~Gabi~
"Class, dismiss."
Sabi ng kanilang huling guro sa gabing iyon. Nag-unahan ng lumabas ang magkakaklase sa kanilang silid-aralan at ang tanging naiwan na lang roon ay sina Melanie, Jervin at ang dalaga.
"T-Tamayo."
Nahihiyang tawag ni Melanie sa dalaga na nag-aayos ng kaniyang gamit. Napatingin sakanya ang dalaga at nginitian ito. Lalapitan na sana ni Jervin ang dalawa ngunit hinayaan niya munang mag usap ang dalawa nang...
"Hi, Melanie~"
Bati ng dalaga kay Melanie habang nakangiti pa rin ito sakanya.
"S-salamat pala sa pag comfort sakin k-kanina."
Pagpapasalamat ni Melanie sa dalaga. Natigil sa pag-aayos ng gamit ang dalaga at hinawakan ang mga kamay ni Melanie.
"Wala ka dapat ipagpasalamat sakin. Ang isipin mo na lang ay deserve mong mabigyan ng comfort dahil isa kang mabuting tao. Okay ba?"
Sabi ng dalaga kay Melanie sabay pakita ng okay sign rito. Nangiti si Melanie at niyakap ang dalaga. Nagulat si Jervin sa nangyari dahil wala siyang kaalam-alam kung ano ang napag-usapan nila Melanie at ng dalaga kanina.
"M-maraming salamat t-talaga Tamayo."
Pagpapasalamat muli ni Melanie sa dalaga. Yumakap pabalik ang dalaga sakanya at hinimas ang likod nito at kumawala na sa yakap ang dalawa.
"M-mauna na a-ako, baka kasi n-nandyan na ang s-sundo ko."
Nahihiyang pagpapaalam ni Melanie sa dalaga. Naglakad na papalapit si Jervin kina Melanie at sa dalaga.
"Ingat ka, Melanie~"
Sabi ng dalaga kay Melanie sabay kaway sakanya habang nakangiti. Tinignan na lang ni Jervin si Melanie ng walang kaalam-alam sa nangyari sa dalawang dalaga kanina.
"I-ingat din kayong d-dalawa ni J-Jervin."
Sabi ni Melanie sa dalaga sabay kaway sakanila at lakad na papalabas ng kanilang silid-aralan. Tinignan lang ni Jervin ang kaklase hanggang sa makalabas na ito ng kanilang silid-aralan habang ang dalaga nama'y tinuloy na ang pag-aayos ng kaniyang gamit.
"Magkaibigan na kayo ni Melanie?"
Tanong ni Jervin sa dalaga ng tuluyan nang nakalabas si Melanie. Sinarado na ng dalaga ang zipper ng kaniyang bag at isinuot na ito sa likod niya tsaka tinignan si Jervin habang nakangiti.
"Hindi pala lahat ayaw makipag-usap sakin~"
Sabi na lang ng dalaga kay Jervin at lakad na papalabas ng kanilang silid-aralan. Sinundan naman agad ito ni Jervin.
"Anong ibig mong sabihin Ibon?"
Tanong muli ni Jervin sa dalaga at sinabayan na ito sa paglalakad. Nagpatuloy lang sa paglalakad ang dalaga habang nakangiti at si Jervin nama'y nakatingin lang sa dalaga habang sinasabayan ito sa paglalakad. Inaabangan ng binata ang sagot ng dalaga sa kanyang tanong.
"May natitira pa palang mga kasing edad natin na mabait."
Sagot ng dalaga sa tanong sakanya ni Jervin. Napangiti na lamang ang binata dahil sa sinagot ng dalaga. Isinantabi na lang ni Jervin ang mga tanong na hindi sinasagot ng deretso ng dalaga at sinabayan na lamang ito sa paglalakad habang nakangiti ng kaunti.
"Saan ka pala nakatira Jervin?"
Tanong bigla ng dalaga kay Jervin habang hindi pa nito tinitignan ang binata. Hindi rin tinignan ni Jervin ang dalaga at nagpatuloy lang silang dalawa sa paglalakad.
"Dalawang sakay lang ng jeep galing dito sa school. Bakit?"
Sabi ni Jervin sa dalaga at tinignan na niyang muli ito. Napatingin na rin ang dalaga at nangisi.
"Wala naman… natanong ko lang."
Sagot ng dalaga kay Jervin, umiling at tumingin ng muli sa dinaraanan. Naitaas ng binata ang kanyang dalawang kilay dahil sa sinagot sakanya ng dalaga at tumingin na lang din sa kanilang dinaraanan.
"Ilan kayong magkakapatid?"
Tanong muli ng dalaga kay Jervin habang nakatingin pa rin silang pareho sa kanilang dinaraanan.
