webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
205 Chs

Mall 8

~Tanghali~

"H-huh?"

Gulat na tanong ni Jay kay Melanie sabay tigil niya sa pagpupunas ng kaniyang pawis sa harapan ng dalaga. Ngumiti lamang ang dalaga at saka umiwas ng tingin.

"P-pogi ka… sabi ko."

Nahihiyang sagot ni Melanie sa tanong ni Jay habang hindi pa rin nito tinitignan ang binata. Hindi gumalaw ang binata mula sakaniyang kinauupuan sapagkat ay nanlaki ang mga mata nito dahil sakaniyang nakikita sakaniyang harapan.

"Bakit ang cute mo Jay?"

Nakangiting tanong ni Yvonne kay Jay habang nakatingin ito sa binata. Biglang pumikit ang binata at saka umiling, nang iminulat na niyang muli ang kaniyang mga mata ay nasilayan niya si Melanie na namumula ang mukha. Napabuntong hininga na lamang ang binata dahil sa nangyari sakaniyang paningin.

"A-ahh… salamat."

Pasasalamat ni Jay kay Melanie at saka ipinagpatuloy na ang kaniyang pag kain. Ngumiti lamang ang dalaga at ipinagpatuloy na rin ang pag kain.

"Jay."

Tawag ni Melanie kay Jay habang may nginunguya pa ito sakaniyang bibig. Napatigil sa pagsubo ang binata at saka tinignan ang dalaga habang nginunguya pa ang kinakain nito.

"Madalas ka bang makatanggap ng compliment?"

Nahihiyang tanong ni Melanie kay Jay pagkalunok niya ng nginunguya niya. Nilunok na rin ng binata ang kaniyang nginunguya at saka nginitian ang dalaga.

"Anong gagawin mo pag sinabi ko sayo na marami na akong natanggap na compliments?"

Tanong pabalik ni Jay kay Melanie habang nakangiti pa rin ito sa dalaga. Namula nanamang muli ang dalaga dahil sa binata at saka napalunok.

"U-uhm… w-wala… n-natanong ko l-lang."

Nauutal na sagot ni Melanie sa tanong sakaniya ni Jay habang namumula pa rin ito. Nginitian lamang ng binata ang dalaga at saka nagpatuloy nang muli sa pag kain nito. Napayuko ang dalaga at napa kagat labi habang mahigpit na nakahawak sakaniyang palda.

"Sino ang madalas na magcompliment sayo?"

Tanong muli ni Melanie kay Jay habang nakayuko pa rin ito at mahigpit na nakahawak sakaniyang palda. Napatigil nanamang muli ang binata sakaniyang pag kain at saka tinignan ang dalaga sakaniyang harapan.

"Ung ex ko."

Sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Melanie habang tinitignan pa rin nito ang dalaga ngunit wala nang bakas ng kahit na anong emosyon sakaniyang mukha. Dahan-dahang tinignan ng dalaga ang binata na nakatingin sakaniya at saka ngumiti ng bahagya.

"Hindi mo pa rin a siya nakakalimutan?"

Nakangiting tanong ni Melanie kay Jay habang nangingilid na ang kaniyang luha sakaniyang mga mata. Napabuntong hininga lamang ang binata at saka nagpatuloy na ito sa pag-ubos ng kaniyang pagkain.

"Ano pwede kong gawin para makalimutan mo siya, Jay?"

Tanong nanamang muli ni Melanie kay Jay sabay tulo na ng kaniyang luha mula sa kaniyang kaliwang mata. Biglang ibinagsak ng binata ang kutsara't tinidor sa lamesa kaya't nagulantang ang dalaga pati na rin ang iba pang mga taong kumakain sa kainan na iyon.

"Ano pwede mong gawin? Baket? Sinabi ko ba sayo na gusto ko siyang kalimutan?"

Inis na tanong ni Jay kay Melanie sabay tayo na nito at saka naglakad na papalabas ng kainan na iyon.

"Ano ba yan, akala ko pa naman nag-aalala talaga ung guy kay girl."

