Dale
Tatlong araw na mula ng mangyari yun at mula noon hindi pa kami ulit nagkikita ng prinsesa
Nagagalit ako sa nalaman kong kinakasangkapan pala ang kapatid ko ng mga kaaway
Nag aalala din ako sa pwedeng mangyari sakanya lalo na at hindi sinabi ng prinsesa kung ano ang nakita niya
Tahimik lamang ito habang nag mamasid sa paligid
Pati rin ako
Gusto kong malaman kung sino dito sa akademya ang nag utos na gawin yun sa kapatid ko
Isa pang inaalala ko ay ang nangyari sa kamahalan ng hawakan siya ng kapatid ko
Magkadugo ba kami ?
Tinanong ko si Ina ngunit tanging ngiti lang ang binigay niya
Sinabi rin niyang kamukha ko daw ang anak ko , ganun din daw ang itsura ko noong bata ako
Kaya nagtaka ako ..
Ang daming kakaibang nangyayari
At mas lalong napasama ng sumingaw ang balitang lima daw na estudyante ang nawawala
Mga healer daw
May hula na kami kung sino ang may gawa pero hindi namin alam kung saan nila dinala .
Hindi pa rin nagagamot ang kapatid ko.Hindi ko na naaabutan ang prinsesa sa bahay .Maaga siyang umaalis at halos hindi namin alam kung anong oras siya bumabalik.
"Leader , kailangan mo daw pumunta sa office ng headmistress para sa misyon na gagawin natin "- sabi bigla ni Crystal na nagpabalik sa isip ko
Tinanguan ko lang siya at tumayo na ako ,nagteleport na lang ako papunta doon para less hassle
Diretso lang ako pumasok na hindi kumakatok kaya napatingin sakin lahat ng nasa loob ,si sir Tim at sir Roman
" Mabuti at nandito kana " sabi ni Headmistress Tifanny
"May lead na kami kung saan dinala sila.Dale this is a secret mission .Walang pwedeng makaalam nito lalo na at may traydor na naririto sa Academy. Bibigyan ko kayo ng tatlong araw para magsanay ng mga kasama mo
Ikaw na ang pumili ng sampung tao na isasama mo sa misyon na to
Si sir Tim ang mag cocover up
Ipapadala ang iba na kasama niyo sa ibang lugar
Habang ang sampu ay sa kuta ng dark phentrix para bawiin ang limang estudyante
Training , yun ang ilalabas namin sa board
May isang linggo kayo para gawin ang misyon nato
Habang yung labing isa niyong kasamahan ay isasama ni sir Tim at kayong sampu ay sasamahan ni sir Roman
Inaasahan kita Dale
Iligtas niyo ang mga healer bago pa may mangyaring masama sakanila" seryosong pagkakasabi ni Headmistress Tiffany
"Naipaabot na sakin ng mga magulang mo ang nangyari kayo lihim akong kikilos habang wala kayo dito
Wag kang mag alala , aalamin ko kung sino siya kaya i focus mo ang isip mo sa misyon " dugtong pa nito
Napatango lang ako
Nag aalala ako lalo na at wala ang prinsesa ,isasama ko ba siya ?
"Isama mo siya " sabay na imik ni sir Tim at sir Roman
Tumingin ako sakanila at kapwa nag iwas sila ng tingin
"Alam namin ang katotohanan Dale bago pa man mawala ang reyna ,ibinilin na siya sakin pero kailangan kong umakto na walang alam " si Headmistress
Kung ganun marami na ang may alam?
"Mag iingat kayo , at protektahan niyo siya, alam kong alam mo na tungkulin mo yun " sabi ni sir Roman
Napatango lang rin ako
"Umalis kana baka may makahalata , wag kang mag babanggit sa kasamahan mo tungkol dito hanggang nandito pa kayo sa loob ,baka isa sa kasamahan niyo rin ay kalaban "- headmistress
Tumango lang ako ulit at nagteleport paalis
Nakabalik ako sa bahay ,nakita ko ang iba na naghihintay sakin
" Anong sinabi Dale ?" - Crystal
Paano nasabi ni Crystal kanina na misyon ang gagawin namin .Sino ang nagbanggit sakanya ?
"Crystal," tawag ko dito na seryosong tono
Tumingin siya sakin na nagtataka
"Sino ang nagsabi sayong may misyon tayo ?" tanong ko
"Yun ang sabi ni Prof .Leil sakin ng makasalubong ko siya at kaya kailangan mo daw pumunta sa office ng headmistress tas nakita ko ulit si Sir Tim sabi naman niya papuntahin daw kita sa opisina dahil may pag uusapan daw kayo " sagot nito
Napatango tango ako
Si Prof Leil ?
Bakit naman niya nasabi ?
" wala tayong misyon " saad ko
Nalungkot naman sila
"Pero mag sasanay tayo sa labas ng akademya " dugtong ko
"Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo , kay sir Tim at kay sir Roman para ito sa pag hahanda sa paglusob ng mga kalaban ,isang linggo ang pag sasanay nato
Sa grupo ni sir Roman
Ako
Shaninah
Jaxon
Blake
Drake
Kristoff
Luigi
Neon
Axel
At
Akihiro , lahat ng hindi ko tinawag ,sa grupo kayo ni sir Tim ..
Seryosohin niyo ang training na to dahil dito nakasalalay ang pag tagumpay natin
Adrianna at Kenneth ,kayo ang tatayong leader sa grupo ",sabi ko
Hindi ko isinama sa Adrianna dahil alam kong may mali sakanya
Pinag dududahan namin siya umpisa pa lang
Tumingin sakin si Luigi at Blake ,kapwa sila tumango
Alam rin nila
" Crystal " tumingin siya sakin na may malungkot na mata
"Gusto kitang makausap , sumunod ka sakin " sabi ko
Pumasok ako sa silid ko
Nilagyan ko ito ng barrier para walang ibang makarinig sa pag uusapan namin
Nagtaka naman siya
"May mahalaga kang misyon na gagawin sa araw ng pag sasanay
Bantayan mo ang kilos ni Adrianna
At wag kang mawawala sa tabi ni
Dariah
Naiintindihan mo ba ? Kahit anong mangyari huwag mong hayaan na magkasama sina Adrianna at Dariah " mariing sabi ko
"Bakit leader ,ano bang nangyayari ? " naguguluhan nitong tanong
"May kasama tayong traydor ,at wala kang pag sasabihan sa bagay na ito " saad ko
"Masusunod " sagot niya
"Maraming salamat sa pagtitiwala ,leader " sabi pa niya
"Mauna ka nang lumabas " sabi ko
Tumango naman siya at lumabas
"kamahalan " tawag ko dito
Lumabas naman siya
"Anong susunod nating hakbang ? " tanong ko
Ngumisi naman siya
"Wala , hayaan natin na sila mismo ang lumabas , maghintay ka at manood " sabi nito kaya napatango lang ako
"Ang baby ,saan natin siya iiwan ? " tanong ko
"Sa parents mo " sagot niya
Napatango lang ako
"Maghanda ka ,sabihan mo rin si Luigi , pupunta ako sa kaharian niyo para dalhin si Lance ,maiwan kayo dito .magkita kita tayo ng buong grupo sa labas ng gate bukas ' sabi niya at biglang naglaho
Tama ,mismong ang prinsesa ang pumili sa isasama namin sa grupo
Kinausap niya ako kanina gamit ang isip ,siya rin ang nagbanggit ng mga pangalan ng isasama sa grupo
Kailangan namin ng mapagkakatiwalaan sa ngayon dahil
Alam niya na kung sino-sino ang traydor sa mga kasamahan namin
Sinunod ko lang lahat ng utos niya
One step ahead kami sa kalaban ngayon
Napakatalino ng prinsesa
Talagang bata pa lang siya marami nang naituro sakanya ang reyna
Sana mahanap na kung sino ang nag utos sa pag sumpa sa kapatid ko ..
At ramdam kong malapit na
_______