"Lima."
Sagot ni Jervin sa tanong sakanya ng dalaga. Bigla silang napatakip ng ilong dahil sa mabahong amoy na nanggagaling sa may bandang mapuno sa loob ng kanilang eskwelahan.
"Ganito talaga dito gabi-gabi?"
Tanong muli ng dalaga kay Jervin habang hindi maipinta ang mukha nito. Tinignan ni Jervin ang dalaga at natawa ito sa itsura niya.
"Oo. Kaya masanay ka na kung magtatagal ka sa school na 'to."
Sagot muli ni Jervin sa tanong sakanya ng dalaga habang natatawa pa rin dahil naalala niyang muli ang pagmumukha na ginawa kanina ng dalaga. Napatingin ang dalaga kay Jervin, nangiti at may pawang kumislap sa mga mata nito. Mga ilang hakbang pa ay narating na nila ang gate ng eskwelahan at huminto muna ng panandalian.
"San ka banda sasakay?"
Tanong ni Jervin sa dalaga at nagkatinginan na silang pareho. Umiwas ng tingin ang dalaga at tumingin sa kabilang banda ng kalsada.
"Dun sa kabila."
Sagot ng dalaga sa tanong sakanya ni Jervin at tumingin pabalik sa binata. Napatitig saglit si Jervin sa dalaga dahil sa maamong pagtingin nito sakanya.
"Halika na, sabay pala tayo, e."
Aya ni Jervin sa dalaga habang nakangiti. Nginitian pabalik ng dalaga ang binata at sabay na silang tumawid ng kalsada. At naghintay na ng jeep na masasakyan.
"Lagi ka bang nagdyi-jeep pauwi?"
Tanong ng dalaga kay Jervin habang nag-aabang ng jeep. Napangiti ang binata.
"Pag trip ko lang. Pero kadalasan, naglalakad lang ako."
Sagot ni Jervin sa tanong ng dalaga sakanya. Napatingin ang dalaga kay Jervin. Tinignan naman ng binata ang dalaga habang nakataas ang pareho nitong kilay. Napangiti bigla ang dalaga.
"Bakit trip mo ngayong sumakay ng jeep?"
Tanong nanaman ng dalaga kay Jervin. Napaiwas ng tingin ang binata at saktong nakakita na ng jeep na masasakyan.
"M-may jeep na! Bilisan mo!"
Sabi ni Jervin sa dalaga. Nagulantang ang dalaga ng hinawakan ni Jervin ang pulso nito at pinaunang sumakay ng jeep. Pagka-akyat ng dalaga'y sumunod naman si Jervin at nagtabi sila.
"Ganito lagi pag uwian?"
Tanong muli ng dalaga kay Jervin habang kumukuha na ng pamasahe ang binata.
"Oo, palaging ganto. Kaya kadalasan mas pipiliin ko na lang maglakad."
Sagot ni Jervin sa tanong ng dalaga. Tinignan ni Jervin ang dalaga at nakita nito na wala siyang kinuhang pamasahe. Iniabot ng binata ang kanyang bayad at...
"Bayad! Dalawang estudyante ung bente!"
Sabi ni Jervin habang inaabot na ng ibang pasahero ang kanyang bayad. Napatingin ang dalaga kay Jervin habang nanlalaki ang mga mata nito dahil sa gulat. Bigla na lang hinampas ng dalaga si Jervin.
"Aray! Bakit!?"
Reklamo ni Jervin sa dalaga dahil sa pag hampas nito sakanya. Tinignan ng dalaga ang binata habang malapit nang maging isa ang kilay nito kakakunot nito. Tinignan naman ni Jervin ng may pagtataka sa kanyang mukha ang dalaga. Napabusangot na lamang ang dalaga at umiwas na lang ng tingin.
"Ung sukli ng bente, oh!"
Sabi nung driver sabay abot ng sukli sa mga pasahero para iabot ito kay Jervin. Tinitigan muna ng bahagya ni Jervin ang dalaga bago kunin ang sukli nito. At bumyahe ang dalawa ng tahimik kasama ang iba pang mga pasahero ng jeep. Maya-maya pa ay tumigil na ang jeep sa unang babaan nito.
"Ingat ka sa pag-uwi."
Sabi ni Jervin sa dalaga bago bumaba ng jeep. Hindi sumagot ang dalaga dahil tinatakpan lang nito ang kanyang pagmumukha gamit ang sarili niyang bag. Nang umandar na ang jeep ay nanatiling nakatayo si Jervin dahil naguguluhan siya sa dalaga.
Hello po~!! Please vote, rate and support my story!!! Maraming salamat po sa pagbabasa ng story ko.
Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong story na ginawa.
"Love Yourself: Wonder" po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story, too!!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo~!!