webnovel

Prince in the Other World [Romance]

Yveon Sid Baltazar has feelings for her childhood best friend, Grant Velasquez. Grant is a famous actor, singer and model who has an excellent reputation. Yveon never tried to confess her feelings to her friend, and she knows that it will just ruin everything and she's contented on what relationship they have now. Minseo Xin, a boy who lives in the other world, was a rule breaker. He's the next one to be the king of Hanyang Dynasty, but he doesn't like the idea of being in the throne that's why he does his best to make his father angry and let his brother Jun take the throne instead. His father- the current king of Hanyang, decided to send Minseo on the other world where Yveon and Grant lives and let his brother Jun take the spot of being the next king temporarily. What will happen if Yveon and Minseo meet? Does Grant will know what his childhood best friend feels for him? The feelings will be mutual or not?

Lunaaaaa_ · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
20 Chs

08

"Good evening, Mom. How's your day? May nangyari ba? Mukhang napakaganda ata ng ngiti sa labi mo, Mom. Did something happened?" tanong ni Grant na kararating lang galing sa shooting ng my girl and i na bago niyang project. Hinalikan niya ang kaniyang ina sa pisngi atsaka tinanggal niya ang kaniyang coat at isinampay. Agad siyang naupo sa couch. Pakiramdam niya sobrang pagod na pagod siya. Pakiramdam niya napakatagal na ng huli niyang pahinga.

Umiling ito sa kaniya at tumabi rin sa kaniya sa pagupo, "Nothing. I'm just happy that i can see you again on television. Aren't you tired? Sunod sunod ang project mo. Can i see your schedule?" tanong nito sa kaniya. Tumango naman si Grant pabalik atsaka tumayo at kinapa ang kaniyang coat na tinanggal niya ngunit wala ang schedule niya roon.

Bumalik siya sa pagkakaupo sa couch at isinandal ang kaniyang katawan rito, "Wala sa coat ko, Mom. Baka nasa loob ng room ko. Ibibigay ko nalang sa inyo mamaya." ani niya at kinuha ang remote ng television at iniopen 'yon.

Napatingin siya sa kaniyang ina ng kalibitin siya nito, "You know what. It's been months when i and Sid saw and talked to each other. I really miss her. Pupunta siya rito bukas ng gabi, right? Dapat sinabi mo sa kaniya na mag tatampo ako kapag hindi siya nagpunta bukas." saad nito kaya agad nailing si Grant.

Pinatay nito ang tv at isinandal ulit ang katawan at pumikit, "You really missed her, Mom? Well, she said yes, pupunta siya. Susunduin ko siya sa bahay nila bukas. It's been months also noong last na nakadalaw ako doon at nakausap sina Tita at Daya." ani niya, nanatiling nakapikit ang mga mata.

"Glad you will. Tell Maricel and Daya to come too. I really missed them, lalong lalo na si Sid. Namiss ko kakulitan niya. Don't you miss her too?" tanong nito at bahagya siyang siniko, pinagtaasan siya nito ng dalawang kilay kaya agad siyang nailing at tumayo na.

Nagunat siya at agad na kinuha ang coat niya, "I always see her on school, Mom. Hindi siya nakakamiss. Nakaka bobo pa nga eh. Kung saan saan ko nalang siya nakikita. Kung nasaan ako nandoon siya. Paano ko mamimiss 'yon?" isinukbit nito ang coat niya sa kaniyang likod.

Ngumisi ang kaniyang ina, "You know what. I like Sid for you, anak. She's pretty and talented. I know magaling rin 'yon. Hindi lang natututukan. Ligawan mo na kaya, anak? Hindi kapa nagkakaroon ng girlfriend eh. Wala ka namang natitipuhan na mga co artists mo." ani nito kaya nailing siya at napangisi.

"Liligawan? Sa dinarami rami ba naman ng babae sa mundo siya pa talaga gusto niyo, Mom? She's not that pretty. Hindi ko siya type." saad nito at nagsimula ng maglakad patungo sa kaniyang kuwarto.

"Sus. Wag na wag kang magiging torpe anak. Kung gusto mo, kunin mo na. Ikaw rin at baka maunahan kapa. Wag mong sinasarili lang ang nararamdaman mo. Handa akong makinig, anak. Kahit sabihin mong hindi, mama mo parin ako kaya alam ko kung nagsasabi ka ng totoo o hindi. Wag ka ng maging torpe, maliwanag ba?" sigaw nito sa kaniya, ng isarado ni Grant ang pinto ay natawa nalang ang ina nito at naiiling na naglakad pabalik sa kitchen.

"Hindi ko alam na may anak pala akong torpe." natatawang ani nito.

Inalis ni Grant ang coat niya at hinayaang matira ang boxer at sando niya. Isinabit niya ang coat niya at agad na nagtungo sa loob ng bathroom. Bago iopen ang shower ay naalala niya ang sinabi ng kaniyang ina.

Naiiling na inopen niya ang shower at hinayan itong pumatak sa buong katawan niya, "I will, Mom." saad nito at natatawang inayos ang sarili. Tumagal ng ilang minuto bago siya umalis roon, kinuha ang twalya at pinatuyo ang kaniyang sarili.

Agad niyang nakita sa stand mirror ang sugat sa kaniyang dibdib. Hindi niya alam kung saan niya nakuha iyon. Hindi niya rin naman maalala, kapag tinatanong niya ang kaniyang ina ang sinasabi lang nito ay nakuha niya yon ng bata siya. Nadapa daw siya sa sobrang kulit maglaro.

Akmang ibabalik na niya ang twalya ng bigla siyang makaramdam ng pagkahilo, naguunahang pumasok sa isipan niya ang mga memoryang hindi niya matukoy, tila ba nangyari na ngunit malabo ang mga iyon.

"Ghyn, ako na ang kukuha ng mansanas. Maiwan kana riyan sa baba, maliwanag ba? Kapag nalaman ng amang hari na umakyat ka rito sigurado akong mapaparusahan ako. Gusto mo ba iyon?" pananakot ni Ghyno sa kaniyang nakababatang kapatid na si Ghyn. Agad itong umiling at bumalik sa pagkaupo kaya agad na napangiti si Ghyno at pinagpatuloy ang pag akyat at pagkuha ng mansanas.

"Anong ginagawa ninyong dalawa riyan? Papaano kayo nakalabas sa inyong silid? Nasaan ang tagabantay na nakataas na magbabantay sa inyo? Tila ba nagkakatuwaan kayong dalawa ng wala ako." saad ng kararating na si Ghynes. May pana ito sa kaniyang likuran, nakasuot ang puting tali sa kaniyang noo tanda na anak siya ng isang hari, ganoon rin si Ghyn at Ghyno.

"Umakyat si Kuya Ghyno para kumuha ng mansanas na makakain natin kuya. Umakyat ka rin para marami tayong makuha. Tiyak na masarap ang mga mansanas na iyan." ani ng nakababata nilang kapatid na si Ghyn. Nginangatngat nito ang isang mansanas sa kaniyang kamay. Natawa si Ghynes at agad na naupo sa tabi ni Ghyn at pinunasan ang labi nitong nagkalat ang mansanas.

"Kahit kelan ka talaga, Ghyno. May kapangyarihan ka naman. Ano pa ang saysay ng pag akyat mo riyan? Kung ginamit mo nalang ang kapangyarihan mo. Edi hindi kapa sana napagod. Paano kung madisgrasya ka riyan?" saad ni Ghynes. Si Ghynes ang pinaka matanda sakanilang tatlo.

"Nasabi mo na, Kuya. May kapangyarihan ako kaya hinding hindi ako madidisgrasya. Atsaka isa pa, kaya ko na ang sarili ko. Tumayo ka riyan at saluhin ang mga nakuha kong mansanas." saad ni Ghyno na marami ng nakuha at nakalagy sa kaniyang damit na nakapulda.

Tumayo naman si Ghyno at iniwan si Ghyn, tumayo siya sa ilalim ng puno at inihanda ang kamay. Agad na itinapon lahat ni Ghyno ng sabay sabay ang mga iyon dahilan para mahulog sa mukha ni Ghynes. Agad na natatawang bumaba sa puno si Ghyno at natatawang nagpatuloy naman sa kaniyang pagkain si Ghyn.

"Kahit kelan talag puro katatawanan nalang ang ginawa niyo sa akin. Kayong dalawa, buti nalang talaga mabait ako." natatawa ring ani ni Ghynes. Napatingin silang tatlo sa humahangos na Ministro.

"Magmadali kayo. Nandiyan ang mga taksil na kawal. Balak nila kayong patayin. Tauhan sila ni Ministro Xin. Tumakas na kayo, mag madali kayo!" saad nito kaya agad na tumakbo si Ghynes para kunin si Ghyn at buhatin.

"Nasaan ang ama?" tanong ni Ghynes. Tinambol ng kaba ang dibdib ni Ghynes at Ghyno, si Ghyn naman na walang alam sa nangyayari ay patuloy parin ang pag ngatngat sa pagkain.

"Nandoon siya sa puok dasalan. Magtungo kayo roon. Tumakas na kayo. Ipapadala niya kayo sa ibang mundo. Mas protektado kayo roon." ani nito kaya nailing nalang si Ghynes at pinabuhat sa Ministro ang kapatid nilang si Ghyn.

"Bantayan mo si Ghyn. Kapag naipadala na siya sa kabilang mundo, burahin mo ang isipan niya. Ganoon narin si Ghyno. Ghyno, sumunod ka sa ministro. Maiiwan ako rito. Kailangan kong protektahan ang trono laban sa ganid na si Ministro Xin." ani nito, kausap si Ghyno.

Unti unting nagtubig ang mata ni Ghyno. Nanginginig itong nagsalita, "M-Mananatili ako... K-Kuya. Sasamahan kita. H-Hindi ako aalis. L-Lalaban ako." pagpupumilit nito ngunit umiling lang si Ghynes.

"Sumama ka sa kanila."

"H-Hindi... Ayoko K-Kuya." pagpupumilit nito. Hanggang sa makarinig sila ng mga yapak ng hindi kakilalang tao kaya agad na nabaling si Ghynes sa Ministro.

"Mauna na kayo. Kami na ang bahala rito ni Ghyno."

Yumuko ang Ministro, "Masusunod, Mahal na Prinsipe." agad na itong tumakbo at nagtungo sa puok dasalan.

Bumaling si Ghynes sa kaniyang kapatid na si Ghyno, "Lalaban tayong dalawa. Ngunit ipangako mong, sabay tayong aalis rito sa mundong 'to patungo sa mundo ng tao, sugatan ngunit buhay. Maliwanag ba?"

Tumango si Ghyno kahit pa sobrang kinakabahan na siya, "Masusunod, Kuya." ngumiti si Ghynes, sa oras na 'yon ay umatake ang mga di kakilalang mga kawal.

Nagkaroon ng sugat si Ghyno sa kaniyang dibdib ng matamaan siya ng kunai na ibinato ng isang kawal sa kung saan. Nakita iyon ni Ghynes at akmang lalapit siya sa kapatid ng bigla nalang atakihin rin siya ng isang kunai at madaplisan sa kanang kamay. Lumaban sila ng sabay, dala dala ang pangako ng isa't isa.

"Aaaaaah! T-Tama na... T-Tama na. P-pakiusap." naiiyak na ani ni Grant. Nakahawak ito sa kaniyang ulo. Ilang beses niyang sinuntok suntok ang pader at ibinato ang mga mahahagip ng kamay niya.

Huminga siya ng malalim at naiiyak na napaupo, "Lagi nalang. Lagi nalang ako nagkakaroon ng ganitong panaginip at alaala." napayuko siya at unti unting nawala ang sakit ng kaniyang ulo.

"Sino ba ako? Sino ba talaga ako?" bulong niya sa kaniyang sarili. Tumayo siya at akmang hahakbang ng bigla nalang siyang makaramdam ng pagkahilo at agad na nawalan ng malay.

"Sarah, you're holding the knife in a wrong way. Magdahan dahan ka lamang at baka masugatan ka. You don't even know how to cook yet you're acting like a professional one with teary eyed cutting that onion, hahaha." natatawang ani ko habang tinitignan si Sarah na tila ba propesyunal na naghihiwa ng onion habang maiyak iyak.

Nandito kami ngayon sa bahay niya. Ofcourse, i'm here so we can check about the cctv. Pero bago namin iyon gawin ay we decided to cook first for our food. Dahil hindi naman maalam sa pagluluto si Sarah pero gusto niyang tumulong, i decided na siya nalang ang mag cut ng onions while me i'm cutting the other ingredients.

We decided to cook pancit. May karanasan ako sa pagluluto ngunit hanggang sa pagprito prito lang pero mas masasabi kong mas maalam ako kesa kay Sarah. Hindi namin alam ang procedure kaya nagtingin pa kami online at mabuti nalang maraming stock sa ref sina Sarah.

"Sid, okay na 'to. Ayaw ko na talaga. Ikaw nalang ang magpatuloy ng lahat. I will watch nalang. Wala naman akong ginagawa sa kaniya pero pinapaiyak niya'ko." she said and then she burst into tears. Natawa ako at agad na kumuha ng bimpo, binasa ko iyon at agad na ibinigay sa kaniya.

"Punasan mo ang mukha mo gamit niyang bimpo. Don't cry, hahaha. Ako nalang rito." ani ko at agad itong tumango atsaka naupo sa harap ko at agad na pumangalumbaba upang panoorin ako.

Maya maya lang ay agad na tumunog ang cellphone ko. "Sarah, go check my cellphone please. Pakisagot kung sino man ang tumatawag." saad ko.

Tumango ito at agad na tumayo, "Okay. Wait." nagtungo ito sa couch at agad na sinagot iyong cellphone. Bumalik nadin ako sa pagluluto ko ng pagkain.

"Wait... Can you repeat? What's your name?" napatigil ako sa pag hihiwa at agad na tumingin kay Sarah na busy sa pagkakausap kung sino man ang tumawag sa phone ko.

"Sarah, who's that?" tanong ko rito ngunit iminuwestra nito ang kamay na mamaya ko na raw siyang tanungin.

"Wait... What? Who are you again? Omg! Why do you have Sid's cellphone number? Uhuh, just a friend? Are you sure?" kumunot ang noo ko kaya agad ko ng tinanggal ang apron ko at lumapit na sa kaniya. Kinuha ko ang cellphone mula sa kaniya at agad na nagsalita.

"Hey, who's this?" ani ko.

"Hey, Sid. It's me Honey. How's your life?" nangunot ang noo ko ng marinig ang pamilyar na boses. Nagtaka ako at pilit na inalala kung sino siya.

"H-Honey? Omg! Cousin! How did you find my number? Kailan ang balik mo rito sa Pilipinas? I miss you guys! Buti naman at naalala niyo pa ako?" ani ko sakanila narinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya kaya natawa narin ako. Tila ba nakaramdam ako ng pananakit sa puso ko kaya agad ko iyong hinilot ng kaunti, maya maya lang ay nawala din.

Napatingin ako kay Sarah ng biglang may mag doorbell, "Sino 'yon, Sarah? Maaga ba ang uwi nina Tita at Tito? Akala ko bukas pa?" nagtatakang tanong ko rito.

Nagkibit balikat ito, "I don't know. Basta ang sinabi ni Dad at Mom bukas pa sila babalik. Wait, tignan ko." saad nito at agad na nagtungo roon.

"Hey, are you there?" narinig kong saad ni Honey.

Tumalikod na ako at nagtungo sa loob ng kitchen, "Yes. May sinabi lang ako kay Sarah. What is it again, Honey?" tanong ko rito.

"I said uuwi kami diyan nina Gas at Glaud. Hindi nga lang namin alam kung kelan pero basta this year uuwi kami." ani nito.

Napatango tango ako kahit pa alam kong di nila makikita iyon, "Wow. That's good. Wag niyong kakalimutan ang pasalubong ko, okay? Tell Gas and Glaud that i miss them." saad ko.

"Sure. I'll hang up now. Bye." agad nitong pinatay iyon at ibinalik ko rin ang cellphone ko.

"Sino raw iyon, Sarah?" tanong ko kay Sarah.

"Triton is here!"

"T-Triton? What?"