webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
205 Chs

Anonuevo's Residence 6

~Madaling araw~

"Ano na pakiramdam mo Jervin?"

Tanong ni Yvonne kay Jervin habang nakahiga ang binata sakaniyang kama. Sinubukang umupo ng binata sakaniyang kama ngunit biglang sumakit ang kaniyang ulo.

"Humiga ka muna."

Sabi ni Yvonne kay Jervin habang inaalalayan na nito ang binata na humigang muli sakaniyang kama. Napabuntong hininga si Liyan na nakatayo sa likuran ng dalaga habang nakatingin sa binata.

"Ano bang iniisip mo? Bakit ka uminom ng potion ko? Gusto mo bang malaman ang iniisip ni Yvonne?"

Sunod-sunod na tanong ni Liyan kay Jervin sabay cross arms nito sa binata at saka iniwas na ang kaniyang tingin. Nanahimik lamang si Yvonne at saka hinawakan ang kamay ng binata habang nakangiti.

"Sorry."

Paghihingi ng tawad ni Jervin kila Yvonne at Liyan habang nakatingin ito sa dalaga. Napabuntong hiningang muli ang kaibigan ng dalaga at saka inalis na ang kaniyang cross arms.

"Para sayo, anong lugar ang pinaka nakakatakot sa lahat?"

Tanong muli ni Liyan kay Jervin sabay tingin na nito sa binatang nakahiga sa sariling kama nito. Dahan-dahang tumingin ang binata sa bintana sakaniyang kwarto at saka huminga ng malalim.

"Dati, sa tingin ko… ang pinaka nakakatakot na lugar sa lahat ay ang haunted house. Pero nung napasok ko ang isipan ni Yvonne… ngayon, masasabi ko na ang pinaka nakakatakot na lugar sa lahat ay ang isipan ng iba."

Sagot ni Jervin sa tanong ni Liyan sakaniya habang nakatingin pa rin siya sa bintana ng kaniyang kwarto. Napahawak ang kaibigan ng dalaga sa sarili niyang ulo at naglakad papalayo sa kama.

"Bakit ko ba naimbento ung potion na un?"

Tanong ni Liyan sakaniyang sarili habang pabalik-balik na naglalakad sa loob ng kwarto ni Jervin. Si Yvonne ay tahimik lang na nakaupo sa tabi ng binata habang Malumanay niyang hinahaplos ang kamay ng binata.

"May mga side effects ba ang pag-inom ng potion na un?"

Tanong ni Jervin kay Liyan sabay tingin na nito sa kaibigan ni Yvonne na pabalik-balik pa ring naglalakad sa loob ng kaniyang kwarto. Napatigil sa paglalakad ang kaibigan ng dalaga at saka tinignan ang binata.

"Kalungkutan. Panghihina. Pagka-hilo. Walang ganang kumain. Tuloy-tuloy na pag-iyak. Sorry pero walang magandang side effect ang potion ko na un."

Sagot at paghihingi ng tawad ni Liyan kay Jervin habang Malungkot nitong tinignan ang binata at saka yumuko. Napabuntong hininga ang binata dahil sa sinabi sakaniya ng kaibigan ng dalaga at saka iniwas nito ang kaniyang tingin.

"Hanggang kelan 'to tatagal?"

Tanong ni Yvonne kay Liyan sabay tingin nito sa kaibigan habang hawak pa rin ang kamay ni Jervin. Tinignan ng kaibigan ang dalaga at saka nginitian ito ng bahagya.

"Mabuti na lang at alas dos ngayon ng madaling araw. Pag dating mamaya ng alas siyete ng umaga ay mawawala na ung side effects ng potion kay Jervin."

Nakangiting sagot ni Liyan sa tanong sakaniya ni Yvonne. Nginitian pabalik ng dalaga ang kaibigan saka ibinalik ang kaniyang tingin sa binata at nasilayan itong nakatingin sakaniya.

"Bakit hindi pa kita nakilala ng mas maaga? Hindi sana nangyari un sayo… naipagtanggol pa sana kita sakaniya."

