webnovel

Reason To Stay [MR Series #4] (Taglish)

MysteryRomance#4 Xyria Haimeni Melendes and Veil Ace Gomez are friend's. They are known each other because of the party. Well, then. Veil is a heart broken man and he can't move on to his first love. He's always drunk at night and go home at the middle of the night. Sometimes he's actually want to suicide because of his first love. He got mad at her but he's still loving her. One time. Xyria Haimeni. Are joyful and careless girl found his friend in the bar. Are the two friends are going to a lovers? You'll see it soon.

ItsMeJulie · Lịch sử
Không đủ số lượng người đọc
41 Chs

Chapter 33

Nang dumating sina Lia at Ace ay halos hindi ako makatingin sa kanila. Sinabi na rin siguro ni Krisha kung ano ang dahilan kung bakit ako nawala nang apat na taon kaya hindi na sila nagulat pagkarating nila dito.

Hindi tuloy ako naging komportable sa pwesto ko. Paikot halos ang lamesa dito at may aircon. Wala pa naman akong dalang jacket pero hindi ko na inintindi pa iyon.

Ramdam ko ang tinginan nila sa akin, kinagat ko ang labi ko nang hindi malaman ang sasabihin kaya tinignan ko sila isa-isa.

"Kamusta?" Pagbubukas ng topic ni Lia kaya gulat ko siyang tinignan.

"A-ayos lang naman, kayo ba?" Awkward na sabi ko kaya naisipan nila Krisha na iwan muna kaming tatlo bago sila lumipat sa kabilang table.

Napa buntong hininga siya sa tanong ko. "Ang tagal mong nawala, wala bang pasalubong diyan?" Biro nya kaya natawa ako. Hindi ko inaasahan na magbibiro siya nang makita nya ulit ako.

"Pasensya kana, hindi naman ako nagpunta don para magbakasyon." Ngiti ko sa kanya nang biglang mawala ang kasiyahan sa itsura nya.

"Eh anong ginawa mo don, nag move-on?" Takang tanong nya at handa nang makinig sa sasabihin ko.

Umiling ako sa kanya at pinigilan ang emosyon na nararamdaman ko.

"It's complicated," Simpleng sambit ko at napatingin kay Ace na seryoso lang na nakikinig sa aming dalawa.

"Xyria, apat na taon kang nawala tapos hindi mo man lang I kuwento kung ano ang nangyari sayo, pinag-aalala mo kami. Pinutol mo pa ang koneksyon sa amin nang apat na taon. Pero sige, iintindihin pa rin kita sa ngayon, pero magsasabi ka ha?" Pagalit na sambit nya na halos irapan niya ako kaya natawa ako.

"Oo naman,"

Tinignan nya kaming dalawa ni Ace, may iniisip sigurong plano dahil halata sa kilos at galaw nya. "Mag usap kayo, gusto ka daw kausapin nito." Turo nya bigla kay Ace na ikinagulat nito bago tumingin sa akin.

Umiwas ako nang tingin nang maramdaman na parang tinutusok ang dibdib ko sa sakit. Umalis bigla si Lia at nakipag chikahan kaila Krisha at iniwan kaming dalawa dito.

"Galit pa rin ako sayo," Paninimula nya kaya napatingin ako sa kanya. "Ang hilig mo talagang tumakbo palayo ano?"

Hindi ako sumagot at hinanda ang sarili kung sakali mang pagsabihan nya ako nang masasakit na salita. "Ano nga bang karapatan ko Xyria? Bakit sa ilang taon ay halos patayin ko na ang sarili ko, mahanap ka lang?" Seryosong sambit nya.

"At hanggang ngayon, hindi pa rin mawala yung pagiging concern ko. Isa pa, ang sabi mo ay hindi kana magpapakita? Bakit ngayon nasa harap na naman kita at kausap ko pa ngayon?" Natawa siya nang sarkastiko. "Paano mo nagagawang bumalik dito nang masaya at walang pagsisi na may sinaktan ka?" Ngumisi sya bigla.

Hindi na muli siyang magsalita nang makitang tahimik lang ako. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya bago siya magsalita. "Sa susunod na tayo mag-usap kapag nagsalita kana."

Padabog nyang iniligay ang beer sa lamesa na ikinagulat ko bago siya umalis. Halatang lasing dahil kanina pa rin daw sila nandito.

Dali daling lumapit sa akin si Lia pero nginitian ko lang siya. Gustong-gusto ko na umuwi para maiyak ko ang lahat ngunit sa ginagawa ni Lia sa akin ay hindi ko na mapigilang umiyak.

"I'm sorry, kung alam ko lang na galit pa rin siya sayo ay sana hindi ko muna sya pinayagan na kausapin ka." Paghingi nya nang tawad.

Umiling ako. "Ayos lang, deserve ko yon." Kinuha ko ang Black Label bago lagukin ito ng sunod sunod. "Sino ba naman ako para patawarin nya diba?" Natatawang sambit ko at hindi siya nakakibo.

"Ang gago kase, alam mo yon? Hindi man lang nya ako hinayaan magpaliwanag?" Tumingin ako kay lia bago napabuntong-hininga. "Pero ako rin naman ang dahilan kung bakit nagka ganoon siya, hindi ko rin siya masisisi. Hindi ko siguro deserve yang pagmamahal na yan."

