webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
205 Chs

Eskwelahan 14

~Hapon~

Habang abala ang guro sa pagtatalakay ng aralin ng kaniyang mga estudyante ngayon ay mayroong dalawang estudyante sa likurang bahagi ng silid-aralan ay mayroong ibang ginagawa.

"Ano ba yan! Gusto ko na mag sabado! Bakit huwebes pa lang?!"

Reklamo ni Melanie sabay upo sakaniyang upuan ng walang gana. Pabirong ginaya naman ito ni Yvonne sabay tingin kay Jervin na bahagyang natawa sakaniyang ginawa.

"Ano ba meron sa sabado?"

Tanong ni Yvonne kay Melanie sabay ayos na niya ng upo sa gitna ng kaibigan at ni Jervin. Umayos na rin ng pagkakaupo ang kaibigan at saka napabuntong hininga habang nakangiti ito.

"Magde-date ulit kami ni Jay."

Nakangiting sagot ni Melanie sa tanong sakaniya ni Yvonne sabay tingin na sa dalaga habang nakangiti. Bahagyang pinanlakihan ng mga mata ng dalaga ang kaibigan dahil sa narinig nito, kaagad ding nilingon ni Jervin ang kaibigan at saka tinignan na rin ang dalaga sakaniyang tabi.

"A-ahh… k-kaya…"

Nauutal-utal na tugon ni Yvonne kay Melanie habang nakangiti ito ng pilit.

"Oo nga pala… ba't absent kayo kahapon ni Jervin?"

Takang tanong ni Melanie kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga.

"Uhh… a-ano… k-kase…"

"May importanteng lakad lang kaming pinuntahan kahapon."

Sagot ni Jervin sa tanong ni Melanie kay Yvonne sabay tingin at ngiti nito sa kaibigan. Tumango ang kaibigan bilang tugon.

"Ahh… sana naman sa susunod sabihan niyo muna ako bago kayo umabsent. Wala akong kausap dito sa room, e, tapos di ako nirereplayan ni Jay kahapon.

Nakasimangot na sabi ni Melanie kila Yvonne at Jervin sabay kuha na ng kaniyang phone at panay pindot na roon.

"Kelan mo sasabihin kay Melanie ung nangyari sainyo ni Jay?"

Mahinang tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin na sa dalaga sakaniyang tabi. Nagkibit balikat na lamang ang dalaga bilang sagot sa binata.

"Ay, Tamayo."

Biglang tawag ni Melanie kay Yvonne sabay tigil nito sa pagkalikot ng kaniyang phone. Mabilis na nilingon ng dalaga ang kaibigan at saka inosente itong tinignan.

"A-ano un, M-Melanie?"

Nauutal na tanong ni Yvonne kay Melanie habang nakangiti ng pilit ito sa kaibigan at nakatingin pa rin dito.

"Matagal na ba kayo magka kilala ni Jay?"

Tanong pabalik ni Melanie kay Yvonne habang hindi ito tinitignan. Agad na nilingon ng dalaga si Jervin na tila ba'y parang nanghihingi ng payo mula sa binata.

"Sabihin mo na."

Bulong ni Jervin kay Yvonne habang pinanlalakihan nito ng mata ang dalaga sakaniyang tabi. Umiling lamang ang dalaga, napalunok at saka nilingon nang muli si Melanie.

"O-oo… m-mga bata p-pa lang kami… m-magk-kakilala na k-kami… k-kaso… nagkaroon k-kami ng a-away…"

Paputol-putol na sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Melanie habang unti-unti nang nawawala ang kaniyang pilit na ngiti sa kaibigan. Natawa ng bahagya ang kaibigan sa sinabi sakaniya ng dalaga.

"Feeling ko nagmukha akong tanga sa harap ninyo pareho."

Tanging sabi ni Melanie kay Yvonne sabay tingin na sa dalaga at saka nginitian ito ng pilit. Bahagyang nagulantang ang dalaga sa sinabi ng kaibigan kaya't napaiwas ito ng tingin.

"Sorry, Melanie."

Paghingi ng tawad ni Yvonne kay Melanie habang hindi pa rin nito tinitignan ang kaibigan. Napabuntong hininga na lamang ang kaibigan at saka Kinalikot nang muli ang kaniyang phone. Ilang saglit pa ay hinawakan na ni Jervin ang balikat ng dalaga habang nakangiti kaya't agad itong napatingin sa binata.

"Wala ka dapat ihingi ng tawad, Yvonne. Hindi mo naman kasalanan ung nangyari sa pagitan niyo ni Jay, e."

Nakangiting sabi ni Jervin kay Yvonne habang hawak pa rin nito ang balikat ng dalaga at saka nakangiti. Nginitian ng bahagya ng dalaga ang binata at saka umiwas na ng tingin.

"Goodbye, class."

"Goodbye and thank you, Ma'am~!"

"Tara pre, cutting tayo."

"Inom tayo mga boss."

"Kain muna tayo bago inom!"

"Kaninong bahay?"

"Kanino pa ba? Edi saken!"

"Yown!"

"Kaya lodi talaga kita boss Albin, e!"

"Tara na, tara na! Baka mahuli pa tayo, e!"

"Inuman~! Inuman~! Inuman~!"

"Waaahhhh! Shot tayo~!"

"Albin! Albin! Albin!"

"Bili na rin tayo ng sigarilyo pagka tapos kumain!"

"Wooo!"

"Sigurado ba kayong private school 'to?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Yvonne kila Jervin at Melanie habang naguguluhang tinignan ang kanilang mga kaklaseng lalaki na sama-samang magka-cutting. Napabuntong hininga na lamang ang binata sabay kuha ng kaniyang phone mula sakaniyang bulsa upang maglaro nang hindi at walang balak tignan ang kanilang mga kaklaseng lalaki na magka-cutting.

"Pabayaan mo na lang sila. Halos karamihan sakanila galing sa public school, e."

Sagot ni Melanie sa tanong ni Yvonne sakanilang dalawa ni Jervin habang tinitignan din nito ang kanilang mga kaklaseng lalaki na magka-cutting para lamang mag-inuman at manigarilyo.

"Buti natitiis niyo pa sila."

Kumento ni Yvonne habang hindi pa rin nito inaalis ang kaniyang tingin sakanilang mga kaklase na lumalabas na mula sakanilang silid-aralan.

"Wala na rin naman na tayong choice, e."

Sabi ni Melanie kay Yvonne at saka kinalikot nang muli ang kaniyang phone. Habang patuloy pa ring tinitignan ng dalaga ang kanilang mga kaklase na nagsisilabasan sakanilang silid-aralan ay naglakad na papalapit sa dalaga sina Ceejay, Jasben at Angela habang nakangiti ito.

"Tamayo~ gusto mo bang sumama samin sa canteen?"

Masayang pag-aaya ni Jasben kay Yvonne nang makatayo na silang tatlo nila Ceejay at Angela sa tapat nila Jervin at ng dalaga. Kaagad na napatingin ang binata at ang dalaga sa tatlo nilang kaklase na nakatayo sa harapan nila at saka nagkatinginan ang binata at dalaga sa isa't isa.

"Sama ka?"

Tanong ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin pa rin ito sa binata. Tumango ang binata sa dalaga bilang tugon nito rito habang nakatingin pa rin ito sa dalaga. Dahan-dahang tinignan ng dalaga sila Jasben, Angela at Ceejay na iniintay ang kaniyang sagot ngunit agad niyang iniwas ang kaniyang tingin sa tatlo at saka hinarap na si Melanie.

"Dito lang ako sa classroom. May baon naman ako ngayon, e."

Sabi ni Melanie kay Yvonne bago pa man ito mapakagtanong sakaniya. Tinikom na lamang ng dalaga ang kaniyang bibig at saka mabilis na hinarap ang tatlong kaklase nang nakangiti.

"Sama kami~"

Masayang sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya kanina ni Jasben sabay kuha na ng kaniyang wallet mula sakaniyang bag at saka tumayo na. Ganuon din ang ginawa ng binata at saka nginitian ng bahagya ang tatlo.

"Tara na~! Nagugutom na ako, e~!"

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts