webnovel

Rainbow Academy Chapter 2

Rainbow Academy

Chapter 2

Natatanaw ko na mula sa malayo ang Rainbow Academy wait for me Lose nandito na ang iyong true love tapos naglakad ulit ako papunta sa Rainbow Academy habang naglalakad ako may nakasalubong akong sasakyan lumingon ako kasi ang gara ng sasakyan sana oil rich kid hehehe

Muk: good morning!

Habang tinitignan ko ang sasakyan napansin ko rin siya na ng good morning sa akin

"Good morning din sayo!"

Muk: First year Rainbow Academy Student ka din ba?

"Oo syempre"

Muk: ayos! Pwedeng sabay na tayong pumasok sa school

"Sure masaya yun"

Tapos lumabas siya sa sasakyan niya at nagusap kami saglit

Muk: ako pala si Muk nice to meet you!

"Nice to meet you din ako si Win"

Muk: ang cool ng pangalan mo Win!

"Syempre tayka first year ka rin tulad ko?"

Muk: Oo naman lumipat Kasi ako dito from abroad kaya medyo late ako"

"Ahh ganun ba!"

Muk: saka bakit mo natanong? Ganun na ba ako katanda?

"Hindi Kasi may sasakyan ka tapos nag drive ka!"

Muk: ahh okay so Tara sabay na tayung pumasok sa loob ng Rainbow Academy

"Tara!"

Tapos kasabay kong pumasok sa loob si Muk ang bago kong nakilala dito sa Rainbow Academy pagpasok ko sa loob namangha ako sa ganda ng school hindi naman ganun kalaki ang school pero sobrang ganda talaga nito tapos sinabi sa akin ni Muk na sa may stage na itinuro niya na doon daw kami magantay kasi may welcome ceremony para sa mga freshmen at kami yun.

"Nandito na tayo!"

Muk: Oo nga excited nako Win! Hehehe

"Ako rin! Apir!"

Nag apir kaning dalawa tapos unti unting dumadami ang mga istudyante dito sa may stage at exactly 8:00 am may umakyat na batang umakyat sa stage

"Tayka yang bata ang principal natin?"

Muk: Ewan ko! Pero sa tingin ko hindi mukhang may pakulo ata ang principal sa aten

"Siguro"

Pero nagulat kami na may nagsalita at hindi ang bata ang nagsalita kundi ang teddy bear na dala niya

Teddy Bear: Greetings Freshmen welcome to Rainbow Academy I'm pleased to meet you and by the way I am your principal that will guide all throughout your journey here in Rainbow Academy at masaya ako na dito kayo nag enroll sa school namin whatever your reasons of joining our school the most important here is the reward that you will get kapag nanalo kayo sa annual tournament aside na automatic pasar kayo for the year you are enrolled ay may gantimpala ang guardian ng bahaghari sa Inyo kaya galingan niyo and I am always here to guide you that's it and welcome to Rainbow Academy and pasok na kayo sa inyong respective rooms

Muk: ang galing ang Teddy Bear ang principal natin!

Nung malapit ng matapos ang speech ng principal namin ay may dumating pa na istudyante na tumabi sa amin Muk saka nagtanong sa amin na

Pooh: ano ba yung sinabi ng principal late kasi akong dumating eh!

Muk: may dalawang exam every year okay ang una ay midterm exam either written or performance task ang next exam ay finals na at yun ang annual tournament sa every year ganito may qualifying exam kapag nakaabot ka sa top 6 automatic sasali ka sa annual tournament then automatic pasar ka na for that year then kapag nanalo ka sa annual tournament automatic pasar ka and matatangap mo ang grand reward!!

Pooh: anong klaseng reward?

Muk: may pagkakataon kang humiling sa tagapgbantay ng bahaghari

Pooh: tagapgbantay ng bahaghari? Anong uri ng hayup Yan?

Muk: hindi ko alam tanging ang nanalo lang ang nakakaalam

Pooh: sino naman ang nanalo last year?

"Si Lose alam mo ba na two year straight siya ang winner"

Pooh: talaga?

"Oo!"

Muk: ibig sabihin fan ka din ni Lose?

"Oo!"

Muk: yieee same parehas Tayo!! Apir!

Nagapir ulit kami ni Muk saka si Pooh naman ay may tanong pa

Pooh: kapag hindi nakapasar sa exam anong mangyayari?

Muk: magbibigay lang ng passing rate para makapasa ang nakaabot sa top 6 pero hindi nanalo ay ang makukuha na grade ay ,88,89,90,91 pero still kailangan ipasa ang dapat ipasa sa mga subjects kapag may lacking ang naakabot naman sa final yung kasama ng champion ay instantly makakakuha ng grade na 94 or 95 at automatic pasar ka kahit mababa ang nakukuha mong performance sa school Basta nakaabot ka sa finals na kasama ang soon to be champion ay instantly pasado ka na"

Pooh: hindi narin masama may makukuha parin ako kahit hindi ako nanalo sa annual tournament

"Syempre!"

Muk: kaya galingan natin ah!

Pooh: Oo naman!

Muk: ako pala si Muk at itong kaibigan ko si Win!

Pooh: nice to meet you ako si Pooh

Muk: nice to meet you to Pooh

Tapos nung nakarating na kami sa mismong building papasok na sana kami ng makita ko si Lose as in yung for real ah sobrang saya ko

Muk: excited nako Win tara!

Excited ako na makita uli si Lose nung kaharap ko siya parang dati rati na lampayatot tung bata ngayun sobrang gwapo na impressed masaya ako at makakasama na uli Kita

Muk: Good morning Kuya Lose ako pala si Muk

"Ako naman si Win"

Lose: kumusta masaya akong makilala kayo Muk,Win welcome to Rainbow Academy

Muk: salamat po Kuya Lose

Tapos mga ilang minuto may dumating na lalaki nagjoke kay Lose

Tank: hindi ka kumain no! Hahahaha

Lose: Tank! Ikaw talaga!

Tank: hahahaha fanclub mo!

Lose: Oo si Muk at si Win

Tank: nice to meet you Muk,Win ako pala si Tank

Tapos nun syempre bigla sumagi sa isip ko na kapag breakfast hindi talaga kumakain si Lose kasi panay ang aral niya feeling ko hanggang ngayun ganun siya kaya may kinuha ako sa bag ko tapos ibibigay ko sana kay Lose kasi biglang kinuha ito ni Tank saka siya ang nagbigay kay Lose

Tank: para sayo! Lose!

Lose: Tank! Bakit mo kinuha eh kay Win yan eh

"Ayos lang! Kuya Lose ibibigay ko kasi din naman yan sayo!"

Lose: salamat ah! Sakto hindi pa ko kumakain

Tama nga ko hanggang ngayun ganun parin siya inuuna ang pag aaral kaysa kumain masaya ako at napangiti ko siya

Lose: oh siya mauuna nako ah mag practice pa ko

Tank: okay!

Tapos nun tinitignan ko parin siya tapos nagulat na lang ako tinaktakan ni Kuya Tank ang mga kamay namin

Muk: para san toh Kuya?

Tank: yan ang pa welcome greeting ko sa inyo goodluck sa school!

Kahit parang pasaway tung kaibigan ni Lose ay mabait din namin.

Kinagabihan ay oras ng kumain ng magical fruit sa magical tree malapit ng mag 12:00 kasi ang oras ngayun ay 11:35 na kaya kailangan ko ng umalis paglabas ko ng kwarto ko dahan dahan akong lumabas sa dorm papuntang pintoan ng dorm paglabas ko ay may nagaabang sa akin

Bad: san ka pupunta ka? Anong oras na ah!

"Ah ano kasi mag Cr sana ako!"

Bad: nasa loob ang CR bakit mo kinakailangan lumabas?

"Ah eh!"

Wala nakong maisip na rason buti na Lang parang may naamoy akong nagluluto saka sinabi ko Ito kaagad kay Kuya Bad para puntahan niya kaagad yun

"Bago mo ko pagalitan! May naamoy ka ba?"

Sabay inaamoy amoy ko ang paligid ayaw sanang maniwala ni Kuya Bad pero

Bad: tayka Oo nga no pasalamat ka ay may kailangan akong unahin

Kaya pumasok sa loob si Kuya Bad para tignan yung naamoy na parang may nagluluto tapos ako dumiretso nako sa kinaroroonan ng magical fruit

"Nandito na nako!"

Nakarating na si Win sa magical tree kumuha siya ng isang prutas tapos kumagat siya ng Isa sa prutas na pinitas niya sa magical tree then bumalik na siya sa pagiging babae at exactly 12:00 o'clock tapos nung dumungaw na ang araw ay kumagat pa ng isang beses si Win sa prutas na pinitas niya tapos naging lalaki na siya ulit.

Kinaumagahan syempre excited na excited akong maglaro muna ng basketball yun lang Kasi ang tanging laro na magkasundo kami naalala na sobrang nahihirapan siyang maglaro ng basketball pero gustong gusto parin niya maglaro at Tama nga ako naglalaro siya kaya sumali ako

"Hindi kumpleto ang laro kapag Wala ko?"

Muk: Uy! Win! Marunong kang maglaro ng basketball?

"Syempre"

Tank: tignan natin eto salo!

Biglang ipinasa ni Kuya Tank ang bola pero syempre nasalo ko kaagad

Pooh: ang galing ng salo Win!

Tapos naglaro na kami ng basketball syempre pinaalala ko sa kanya kung gaano ako kagaling at yun hanga sila sa akin after ng laro nagpahinga muna kami

Muk: ang galing mo ah Win!

"Syempre!"

Pooh: varsity ka ba nung elementary?

"Hindi! Pag highschool ko sana gusto ko kaso Hindi ko naman alam kung may varsity ba dito sa school?"

Tank: walang varsity dito sa school pero may basketball team pero nga scholarship ganyan wala dahil may annual tournament naman eh

Lose: correct!

Tapos habang nag uusap kami biglang binuhusan ni Tank si Lose ng tubig kaya yun nagkulatin na naman ang dalawang mag best friend

Tank: ang mahuhuli sa shower room ay pangit!! Hahaha

Lose: ang daya!!! Wala pa nga sa starting line!

Tank: bleh!!!

Tapos sumunod na din kami pagpasok sa shower room ay syempre nagkulitan kahit babae ako syempre ayaw ko sa masyadong maiingay pero kailangan kong makiride on kasi lalaki ako for today tapos nauna nako na maghubad ng damit tapos marami na rin ang nagsinunuran sa akin parang ako lang ang hinihintay ah😂😂 tapos kinuha ko ang towel saka pumasok nako sa shower room at naligo saka nung nasa loob nako ng shower nakita ko biglang pumasok si Lose tapos nakita niya ang naked body syempre hindi pwedeng sumigaw baka akala niya bading ako kaya Ito na lang ang naging reaction ko

"Sexy ko diba! Kuya Lose hahaha ano pala ang ginagawa mo dito!"

Lose: sorry Win si Tank kasi tinulak ako!

Tank: hahaha #deserve hahahaha

"Ikaw talaga! Sorry ulit Win!"

"Ayos lang!"

Tapos nung lumabas na si Lose grabe yung face ko ang non reaction syempre baka mahalata nila pero yung utak ko parang bulkan na sasabog sa kakasigaw

"Lose! First time mong makita ang naked body ko saka sa boy form ko pa"

Tapos kahit Iniisip ko pa ang nangyari ay nagpatuloy parin ako sa pagligo after kong naligo ay lumabas nako sa shower room saka nagbihis pagkatapos kong magbihis nag toothbrush ako ng ngipin ko habang nag toothbrush ako biglang lumapit si Lose magsisimula pa lang nag shower inaayos pa ang buhok niya bago maligo kahit noon pa ganyan na siya bago may gagawin siyang isang bagay sinisigurado niya na tapos na ang mga ginagawa niya. Pumasok na rin siya sa loob ng shower room at naligo tapos nun hindi ko napansin na dumating si

Sun: bakit matagal ang mong magsipilyo

Tapos dinura ko na ang bula sa pag toothbrush ko kanina saka ako nagsalita

"Sorry po sinisigurado ko lang na malinis ang ngipin ko Po"

Sun: okay!

Tapos bigla na lang tinitignan niya ang make up set ko sa sobrang taranta ko kinuha ko na ang mga gamit ko saka umalis doon sa may gripo at pumasok sa dressing room at nagbihis ng damit

"Muntikan nako dun ah!"