"Tsk. Bakit un pa naging bf nung cute na babaeng un? Mas pogi naman ako kesa dun, e."

"Kawawa naman si ate girl… iniwan ng jowa."

"Kaya ikaw 'nak, pag magboboyfriend ka, maghanap ka ng magmamahal sayo at hindi ka iniwanan tulad nung nangyari sa babae."

"Opo mama~"

"Pakitang tao pala ung guy, e. Psh. Balak ko pa naman sanang agawin un kay ate girl."

"Ikaw, siraulo ka. Nag-away na nga mang-aagaw ka pa."

"Mas masaya pag may third party, noh~ kesa naman silang dalawa lang nag-aaway."

"War freak ka rin, e."

"Sino ba ung ex ni Jay? Bakit ayaw niyang kalimutan ung babaeng un?"

Tanong ni Melanie sakaniyang sarili habang nakayuko at tahimik na umiiyak. Ilang segundo pa ang lumipas ay tumunog ang kaniyang phone kaya't agad niya itong tinignan ang dahilan ng pagtunog nuon. Mabilis niyang pinunasan ang kaniyang mga luha at saka tumingin sa labas ng kainan na iyon at nakita si Jay na nakatayo habang tinitignan siya. Napangiti kaagad ang dalaga at saka mabilis na lumabas ng kainan upang puntahan na sa labas ang binata. Ang mga taong nakapaligid sakanila ay napailing na lamang dahil sakanilang nasilayan.

"Ba't kaya ang tanga ni ate girl?"

"Kasalanan niya ba na mahal na mahal niya ung lalake?"

"Kahit pa na mahal na mahal na ung lalake, dapat alam niya rin ung limitasyon."

"Tama nga naman siya. Kung mahal ka talaga nung tao, hindi ka nun hahayaang masaktan ng dahil sakaniya."

"True~! Kung mahal ka, ipaglalaban ka at hindi ipagpapalit sa iba."

"Naubos mo ba ung pagkain mo dun?"

Tanong ni Jay kay Melanie pagkatayo nito sa harapan ng binata. Yumuko ang dalaga at saka umiling bilang sagot sa tanong sakaniya ng binata. Napabuntong hininga na lamang ang binata, hinawakan ang pulso ng dalaga at saka hinatak na ito papalayo sa kainan na iyon.

"S-san tayo pupunta?"

Tanong ni Melanie kay Jay habang patuloy pa rin nitong hinahatak ang dalaga. Hindi sumagot ang binata sa tinanong sakaniya ng dalaga at nagpatuloy lamang sa paglalakad patungo sa isang kainan na hindi masyadong pinupuntahan ng mga tao.

"J-Jay…"

Nauutal na tawag ni Melanie kay Jay habang unti-unti nang humihigpit ang pagkakahawak ng binata sa pulso ng dalaga. Hindi nanaman pinansin ng binata ang dalaga at saka pumasok na sa kainan. Napapikit lamang ang dalaga dahil sa liwanag nang pumasok na sila sa kainang hindi masyadong pinupuntahan ng mga tao at noong binuklat na niya ang kaniyang mga mata ay nasilayan niya ang kabigha-bighaning tanawin sa Paris mula sa Eiffel Tower nito.

"Nagustuhan mo ba?"

Tanong ni Jay kay Melanie sabay bitaw na nito sa pulso ng dalaga at saka pinagmasdan ang nakakahali-halinang tanawin ng Paris. Ngumiti ang dalaga at hindi na pinansin ang sakit na kaniyang nararamdamang sa pulsong hinawakan ng binata. Tinignan ng dalaga ang binata na nakangiting pinagmamasdan ang magandang tanawin at saka bigla itong niyakap. Nagulantang ang binata dahil sa biglaang pagyakap sakaniya ng dalaga.

"Sobra kong nagustuhan, Jay… salamat."

Sagot ni Melanie sa tanong sakaniya ni Jay kanina. Nag-aalinlangang yumakap pabalik ang binata sa dalaga at saka ipinagpatuloy ang pagtingin sa magandang tanawin ng Paris.

"Buti nagustuhan mo, Yv---- Melanie."

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts