webnovel

CHAPTER 2

"Huy! Ano? Hindi ka talaga sasakay?" Tanong naman ni Eiji. 

"Eh mukhang mas delikado pa sumama sayo eh. Hindi na" Sabi naman nung babae. 

At hindi naman makapaniwala si Eiji kung kaya naman natawa ito. 

"Ha! Wow. Ibang klase, after you drag me on this situation, yan talaga sasabihin mo, kung mukha palang mas delikado pagmumukha ko eh bakit ako yung hinila mo? Thank you ah! Niligtas lang naman kita sa mga humahabol sayo" Sabi naman ni Eiji. 

"Kung alam ko lang sana na mas malakas pa electric fan yung kahanginan mo edi sana di kita hinila. Tss" Sagot naman nung babae. 

"Aba! Hindi pa nga nagpasalamat, napaka swerte mo ngang ako yung kasama mo ngayon, sa dinami rami nang babaeng nangangarap mahawakan lang yung kamay ko, sapat na sa kanila." Sabi naman ni Eiji at hinirapan naman siya nung babae. 

"Tss. Bahala ka nga dyan, pag na rape ka wag mo kong sisisihin." Sabi naman ni Eiji at umalis na ito. 

-----

Sawakita's POV: 

Siya na nga tong naka-abala ako pa tong mahangin? Hindi pa nag thank you! Ganyan ba mga babae dito sa lugar na ito? Kakainis ha. Imbis na chill yung gabi ko. 

Pero, okay lang kaya siya dun, medyo liblib dun sa lugar na pinagbababaan ko sa kanya.. 

ehhh! Pakelam ko ba! Bahala nga siya. Eiji! Wag mong babalikan. Hayaan mo na. Umuwi ka na!

Tae! Hindi ako mapakali! Hindi kaya ng konsensya ko! bwisit naman kasi bakit ba kasi ang tigas ng ulo. Ayaw pa kasi sumabay. 

---------------------

"Napakahangin, antipatiko at hindi man lang gentleman! Tss! akala mo kung sinong gwapo!" Inis na sabi ni Devy nang biglang may grupo ng lalake na naglalakad papunta sa direksyon niya at mukhang naka-inom ang mga ito. 

"Hey there pretty girl! you look so lonely let's have fun" Sabi nung isang lalake at nagtawanan naman ang mga kasama nito. 

Maya-maya pa ay may kotse na tila napakabilis ng pagtakbo nito kung kaya naman tumakbo ang mga grupo ng lalake at iniwan si Devy. 

"Ang tigas kase ng ulo mo, sinabi na kasing delikado dyan. Sumakay ka na." sabi naman ni Eiji. 

"Eh sabi mo kasi nakaka-abala ako sayo eh" Sabi naman nito. 

"Aish! Aawayin mo ba ako o Sasakay ka na lang? It's much safer sa bahay ko. Bilisan mo na bago pa bumalik yung mga yun." Sabi naman ni Eiji at hindi na nga nagdalawang isip ang dalaga at sumakay na ito sa kotse ni Eiji. 

------

Pagdating sa bahay ni Eiji, tila nabigla naman si Devy sa laki ng bahay nito. 

Dumiretso naman si Eiji sa kusina at kumuha ng inumin dahil tila nauhaw ito sa mga pangyayare. Samantalang si Devy ay pinagmamasdan lang ang buong lugar. 

"Ikaw, high school student ka pa din di ba?" Tanong ng dalaga sa kanya. 

"Yep. Mukhang ikaw rin." Sabi naman ni Eiji. 

"Paanong sa ganitong edad may sarili ka nang bahay abroad. siguro nag didealer ka ng mga drugs?" Sabi naman ng dalaga ang Eiji smirked. 

"Pagtripan ko kaya toh, tignan ko kung matakot." Sabi ni Eiji sa sarili. 

"What if hindi lang ako nagdideal ng drugs? Let's say, better than that." Eiji smirked at tila napa-aatras naman ang dalaga habang lumalapit sa kanya si Eiji. 

"Kumpleto pa ba ang organs mo? Hmmm magkano ko kaya ibebenta ang kidney mo?" Seryosong sambit naman ni Eiji habang lumalapit sa dalaga ngunit nasandal ito sa may pintuan. 

"Subukan mo, tatadyakan talaga kita!" Sabi naman ng dalaga at natawa naman si Eiji. 

"Nasa teritoryo kita, wag ka ngang mas matapang pa sa akin. Umasta ka ngang babae nuh ba yan. Napaka brutal mo eh" Sabi naman ni Eiji at hinirapan naman siya ng dalaga. 

"Anyway, that's your room. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka." Sabi naman ni Eiji at iniwan na siya nito. 

"Haay Grabe, akala ko talaga sersyoso siyang kumukuha ng lamang loob" Sambit naman ng dalaga at napahinga ng malalim. 

"Narinig ko yon. Masyado akong gwapo para maging kriminal!" Sigaw naman ni Eiji at umakyat na ito papunta sa kanyang kwarto. 

"Masyado bang malakas ang pagkakasabi ko at narinig niya pa yun. hayy pero may pagkamabait din naman pala siya, saksakan nga lang ng yabang" Sabi naman ni Devy. 

Inayos naman ng dalaga ang mga gamit niya at nahiga ito sa kama. 

"Finally, nakalaya na ako dun sa bwisit na tatay ko! Kailangan ko nang bumalik ng Japan, kailangan kong balikan ang Mama ko." Malungkot na sabi ni Devy.