"Deserve mo Xyria, pero magulo pa lang talaga sa ngayon. Hayaan mo muna sya at alam kong mapapatawad ka pa rin niya."

"Hindi na niya ako itinuturing na kaibigan Lia, nakita mo naman siguro kung gaano siya magalit sa akin. Sinayang ko yung pagmamahal nya kaya hanggang ngayon, broken pa rin ako."

"Don't worry, I will help you guy's to fix those situation if hindi mo na kaya okay? Apat na taon kang nawala kaya ikaw naman ang bumawi ngayon. Walang magagawa ang pag iyak mo dyan."

Pinagsabihan pa nga ako kaya tumango nalang ako at pinunasan ang luha ko. Tumayo ako para sundan siya kahit na alam kong hindi maganda ang kutob ko sa ngayon.

"Saan ka pupunta? Madilim na xy, sober kapa ba?" Habol na tanong nya sa akin.

"Kaya pa, gusto ko nang matapos to." Sambit ko nalang at bumaba na para makalabas nang Bar.

****

Nang paandarin ko ang kotse ay nanlalabo ang paningin ko dahil sa alak na nainom ko. Sinusundan ko siya ngayon kahit na nakakaramdam na rin ako nang antok.

Binilisan ko ang pag d-drive para mahabol siya, walang pakielam kung mabunggo man ako. Tutal, malabo na rin naman niya akong patawarin dahil sa dami nang kasalanang ginawa ko sa kanya.

Tatanggapin ko kung hanggang saan na lang ako at magiging masaya na lang para sa kanya kung sakaling hindi nya ako mabibigyan nang pagkakataon para makabawi.

*Beeep!

Nagulat ako kaya agad akong gumilid sa daan. Halos magising ako dahil sa gulat kasabay nang pag-ulan nang malakas. Matapos noon ay dumeretso na lamang ako sa mansyon at sa susunod na lang ako babawi kapag may lakas na ako.

"Xyria, kumain kana?" Tanong ni Kuya Axel pero umiling lang ako.

"Sumabay kana sa amin" Singit ni Kuya Sean pero tumanggi lang ako.

"Kwarto lang ako mga Kuya." Simpleng sambit ko at umakya na doon.

Mas gusto ko na lang sa kadiliman at nakakulong. Mas gusto ko nang tahimik kaysa sa maingay. Mas gusto ko na lang dito at wag nang lumabas pa.

Napahikbi ako nang maalala ang masasakit na salita ni Ace sa akin kanina. Kasabay sa isip ko ang mga kapatid ko.

Ang sakit isipin na pati ang sarili kong kapatid ay iniiwasan ko dahil lang sa nalaman kong impormasyon tungkol sa kanila. Maski kapatid ko ay pinanghihinalaan ko na rin.

Nang magbukas ang pinto ay may dala nang tray si Kuya Sean at itinabi sa kama ko. Nagulat siya nang makitang umiiyak ako kaya agad syang lumapit ngunit umiwas ako.

Dumaan ang sakit sa mata nya. "May problema ba, baka pwede natin ma solusyonan yan." Mahinang sabi nya.

"Kuya.." Sambit ko ngunit hindi na nakapagsalita pa nang maiyak ulit ako.

Niyakap nya ako ka agad. "Shh princess, nandito lang si Kuya okay? Tahan na" Panay ganoon ang sabi nya habang pinapatahan ako.

Kumalas ako sa yakap nya at tinignan siya, handa nang mag tanong. "What if, someone in our siblings are hiding a secret from us like he was a murder but we didn't know. Ano ang gagawin mo?" Tanong ko kaya tumingin sya sa taas nang ceiling, nag-iisip bago ako sagutin.

"Disappointed, because we are siblings at dapat wala tayong sikreto sa isa't isa. But I still accept him no matter what." Ngiting sambit nya at tinaggal ang buhok na nakaharang sa mukha ko.

"What if, maparasuhan sya or he will straight to face the-"

"Ako ang sasalo kung ganoon." Putol nya sa tanong ko kaya nagulat ako at napatingin sa kanya. "Mahal ko ang mga kapatid ko, mahal ko kayo. Handa kong isalo ang bala o saksak, mailigtas lang kayo. That's the love we are deserve."

Napatulala lamang ako sa kanya at hindi nakapag salita. Humigpit ang hawak ko sa damit nya kaya nagtaka sya sa reaksyon ko.

"Are you okay?"

"Kuya, I can't lose you." Iyak ko sa kanya kaya agad syang nag-alala.

"Hey, hindi ako mawawala. Nag tanong kalang at sinagot ko lang yung tanong mo. May problema ba?"

Umiling ako sa kanya at niyakap siya. Ramdam kong nagulat sya. Hindi ako papayag na si Kuya Sean ang mawawala. At hindi rin ako pwedeng mag-isip nang ganoon dahil ako na rin mismo ang sumalo sa kaparusahan na dapat sa kanya.

I love my siblings but not too much. Becauss I always choose to love myself more. Pero habang tumatagal ay mas lalo akong napapamahal sa kanila. We're not close before at ako yung palaging wala sa kanila that's why I have no communication with them.

But I was lucky, because even if I'm not always in their side. They will never forget me and to love me the most.

'Sometimes we need to accept the hurtful words to make you realize the things you can't do in past life'

ItsMeJuliecreators' thoughts