webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
205 Chs

Enchanted Forest 13

~Umaga~

"Anong ginagawa mo Jervin?!"

Galit na tanong ni Jay kay Jervin habang galit na nitong tinitignan ang binata, ngunit hindi siya pinansin nito at ngumisi lamang habang sinasamaan na ng tingin si Dalis. Dahil sa nakita ng kababata sa binata ay napalitan na ng pagka gulo ang galit nitong tingin sa binata at nanahimik na lamang sa tabi. Nang tumigil na ang matandang babae sa harapan nila Anna, Hendric, Liyan at Melanie ay tumayo na ito ng tuwid at saka yumuko na.

"Nawa'y matanggap ninyo ang aking paghingi ng tawad sainyo sapagkat ako ang nag-utos saaking apo na si Daisy na paslangin ang dalagang si Yvonne Tamayo."

Sabi ni Dalis sa apat na kaibigan ni Yvonne na nakatayo sakaniyang harapan habang nakayuko pa rin ito sakanila. Ang mga nakarinig na Balderas at mga Diwata ay nanlaki ang mga mata at napatakip na lamang ng bibig ang iba dahil sa sinabi ng matandang babae.

"Sa pagkaka alam ko ay nag usap-usap sila Dalis, Yvonne at Jay sa La Vie En Rose bago pa man sila magpunta rito."

"Kung ganun naman pala ang nangyari ay bakit niya pa iniutos sakaniyang apo na paslangin si Yvonne?"

"Hindi kaya mayroon siyang malaking galit sa lola ng dalagang iyon na si Beatrice?"

"Possible."

"Pero ano naman kaya ang dahilan?"

"Ang pagkaka alam ko ay kilala sina Beatrice, Josephine, Jacqueline at Hongganda sakanilang siyam na magkakaibigan sa eskwelahan na kanilang pinasukan noong kabataan pa nila. Iyon siguro ang dahilan."

"Mayroon kang punto riyan."

Bulungan ng mga Balderas at ng mga Diwatang nakatayo sa likuran nila Hendric, Liyan, Anna at Melanie. Napayuko na lamang si Liyan at naghugis kamao na ang kaniyang mga kamay. Galit na tinignan naman ni Anna si Dalis, habang si Hendric naman ay sinasamaan na ng tingin ang matandang babae gamit ang kaniyang lumuluha nang mga mata at nakahugis kamao na rin ang mga kamay habang nanginginig na ito dahil sa galit. At si Melanie nama'y napaupo na lamang sa lupa habang umiiyak at nakatingin na sa kawalan.

"Ano ang kaganapan rito?!"

Galit na tanong ni Aneska habang nakatayo na ito sa harapan ng mga Balderas at ng mga Diwata na mula sakaniyang angkan at sa likuran ng apat na kaibigan ni Yvonne. Nakatayo naman sa bandang kanan ng Diwatang mayroong kulay asul na buhok si Hongganda na katabi naman sina Ceejay at Angela, habang nakatayo naman sa bandang kaliwa ng Diwata si Dezso. Mabilis na napalingon sina Anna at Hendric sa Diwatang mayroong kulay asul na buhok, habang sina Liyan at Melanie nama'y hindi gumalaw at hindi rin umimik.

"Madam Aneska… Madam Hong…"

Naiiyak na tawag ni Anna kila Aneska at Hongganda habang palipat-lipat na ang tingin nito sa Diwata at sa matandang babae. Nagdikit na ang kilay ng Diwata, habang ang matandang babae nama'y napakunot na ng noo. Nagtinginan na sa isa't isa ang Diwata at ang matandang babae at saka muling ibinalik ang kanilang tingin sa dalagang tumawag sakanila.

"Ano ang nangyari Anna? Bakit ganiyan kayo?"

Malumanay na tanong ni Hongganda kay Anna habang dahan-dahan na itong naglalakad papalapit sa kinatatayuan ng dalaga. Tumingin na sila Hendric at ang dalaga sa direksyon ni Jervin na karga pa rin ang malamig nang bangkay ni Yvonne, dahilan upang tumingin na rin ang matandang babae sakanilang tinitignan at agad na nanlambot ang mga tuhod, namutla ang mukha at nanlamig ang mga kamay nito. Mabilis na sinalo nila Ceejay at Angela ang matandang babae, at nang masalo na nila ito ay agad nilang tinignan ang direksyon na tinignan ng matandang babae. Nagulantang ang magkaibigan nang makita ang dalaga na wala nang buhay at karga ng binata ang malamig na bangkay nito.

"Yvonne…"

Malungkot na tawag ni Ceejay kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa bangkay ni Yvonne at inaalalayan na nilang dalawa ni Angela si Hongganda na tumayo. Napatakip na lamang ng bibig si Aneska nang makita na rin si Jervin na karga ang bangkay ng dalaga, habang si Dezso nama'y pinanlakihan na lamang ng mga mata ang bangkay ng dalaga at bahagyang napa nga nga ng bibig.

"Inuulit kong muli… nawa'y sana matanggap ninyo ang aking paghingi ng tawad sainyo sapagkat ako ang nag-utos saaking apo na si Daisy na paslangin ang dalagang si Yvonne Tamayo. Ako na mismo ang susuko sa SCOWW at pagbabayaran ko ang aking kasalanan sa bilangguan."

Sabi ni Dalis sakanilang lahat na naroroon habang nakatayo pa rin ito at nakayuko. Agad nang iniangat ni Liyan ang kaniyang ulo, galit nang tinignan ang matandang babae at saka itinapat na ang kamay nito roon, dahilan upang tumingala na ang matandang babae at saka lumutang na sa ere. Tila ba'y mayroong pilit na tinatanggal ito sakaniyang leeg habang pinapa lutang pa rin siya ng dalaga.

"Liyan!"

Sabay na sigaw nila Anna at Hendric kay Liyan at mabilis nilang pinag tulungan ang dalaga na ibaba ang kamay nito na nakatapat kay Dalis, dahilan upang bumagsak na ang matandang babae sa lupa at saka umubo.

"Bitawan niyo ako! Dapat lang na mamatay si Dalis dahil iniutos niya na patayin si Yvonne!"

Sigaw ni Liyan kila Hendric at Anna habang sinusubukan na nitong kumawala mula sa hawak ng dalawa nitong kaibigan. Umiling na lamang si Anna habang hinihigpitan na nito ang kaniyang pagkakahawak sa kaibigan at umiiyak na, samantalang si Hendric nama'y pinipigilan ang kaniyang mga luha habang patuloy pa rin nitong hinahawakan ang kaibigan.

"Ano ang nangyayari rito?"

Takang tanong ni Jacqueline sa mga Diwata at mga Balderas na naka harang sakaniyang harapan. Nilingon na siya ng mga Diwata at ng mga Balderas at saka binigyan na sila ng espasyo upang makalapit sila sa kinaroroonan nila Aneska. Takang tinignan ng matandang babae ang mga nakapalibot sakanila gamit ang kaniyang namumulang mga mata at saka nagsimula nang maglakad. Nakasunod lamang sakaniyang likuran si Kimberly na hawak ang tali na naka tali sa mga kamay ng lumulutang na walang malay na si Daisy at saka si Lyka na hawak pa rin hanggang ngayon ang posas ni Paulina na tulog pa rin at patuloy pa ring lumulutang sa ere.

"Aneska?"

Tawag ni Jacqueline kay Aneska habang nakatayo na ito sa likuran ng Diwata. Mabilis na nilingon ng Diwata ang matandang babae gamit ang naluluha nitong mga mata. Napabuntong hininga na lamang ang matandang babae at saka tinanguan na ang Diwata sakaniyang harapan.

"Alam ko… sinabi na saakin ni Kimberly ang mga nangyari. Halina tayo't dalhin na natin ang mga nararapat na dalhin sa SCOWW upang pagbayarin sakanilang mga kasalanan sapagkat umaga na at sigurado ako na naroroon na rin ang mga miyembro ng SCOWW."

~ Don’t let someone snapped because of you. They might kill you if you do. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts