Para sa iba, wala ng mas sasaya sa subject or sa course na Physical Education. Ito yung oras na masasabi mong sandali kang mawawalay sa mga papel at ballpen na hawak mo. Idagdag mo pang sa paraang ito, masasabi mo ring sa wakas maigagalaw mo na rin yung mga nai-stock mong kasu-kasuan. Kaya di maikakailang ganuon na lamang ang excitement na nararamdaman ng mga estudyante sa block na 'to kaya todo ayos at bihis na ng pamalit na P. E uniform. Pero sa pagkakataong ito, mayroon pa rin namang mga estudyanteng hindi gusto ang ganitong bagay.
" Pre, bakit di ka pa nagbibihis? Basketball daw tayo ngayon sabi ni Pres, " aniya ni Ever sa kablockmate nitong si Rhesty. Paano kasi napansin nitong naka-dekwatro lamang ito sa kanyang upuan at tila walang sensyales na maghanda na para sa susunod na asignatura. " Sabi ni Pres.? Eh nakita ko nga yung prof. natin kanina na nasa meeting room. Masasayang lang effort niyo, cancel yang basketball mamaya, " kumpyansang sagot ni Rhesty sa kaibigan. Buo ang loob niya rito sapagkat siya na mismo ang nagkumpirma sa bagay na 'to. Pinuntahan niya pa kaya yung nasa kabilang building, sa Engineering department na kapwa estudyante rin ng prof. nila. At doon niya rin nalaman na, hindi raw sila nakapag-PE dito kaya matik na ganun din sa kanila. Pero tinawanan lang ni Ever ang sinabi ng kaibigan kaya para makumpirma ito ay tinawag niya si Analyn, class president nila. Ngunit kasabay nito ang pagpasok ng secretary nila. " Cancel po ang PE natin ngayon, nasa meeting room pa rin kasi lahat ng professors. Kaya magkakaroon tayo ng early dismissal since wala na tayong next subject ngayong araw. Pakilabas na lang yung mga ID at registration form. Salamat, " laking-tuwa naman ng iba sa cancellation pero makikitaan mo naman ng panghihinayang lalo na yung mga kalalakihan na kanina pa excited. Paano kasi suot pala nila ngayon yung mga sneakers nila, sa madaling sabi handang-handa na sa laro.
Kaya napangiti na lang ng mapakla si Ever sa kaibigan. Sa isip-isip nito ay kahit kailan ay di talaga papalya ang pagkatsismosa (kung maituturing man) ang kaibigan. "Sige, pre! Mauuna na ako. Sa wakas!, " sabay unat na sabi ni Rhesty. Pabor na pabor talaga sa kanya ang pagkakataon. Bukod kasi sa nauna niya itong nalaman, paano kasi kanina lang din niya naalala na wala pa la siyang pamalit na dala.
"Oo nga pala, Rhesty! Hintayin mo raw si Mrs. Dullego sa faculty niya. May pag-uusapan pala kayo, " kaya bigla na lang napaupo si Rhesty. Tawang-tawa naman sina Analyn at Ever dito. Paano kasi gulat na sumulpot yung secretary nila. Buti na lamang nasa last row sila nakapuwesto.
At dahil dito, bigla na lang naunsyami ang kaninang victorious moment na maituturing ng binata. Napasalampak na lang ito sa arm chair niya.
" Nag-chat si Mrs. Dullego, mamaya pa raw 2 pm yung tapos ng meeting, " dugtong na sabi ng sekretarya nila. Kaya mukha ng binagsakan ng langit at lupa ang mukha ngayon ng binata, sa minamalas-malas naman oh. Alas-dose pa lang kasi kaya paniguradong maghihintay siya ng dalawang oras, para na ring pumasok siya sa klase nila sa PE.
"Oh, Pre! Una na kami ah. Good luck, siguradong masinsinan ang usapan niyo mamaya ng adviser natin, " tapik sa kanya ni Ever. Tsaka lumabas para makauwi na ng maaga. Kasunod din niya yung ibang kablock nila.
Sa isip-isip niya, dapat pala ay nauna na siyang umuwi na di na tumuloy pa sa classroom nila kung alam din pala niyang mag-eearly dismissal kundi sana nasa tambayan na siya at tinatapos yung mga naiwang gawain.
Kaya mo talaga maituturing na perfect timing kung ikaw di rin marunong tumayming.