~Umaga~
"Nagbalik na sila!"
Sigaw ni Thomas habang nakaupo ito sa tabi ni Tazara at nakatingin na kila Melanie, Liyan at Anna na mayroong mga mapupulang mga mata at magkahawak ng mga kamay. Agad na nagsi lapitan ang ibang kamag-anak ng mga Balderas at ang mga Diwata na nanggaling sa angkan ni Aneska sa tatlong babae.
"Anong ginawa ninyo sa bangin? Bat galing kayo dun?"
"Nasan na ung iba niyo pang kasama? Bat kayong tatlo pa lang ung bumabalik?"
"May iba ba kayong kinalaban sa bangin?"
"Ano ang kaganapan sa talampasan?"
Sunod-sunod na tanong ng mga nagsi lapitan sa tatlong dalaga. Umiling na lamang sila bilang tugon sa mga tanong na ibinigay sakanila at saka tumingin na sila sakanilang likuran. Tinignan na rin nila ang direksyon na tinignan ng mga dalaga at nasilayan sila Hendric at Jay na naglalakad na papalapit sa kinaroroonan ng tatlong dalaga.
"Ano kaya ang nangyari, bakit ganiyan ang kanilang mga mata?"
"May namatay ba?"
"Natalo kaya sila sa isang labanan?"
"Kung natalo sila edi hindi sana sila naka paglakad pabalik dito."
"Ayos lang kaya sila?"
"Teka, parang may kulang pa na dalawa."
"Kilala mo ba ung dalawa?"
Usap-usap ng mga nakapalibot na mga mangkukulam, mga salamangkero at mga Diwata sa dalawang binata at sa tatlong dalaga. Ilang saglit pa ay lumitaw na si Jervin at naglalakad na papalapit sakaniyang mga kaibigan habang nakayuko ito at karga si Yvonne na pang bridal style. Nanlaki ang mga mata ni Thomas nang makita ang dalaga na karga ng binata at tila ba'y pawang walang malay. Agad nitong iniwan si Tazara at mabilis na tumakbo papalapit sa binata at dalaga.
"Yvonne. Yvonne. Anong nangyari kay Yvonne? Bakit hindi siya gumigising?"
Tanong ni Thomas kay Jervin habang pabalik-balik ang tingin nito kay Yvonne at sa binatang may karga sa dalaga. Hindi umimik ang binata sapagkat umiyak na lamang ito habang tinitignan na ang dalagang kaniyang karga. Nagdikit na ang kilay ng apo ni Tazara at saka umiling habang tinitignan na nito ang binatang kaniyang tinanong.
"Hindi… hindi pa siya pwedeng mamatay. Hindi… hindi pa ako nakakapag pasalamat sakaniya."
Sabi ni Thomas sabay hawak na nito sa malamig na kamay ni Yvonne habang tinitignan na nito ang dalagang wala nang buhay. Nanahimik na ang lahat nang marinig na patay na ang inaakala nilang mangkukulam na tinutukoy sa propesiya.
"Daisy Sebastian."
Biglang sabi ni Jay mula sa kawalan habang nakayuko na rin ito at naka hugis kamao na ang kaniyang mga kamay. Nagsi tinginan ang mga Diwata at ang mga Balderas sa binatang biglang nagsalita na naroroon malapit sakanilang kinaroroonan at isa-isa nang nagdikit ang mga kilay ng mga ito at takang tinignan ang binata.
"Pinatay niya si Yvonne."
Dagdag pa ni Jay sakaniyang sinabi sabay tingin na nito ng masama kay Dalis na naglalakad na papalayo sakanila. Bigla na ring tinignan ni Jervin si Dalis at saka pinanlisikan ito ng tingin, dahilan upang huminto sa paglalakad ang matandang babae, umikot paharap sakanila at saka mabilis na lumutang papalapit sa kinaroroonan ngayon ng kababata ng binatang may karga kay Yvonne. Takot nang tinignan ng matandang babae ang binata na nasa likuran nila Liyan, Anna at Melanie habang umiiyak na ito.
"J-J-Jay… hijo… n-nagka mali ako s-saiyo. P-pakiu-usap… p-patawarin m-mo ako. Ng-ngayong pagkakataon l-lamang… hijo…"
Pautal-utal na paghingi ng tawad ni Dalis kay Jay habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata nang umiiyak at ang tangi lamang niyang nagagalaw ay ang kaniyang ulo. Ang mga nakahugis kamaong mga kamay ng binata ay nanginginig na dahil sa galit nito, habang ang mga mata naman ni Jervin kay unti-unti nang sinasakop ng kulay itim at dahan-dahan na rin itong lumulutang. Nang mapansin ni Thomas na unti-unting umangat ang kamay at ang mukha ni Yvonne ay tinignan niya na ang binatang may karga sa dalaga, pinanlakihan ito ng mga mata at mabilis na umatras papalayo sa dalawa habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata.
"Ang propesiya… nagka mali ako ng taong pilit angkinin."
Sabi ni Tazara sakaniyang sarili habang nakaupo pa rin ito sa lupa na pinag iwanan ni Thomas sakaniya at tinitignan na si Jervin na unti-unti nang lumulutang sa ere. Akma na sanang sasapakin ni Jay si Dalis habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang matandang babae nang bigla itong lumutang pataas, dahilan upang pumalya ang kaniyang suntok para sa matandang babae. Nagulantang ang lahat ng mga nakakita sa pangyayari at sinundan lamang ng tingin ang lumulutang na matandang babae. Mas lalu pang nagulantang ang mga naroroon nang makita na ang binatang may karga kay Yvonne ay lumulutang na rin sa ere habang karga pa rin ang dalagang wala nang buhay.
"I-i-ikaw… i-isa ka l-lamang ordin-naryo… p-paano… b-bakit… i-ikaw…"
Pautal-utal na sabi ni Dalis kay Jervin habang takot na nitong tinitignan ang binata sakaniyang harapan. Ilang saglit pa ay nakuha na ni Yvonne ang atensyon ni Dalis at tinignan na siya ng matandang babae.
"Kilala mo ba kung sino ang may gawa nito kay Yvonne?"
Tanong ni Jervin kay Dalis habang patuloy pa rin nitong sinasamaan ng tingin ang matandang babae gamit ang kaniyang itim na mga mata. Umiling ang matandang babae bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng binata at sinubukang kumawala sa mahika ng binata, ngunit bigo ito.
"Hindi… hindi magagawa iyon ng aking apo… hindi magagawang pumatay ng aking pinakamamahal na apo… hindi ako naniniwala saiyong sinasabi… hindi…"
Sabi ni Dalis kay Jervin habang umiiyak pa rin ito at umiiling pa rin. Pinanlisikan na ng tingin ng binata ang matandang babae, dahilan upang lumipad ito papalapit sa kinaroroonan nito at ni Yvonne at saka inilapat ang palad ng matandang babae sa noo ng dalagang kaniya pa ring karga gamit ang kaniyang mahika.
"Ayaw mong maniwala? Gusto mong makita gamit ng sarili mong mga mata? Pag bibigyan kita."
Sabi ni Jervin kay Dalis habang tinitignan na nito ang mga nanlalaki nang mga mata ng matandang babae, dahilan upang tumirik ang mga mata nito at mawalan bigla ng malay.
"P-paano ako napunta rito sa Unity Locale?"
Tanong ni Dalis sakaniyang sarili habang napapaligiran siya ng iba't ibang nilalang na umikot at namimili pa rin sa mga tindahan sa Unity Locale kahit madaling araw na. Ilang segundo pa ay nanlaki ang kaniyang mga mata at mabilis na napatingin sa talampasan sa itaas na bahagi ng Unity Locale.
"Daisy!"
~ Choosing yourself is not a selfish act, its realizing your worth. ~
Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!
Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!