webnovel

PRIDE of Friendship

"Sa pag ibig walang tama o mali, walang kasariang pinipili kapag mahal mo ipaglaban mo. LOVE IS LOVE!"

lyniar · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
94 Chs

Chapter 39: Birthday Party

Linggo ng Umaga...

Nasa hapagkainan na sila Barbie at Kenny at hindi nag papansinan, napansin rin naman iyon ni Bruce.

"Cough... mamaya pupunta tayo kay Konsehal Abet birthday ng anak nya. Kilala mo yon di ba Kenny?"

"Opo Dad."

"Barbie iha, gusto mo bang sumama? Ayos lang ba sayo wala ka bang gagawin?"

Ibang iba naman ang tono ni Bruce ng tinanong nya si Barbie.

"Ahm... May kailangan pa po kasi akong gawing assignment di ko pa po kasi nagawa kahapon."

"Ohh... sayang naman gusto ka pa naman makilala ng mga constituents ko. Gaya mo laki rin kasi sa Manila yung anak ni konsehal Abet."

"Ah... ganun po ba? Sige po baka magawan ko naman po ng paraan ano po bang oras?"

"Mga 12nn o 1pm sana kasi yun ang sabi ni Abet sakin dun na daw kasi kumain ng lunch."

"Dad, wag nyo ng pilitin si Barbie kung ayaw nya. Tsaka... lalaki po yung anak ni konsi Abet bakit kailangan pang makipagkilala ni Barbie sa kaniya?"

Binatukan naman ni Bruce si Kenny "sino bang sinasabi mo? Yung babaeng anak ni Abet ang may birthday tsaka, ano bang problema mo kung babae o lalaki yung ipapakilala ko kay Barbie? Natural lang yon dahil naninirahan na sya dito satin kailangan nyang lumabas labas para makilala sya ng mga tao dito."

"Pero daddy!"

"It's okay, gusto ko rin namang makilala ang mga tao dito sa lugar nyo bilang may posisyon kayong dalawa ni Uncle dito sa Barangay siguro kailangan ko na ring makilala ang mga tao dito malay mo, ako na ang susunod na SK Chairman."

Kenny smirked and smiled "as you wish."

"Okay then. I will join the party later uncle."

"O— Okay."

Sa isip-isip ni Bruce "bakit parang hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga ngitian ng dalawang ito? Dapat ata hindi ko na pinilit si Barbie na sumama."

"."

Marami ng tao ang nasa birthdayan dahil debut pala iyon ng anak ni konsehal Abet pero simple lang ang celebration semi formal lang din ang outfitan.

Sa bahay lang din ang reception may magandang ayos ang mesa na puro mga pink na flowers at maraming lobo na violet and pink ang naka paligid maganda ang ayos ng cater at masasarap rin ang pagkain pangkaraniwang handa sa mga barrio kapag may okasyon. May iba't ibang luto sa karne gaya ng menudo, igado at kung anu-ano pa may mga desserts rin at andoon ang paborito ni Barbie ang buko pandan na paborito rin pala ng may kaarawan na si Krisha.

"Totoo? Dadalo ang inaanak ni kap?" Sambit ng isa sa mga bisitang babae na kumakain ng pananghalian.

"Oo, yun ang sabi ni konsi kasi nga mga konsehal at si Kap ay inimbita ni konsi Abet." Sagot naman nung babaeng nasa circle ma mesa kung san may limang mga babae ang naka upo at nag kukwentuhan.

"Ay oo, nabanggit sakin yan ni Juni kasi kasabay niyang pupunta dito kasama ang mga ka SK nya." Sambit ni Mrs. Lala Guansing ang nanay ni Juni.

"Ang sabi rin sakin ni Lloyd ang name nung inaanak ni Kap eh parang Barbie at para daw talagang barbie yung doll ito." Opinyon naman ni Mrs. Digna Gamelo ang nanay naman ni Lloyd.

"Talaga? Aba, pwede natin syang linya sa Reyna Elena sa sa Flores de Mayo." Sambit naman ni Mrs. Liway Oway ang namumuno sa mga Hermanas sa simbahan.

"Kaso may problema po kayo dahil boyish po si Barbie."

Sabay-sabay namang lumingon yung mga manang na pinagkukwentuhan eh si Barbie "Unice!" Anila.

"Hello po. Sorry po kung nakisingit ako sa usapan nyo pero kasi kilala ko po at kaibigan ko po si Barbie."

Naka puff sleeve square crop top si Unice at naka skinny jeans and white simple sandals at limitaw talaga ang kagandahan nya kahit naka ladlad lang ang kaniyang buhok ba kulay brown.

"Hindi ka parin nag babagong bata ka napaka bibo mo pa rin kaya natutuwa sayo si Juni eh." Sambit ni Mrs. Lala Guansing.

"Si— Si Juni po? Natutuwa sakin?"

"Hindi pa ba kayo ni Juni?" Sambit naman nung isang manang.

"Ho? Hi— Hindi po."

"Nako, sabi ko nga sa batang yun ligawan ka na baka ka ko magsisi sya kapag may iba ng nanligaw sayo." Sagot naman agad ni Mrs. Guansing na sinigundahan naman agad ni Mrs. Digna Gamelo ang nanay ni Lloyd na gusto ring maging girlfriend ng anak nya ay si Unice.

"Ho? Ah... eh... hindi pa naman po ako ready sa mga ganyan tita."

"Pero sayang naman bagay kayo ng anak kong si Juni."

"Huh! Mas bagay sila ng anak kong si Lloyd."

"No, si Juni ang bagay kay Unice."

"Hindi ako papayag na si Juni ang makatuluyan ni Unice kaya ako na mismo ang pipilit kay Lloyd."

At nagkaalitan na nga ang mga nanay ni ni Juni at Lloyd.

"Ahm... mga tita kumalma lang po kayo. He... He..."

"Ma, anong nangyare dito?" Sambit naman ni Juni na karatating lang kasambay si Lloyd at ganoon rin ang sinabi nito sa nanay nya.

"Ah... eh... sabi ko kasi dyan kay Lala na liligawan mo na si Unice."

"Ho? Ligaw? Kay Unice?" Ang gulat na sambit ni Lloyd.

Unice made a facepalm "no tita, hindi po liligawan ni Lloyd si Unice dahil hindi sya ang type nito." Sagot namang agad ni Juni na nakatingin kay Unice at ganoon rin ito sa kaniya pero nahihiya.

"Eh anak, ikaw? Hindi ba sabi mo natutuwa ka kay Unice?"

"Opo, pero hanggang mag kaibigan lang po kami."

"Ha? Kala ko ba gusto mo sya? Sinabi mo yun sa daddy mo."

"M— Ma!!!"

Unice smiled secretly at inakbayan naman sya ni Lloyd at bumulong "kilig yarn girl?"

Tinanggal naman ni Juni ang kamay ni Lloyd sa balikat ni Unice "tumigil ka nga Lloyd. Tantanan mo si Unice kung ayaw mo isumbong kita kay Zea."

"Bro naman."

"Sinong Zea naman yon Lloyd?" Tanong ni Unice.

"Kaklase namin ni Juni pero parang malabong sagutin ako dami kong ka kumpetensya."

"Galingan mo anak!"

"Mommy!"

"Bakit? Number one fan mo ko."

"Bahala nga kayo dyan."

At hinila ni Lloyd sila Unice at Juni sa isang mesa at doon na upo.

"Mga kabataan talaga ngayon nakakatuwa di nila mapigil ang bugso ng kanilang damdamin." Sabi ng isang manang sa grupo ng nila Mrs. Guansing.

"Kala ko kasabay nyo si Kenny? Nasan sya?" Tanong ni Unice na binigyan ni Lloyd ng lollipop na ito pa ang nag bukas.

"Andyan na rin yon maya-maya may dinaanan lang sa Barangay hall si Kap." Sagot naman ni Lloyd na kumakain rin ng lollipop.

Nakasahod naman ang kamay ni Juni kay Lloyd at akala nito gusto lang nitong makipag apir kaya binigyan n'ya ito ng high five.

"Anong... Anong ginagawa mo?"

"Ha? Kala ko gusto mo ng high five eh."

Juni sighed and Unice giggles "ungas ka talaga, gusto rin ni Juni ng lollipop."

"Ha? Yun ba? Nako, wala na eh sukli lang kasi yun sa tindahan nung binilan ko kanina ng drinks tska hindi ka naman mahilig sa candies di ba?"

Juni glared at him "shut up!"

"Yow!" Bungad naman ni Thew sa kanila na mag isa lang pumunta na may dalang maliit na pink na paper bag na parang gift sa may kaarawan.

"Couz." Sambit naman ni Unice at naupo si Thew kung nasasan sila.

"Oh, ikaw lang?" Tanong ni Juni.

"Oo. Busy sila mom and dad ayaw namang sumama ni Daryll may project silang ginagawa ng mga kaklase nya dun sa bahay."

"Ohhh... pero ayos pormahan natin ah cool na cool." Sabi naman ni Lloyd.

Naka yellow and white stripes turn down collar si Thew at naka black trouser pants and white sneakers. Pangkaraniwan lang ang ayos ng buhok nya na comb over fade lang at talagang ang linis nyang tignan kaya naman pinag titinginan sya roon ng mga kanabaihan lalo na ang mga bisitang mga kaklase ni Krisha.

"Bakit kasi naka SK uniform kayo ni Juni?" Tanong naman ni Unice.

"Paano si Juni kasi."

"Tigilan mo ko Lloyd baka masapak kita ikaw ang may sabi nito kagabi na mag SK uniform tayo dahil sabi ni Kenny yun pala ikaw lang nag sabi bwiset ka."

Tawa naman ng tawa si Unice tsaka si Thew na para bang tamad na tamad na agad kahit kararating palang nya.

"Anyways, ang tagal naman nila Bie." Sabi naman ni Unice at nanlaki naman ang mata ni Thew ng narinig nyang pupunta pala doon si Barbie.

"Pupunta dito si Barbie?" Sabi ni Thew na biglang parang naging energetic.

"Oo at mukhang andiyan na sila." Sabi ni Lloyd na napatayo pa para tignan kung tama nga na sila Barbie yung parating dahil di nila makita yung gate sa dami ng tao na sumalubong sa kapitan kay Bruce.

"Sya po ba ang inaanak nyo Kap? Ang ganda naman po nya." Sabi ng asawa ni konsi Abet na si Josie.

"Ah... Oo sya si Barbie anak ng best friend kong si Amanda naalala mo pa sya?"

"Opo naman taga rito rin iyon sa Barangay natin eh."

Pinangmano naman ni konsi Abet si Krisha kay Kap bilang inaanak rin pala nito ito.

"Salamat sa pag dalo Kap." Sabi ni konsi Abet.

"Wala yon eto nga pala ang kauntiang pahabs ko kay Krisha." Iniabot nya ang red na sobre at kinuha naman ito ni Krisha at nag pa salamat sa kaniya.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Kenny kay Barbie na nahihiya at nag tatago sa likuran niya.

"Ang daming tao. Pwede na ba tayong umuwi?" Sagot nya sa mahinang boses.

Nginingitian naman ni Kenny ang mga bumabati sa kaniya bilang Sk Chairman sya na maraming nakakakilala. And he looks so stunning sa suot nyang white v-neck shirt and black trendy urban short tapos naka black and white naman syang rubber shoes at gaya ni Thew mukha syang mabango sa pormahan nya.

"Paano tayo uuwi eh kararating lang natin."

Hinawakan ni Barbie ang kamay nya "wag mo kong iiwan dito."

Kenny smiled at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Barbie.

"Don't worry akong bahala sayo."

Napatingin naman si Bruce dun sa dalawa at nakita nyang magkahawak ang kamay ng mga ito.

"Son, anong ginagawa mo? Bitawan mo si Barbie paano yan makikipag kilala yan sa iba?"Pabulong nyang sambit kay Kenny na patuloy paring na ngiti sa mga citizen ng kanilang Barangay.

"Dad, wala po akong ginagaawang masama pinoprotektahan ko lang sya ang daming tao dito baka mamaya mawala pa natin sya tsaka tignan nyo nga ang pina suot nyo sa kaniya masyadong maiksi ang palda nya."

Kinurot naman ni Bruce ang anak sa may bandang hita "tumigil ka, ang ganda ng kinakapatid mo anong gusto mong gawin dyan itago sa bahay at maging madre? Diyosa ang kinakapatid mo kaya dapat lang na irampa s'ya."

Habang na ngiti ng sapilitan "Hehe... daddy, gusto n'yo bang isumbong ko kayo kay tita Amanda?"

"Subukan mo bawas ang allowance mo."

"Tsss! Napaka n'yo."

"Pero... siguraduhin mong mababantayan mo ang baby natin baka maunahan ka ng iba."

"Hmm?"

Tumingin naman si Kenny sa tinitignan ng daddy n'ya at nakita na nga nyang nasa harapan na n'ya si Thew.

"Bie!"

Binitawan namang agad ni Barbie ang kamay ni Kenny ng marinig at makita niya si Thew.

"Thew! Andito ka rin pala?"

"Kami rin." Sabay-sabay namang sambit nila Unice, Juni at Lloyd.

"Cough... hindi lang s'ya ang nandito pati ako." Ang naiinis na sambit ni Kenny at hinawakan muli ang kamay ni Barbie at nakita yon ni Thew.

"Ay, Chairman. Hello." Sambit nila Unice.

"Pero kanina ka pa naman namin nakita ni Lloyd di naman namin nakita si Barbie." Sabi ni Juni.

Hinila naman ni Unice si Barbie sa tabi nya kaya nabitawan ni Kenny ito.

"Ang ganda mo Bie di ba boys?"

Juni and Lloyd agreed they just nod their head but for Thew he say it clearly "oo ang ganda mo Bie."

"Ah... Eh... si Tito Bruce kasi ito ang pinasuot sakin hindi nga ako sanay."

Naka Korean smoked fruit print cute dress si Barbie at naka plain black bucket hat for her hair accessories at naka fur white flat slippers sya at talagang ang ganda nyang tignan sa outfit n'ya para syang yayamanin sa suot nya kahit sobrang parang pambahay look lang ang ginawa ni Bruce at Chinchay sa kaniya.

"Cough. Pwede bang maupo muna kami?" Sambit naman ni Kenny na hinila na sa tabi nya si Barbie kaya naman sinundan sya nila Thew at pumasik sila sa loob ng bahay ng may birthday dahil andun si Bruce.

"Nasasaktan ako."

Binitawan naman ni Kenny si Barbie agad "sorry."

Pero biglang may dumaang server na may dalang menudo na isasalin sana sa nakahain doon sa serving table sa labas.

"Watch out!" Sambit nung isang lalaki na hinila agad si Barbie para makaiwas.

Like it ? Add to library!

lyniarcreators' thoughts