webnovel

Thirty One

Tamad kong ibinagsak ang aking pagod na katawan sa malabot na kama at walang sali-salitang nakatulog. Medyo late narin dahil sa mga preparation na ginawa namin for the interview and photo shoot bukas ni Liam.

Maaga palang ng magising ako sa alingaw-ngaw ng tunog ng aking cellphone, inaantok pa ng sinagot ko ito at kaagad napabangon ng marinig ko ang boses ng menapause kong Boss.

"Where the hell are you? its already 8 in the morning" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. P-Patay! Dali-dali akong bumangon at halos madapa-dapa ako sa kakamadali. Hindi ko na nga nabilang kung ilang minuto lang akong naligo dahil sa kakamadali.

Nagpara kaagad ako ng taxi at halos magmakaawa na ako kay Kuya'ng Driver para lang paliparin niya ang sasakyan.

Pagkarating sa building ay nakaabang kaagad saakin si Liyan at John na animoy kinakabahan.

"Ma'am, kanina pa po kayo inaantay ni Sir Ver." Huminga ako ng malalim sa sinabi niya at kaagad na nagtungo sa Opisina ni Sir.

Galit na galit ito habang tinitingnan ako.

"Did you know what important event we have right now? Bakit ngayon ka lang? For god sake Billy." Umaalingaw-ngaw pa ang kanyang boses sa buong opisina.

"I'm sorry Sir." hingi ko na lamang ng paumanhin.

"K-Kanina pa naghihintay ang mga photographer at interviewer. So go..." dali-dali akong umalis sa opisina niya at hinila si Liyan patungong studio para sa mangyayareng photoshoot.

"S-Si Liam nandito na ba?" tanong ko sakanya, nagaalala ang kanyang mga matang tumingin saakin

"Wala pa nga po Ma'am..." napatigil ako sa aking paghakbang dahil sa sinabi niya.

"Bakit? Bakit wala pa siya dito? Kaya pala ganun na kagalit si Sir saakin." Ibinigay ko sakanya ang mga gamit na kailangan para mauna na siyang dalhin ito sa studio.

Kinuha ko ang phone ko saaking bulsa at tinawagan siya... Nakakailang tawag na ako ngunit walang sumasagot ng tawag niya, kinakabahan na ako. Hindi naman siguro ako tinakasan nung lalaking iyon diba? Matapos niyang pumunta dito at sabihin yung mga salitang iyon kay Sir Ver, hindi naman niya siguro ako iiwan, diba?

Mas lalo akong kinakabahan dahil sa mga naiisip, magna-nine na at wala parin siya, kitang kita ko na ang mga naiinip na mukha ng mga Photographer at kanina parin ako pinapagalitan ng Boss ko.

Sinubukan ko ulit siyang tawagan-ngunit pareho kaming natigilan ng bigla na siyang iniluwa ng pinto.

Tulala at ang lagkit ng mga titig namin sakanya, he's wearing he's Police Uniforme with cap. Naririnig ko ang bulong-bulungan ng mga kasamahan ko about sakanya kaya wala akong magawa kundi ang mamangha, sobrang kisig niya. Karespe-respeto siya tingnan.

Naglakas loob akong lapitan siya roon at pilit kong ini-iwas ang aking mga mata sakanya dahil naghuhurmitado na naman ito. Iginaya ko siya sa Make-up artist na mag-aayos sakanya. Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang pinagmamasdan siyang inaayusan, siniko ako ni Liyan.

"Ma'am, yung ngiti niyo po walang mapaglagyan." bulong niya saakin.

"H-Hindi ah." pagtanggi ko sakanya. Napahalukipkip ako habang nagkunyareng tiningnan ang mga questionaire na hawak ko.

"Yung nasa kabilang department Ma'am, kanina pa pinaguusapan si Sir Liam, ang gwapo daw po. Simple akong ngumiti sa sinabi niya. Maya-maya ay tapos na ang pagaayos sakanya, lumapit siya saakin at tinititigan na naman ako, bigla akong namula.

"Okay na ba to?" naiilang na tanong niya saakin. Nag-thumbs up lamang ako sakanya bilang pagsang-ayon at ibinigay sakanya ang mga tanong na itatanong sakanya.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang nagwawala kong puso, tumalikod din muna ako sakanya sandali upang walain ang pamumula ng aking pisngi. Tinawag na siya kaya humakbang narin ito patungo sa Photographer, tumayo ako sa hindi kalayuan at pinagmasdan siya sa kanyang ginagawa, pinagmasdan ko ang bawat ngiting inilalabas ng kanyang mata sa camera, pinagmasdan ko ang mga nahihiya niyang ngiti habang hindi malaman kung tama ba ang kanyan ginagawa.

Hiyaan siyang mag-Police Uniform kaya mas lalong lumalabas ang pagkatipuno ng kanyang panga-ngatawan at mas lalo ring dumarami ang mga babaeng nagbubulong-bulungan dahil sa kakisigan niya. Pansin ko rin ang ilang beses na pagtatama ng mga tingin namin kaya ngumingiti na lamang ako bilang ganti.

"Tama ba ginagawa ko?" Tanong niya ng pinag pahinga muna siya for change outpit. Inabot ko sakanya ang inuming hawak ko.

"Ou naman. Be yourself, naiintindihan naman ng photographer kung pro ka o hindi." Sagot ko sakanya.

Naiwan kaming dalawa sa Outfit Room dahil nag sipagkainan na ang iba, pinipilian ko siya ng simpleng damit para bumagay sa image niya.

Kinuha ko ang simpleng gray polo shirt at isinukat ito sakanya ng hindi ko mapansing titig na titig na pala siya saakin. Nanlaki ang mata ko, kumakabog na naman ang dibdib ko.

"I-S-Suot mo na yan." Nauutal na sambit ko at lumihis na ng tingin sakanya.

Nakita ko pa ang kakaibang ngiti sakanyang labi at sinunod ang gusto ko.

"Pasensya na kung late ako, may nadaanan kasi akong nakawan, hindi naman pupwedeng lampasan ko lang kaya medyo late na ako nakarating...." biglang nagdiwang ang puso ko. Nawala ang mga negative thoughts ko about sakanya dahil sa sinabi niya.

"H-Hindi okay lang." Humarap na ako sakanya at napangiti ng makita ko ang simpleng mukha niya dahil sa kanyang suot.

Lumapit ako ng isang hakbang upang ayusin ang kwelyo nito ngunit doon ko lang napagtanto na mali pala ang ginawa ko.

S-Sobrang lapit ng mukha namin sa isat-isa. At nararamdaman ko ang bawat lagkit ng titig na ibinibigay niya saakin.

Y-Yung puso ko, hindi ko na maintindihan

Napalunok ako habang nakatitig sa mapupula niyang labi, sinubukan kong umatras ngunit maagap niyang hinawakan ang aking likod upang mas lalo akong lumapit sakanya.

"Did you know, I wish to God that If I will be given another chance to meet you again..." sobrang bilis na ng tibok ng aking puso.

"I-I will make sure that I will kiss you this time." Biglang tumulo ang luha sa mata ko habang unti-unti siyang lumalapit saakin, I close my eyes, and his lips to touches mine. My first kiss.

Liam, let just forget everything, let me love you eternally, can I do that?