webnovel

CHAPTER 07

DANAH'S POV

Ngayon nakahiga ako.

Iniisip ko Yung nangyari kanina.

Grabi Ang saya at kilig ako non.

Kusa akong napangiti dahil na alala ko na naman yung nangyari kanina.

Kaya naman nagpapadyak ako habang sumususob sa unan ko.

Tapos nagtititili ako.

Sa sobrang saya buong klase akong nakangiti at napapatingin ka Justine kahit sa pag uwi walang nakasira sa Saya ko.

Napapakanta pa ako.

"Yaaahhh!! Potek! Potek!! Ihhhh!!" Nagtitili na naman ako.

Nang biglang may sumigaw "HOY KIRAY MAGPATULOG KA!!" Takte panira ng moment to si kuya e.

Ang epal talaga.

Hindi ko nabanggit may kuya nga pala ako si kuya Russell James ramilo.

Kahit kaylan epal tong si kuya russ.

Natigil tuloy ako sa pag iisip ko dun sa ng yari kanina epal Kasi.

"EWAN KO SAYO, WALANG KIRAY DITO" ganti Kong sigaw pabalik Kay kuya russ, panira! naiinis ako sa kanya.

Ayaw ko na tinatawag akong kiray.

Duhh I'm not kiray kagigil Lang.

"HA? HATDOG" sigaw neto ulit aba bwisit talaga to si kuya kahit kaylan kagigil. Nasa kabila Lang Ang kwarto ni kuya. si kuya ay nasa collage na mga 2nd year na sya, business management Ang kinuha nyang course dahil sya rin naman ang maghahandle ng business namin kapag pinasa na ni papa yung business kay kuya russ.

Ewan ko ba Kay kuya wala paring jowa hanggang ngayon, 19 years old na si kuya pero wala pa ding napapakilala kila mommy, Kaya parang bitter sya samin ni Justine, joke!

Gwapo naman ang kuya ko, maganda Ang pangangatawan, matangkad, magaling sa sport and also sa pagkanta.

Hobby ni kuya ang pagkanta, takte Kung marinig nyo lang yung boses nya mapapamangha kayo sa lamig ng boses nya at medyo magka boses sila ni Reyne na Youtuber na nagcocover ng mga old songs.

At chaka salikod lang yung iskwelahan ni kuya kadugtong ng Winton high pero Winton University na yung nasa likod.

mga senior na yung nandon ssa sa mga sikat sa W.U si kuya Kaya madaming nagkakagusto sakanya pero si kuya masungit at snober Kaya Hindi maka lapit yung may gusto sa kanya At dahil din don Kaya Wala siyang jowa dahil sa masungit at may pagka magaling magdrawing din si kuya Kaya dagdag sa kasikatan nya.

Sa girls lang talaga siya masungit maliban sakin at kay ate sam na best friend niya mula high school.

Pero Ewan ko ba minsan lumalabas Yung pagiging makulit nya pag pinagtritripan nya ako.

Tama na, tama na nga puro kay kuya russ na Yung pinag uusapan.

Ok back to the main topic.

Hindi ko inaasahang magkakaganon si Justine dahil nagseselos sya Kay klint , bwisit Kaya pala masungit na parang may menstruation.

Nagseselos pala Ang loko!!

Pero Alam nyo guys..... Ay sorry di nyo pala Alam. Charr.

Kung ako si Justine ay siguro sobrang sobrang selos ko non takte Makita ko palang na may lumapit Kay Justine na babae baka makalbo na Yun sa sobrang gigil ko.

Tumingin ako sa CP ko, ay 1 am na pala.

Makatulog na nga!!

•••••

Nang nakapag ayos na ako at nakapaghanda ay bumaba na ako para makapag almusal kaso nakita ko Yung epal.

"Good morning kiray." Bati ni kuya russ habang nakangiti ng nakakaasar.

Ang aga aga naninira kaagad ng araw.

"Tss kiray your face!" pagtataray ko.

"Aga aga, ang sungit ng kiray ko." kagigil to kiray ng kiray.

"At ang aga aga den pero naninira ka ng Umaga." Bata ko sa kanya.

Tinawanan lang ako nito.

"At kuya Sino bang kiray ang sinasabi mo dahil sa pagkakaalam ko danah ang pangalan ko." Dagdag ko pa.

"Di mo kilala sarili mo, nako men masama yan."

"kuya wag Kaya ako Yung pag tripan mo Noh, at tsaka hanap hanap din ng jowa pag may time ng may mapagtuunan ka Naman ng pansin Hindi puro ako ng ako yung bwinibwisit mo. Bahala ka tatanda kang gurang." Ngising sabi ko sabay tawa.

"Tss." ayun na Lang Yung sinabi nya.

Haha nainis.

Pagkatapos non ay kumaiin na kami Wala sila mommy Kaya kami Lang ni kuya at nila Nana Tess Ang nandito.

Nang matapos ay lumabas na ako at nakita ko naman si Justine Kaya kinuha ko na Yung bike ko.

Pansin ko naiilang si Justine HAHAHA..

Siguro dahil sa nangyari kahapon.

At nagbike na kami papuntang Winton high..

Teka wait....

"Jus! Diba malapit na Yung piesta??"tanong ko dito habang nagpipidal.

"Oo,mga dalawang araw na Lang at magpe piesta na, Kaya nagiging abala na lahat sa Winton high."ahh Sabi ko na nga , Kaya pala nakita Kong may mga nag gagawa Ng mga banderitas.

At marami pa.

Takte malapit na Yung piesta.

July 13 ngayon miyerkules so sa Friday July 15 myg.

Nang makarating kami ay agad pumasok kami.

••••

First sub namin ay English sunod

Science at ngayon mapeh bago kami magbreak time.

Nasa room pa kami.

Ng dumating si sir.Ignacio.

"Ok guys ngayon ay p.e nyo Kaya get ready at mag palit na kayo ng p.e uniform at hihintayin ko kayo sa gym.

May activity tayo. K bye" Sabi ni sir at umalis na si sir.

Kinuha ko Yung p.e uniform sa looker ko at nagpunta na ako sa ladies restroom para maka pagpalit.

At nang matapos ay nagpunta na ako sa gymnasium.

Nakita Kong naka upo na Ang mga kaklase ko pati si Justine kumaway eto at tinawag ako.

Hay Justine Ang gwapo mo talaga....

★☆(*´з'*)☆★