webnovel

Profit You Gave

Jessa_Altarejos · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
7 Chs

Chapter 1

Unravel

        Makulimlim ang kalangitan nagbabadya ng pag ulan sa campus. Walang nagkalat na mga estudyante sa labas. Lahat ay naghihintay ng sundo sa tapat ng parking lot. Pakiramdam ko ay malungkot ang paligid dahil tahimik ang bawat silid at ang malimit na makikita ay ang mga nakatulala, nagtatawanan, nag uusap ng tahimik at kung ano ano pang ginagawa ng katulad kong estudyante. Hindi pa labasan ng mga higher batch ng college kaya pwede pa akong magtagal dito sa tapat ng building nila.

"Hoy Ria kanina pa kita hinahanap!" Napangiwi ako sa sakit.

"Victoria naman palagi ka na lang nanghahampas!" Hinimas ko pa ang bahaging hinampas niya habang nakanguso sa kaniya.

"Paanong hindi kita mahahampas, kanina pa kita hinahanap tapos dito ka lang pala nakatengga?" Bumuntong hininga ako

"Hinihintay ko lang matapos ang klase nina Dustin" muli niya akong hinampas sa braso.

"Aray naman Victoria!"

"Masasaktan ka talaga sa aking babae ka! Unang una, kahit hintayin mo siya lumabas diyan hinding hindi ka niyan mapapansin! Pangalawa, kailan mo ba ibabaon diyan sa utak mo na ayoko nga ng tinatawag mo akong Victoria!" Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa mariing pagsigaw niya.

"Can you tone down your voice? Its destroying my eardrums and for your information malimit kaming magka eye contract ni Dustin no, kaya alam kong napapansin niya ako and ano bang gusto mong itawag ko sa iyo? Ria din? Eh di parang tinawag ko na din ang sarili ko?" inirapan ko siya at narinig ang pagsinghap mula sa kanya.

"Victor ang itawag mo sa aking bruha ka! Halika na nga kanina pa naghihintay si Manong!"

"Give me five minutes and I'll go VICTOR" pinal na sabi ko sa kaniya. Sinadya kong diinan ang pagkakasabi ko sa gusto niyang itawag kong pangalan sa kaniya.

"Sige ha five minutes sumunod ka na sa akin after five minutes, kapag hindi ka sumunod sa binigay mong oras sasabunutan talaga kita Ria" iminuwestra ko ang aking mga kamay para umalis na siya.

Pagkaalis niya ay nakahinga ako ng maluwag. Muling  hinanap ng mata ko ang silid kung nasaan si Dustin. Walang bakas na tapos na ang klase nila. Bumuntong hininga ako at bigong tumalikod. Mukhang hindi ko makikita si Dustin ngayong araw.

"Brianna!"

Narinig ko ang sigaw ng isang pamilyar na boses. Muli akong napabuntong hininga at bagsak ang balikat na nagpatuloy sa paglalakad. Kung sino ang ayaw kong makita ay siya naman laging nakaabang sa akin. Sumabay sa paglalakad ko si Henry. Ang lalaking patay na patay sa taglay kong ganda. Bakit kaya siya ang tinamaan ng ganda ko at hindi si Dustin? Eh di sana ngayon ay may nakakakilig at masayang love life na ako.

"Kanina ka pa namin hinahanap ni Victoria nakita ka ba niya?"

"Oo" walang gana kong tugon.

"Sinaktan ka na naman ba niya? Masakit?"

"Bakit ka ba palaging nangungulit sa akin? Wala ka bang matinong kaibigan sa basketball team nyo?"

"Meron naman pero mas gusto kitang kasama kaya sagutin mo na ako" tumingala ako sa kaniya.

Gwapo naman si Henry, actually siya ang MVP ng basketball team dito sa campus at dumagdag pa ang malakas niyang appeal kaya marami ang nagkakagusto sa kaniya pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit sa akin pa siya nagkagusto.

"Kailan ba kita pinayagang ligawan ako? Ano bang nakita mo sa akin Henry bulag ka ba at ako lang ang nakikita ng mga mata mo?"

"May monthly menstruation ka na naman ba Ria? Ilang beses mo na iyang naitanong sa akin ngayong buwan at tulad ng palagi kong sagot..."

"Oo na maganda ako at mabait kaya ako ang napili mo"

"You memorized it already?" He chuckle a bit.

"Syempre, ang cheesy mo kasi kapag ikaw ang nagsasabi kaya I initiate. Why don't you try hanging out with other girls? Im sure may katulad ako na maganda na mabait pa" inirapan ko pa siya kaya napahalakhak siya sa aking sinabi.

Nagtilian naman ang mga babaeng nakakasalubong ko dahil doon. Syempre isa siya sa mga campus crush kaya hindi na ako magtataka sa mga nagtitilian na babae.

"You're beyond beautiful after all kaya walang katulad mo ang mahahanap ko"

"Kasi nga ako ang lagi mong kasama kaya sa akin lang nakatuon iyang atensyon mo"

"Still y—" naputol ang dapat na sasabihin niya nang may grupo ng mga kababaihan ang lumapit sa kaniya.

They are all have red cheeks and red lipstick. Unang tingin pa lamang ay mahahalata mo na agad na sobra ang paglalagay nila ng kolorete sa mukha. They also have the same ponytail that makes them look clown in my eyes.

"Oh my gosh Henry Sullivan you really are, our hero!" Sigaw ng babaeng parang lider ng grupo na nangingisay sa kilig.

Mas lalong dumagsa ang mga dumadating na kababaihan at may bigla na lamang tumulak sa akin kaya tumalsik ako sa gilid.

"Ahh!" Mariin na akong napapikit na ako dahil alam kong tatama ang ulo ko sa dingding.

"Brianna!" Rinig kong sigaw pa ni Henry.

Pero isang minuto na ang nakakalipas ay wala pa rin akong nararamdaman na matigas na bagay na maaaring pagtamaan ng ulo ko at malakas na singhapan lamang ng mga babae ang naririnig ko. Sa halip ay parang malambot pa nga yata ang nadaganan ng ulo ko. May nararamdaman din akong malambot na bagay na parang tumakip sa aking palda. Unti unti kong iminulat ang aking mata at isang pamilyar na bulto ang sumalubong sa akin. Ang mga asul na mata na palaging umaakit sa akin. Pinaghalong gulat at kilig ang naramdaman ko habang nakatingin sa kaniya. Halos hindi ko maalis ang tingin sa kaniya habang siya naman ay nag iwas na ng tingin at tumikhim.

"Ayos ka lang ba?"

Para akong matutunaw at ramdam ang pag init ng pisngi tanda ng pamumula nito. Hindi ako nakapag salita. Panaginib ba ito? Please wag nyo na po akong gisingin. Itinaas niya ang ulo ko gamit ang kamay niyang nakadantay sa ulo ko. Iyon siguro ang malambot na nararamdaman ko.

Bigla namang hinawi ni Henry si Dustin habang ako ay habol pa din ang tingin sa kaniya.

"Miss ayos ka lang?"

Muli niyang tanong sa akin pero dahil kinikilig at hindi ako makapaniwala sa isip ay nauutal akong sumagot sa kaniya.

"O-okay lang ako D-dustin"

Tumango siya at tiningnan pa ang ilang parte ng katawan ko at nang masigurong ayos lamang ako ay saka muling nagtama ang mata namin. May biglang tumabig sa kaniya dahilan para siya ay mapatabi ng kaunti.

"Ako na dito pwede ka ng umalis salamat" sabi ni Henry kay Dustin na pinsan niya. Kumunot ng kaunti ang kaniyang kilay at dahan dahang tumayo. Nakasunod lamang sa kaniya ang aking mata. Bumaba ang tingin niya sa aking hita.

"Take it" baritonong boses na sabi niya habang nakatingin sa aking hita na may taklob ng hoodie niya at saka siya umalis hanggang sa mawala sa paningin ko. Mas lalong namula ang pisngi ko at wala sa sariling tumango dahil doon. Is this really happening?

"Hey Brianna Im sorry, Are you okay? Anong masakit sayo?"

"Nananaginip ba ako?" Tumingin ako kay Henry na halata ang pag aalala sa mata.

"Oh my gosh Ria, Henry what happened to her!"

Niyugyog ako ni Victoria kaya alam kong nangyari nga iyong sa kanina. Nagising na ako sa aking pantasiya. Panira ng moment talaga ang kambal ko kahit kelan. Itinayo nila ako habang ako ay parang hindi pa din makapaniwala.

"Totoo ba ito?" Hindi ko napigilang tanong sa kanilang dalawa.

"Henry dalhin na natin siya sa hospital mukhang hinangin na yung utak niya, Ria stay conscious we're going to hospital" nag mulat mulat ako ng mata dahil doon. Kumalas ako sa kamay ni Henry na nakaalalay sa akin gayon din kay Victoria.

"Anong hinangin!" Pinagpagan ko ang sarili ko at hindi naiwasang napatingin sa baba. Isang kulay puti na hoodie ang kumuha ng atensyon ko. Mabilis ko iyong nilimot at inamoy. Napapikit ako dahil sa pabango na lagi kong naaamoy kay Dustin kapag malapit siya sa akin.

"Oh Lord thank you for the blessing" sabi ko habang yakap yakap ang hoodie na iniwan ni Dustin. Bigla naman akong sinapok sa noo ni Victoria kaya napa-aray ako sa sakit.

"Grabe talaga yang pantasiya mo! Akala ko hinangin na iyang utak mo dahil sa pagbagsak yun pala kinikilig ka na pala diyan gaga ka! Tara na nga baka kung saan ka pa mapadpad niyan!"

Hila hila ako ni Victoria habang si Henry naman ay maya't maya ang paghingi ng tawad dahil sa nangyari. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Hindi naalis sa aking labi ang malawak na ngiti. Akala ko ay wala na akong pag asa kanina na makita ang ultimate crush ko.

"Haay" muli kong naamoy ang pabango sa hoodie na mahigpit kong hawak. Naalala ko ang sinabi niyang 'take it'. Para siyang isang prinsipe na nagmula sa malayong kastilyo at naglakbay pa para sagipin ako.

Isang malakas na sapok sa braso na naman ang inabot ko sa aking kambal.

"Nagpapantasya ka na naman! Kaya pala hindi ka sumasagot sa mga tanong ni Henry dahil busy ka sa kakaisip na naman diyan sa alikabok na iyan! Nako talaga Ria sinasabi ko sayo!" Pumasok na ako sa loob ng Van at sumunod naman siya.

"Akala ko hindi ko na siya makikita hihi" I giggle at the thought of it. Kapag sinuswerte ka nga naman, bonus pa dahil sobrang lapit namin kanina.

"Kawawa naman yung tao pinapaasa mo! Hindi ka na naawa kanina pa siyang mukhang malungkot dahil sa nangyari sa iyo. Pakiramdam ko nga ay sinisisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari pero pisti ka at hanggang ngayon ay nakangiti ka pa!"

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagpapantasya. Ilang beses ko naman siyang binusted pero sige pa rin siya kaya hindi ko na iyon kasalanan. Nasa kaniya na ang problema kaya wala na ako doon. Basta ngayon ay si Dustin pa din ang para sa akin. Muling bumalik ang lahat ng nangyari kanina.

"Aray ko Ria ano ba! Bakit bigla ka na lang diyan nanghahampas!" Hindi ko na namalayan na nahampas ko na pala siya.

"Ihh sorry na kinikilig ako eh, maging supportive ka naman kahit minsan lang" maktol ko sa kaniya. Hindi maalis ang malaking ngiti sa aking labi.

"Supportive mo mukha mo! Magiging supportive ako sa iyo kung hindi ka na nanggagaya sa akin sa mga assignments dahil diyan sa katamaran mo! Puro na lang yang si alikabok yang nasa utak mo!"

"Eh di ikaw na ang masipag, ineenjoy ko lang ang college life ko alam mo naman ang hirap na dinanas natin nung highschool kay Abuela"

"Ikaw lang ba nahirapan ha! Batukan kaya kita diyan!" Itinaas niya ang kaniyang kamao kaya napapikit ako. Ilang segundo ako pa ang lumipas pero walang bumatok kaya nagmulat na ako.

Hindi kasi kami lumaki sa mga magulang namin. Palaging nasa business trip sina mommy kaya naiiwan kaming mag isa ni Victoria noon sa bahay. Kaya napagpasiyahan nilang iwan kami kay Abuela. Sobrang istrikto niya, yung tipong kahit yung pananalita mo dapat bilang at nasa ayos. Bawal kami lumabas ng mansyon dahil bantay sarado kami. While our classmates are having fun, we are bored in the mansion. There's also bodyguards tailing us whenever we're in the school. Mayor kasi si Lolo at maraming nagbabanta sa buhay namin kaya kailangan namin ng matinding seguridad. Ang alam ko nga ay na kidnap noon si mommy dahil sa pangangampaniya ni Lolo.

"Hoy lutang ka na naman diyan nandito na tayo!" Bumuntong hininga ako

"Isusumbong kita kay Abuela palagi ka na lang sumisigaw sa akin"

"Subukan mo isusumbong din kita diyan sa pinaggagawa mo para makita si Dustin A.K.A alikabok"

"Why are you always calling him like that? Ang pogi niya kaya para tawaging alikabok duh"

"Pogi nga siya pero sa DUST nagsimula ang pangalan niya no! Bahala ka na nga diyan" Lumabas siya at sumunod na ako. Sinalubong kami ng mga katulong.

"Nakahain na po ang meryenda" tumango ako at dumiretso sa kwarto ko para magbihis pagkatapos ay bumaba na.

"Hi Mom, hello Dad" humalik ako sa pisngi nilang dalawa. Malimit lamang kaming makumpleto sa hapagkainan. Palagi lang kasi kaming dalawa ng kambal ko.

"How's your day Victoria? Brianna?"

"As usual Mom, Brianna always get on trouble"

"That's not true! Nadamay lang ako sa mga fans ni Henry kaya muntikan na akong mauntog buti na lang sinalo ako ni Dustin...ko" hininaan ko ang huling salita at muling nangiti.

"You should behave Brianna or else I'll send you again to your Abuela" banta sa akin ni Daddy. Tumungo ako.

"Okay Dad"

The whole dusk time was about our to-do's that Mom and Dad gave us. They are leaving again because of business as usual. Tumaas na ako at nagpahinga.