Sabi ni Jervin kay Yvonne habang dahan-dahan nitong inaabot ang mukha ng dalaga gamit ang kaniyang kamay na hindi hawak ng dalaga. Ilang saglit pa ay may luha nang tumulo mula sa mata ng binata at sumunod na ring tumulo ang luha mula sa mata ng dalaga.

"Bakit last week lang tayo nagkakilala? Wala tuloy ako sa tabi mo nung mga panahong kailangan mo ng taong masasandalan."

Dagdag pa ni Jervin sakaniyang sinabi kay Yvonne at tuluyan nang umiyak hanggang sa mahawakan na nito ang pisngi ng dalaga. Naiyak na rin ang dalaga at saka hinawakan ang kamay ng binata na nakahawak sakaniyang pisngi habang hawak niya pa rin ang isang kamay ng binata.

"Bakit ba kasi hindi ako wizard? Bakit ba kasi isa akong 'ordinary'?"

Sunod-sunod na tanong ni Jervin sakaniyang sarili habang malumanay na hinahaplos ang pisngi ng dalaga gamit ang kaniyang hinlalaki. Naluha si Liyan habang pinapanuod ang kaniyang kaibigan at ang binata na nakahiga sakaniyang kama.

"Sorry Yvonne… sorry kasi wala ako sa tabi mo nung mga panahong kailangan mo ng masasandalan. Sorry kasi hindi kita naipagtanggol kay Jay. Sorry kasi hindi ako isang wizard. Sorry sa mga panahong hindi pa tayo nagkakakilala. Sorry kasi ininda mo ang lahat ng sakit ng mag-isa. Sorry. Sorry. Sorry…"

Paghingi ng tawad ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin ito sakaniyang pag-iyak at saka napahigpit na ang kaniyang pagkakahawak sa kamay ng dalaga. Umiiling ang dalaga sa binata habang sinasabi nito ang mga salitang iyon. Hinigpitan din ng dalaga ang kaniyang pagkakahawak sa kamay ng binata at saka nagpatuloy sakaniyang pag-iyak.

"Wala kang kasalanan, Jervin. Wag ka mag-sorry. Wala kang kasalanan. Walang may gusto na mangyari ang mga un sakin. Wala kang kasalanan… wala kang kasalanan… tandaan mo yan… Jervin."

Sabi ni Yvonne kay Jervin habang patuloy pa rin ito sakaniyang pag-iyak. Hindi na napigilan ni Liyan ang kaniyang sarili kaya't naiyak na rin ito at saka iniwas na ang kaniyang tingin mula sa kaibigan at sa binata.

"Kasalanan ng mga Fuentes kung bakit kinailangang mawalay ni Jervin kay Yvonne. Pagbabayaran ninyo ang lahat Fuentes."

Sabi ng isang babae habang pinapanuod niya ang nangyayari kina Jervin, Yvonne at Liyan mula sakaniyang bolang kristal. Hindi na rin nito napigilan ang kaniyang sarili at tuluyan nang naiyak habang ang kaniyang mga kamay ay nakahugis kamao dahil sa galit.

"Ano ba… pinapaiyak niyo naman ako, e…"

Sabi ni Liyan kila Yvonne at Jervin habang nanginginig ang boses nito at pinupunasan na ang kaniyang mga luha. Hindi man lang pinansin ng dalaga at ng binata ang kaibigan sapagkat abala ang mga ito sa pag-iyak para sa isa't isa.

"Napakagaling naman ng dalawang 'to… matapos akong paiyakin… hindi na ako papansinin… mga pisti kayo."

Sabi ni Liyan sakaniyang sarili habang patuloy pa rin ito sa pag-iyak dahil kila Yvonne at Jervin na patuloy pa rin sakanilang pag-iyak at sa hindi pag pansin sa kaibigan ng dalaga. Sinamaan lamang ng tingin ng kaibigan ang dalaga at ang binata habang patuloy pa rin sa pagtulo ang kaniyang mga luha mula sakaniyang mga mata.

"Nakakainis naman kayong dalawa…"

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts