webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
205 Chs

Dionisio's Mini Grocery

~Umaga~

"Anna~!"

Masayang tawag ni Yvonne kay Anna habang bitbit ang kaniyang bag at naglalakad na ito papasok sa mini grocery ng mga Dionisio. Nakasunod lamang si Jervin sa likuran ng dalaga habang dala-dala ang kaniyang bag at tinitignan ang loob ng mini grocery na iyon.

"Anong oras ba dapat tayo magsimula magtrabaho, Yvonne?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin silang naglalakad patungo sa opisina ng mini grocery na iyon. Nagkibit balikat lamang ang dalaga bilang sagot sa tanong ng binata nang hindi ito tinitignan.

"Anna Dionisio~!"

Tawag muli ni Yvonne kay Anna habang patuloy pa rin itong naglalakad. Inikot-ikot lamang ni Jervin ang kaniyang paningin sa loob ng mini grocery habang sinusundan pa rin ang dalaga. Ilang saglit pa ay lumabas na ang kaibigan ng dalaga mula sa loob ng opisina sa pinakang loob ng mini grocery.

"Ano ba!? Ang ingay mo namang Ibon ka!"

Inis na sigaw ni Anna kay Yvonne habang sinasalubong na nito ang dalaga at si Jervin. Nginitian lamang ng dalaga ang kaibigan at saka kinawayan ito nang magkaharap na sila ng malapitan. Pinanlisikan lamang ng tingin ng kaibigan ang dalaga at saka binatukan ito.

"Aray! Masaket!"

Reklamo ni Yvonne kay Anna sabay himas na ng kaniyang ulo at nguso. Nagulantang si Jervin dahil sa ginawa ng kaibigan sa dalaga. Tinalikuran lamang ng kaibigan ang dalaga't binata at saka naglakad na patungo sa bodega ng kanilang mini grocery.

"Dala niyo naman na mga uniforms niyo pang school, noh?"

Mahinhing tanong ni Anna kila Yvonne at Jervin nang makapasok na silang tatlo sa loob ng bodega ng mini grocery.

"Oo."

Sagot ni Jervin sa tanong ni Anna sabay lapag na ng kaniyang bag sa pinakamalapit na lamesa sakaniya. Si Yvonne nama'y hinahalukay ang kaniyang bag at doon na lumabas si Josh mula sa bulsa ng bag ng dalaga.

"Wag mong sabihin na nakalimutan mong ilagay sa bag mo ung uniform."

Sabi ni Josh kay Yvonne habang nakatayo na ito sa harapan ng dalaga habang naka cross arms.

"Seryoso ba?"

Natatawang tanong ni Anna kay Yvonne habang pinapanuod lamang niya na maghalukay sa bag ang dalaga. Tinignan na rin ni Jervin ang dalaga na patuloy pa rin sa paghalukay sa bag nito at si Josh nama'y tinakpan na lamang ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang kamay.

"Tama na yang paghahalukay mo Bon! Bumalik na lang kayo ni kuya Josh sa bahay niyo tas kunin mo na ung uniform mo para dire-diretso na kayo mamaya ni Jervien."

Sabi ni Anna kay Yvonne habang naglalakad na ito papalapit sa dalaga at kay Josh. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga at saka tinignan ang dwende sakaniyang paanan.

"Tara na nga kuya Josh. Akala ko nalagay ko na kanina sa bag, e."

Sabi ni Yvonne kay Josh habang matamlay na naglalakad papalabas ng bodega. Sumunod lamang ang dwende sa binata habang nakasimangot ito.

"Masyado ka kasing excited makita si Jervin, e."

Kumento naman ni Josh kay Yvonne nang makalabas na sila ng tuluyan sa bodega. Hinarap na ni Anna si Jervin at saka nginitian ito, kinilabutan naman bigla ang binata at saka napaatras ng kaunti.

"Andun ung locker na gagamitin niyo, Jervien. Nasa loob ung damit na susuotin mo tuwing nagtatrabaho ka dito sa mini grocery namin."

Sabi ni Anna kay Jervin sabay turo ng locker na malapit sa lamesang pinagpatungan ng binata ng kaniyang bag. Sinundan naman ng tingin ng binata ang turo ng kaibigan at saka nakita ang dalawang bukas na locker.

"May cr sa tabi ng locker, dun ka na lang magpalit ng damit Jervien."

Sabi ni Anna kay Jervin habang naglalakad na ito palabas ng bodega. Agad na nilingon ng binata ang kaibigan at saka pinanlisikan ito ng tingin.

"Jervin!"

Pagtatama ni Jervin ng kaniyang pangalan kay Anna at saka naglakad na patungo sa bukas na locker. Pinagmasdan niya ang unipormeng nakasabit sa loob ng locker at saka napabuntong hininga na lamang.

Makalipas ng ilang segundo ay kinuha na niya ang uniporme sa loob ng locker at saka pumasok na sa cr upang makapagpalit na. Maya-maya ay nakabalik na si Yvonne sa bodega kasama si Josh at kaagad na nilapitan ang bukas na locker na may unipormeng nakasabit sa loob.

"Kailangan ko ba talagang suotin 'to kuya Josh?"

Tanong ni Yvonne kay Josh habang tinititigan lamang ang uniporme sa loob ng locker. Napabuntong hininga na lamang ang dwende na nakaupo sa balikat ng dalaga.

"Bibigyan ka ba niyan ni Anna kung hindi mo kailangang suotin yan?"

Tanong pabalik ni Josh kay Yvonne habang tinitignan na rin ang uniporme sa loob ng locker. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga, kinuha na ang uniporme sa loob ng locker at nagtungo na sa cr.

Ngunit bago pa man mabuksan ng dalaga ang pintuan ng cr ay kusa na itong bumukas at inilabas si Jervin na nakasuot na ng unipormeng kapareho ng hawak ng dalaga. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang masilayan ang binata.

"Woah~ Kahit anong damit siguro ang isuot mo, Jervin, bagay sayo lahat."

Kumento ni Yvonne kay Jervin habang tinitignan nito ang binata mula ulo hanggang paa habang nakangiti ito. Kumislap naman ang mga mata ng binata sa narinig nito mula sa dalaga at napangiti ng bahagya.

"May sinabi ba si Anna kanina nung pagka-alis namin ni Yvonne kanina?"

Tanong ni Josh kay Jervin habang nakaupo pa rin ito sa balikat ni Yvonne. Tinignan ng dalaga ang binata na parang batang hinihintay ang pagpayag ng kaniyang magulang na bilhan ang laruang gusto nito.

"Wala naman."

Simpleng sagot ni Jervin sa tanong ni Josh sakaniya habang nakangiting tinitignan nito si Yvonne na nakatingin din sakaniya. Kinalabit bigla ng dwende ang dalaga sakaniyang leeg kaya't bahagyang nagulantang ang dalaga at agad na inilapit ang kaniyang kamay sa dwende.

"Intayin niyo ako dito ni kuya Josh, magpapalit na ako."

Sabi ni Yvonne kay Jervin habang maingang nitong nilalapit ang kaniyang kamay na kinatatayuan ni Josh sa binata. Mabilis namang inilapat ng binata ang kaniyang kamay upang lipatan ni Josh.

"Bilisan mo Yvonne, ha! Mabagal ka pa namang kumilos!"

Sabi ni Josh kay Yvonne nang makalipat na ito sa kamay ni Jervin. Pinanlisikan lamang ng tingin ng dalaga ang dwende at saka nginitian naman ang binata na nginitian naman din siya pabalik. Tiningala ng dwende ang binata at saka sinamaan ito ng tingin.

"Wag mong tignan ng ganiyan si Jervin, kuya Josh. Baka hindi na kita isama sa susunod."

Nakangiting sabi ni Yvonne kay Josh habang papasok na ito sa cr upang makapagpalit na ng damit. Tinignan ni Jervin ang dwendeng nakatayo sakaniyang kamay at nasilayan itong nakatingin sakaniya ng masama kaya't agad itong napaiwas ng tingin.

"Kung hindi dahil sakin hindi mo maaaya si Jervin na maging isang wizard! Tandaan mo yan!"

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts