webnovel

Chapter 28

Kinabukasan ay nagising nalang ako sa door bell sa baba kung kaya naman ay bumaba ako ng inaantok pa.

Pagbukas ko ng pinto ay nagising ang diwa ko nang makita ko si Ace sa harap ng pinto nang basang basa at doon lamang nalaman na umuulan pala ng malakas.

"P-pasok ka," Sambit ko bigla at nakaramdam ng pag-alala dahil sa sakit niya at putlang putla ang kanyang mga mukha.

Naramdaman kong nagising na rin sina Kuya kaya naman nagulat sila nang makita si Veil nang basa at tumutulo pa ang tubig sa sahig namin.

Dali dali kaming apat na inasikaso siya. "Go to the bathroom, may warm water doon para hindi ka malamigan." Sambit ni Kuya Drake.

"Towel mo, gamitin mo muna yan dahil hindi ko naman nagagamit." Wika ni Kuya Axle at ibinigay sa kanya.

"My old clothes, mukhang ka-kasiya sayo." Ako na ang kumuha noon at sinamahan siya papuntang banyo.

Wala siyang kibo nang makapunta kami ng cr at inilagay na lang sa counter top ang damit ni Kuya.

"I'll wait you outside," Sambit ko nang hindi makatingin sa kanya.

Pagkasara ko ng pinto ay dumaan ang sakit sa puso ko at pinangunahan ng emosyon. Biglaan kong naalala ang sinabi ni Lia kahapon na palagi niya akong hinahanap.

It's been a week at dito ko na muna naisipang mag-istay para makalayo sa kanya. Ayoko na rin na madamay siya, pero siya itong kusang lumalapit sa akin.

Hindi ako umalis hanggang sa magbukas ang pinto kaya nilingon ko siya. Nakita ko ang panginginig nya kaya dali dali akong lumapit sa kanya.

"Hindi mo talaga kayang alagaan ang sarili mo nang mag-isa ano?" Hindi ko maiwasang maging sarkastiko dahil sa pag-aalala sa kanya.

"Gusto kitang makita, Xy" Nagulat pa ako ng sabihin nya iyon.

"Hindi ba sinabi ko na sayo na ako na ang pupunta sa condo kapag may oras na ako?" Inako ko ang damit nya at inilagay na muna sa labahan upang malabhan.

"Kailan kaba nagkaroon ng oras sa'kin?" Naramdaman ko ang lamig ng boses niya kaya natigilan ako. "Hindi ko na alam xy, pinipilit kong intindihin ka, pero sa bawat pag gising ko ikaw ang hinahanap ko at umaasang pupuntahan mo na ako."

I bit my lower lip to stop my tears and emotion. I think sa mga family lang nangyayari ang mga words na sinasabi niya.

"Ikaw ang pahinga ko, ikaw lang ang gusto makita nang mata ko pag gising ko xy. Ikaw lang naman, bakit hindi mo maibigay yung oras xy? Kahit limang minuto lang oh" Nanghina ang boses nito at narinig ang mga hikbi nya.

"Para mo na rin akong pinapatay xy, ikaw ang naging kahinaan ko sa lahat. Kahit sabihin mong nagkaroon ako ng girlfriend, ikaw lang ang naging kahinaan ko. Ikaw lang ang laging hinahanap ng puso ko."

"I'm sorry," Bulong ko sa kanya at hinawakan ang mga kamay nya. "If I always broke my promises,"

Masakit na makita siyang umiiyak at nasasaktan ng dahil sa akin. Masakit na nakukuha kong mangako dahil ang daking sabihin, pero pagdating sa gawa ay iyon ang hindi ko matupad.

Nag-aalala ako dahil ayokong sumobra siya sa kanyang emosyon dahil makaka apekto yon sa puso niya. Napahawak sya sa dibdib nya kaya nataranta ako.

"No please, Ace. Listen to me, I know you're hurting because of me. Pero babawi ako." Sambit ko ka agad. Babawi ako, pero hindi ngayon at taon pa ang darating para magawa ko iyon.

Humigpit ang hawak nya sa akin at halos yakapin ako ng mamilipit sya sa sakit at hawak ang dibdib. Tinawag ko sina Kuya at dali dali kong narinig ang mga foot steps nila papunta sa amin.

"He has a weak heart, tapos nagpaulan pa." Binuhat ni Kuya Drake si Ace at dali dali namin kinuha ang kotse ng makalabas at si Kuya ang nag drive dali dali papuntang Hospital.

"I'm really, really sorry." Iyak ko nang makita siyang namimilipit sa sakit dahil sa kanyang nararamdaman.

"Ayoko... sa hospital.. x..y"

"No! Kailangan ka naming dalhin doon dahil kailangan mo and you need to be healed!" Pagsuway ko sa kanya at ramdam ko ang halo halong emosyon ko.

****

Nang makarating kaming dalawa ni Kuya Drake sa Hospital ay dali dali nilang inihiga si Ace at ipinunta sa E.R kung kaya naman ay naiwan kami sa labas.

Tahimik lang si Kuya Drake sa tabi ko habang ako ay umiiyak sa tabi nya nang humabol si Kuya Sean at tumakbo papunta sa amin.

"What happened?!" Sambit nya.

"Over emotion, maghintay kayong dalawa dito at ako na ang lalabas para makabili ng almusal natin." Awtoridad na sambit ni Kuya Drake at umalis.

Nang maramdaman ko ang yakap ni Kuya Sean ay lalo akong naiyak. "This is my fault Kuya! Hindi ko dapat siya sinaktan" I felt a useless and unlovable girl because I'm just being careless with my words and action.

"Shh, hindi mo kasalanan. Stop blaming yourself," Umiling iling ako sa kanya habang umiiyak.

Tumayo ako at tumakbo. Tinatawag ni Kuya Sean ang pangalan ko pero hindi ko siya nilingon.

Nakita ko ang parents ni Ace nang makalabas at agad na nagtago sa gilid upang hindi nila ako makita. Ako rin naman ang sisisihin sa huli kung kaya ako na rin mismo ang iiwas upang hindi ako makarinig ng panghuhusga dahil sa nangyari sa anak nila.

I shouldn't be loved by others, And I will always blame myself because of what happened to him.

I shouldn't being a careless at making promises kung hindi ko lang din tutuparin.

I should wait my faith and wanted to choose to be gone than to be live.