webnovel

Rainbow Heart Series #1 : Wanted Gay Boyfriend

Rainbow Heart Series #1 : Wanted Gay Boyfriend A woman with the highest degree of honor and pride would not allow a man with no dreams to ruin her wonderful life. She oath to show him what he had wasted, but she requires the assistance of a gay boyfriend in this battle. She has to prevail! But the question is, will she be able to choose the right one? Rainbow Heart Series #2 : Keeping The Ex-Gay

eommamia · LGBT+
Không đủ số lượng người đọc
16 Chs

RHS 1 (WGB) : CHAPTER 15 - WHAT A CUTIE

CHAPTER 15

FREIYA'S POV

Bitbit ko ang dalawang sorbetes habang papalapit ako kay Corazon. Tahimik lang siyang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro ng piko sa gilid ng park.

Sarap sumali!

Pero, mabuti na lang talaga at hindi umiral ang ka-artehan niya ngayon dahil pumayag siyang dalhin ko siya rito.

Naisip ko rin na baka maaliw siya rito sa park dahil sabi niya first time niyang makapunta rito. Shuta! Mayroon daw kasi silang sariling playground noong bata pa sila at dati rin daw kapag namamasyal sila ay sa ibang bansa talaga. Putcha, iba talaga ang mayayaman.

Umaayon din pala sa amin ang panahon dahil hindi mainit kaya masarap tumambay rito ngayon. Ang dami na nga ring tao, eh, may mga mag-jowa na rin na naghaharutan, kay aga-aga, alas diyes pa lang po. Jusko!

"Oh, baka first time mo rin kumain ng dirty ice cream, ha," sabi ko sabay abot ng isa sa kanya.

"Pangalawa ko na 'to," aniya. Hindi niya pa dinilaan ang sorbetes, kinagat niya agad-agad, ang sakit sa ngipin niyan. Tsk!

"Totoo? Kailan ka unang nakatikim nito?"

"Hmm, matagal na, noong may dumaan na sorbetero sa harap ng company ko, Silver brought me one," nawala ang ngiti sa labi niya nang mabanggit ang pangalan ng ex niyang walang bayag.

"Naglalaro ka rin ng piko dati? Chinese garter? Jumping rope, mga gano'n?" iniba ko na lang iyong usapan at baka mag-iba pa ang ihip ng hangin kapag si Silver ang patuloy naming pag-uusapan.

"I haven't tried any of it, Freiya, when I was a kid, puro ako libro, aral, libro, aral, kasi nga I wanted to be on top always kagaya ng mga Ate ko," malungkot ang ngiting ipinakita niya.

Nagtataka tuloy ako kung gaano ba ka-challenging ang childhood niya at kung paano niya nakaya. Ang bata niya pa kaya noon, super mature siguro ito mag-isip.

Eh, kung pag-usapan kaya muna namin ang issue niya sa mga Ate niya nang maubos na iyang hinanakit sa puso niya? Kung iiyak siya ay nandito naman ako para sapakin siya. Charot, syempre para patahanin siya. Ampotek, ang sama kong gay boyfriend.

"Bakit mo ba kinakailangang gawin 'yon?"

"Kasi 'yong mga relatives namin they kept on telling me before na, Cora, 'yong mga Ate mo, achiever, dapat mapantayan mo 'yon."

Hay! Isa pa iyang mga relatives na iyan, eh. Masyadong over kung ikompara ka sa iba. Tsk! Pake ba nila kung iyan lang ang kaya mo? Ikakamatay ba nila kung hindi mo mapapantayan ang mga kapatid mo? Putcha, high blood na ako.

"Tapos, hindi lang naman sa achievements, ganda, talino, at talento kami naikokompara. Pati eye color, bakit daw iba ang akin? Starting that day, I despised being gray-eyed. Sa family kasi namin lahat sila blue eyes, pakiramdam ko tuloy dati, ampon ako, tapos iyong mga Ate ko, tinutukso rin ako na baka nga totoong ampon lang ako. Look how insensitive they are."

Kung ako si Corazon, tatawanan ko lang sila kapag tinutukso nila ako ng ganoon, pero mature na kasi ang isip niya noon pa kaya hindi talaga siya matutuwa, and knowing na ang soft-soft ng babaeng ito, edi syempre magdadamdam talaga. 

"But it actually makes you different from them, ayaw mo niyan ikaw lang ang unique sa inyo."

"Syempre, I was too young that time, ngayon I don't have any issue na when it comes to our eye color. Ang akin lang naman ngayon eh, bakit hindi ko maramdaman na mahal ako ng mga Ate ko?" nagpakawala siya ng isang malalim na paghinga at inubos ang ice cream niya. 

"'Yong mga Ate mo lang ang makakasagot niyan, Corazon."

Pero, bakit nga ba? Gusto ko yatang maging detective ngayon.

"I wanted to ask them, pero ayoko silang kausap."

What if ako na lang ang gumawa? Ay, nakakahiya naman. Pero, gusto kong malinawan siya at pati na rin ako. Mamaya ay aalamin ko kung saan nagtatrabaho ang mga Ate niya at aalamin ko na rin ang schedule nila para makapag-set na ako ng appointment.

Shuta, mukhang go na go na ako, ha. Pero, para kay Corazon, go! Namomroblema pa nga siya sa ex-boyfriend niya, tapos dumagdag pa ito, kaya kailangan matapos na itong sa mga Ate niya dahil noon pa pala ang issue nila. Si Silver naman, hayaan muna natin siyang maging masaya sa ngayon.

"Okay lang ba kung i-open mo sa'kin kung bakit 'di kayo okay ng Papa mo? Pero, kung ayaw mo, pipilitin pa rin kita," sabi ko kaya bahagya siyang natawa.

Ayan! Mas gumaganda ang isang Corazon Peters kapag tumatawa. Sana lahat.

"It was his birthday, five years ago, when I had decided to tell him that I can't be able to follow his desires for me," nakatingin lang ako sa kanya habang seryoso siyang nagkikwento, "Gusto niya kasi na magtrabaho ako sa company niya para kapag 20 na ako ay kaya ko na siyang palitan sa pwesto niya, but I was very persevere at that time na i-pursue ang Cora's Jewelry, gusto ko kasi na tumayo sa sarili kong mga paa, gamitin 'yong talent ko, instead of working in his company. Masyado na kasing kontrolado ni Papa ang buhay ko," pilit siyang ngumiti habang nasa lupa lang ang tingin, "Pero, nagalit siya sa naging desisyon ko. Nakagraduate lang daw ako ng college akala mo na kung sino. At mas lalo siyang nagalit kasi sinabi ko iyon sa harap ng maraming tao, narinig ng mga relatives namin, at mga kasamahan niya sa trabaho. Matapos non, pinaalis niya ako, ang sabi pa niya 'wag akong bumalik hangga't sa hindi ko siya sinusunod. I was prohibited to attend their birthdays, family gathering, Christmas, new year, lahat, because I am arrogant, self-centered, egoistic, stubborn, name all negative character traits, 'yan ang tingin nila sa'kin."

Agad kong hinaplos ang likuran ni Corazon habang pilit niyang pinipigilan ang mga luha niya. Dinala ko rin pala siya sa mataong lugar para mahihiya siyang umiyak. Charot!

Pero, seryoso ang OA ng Papa niya, ayaw niya non, ang bata pa ni Corazon, pero kaya na niyang bumuo ng sarili niyang kompanya. Kung ako lang naging Tatay nito baka nagpaparty na ako eh, imbitado lahat hangga't may plato pang natitira. 

"Saan ka tumira no'ng hindi ka pinauwi sa inyo?" tanong ko. 

"I stayed with Zella sa boarding house niya."

"Oh, paano mo na-umpisahan 'yong company mo?"

"May pera naman ako, pero of course, it wasn't enough, umutang ako sa mga bangko."

Ay, wow! Amazing naman pala talaga itong si Corazon, eh. Bakit hindi ma-appreciate ng pamilya niya? Anak ng putcha! 

"Maliit pa 'yong Cora's Jewelry dati, eh, tatlo lang din 'yong empleyado ko, hanggang sa lumago, nadagdagan ang mga empleyado, at nagkaroon ng other branches around the Philippines, but still, I haven't heard single praise from them, instead, they're pulling me down. Bakit sole pa rin daw ang business ko, hindi ko raw kakayanin, bakit 'di ko na lang daw isarado at magtrabaho sa company ni Papa para 'di na ako naghihirap? Ayaw talaga nila akong lumipad gamit ang sarili kong pakpak, ang saya."

Pinahid niya agad ang mga luha niya at nakangiti siyang tumingin sa akin. Ngumiti naman ako pabalik. Bigla niyang pinulupot ang braso niya sa braso ko at sumandal sa balikat ko. Hinayaan ko lang siya. Gusto ko rin namang iparamdam sa kanya na ako ang sandigan niya ngayon. 

"Pero, Corazon, bilib na bilib ako sa'yo," sabi ko. Marahan kong hinaplos ang buhok niya habang nakatingin sa mga bata sa harapan namin na pinapasidahan kami ng tingin at napapangiti pa.

Kinikilig ba ang mga ito? Putcha. Nasaan ang mga magulang nito at matanong nga kung binabantayan ba nila ang mga anak nila kapag nanunuod ng drama na romansa ang genre? Naku!

"Sana pati sila," bulong niya kaya muli niyang nakuha ang atensyon ko. 

"Ah, basta, kung ako lang ang naging magulang mo, bibilib ako sa'yo to the highest level," sabi ko. 

"Eh, pa'no ba 'yan naging fake gay boyfriend kita?"

"Bibilib pa rin ako sa'yo. Kahit na ano man ang naging papel ko sa buhay mo, maid mo man, driver, bodyguard, bibilib pa rin ako. Kahit sino naman siguro ang makakarinig ng istorya mo ay talagang bibilib sa'yo, Corazon. Ipadala mo kaya sa MMK ang istorya mo, o baka GMA fan ka, sa Magpakailanman na lang o wish ko lang, tiyak lahat bibilib sa'yo."

Bigla siyang umalis sa pagkakasandal sa akin at mariin akong tinitigan habang nakataas pa ang isa niyang kilay. "Okay na, eh, naantig na ang puso ko, eh," asar niyang sabi.

Natawa naman ako. "Pero, totoo 'yon. Kaya pupunta ka sa birthday ng Papa mo at sasabihin mo ang lahat ng gusto mong sabihin, pagkatapos ay umalis ka agad. Ganyan lang, dahil paniguradong isa-isa ka nilang pupuntahan at hihingi ng tawad at sasabihin sa'yo kung gaano sila ka-proud na isa kang Peters," puno ng sinseridad kong sabi at agad sumibol ang matamis na ngiti sa labi niya.

Ayan! Nabayaran niya na rin ako sa wakas. 

"Samahan mo 'ko."

Putcha. Ano namang gagawin ko roon? Ayoko ngang makita ang dramahan nila. Keme lang.

"Syempre, sasamahan kita."

"Salamat, Freiya."

"Pero, ano namang gagawin ko?"

"You just have to be my 'pampalakas ng loob'."

Hindi ko naiwasang mapatingin sa kanya, mata sa mata. Wala pang isang buwan simula nang magkita kami ulit at mukhang hindi niya pa rin ako maalala o baka kinalimutan niya na talaga ako. Okay na rin iyon, hindi naman maganda ang nakaraan namin.

Pero kasi dati, 10 years old ako at 7 years old naman siya, ako iyong 'bwesit sa buhay niya', 16 ako at 13 siya, siya naman iyong dahilan kaya 'nawasak ang puso ko', tapos ngayon ako na ang gagawin niyang 'pampalakas ng loob?'  Wow! Ano ba dapat ang maramdaman ko? Ka-stress naman.

"Oh, sige, sasamahan kita at gagawin mo 'kong pampalakas ng loob mo, hindi na ako hihingi ng increase, ang ibabayad mo sa'kin ay... pagpapatawad mo."

Kumunot ang noo niya. Alam kong hindi niya iyon inaasahan, pero ang pamilya ay pamilya, kahit magsumpaan pa sila riyan, pero sa ngalan na pamilya sila ay kinakailangan nilang magpatawaran.

"Malaki man o maliit ang kasalanan nila, pamilya mo pa rin sila, Corazon, at alam ko na walang tao ang hindi kayang patawarin ang pamilya nila," umiling siya at napatingin sa kung saan. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay kaya muling naibalik sa akin ang mga mata niya. "Laging may mabigat diyan sa puso mo kung hindi ka magpapatawad at hinding-hindi ka sasaya kung pamilya mo 'yong kalaban mo. At maling-mali 'yon dahil deserve na deserve mong maging masaya, kaya kahit hindi madali, matuto kang magpatawad."

Dinalaw kami bigla ng katahimikan at pareho lang kaming nagsusukatan ng tingin. Napakaraming emosyon ang makikita sa mga mata niya, pero mas nangingibabaw pa rin ang lungkot. Sus, if I know mahal naman niya ang pamilya niya at miss na miss niya na ang mga ito. Ma-pride lang talaga itong si Corazon. 

Nang marinig ko ang mabigat niyang buntong-hininga ay agad ko siyang hinapit papalapit sa akin at saka ko siya niyakap. Mukha kasing pakiramdam niya ay talo na siya, kailangan niya ng 'pampalakas ng loob.'

"Kahit ano man ang mangyari sa araw na 'yon, tandaan mo, hindi kita iiwan," sabi ko.  "Lalo na't hindi ko pa nakukuha ang buo kong sweldo," dagdag ko, kaya ayon, muntik nang malaglag ang baga ko.

Shuta! Ang lakas manuntok! Ang liit-liit ng kamao, pero ang bigat. Sa akin niya yata ibinuhos ang lahat ng nararamdaman niya.

"Ganyan ka ba sa lahat ng naging boyfriend mo? Nanununtok?" tanong ko pa.

"Ganyan ako magmahal," aniya.

"Anak ka ng nanay mo, ang sabi sa kontrata—"

"Do you know a joke, Freiya? Tss. Huwag feeler," mataray pang sabi niya.

Natawa na lang ako saka ko siya inutusang bumili ng cotton candy. Akala ko nga hindi papayag, eh, pero mabilis pa sa alas kwatro siyang tumayo at bumili.

Ang cute naman pala mapikon ng isang Corazon Peters. Shuta!