habang nakatingin na ito sa binata. Tinignan naman ng binata ang mukha ng malamig na bangkay ni Yvonne gamit ang kaniyang itim na mga mata habang karga pa rin ito.

"Daisy Sebastian."

Tanging sagot lamang ni Jervin sa tanong sakaniya ni Timea habang patuloy pa ring tinitignan ang Diwatang mayroong kulay lilang buhok. Habang tinitignan nang muli ng Diwatang mayroong kulay lilang buhok ang malamig na bangkay ni Yvonne ay naglakad na si Dezso papalapit kay Rhiannon.

"Madam Rhiannon, maaari bang magtanong saiyo?"

Mahinang tanong ni Dezso kay Rhiannon habang nakatayo na ito sa tabi ng eleganteng matandang babae at tinitignan na si Timea. Tinignan na ng eleganteng matandang babae ang Diwatang mayroong kulay pulang buhok at saka tumango bilang tugon nito sa tanong ng Diwata sakaniya.

"Mayroon na bang potion ang nagawa na nakapag papaalis ng kapangyarihan ng isang Diwata?"

Mahinang tanong muli ni Dezso kay Rhiannon habang tinitignan na nito ang eleganteng babae na nakatayo sakaniyang tabi. Nang marinig iyon ng eleganteng matandang babae ay agad na nanlaki ang mga mata nito at mabilis nang tinignan ang Diwatang nakatayo sakaniyang tabi.

"Sabihin mo, saan ka nakakita ng ganuon?"

Natatarantang tanong ni Rhiannon kay Dezso habang pinanlalakihan pa rin nito ng mga mata ang Diwatang nakatayo sakaniyang tabi. Nanlaki na rin ang mga mata ng Diwatang tinanong ng eleganteng matandang babae, tinignan nang muli nito si Timea at nasilayan na nag-iiba na ang kulay ng buhok ng kapwa Diwata at saka nanghina na rin ito. Agad na nilapitan ni Aneska ang kapwa Diwatang nanghihina na at saka mabilis itong inalalayan.

"Anong nangyayari kay Timea, Dezso?"

Nag-aalalang tanong ni Aneska kay Dezso habang tinitignan na nito ang kapwa Diwatang mayroong kulay pulang buhok at patuloy pa rin nitong inaalalayan si Timea na nanghihina pa rin.

"Siya ay pinainom ng isang potion ng panganay na anak ni Beatrice at ng Ina ni Yvonne noong matapos ilibing sa huling hantungan ang kanilang ina."

Sagot ni Dezso sa tanong sakaniya ni Aneska habang lumalapit na ito sa kinaroroonan ng dalawa nitong kapwa Diwata nang mayroon na ring pag-aalala sakaniyang mukha. Nagdikit na ang kilay ng Diwatang mayroong kulay asul na buhok habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kapwa Diwatang mayroong kulay pulang buhok.

"Ano? Hindi ako makapaniwalang mayroon silang lakas ng loob na gawin ang bagay na iyon."

Tanging sabi na lamang ni Aneska kay Dezso habang tinitignan nang muli nito si Timea nang mayroong pag-aalala sakaniyang mukha. Napabuntong hininga na lamang ang Diwatang mayroong kulay pulang buhok habang nakatingin na rin sa kapwa Diwatang nawalan na ng malay at patuloy pa ring palit ng palit ng kulay ang buhok nito.

"Anong klaseng angkan ang mga Tamayo? Bakit ganun na lamang ang kanilang mga ginagawa?"

Takot na tanong ni Rhiannon habang tinitignan na nito si Timea at ang malamig na bangkay ni Yvonne. Ilang saglit pa ay naglakad na papalapit si Jay kay Kimberly at saka ipinakita ang kasunduan na kanilang ginamit kay Dalis sa babae.

"Diba sabi mo papakawalan ka na ng mga Lich kapag na bigyan mo na sila ng tatlong angkan as a sacrifice?"

Mahinang tanong ni Jay kay Kimberly habang patuloy pa rin nitong ipinapakita sa babae ang kasunduan nila ni Dalis. Nanlaki na ang mga mata ng babae nang marinig ang itinanong sakaniya ng binata habang tinitignan na ito at hawak na ang kasunduan.

"P-paano mo iyon nalaman, hijo?"

Gulat na tanong pabalik ni Jacqueline kay Jay nang marinig nito ang itinanong ng binata kay Kimberly. Tinignan na ng binata ang matandang babae na tumayo bilang kaniyang lola at ang umampon sakaniya.

"Narinig ko po kayong pinag-uusapan un ni Ate Kimberly mga tatlong taon na po ang nakalipas."

Sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Jacqueline habang tinitignan pa rin nito ang matandang babae at saka hawak pa rin ang kasunduan nilang dalawa ni Dalis. Napabuntong hininga na lamang si Kimberly at saka tinignan na ang kasunduan na hawak ng binata.

"Salamat Jay."

Pagpapasalamat ni Kimberly kay Jay habang tinitignan na nito ang binata na nakatayo sakaniyang harapan at saka nginingitian na rin ito. Mabilis na napalingon ang binata at si Jacqueline sa babae dahil sakanilang gulat nang marinig ang sinabi nito.

"Tita Aneska."

Tawag bigla ni Jervin kay Aneska matapos nitong manahimik buong umaga habang tinitignan na ang Diwata sakaniyang harapan. Agad namang tinignan ng Diwatang mayroong kulay asul na buhok ang binata at saka hinintay na ang sasabihin nito.

"Ako na magbubuhat sakaniya, Aneska."

Sabi ni Dezso habang tinitignan na nito si Aneska at handa nang kunin mula sakaniya si Timea. Maingat namang ibinigay ng Diwatang mayroong kulay asul na buhok sa kapwa Diwatang mayroong kulay pulang buhok ang Diwatang wala nang malay at patuloy pa ring palit ng palit ng kulay ang buhok nito.

"Ano iyon Jervin hijo?"

"Kasabwat mo po ba si Kimberly sa paghihiwalay samin ni Jay?"

~ Everyone deserves to know the truth, even if it’ll only hurt them. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts