webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
205 Chs

Hongganda's Mansion 5

~Hapon~

"Ang 'Luna' ba ay parang diyos niyo, Madam Hong?"

Tanong ni Jervin kay Madam Hongganda habang nakatingin ito sa matandang babae.

"Hindi namin panginoon o diyos ang Luna. Ang napakagandang buwan ang aming tagapag-alaga. Ang Luna ang aming tagapag tanggol. Kung hindi dahil sakaniya ay hindi kami nabubuhay ng mapayapa ngayon."

Nakangiting sagot ni Madam Hongganda sa tanong ni Jervin sakaniya habang tuloy-tuloy nitong inililipat ang pahina ng librong hawak niya.

"Ahh… e, sino ang nakadiskubre sa mga Werewolves?"

Tanong muli ni Jervin kay Madam Hongganda habang inaabangan nito ang susunod na isasagot ng matandang babae sakaniya.

"Ang mga salamangkero't mangkukulam."

Nakangiting sagot ni Madam Hongganda sa tanong ni Jervin sakaniya.

"Nakakapagpalit ba ng anyo ang mga Werewolves kahit wala ang Luna?"

Tanong muli ni Jervin kay Madam Hongganda. Nang tinignan ng matandang babae ang binata ay nakita nito ang mga mata ng binata na nagniningning, kaya't napangiti ito.

"Nakakapagpalit naman sila ng kanilang mga anyo, ngunit hindi tulad ng pagpapalit nila ng anyo kapag nagpakitang muli ang Luna. Ang pagpapalit nila ng anyo sa tuwing wala ang Luna ay kamangha-mangha, sapagkat ang kanilang mga paa't kamay ay nagiging pang lobo ngunit ang ibang parte ng kanilang katawan ay nananatiling pang ordinaryong tao."

Sagot muli ni Madam Hongganda sa tanong sakaniya ni Jervin. Kitang-kita ng matandang dalaga ang pagkamangha ng binata dahil halatang-halata ito sa kaniyang mukha.

"Ung Bampira ba nagpapalit din ng anyo?"

Tanong nanaman ni Jervin kay Madam Hongganda.

"Nagiging mga paniki ang mga Bampira, hijo. At sa tuwing nagpapakita ang Luna ay lumalakas ang kapangyarihan ng mga Bampira."

Sagot nanaman ni Madam Hongganda sa tanong sakaniya ni Jervin sabay sara na ng librong kanina pa niya hawak at saka inilapag na ito sa lamesa. Tumango na lamang ang binata dahil wala na siyang masabi pang iba.

"Sumunod naman na natuklasang nilalang ng mga Zombies ay ang mga Golems. Mayroong tatlong klase ang Golems, una ay ang mga Golems na gawa sa luwad o clay. Pangalawa ay ang mga gawa naman sa kahoy. At ang pangatlo ay gawa naman sa mga bato. Malalaki itong mga Golems na ito ngunit kaya nilang palitan ang kanilang mga sukat para hindi sila makasakit o kaya nama'y para maprotektahan ang ibang nilalang."

Sabi ni Madam Hongganda kay Jervin habang nakangiti ito sa binata. Biglang may lumitaw na portal sa silid na kinaroroonan ng matandang babae at ng binata at saka inilabas nito ang isa sa mga dwende na tumulong kay Josh sa pagtulak ng maliit na planggana papalapit sa matandang babae nung nahimatay si Yvonne.

"Madam Hongganda!"

Tawag nung dwende kay Madam Hongganda habang tumatakbo na ito patungo sa kinaroroonan ng matandang dalaga at sa binata.

"Justin! Bakit ka naparito, hijo?"

Tanong ni Madam Hongganda kay Justin sabay baba ng kaniyang kamay upang buhatin ang dwende at saka inilapag ito sa lamesa.

"Pinapahanap po kasi samin ni Yvonne si Jervin. Kasi po hindi niya sinasagot ung text at tawag ni Yvonne."

Sagot ni Justin sa tanong sakaniya ni Madam Hongganda sabay upo nito sa lamesa upang magpahinga. Biglang nanlaki ang mga mata ni Jervin dahil sa oras na iyon niya lang napansin na hindi pala niya dala-dala ang kaniyang phone.

"Justin pangalan mo diba?"

Tanong ni Jervin kay Justin na naupo pa rin sa lamesa at nagpapahinga. Tinignan ni Madam Hongganda ang binata at saka tinapik nito ang braso ng binata, kaya't agad itong napalingon sa matandang babae.

"Tawagin mo siyang 'kuya', hijo. Mas matanda siya saiyo ng isang taon."

Istriktong sabi ni Madam Hongganda kay Jervin. Napataas ng parehong kilay ang binata at saka tinignan si Justin na tila ba'y parang walang pake sa dalawa habang patuloy pa rin itong nagpapahinga.

"Ilang taon na ba siya?"

Tanong muli ni Jervin habang dahan-dahan na niyang hinihimas ang brasong tinapik ni Madam Hongganda.

"19 years old."

Sagot ni Madam Hongganda sa tanong ni Jervin habang nakatingin na ito kay Justin.

"19 months ka pa lang?"

Takang tanong ni Jervin kay Justin habang tinitignan niya ang dwende gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Pinanlisikan ng mata ng dwende ang binata kaya't umayos ito ng pagkakaupo.

"Saan mo naman nakuha ang ideyang iyan, hijo?"

Takang tanong naman ni Madam Hongganda kay Jervin sabay tingin nito sa binata. Mabagal na tinignan ng binata ang matandang babae at saka itinaas muli ang kaniyang dalawang kilay.

"Kela… Yvonne at… Kuya Josh."

Nagdadalawang-isip na sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Madam Hongganda. Napatakip na lamang ng kaniyang mukha si Justin dahil sa sinagot ng binata, samantalang ang matandang babae nama'y napatingin na lamang sa dwende.

"Wag kang maniwala kela Kuya Josh at Yvonne. Ang isang taon samin ang katumbas rin ng isang taon ninyo. Malalakas lang talaga ang mga tama nun. Mga walang magawa."

Kumento ni Justin patungkol kina Yvonne at Josh sabay hilata nito sa lamesa. Tinignan naman nito ng masama ni Madam Hongganda sabay buntong hininga nito at iling.

"Justin hijo, nasaan ngayon sina Ibon at Josh?"

Mahinhin na tanong ni Madam Hongganda kay Justin sabay tingin ulit nito sa dwende. Naupo na ang dwende mula sa kaniyang pagkakahiga at saka tinignan ang matandang babae at si Jervin.

"Naglalaba po sila pareho. Pinaglaba po sila ng mga magulang po nila. Kasi po nahuli sila sa kalokohang ginawa nila kahapon."

Magalang na sagot ni Justin sa tanong ni Madam Hongganda sakaniya. Napabuntong hininga na lamang ang matandang babae at saka napailing muli.

"Ganuon talaga. Wala nang magagawa ang kanilang mga magulang kung ganuon na talaga ang kanilang mga anak. Mas mabuti na lang na tanggapin na lang nila kaysa lumala pa ang sitwasyon."

Kumento ni Madam Hongganda patungkol sakanila Yvonne, Josh at sakanilang mga magulang. Ilang segundo ang lumipas ay umayos na ng kaniyang upo ang matandang babae at saka nginitian si Justin. Agad namang tumayo ng maayos ang dwende at saka hinarap ang matandang babae.

"Ipaalam mo kay Ibon na naiwan ni Jervin ang kaniyang telepono sakaniyang kwarto at saka binibigyan ko siya ngayon ng kaalaman patungkol sa mga iba't ibang nilalang na mayroon sa mundo nating ito."

Sabi ni Madam Hongganda kay Justin habang nakangiti pa rin ito sa dwende. Tumango lamang ang binata at saka tumalon na pababa ng lamesa upang bumalik na kay Yvonne.

"Nakakaawa ang mga kabataang nagkaroon ng mga magulang na may mataas na inaasahan sakanila. Ni hindi man lamang nila naisip ang gusto ng kanilang mga anak."

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts