webnovel

POWERFUL PRINCESS

Blue_BJAE · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
5 Chs

Chapter 4

SHAINA POV

Huminto siya sa harapan ko. Tinignan niya ko ng walang kaexpression expression ang kanyang mga mata. Pinakatitigan ko siya at doon ko lang napagtanto na siya yung lalaking natutulog doon sa puno. Para akong nahipnotismo ng kaniyang mga matang kulay kayumanggi parang gusto ko nalang itong titigan hanggang sa ito'y malusaw pero agad kong binaling ang atensyon ko sa ibang parte ng kaniyang mukha at parang mali ata ang ginawa ko dahil parang nagkakasala ang mga mata ko sa ilong niyang sobrang tangos at labing niyang sobrang perpekto. Napatigil ang mga mata ko sa pagtitig sa labi niya at maraming magkakasabay na lunok ang ginawa ko.

My gosh! Bakit ganun? Sobrang pogi ng lalaking ito. Anghel ba 'to? Bakit sobrang PERPEKTO.

Lumapit siya palapit sakin hanggang macorner niya ko. Nakita kong naghahagikgikan yung mga kaklase kong babae at yung tatlo ko naman kaibigan kita ko sa pheriperal vision ko na wagas kung makangiti habang nakatingin sa amin.

Jusko. Ano bang gagawin sakin nitong lalaking 'to? Kakaloka!

Lumingon ako sa tatlo at sinenyasan ko silang tulungan nila ko pero nginitian lang nila ko ng bongga. Mas lalo akong kinabahan ng maramandaman ko na ang presensya ni Prince kunno na papalapit na ng palapit sakin. Wala na kong nagawa kundi pumikit nalang at hintayin kong anong gagawin niya saakin.

"Hi Ms. Beautiful." nakakaakit na bulong niya sa tenga ko. Agad na gumuhit ang matamis na ngiti sa aking mga labi ng marinig ko yun.Nakita kong tumingin pa siya sa aking labi at mata bago tuluyang umalis.

OMG! Anong sabi niya? Hi daw? Ms. Beautiful daw? Gasssss! Ang ganda ko daw. Nakakahiya.

"Hahahaha." rinig kong tawanan ng mga kaklase ko. Doon ko lang napagtatanto na napahiya ako dahil sa pag pikit effect ko. Agad na nawala ang matamis na ngiti sa aking mga mata at napalitan ito ng inis.

Bwiset na lalaking 'yon, pinahiya ako! Ang kapal ng mukha.

Lumapit ako kila Iceleigh na nakabusangot ang aking mukha dahil pati sila tumatawa.

"Pahiya ka dun Shai hahahaha." bungad sakin ni Ice Na may nakakalokang ngiti.

Inirapan ko lang siya.

"Tsk, bwiset yung lalaking yun mayabang!" pagmamaktol ko.

"Sus di ka lang nahalikan eh Hahahaha." biro ni Airicka na nakapag pasimangot sakin. Narinig ko pang nag tawana pa sila lalo dahil sa ekspresyon ng mukha ko.

Padabog akong umupo sa upuan ko dahil naalala ko nanaman yung ginawa ng lalaking 'yon sa akin. Hindi naman talaga ko nag expect na hahalikan niya ko sadyang mga malisyosa lang 'tong mga kaklase ko. Natakot lang ako kaya ako pumikit. Tsk, kasalanan talaga 'to ng Prince na 'yon eh. May pa Hi-hi miss beautiful pa siyang nalalaman mapapahiya din naman ako sa mga kaklase ko at sa mga kaibigan ko. Tas ito namang mga kaibigan ko ang lakas pa mang asar. Tawanan ba naman ako. Kung hindi ko lang 'to mga kaibigan tagal ko na 'tong mga pinagpapaslang.

"Ay, wait Shai ano yung binulong sayo ni Prince?" tanong ni Waterilla na nakapag pigil sa tawanan nilang tatlo.

"Oo nga Shai ano yun?" duet na tanong ni Air at Ice tila ba curios na curios.

Tinaasan ko lang sila ng kilay.

"Huh anong binulong?" patay malisya kong tanong pabalik.

"Wag ka nang magkaila nakita namin na may binulong sayo si Prince. Ano 'yon?" pamimilit ni Waterilla.

"Oo nga ano yun?" duet ulit na tanong ni Ice at Air.

Kinunotan ko lang sila ng noo at isang ngiting nakakaloka lang ang binagay kong sagot na ikinasimangot nila.

Hahahaha! Ano sila ngayon? Bahala sila di ko sasabihin sa kanila yung sinabi ni Prince. Mamatay sila sa kakatanong! Tatawanan niyo pa ko ah.

"SHAINA ano yun?!" Halos sumigaw na sila saakin na mas lalong ikinatuwa ko.

"Secret haha."ngiti ngiti kong sagot sa kanila na mas lalong ikinasimangot nila.

***CANTEEN***

Andito kami ngayong tatlo sa canteen kumakain. Kanina pa sila nangungulit kung ano yung sinabi sakin ni Prince kanina pero hanggang ngayon di ko pa din sinasabi. Busy ako sa pagkain ng may nagsalitang gorilla sa likod ko.

"Hi Ms. Assuming." bati ni Gorilla saakin. Hinarap ko agad siya at isang nakakairitang ngisi ang biningad niya saakin.

Ms. Assuming pala yah.

"Hello Ms. GORILLA." sarkastiko kong bati sa kanya pabalik. Nakita ko sa ekspresyon niya ang inis ng sinabi ko ang salitang "Gorilla".

"What did you say?!"

"Wala sabi ko ang ganda mo!"

"Thank you buti alam mo." ngiti nitong plastik sa akin.

Hangin. Masupalpal nga 'tong hayop na 'to.

"Oo alam ko na ang ganda mo... Ganda mong ingudngud sa putikan." supalpal ko sa kaniya with matching taas kilay at irap pa.

"Hahahahahahaha." rinig kong tawanan ng mga tao sa canteen na ikanagulat ko dahil lahat sila saamin nakatuon ang pansin. Natuwa naman ako dahil napahiya ang hayop na babae.

"Argh! Ginagalit mo talaga ko ah!" sigaw nito sa akin habang nanlilisik ang mga mata sa galit pero tinapunan ko lang siya ng isang ngiting nakakaloka para mas maasar siya lalo. Lalapit na sana siya saakin para sabunutan ako pero hinarangan na siya ng mga tao sa canteen.

"Argh! Bwiset! Tara na nga baka magawa ko pang froggy yung isa dito." aya niya sa mga kasama niya.Dumaan siya sa harapan ko at may binulong...

"Tignan lang natin 'yang tapang mo." bulong niya at tawa tawa niya kong nilagpasan.

"Tignan talaga natin." pilosopo kong pahabol na sagot sa kaniya. Lumingon ako sa tatlo at ayun nganga sila habang tumutulo yung laway dahil sa ginawa ko.

"Yung bibig pakipunasan." pang aasar ko sa kanila na nakapagpabalik sa kani-kanilang mga ulirat.

"WAAH SHAI, ANG GALING MO TALAGA!" sigaw nilang tatlo na nakapagpaagaw ng atensyon ng ilang tao na kumakain na ulit ngayon.

"Psh, ako pa ba?" mayabang na sagot ko.

"Masyado mo kasing--" naputol ang sasabihin ni Water ng may nagsalita sa likod niya. Napalingon kami doon at nakita namin si Ace na cool na cool na nakatingin saamin. Naka polo ito na floral na naka bukas ang butones na akala mo pupunta sa beach sumabay ang sun glasses niya. May ilang ilang babae ang nakaaligid sa kaniya pero di niya ito pinapansin.

"Hi Girls." masiglang bati nito saamin. Todo ngiti ito na tila ba gwapong gwapo sa sarili na totoo naman.

"Hello." malumanay na bungad namin sa kanya dahil alam namin na guguluhin nanaman niya kami.

"Ang lungkot niyo ata nung dumating ako? Makikiupo lang naman ako. Ayaw niyo ba sa akin?" nakita kong lumungkot ang mukha niya.

Obvious ba?

"Huh? Ayaw? Hindi gusto ka namin. Oo tama gusto naman namin sayo." pilit na ngiti kong sagot sa kaniya. Nakita ko naman na naasiwa si Water at Air sa sinabi ko.

"Talaga? So pwede akong makiupo?" nakita kong sumigla ulit ang mukha niya dahil sa sinabi ko.

Tsk. Hyper nanaman.

"No." sagot ni Airicka at Waterilla. Napalingon kaming tatlo kay Ice dahil sa naging sagot niya.

"YES!" mas nilakasan niya pa ang pasabi ng Yes para hindi marinig ang hindi namin pag sang-ayon.

Kailan pa nagkainteres si Ice kay Ace? Himala pumayag siya na nandito si Ace.

Tinignan namin siya ng masama pero isang ngiting pilit at peace sign lang ang sinukli niya sa amin.

Wala naman na kaming nagawa dahil umupo na si Ace sa tabi ni Ice na kinatinginan naming tatlo. Kumain nalang kaming tatlo ng tahimik. Habang kumakain ay palipat lipat ang tingin ko kay Ice at Ace parang naiilang si Ice na katabi itong si Ace dahil sa galaw nitong parang nagpapabebe. Iniling ko nalang ang ulo ko at tinuon ko nalang ulit ang atensyon ko sa pagkain.

Sana mali ang naiisip ko.

Pagkatapos naming kumain sakto namang nag bell kaya nagmadali kaming pumunta sa room.

*ROOM*

"Good morning class." bati ng isang binibini na sa tingin ko ay isang guro.

"Good morning ma'am." walang ganang bati namin pabalik dahil sa totoo lang ay nakakatamad.

"Narinig kong wala ang prof niyo kanina at alam kong di pa kayo magkakakilala kaya please introduce yourself one by one here infront. " wika ni ma'am.

"Ok? But before that ako muna ang magpapakilala. I'm Marilou Sanchez. Ako ang magiging teacher niyo sa P.E." dugtong ni ma'am.

Maganda si Ma'am Marilou at mukhang mabait. Nakasuot siya ng salamin na mala Harry Potter habang nakapony ang buhok niya.

Pagkatapos magpakilala ni ma'am nagsimula ng magpakilala isa-isa ang nga kaklase ko.  Sa bawat estudyanteng nagpapakilala ay labis akong namamangha dahil pinapakita nila ang kani-kanilang kapangyarihan. May konti paring takot sa dibdib ko pero iniiwasan ko 'to dahil pag di ko 'to iniwasan magiging mahina lang ako sa mga mata nila at ayokong mangyari 'yon dahil baka pag nakita nila kong mahina at nagpapadala sa takot baka iyon pa ang maging dahilan para mas may gawin silang masama saakin. Sa totoo lang takot akong magpakilala sa kanila dahil wala akong kapangyarihan kagaya nila pero kailangan, kailangan kong magpakilala hindi dapat ako matakot dahil lang sa wala akong kapangyarihan.

"Hi everyone my name is Shaina Fontanilla. I'm 17 years old." pagpapakilala ko .

"Anong powers mo iha?" Tanong ni Ma'am Marilou na nagpakabog sa dibdib ko.

"Huh? Ah... E-eh wala po kasi akong powers eh." nahihiya kong tugon kay ma'am.

"Hahahahahahaha." rinig kong tawanan ng mga classmates ko.

"Ok ok sit down." Umupo ako sa upuan ko na nahihiya dahil sa mga naririnig kong bulungan ng mga kaklase ko tungkol saakin. Nagsimulang umingay ang room dahil dito.

"Class quiet---" naputol ang sasabihin ni Ma'am at tumahimik mga kaklase ko ng pumasok si Prince.

"Sorry I'm late." walang gana nitong usal at nag dirediretso na sa kaniyang upuan na nasa dulo. Pero bago siya makaupo dun ay pinigilan siya ni ma'am.

"Iho, come here in front and please introduce yourself."

Walang ekspresyon siyang tinignan ni Prince.

"I'm Prince Delavelle. Fire." pagpapakilala niya at walang ganang umupo siya sa upuan niya.

Wait-- Delavelle? Parang pamilyar wait..... Aha! Si Ace, kapatid niya si Ace?

Tumigin ako kay Prince at nagulat ako ng nakita kong nakatingin din siya saakin. Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa parang hinihipnotismo nanaman ako ng mga mata niya.

Tinitigan ko siya, mulo ulo hanggang paa.

Hindi ko maitatangging sobrang gwapo talaga ni Prince dahil maraming nahuhumaling na babae sa kanya dito sa 'Powerful Academy' kahit isang araw palang ako dito nakita at naramdaman ko na yun. Siya'y matangkad, maputi, makinis, at weirdo na mas lalong nagpalakas ng dating niya. Ang totoo kung titignan mo ang kabuuan niya akala mo isang anghel na bumaba sa lupa. Payat pero malakas ang dating. Halatang galing siya sa isang mayamang pamilya dito sa 'Powerful World'. Malinis tignan at malinis talaga siya sa katawan. Amoy na amoy mo palagi ang kaniyang pabango na sobrang bango na nakakaakit at kung makakausap mo siya kagaya kanina maamoy mo ang amoy toothpaste niyang hininga. Maayos sa buhok at makinis ang mukha at ang suot niyang plain black T-shirt at maong shorts na fitted sa kanya pinong pino at walang kagusot gusot.

"Aray!" sigaw ko ng may maramdaman akong matigas na pinupokpok sa ulo ko.

Buset ang sakit!

"Kanina pa kita tinatawag pero di ka nakikinig!" pagalit na wika ni ma'am sakin.

Napatakip naman ako sa bibig ko.

"Sorry po ma'am may iniisip lang po." pagpapalusot ko.

Makatuktok naman 'to si Ma'am ang sakit sakit eh!

"May iniisip pero kanina ka pa

nakatitig kay Mr. Delavelle."

Halos lumuwa ang mata ko sa sinabi ni ma'am. My gosh, nakakahiya.

"Ayyyyiieee." hiyawan mga classmate ko.

Naginit naman ang pisnge ko dahil sa sigawan ng mga kaklase ko kaya tinakpan ko nalang ng dalawa kong kamay ang mukha ko.

"Quite class!" pagpapatahimik ni ma'am na hindi na ko pinansin at dumiretso na ulit sa harapan.

Nagpatuloy sa pagsesermon si ma'am pero as usual walang nakikinig sa kanya. Natapos ang klase namin na puro sermon.

Andito kami ngayong apat sa garden nakahiga ako sa damuhan. Samantalang yung tatlo ay nagsisipagtraining, nagpapalabas nang kani-kanilang kapangyarihan.

"Shai wala ka ba talgang kapangyrihan?" kunoot noong tanong sakin ni Airicka habang pinupunasan ang tumatagak niyang pawis dahil sa sikat ng araw na dumadampi sa buong katawan niya. Sa totoo lang ay sobrang ganda ni Airicka ang problema lang ay masyado siyang mahangin at mayabang. Sobrang taas ng tingin niya sa sarili niya na labis na nakakatuwa dahil may lakas siyang gawin ang ibang bagay ng hindi natatakot sa sasabihin ng iba.

"Ewan ko Air." walang gana kong tugon sa kaniya.

Hindi ko talaga alam kung may kapangyarihan nga ba ko o meron dahil wala naman akong nararamdaman na kakaiba sa katawan ko. Pakiramdam ko isa lang akong normal na tao na nag eexist sa mundo. Pero nakakapagtaka dahil napunta ako sa mundong ito. Nakakapagtaka na sa dinami dami ng tao sa mundo bakit ako pa ang napili na mapunta sa mundong ito na akala ko ay Maynila.

"Pero nakakapagtaka paano ka nakapasok sa building na ito kung wala kang powers? " nagiisip na tanong ni Waterilla with matching pakagat kagat labi pa.

Taka ko siyang tinignan.

"Huh? Di ko gets." takang tanong ko.

Lumapit sila saakin at humiga sa tabi ko.

"Kasi Shai ang building na ito dito nagaaral ang mga makakapangyarihang Prince's and Princesses. Yes! Wag kang magtaka dahil lahat kami dito anak ng mga hari at reyna at mga matataas na opisyal ng mga kaharian dito sa Powerful World. At ang mga may kapangyarihan lamang ang may kakayahang makapag aral at makapasok sa paaralang ito." paliwanag ni Iceleigh na mas lalong nagpagulo ng isipan ko.

So ibig sabihin pala hindi basta basta ang mga kasama ko dito dahil halos lahat sa kanila ay may kaniya kaniyang kapit sa taas. Pero bakit ako napunta dito? Ang alam ko sa maynila ang tungo ko para mag trabaho hindi dito.

"Merong limang pinakamapangyarihang na kapangyarihan ang nandito, at isa kami dun pati si Prince. Itong mga kapangyarihang ito ang magliligtas sa buong Powerful World laban sa mga Tillumina na nagiisang kaaway ng lugar natin. Ito ay ang mga elemento ng Water, Ice, Fire, Air at ang pinakamakapangyarihan sa lahat ay ang nag mamay-ari ng Element of Wifa."

"Element of Wifa?" Parang unti-unting nabubuo ang mga katanungan sa isipan ko dahil sa pag kwekwento ni Iceleigh.

"Yes. Ang elementong ito ay binubuo ng apat na elemento kaya sobrang lakas nito. Walang nakakaalam kung sino ang may-ari ng makapangyarihang elemento na iyon. Ang tanging alam lang nila ay anak ito  nina Haring Salermo At Reyna Valerina."

"Sino sina Haring Salermo at Reyna Valerina?"

Parang may kung anong enerhiya ang nag tulak sa akin para tanungin kung sino ang mga taong iyon.

"Sila ang pinakapinuno dito sa buong Powerful World Shai, kung may presidenteng namumuno sa mundo ng mga tao dito din meron."

Tatanungin ko ulit sana si Iceleigh pero biglang nag ring ang bell na hudyat na simula nanaman ng klase.

Natapos ang buong hapon na sobrang occupied ng utak ko dahil sa daming tanong na nabubuo dito. Parang dahil sa sinabi ni Iceleigh sa akin parang may kulang na sa pagkatao ko. Hindi ako nakapag focus sa mga sinasabi ng aming guro dahil lumilipad ang utak ko. Nang mag-uwian ay minadali kong ayain ang tatlo na umuwi dahil parang sobrang napagod ang katawan at utak ko sa mga impormasyong nalaman ko.

*DORM*

Nandito kami ngayon sa salas nagpapahinga dahil sobrang napagod kami buong araw.  Nakahiga kaming apat sa sapin na linatag ni Waterilla sa sahig.

"Guys nagugutom ako." wika ni Waterilla habang hinihimas ang tiyan niya.

"Ako din eh." pagsang-ayon naming tatlo kay Water. Dahil sa totoo lang ay hindi pa kami kumakain simula ng dumating kami galing sa school.

"Magluto ka nga Water." utos ni Ice dito.

"Ih! Ayoko nga, katamad!" reklamo nito.

"Sige na!" pilit naman ni Airicka sa kanya.  Kaya mas lalong nainis si Waterilla.

"Edi kayo magluto!" irap niya sa dalawa. Natawa na lang ako dahil sa inakto niya.

Jusko, nag away away pa may kainin naman sa labas.

"Wait nga guys, kung kumain nalang kaya tayo sa canteen kaysa magtalo kayo jan tatlo kung sino ang magluluto." sabat ko na ikinangiti nila.

Agad silang sumangayon saakin.

Naglalakad kami ngayon papasok ng canteen ng makasalubong namin si Ace.

Lagi nalang namin 'tong nakikitang lalaking 'to. Nakakasawa na yung mukha hahaha joke.

"San kayo pupunta girls?" pagpapacute na tanong nito saamin. Lumapit na siya ngayon sa amin habang nakangiti.

"Sa cr ng girls, sama ka?" biro ni Aricka sa kanya.

Lumawak naman ang ngiti nito ng marinig niya ang sinabi ni Airicka na kinatinginan naming talo.

"Sige, tara. Sama ko hehe."

"BASTOS!" sigaw naming tatlo kay Ace pwera kay Iceleigh na nagpapacute dun sa gilid na nahihiya habang namumula ang pisngi.

I smell something fishy!

Jusko Ice wag kang magkakamali na mag kagusto sa lalaking 'yan.

"Ace pwede ba wag kami shuu shuu shuu!" taboy ni Waterilla sakanya.

Natawa naman ako dahil sa kacute-an ni Ace ng nagpout ito dahil sa pag taboy sa kaniya ni Waterilla.

"Sige ganyan na pala kayo sakin. Pinapaalis niyo na ko ah. Iceleigh ohhhh!" nagulat ako ng nag pacute ito kay Iceleigh na parang nagmamakaawa na pigilan si Waterilla na paalisin siya.

Napalingon kaming tatlo kay Iceleigh at nakita namin siyang sobrang namumula na. Nagkatinginan kaming tatlo at napailing nalang.

"Wa--wait." pigil ni Ice sa kanya.

"B-binibiro ka lang nila DIBA GUYS?" sabay tingin samin ng masama na tila ba sinesenyasan kami na sumangayon na lang. "Hehehehe t-tara sama ka samin sa c-canteen!" Alok ni Ice sakanya. Habang tinitignan kami ng nakangiti.

Wala kaming nagawa kundi isama si Ace sa canteen dahil na rin sa kagustuhan ni Iceleigh.

Habang naglalakad puro kayabangan at kabastusan ang naririnig namin sa bibig niya pero kahit ganun masarap siyang kasama at mabait naman siya .

*CANTEEN *

Kasalukuyan kaming naghahanap ng pagkain ng magsalita si Ace.

"MY TREAT!" Labas ngipin na wika niya.

Aba dapat lang haha! Lalaki siya kaya dapat siyang manglibre. Siguradong marami nanaman akong mamakakain nito.

Nagkatinginan kaming tatlo pwera kay Iceleigh na busy sa pagtitig kay Ace. Nagsenyasan kami gamit ang aming mga mata na orderin ang pinakamahal na pagkain sa canteen para parusa na din sa kahalayan sa utak ng lalaking nasa harapan namin.

"Kami na oorder." sabay na suhestiyon ni Airicka at Waterilla.

Binigay lang ni Ace ang credit card niya na todo ngiti pa at sabay na umalis ang dalawa upang orderin yung pinakamahal na pagkaing inorder namin. Walang kamalay malay si Ace sa ginawa namin bagkus masaya pa siya habang nakikipag usap kay Iceleigh. Parang na out of place naman ako sa dalawa kaya kinuwa ko nalang yung head set ko at nakinig ng kanta.

-Versace on the floor -

Let's take our time tonight girl above us all the stars are watchin '

There's no place I'd rather be in this --

Naputol ang kanta ng may kumalabit sa likod ko.

Aish! Panira naman oh!

"Miss Shaina Fontanilla right?" tanong ng babae.

"Yes why?" takang tanong ko dito.

"Ahm may nagpapabigay po." sabay abot nito saakin ng isang papel na akala mo sinunog dahil sa kulay nitong kulay kayumanggi.

"Salamat." wika ko. Tatanong ko pa sana kung kanino ito galing pero bigla nalang itong umalis. Hahabulin ko sana siya pero bigla namang dumating ang dalawa. Kaya nabaling ang tensyon ko sa kanila. Babalikan ko sana ng tingin yung babae pero nawala na ito. Umupo nalang ako at hindi ito pinansin.

Agad nilang nilapag ang pagkain sa lamesa na ikinagulat ni Ace.

"Wooooaaahhhh!" gulat na bungad niya sa dalawa.

"HAHAHAAHA!" nagtawanan kami ng makita namin ang reaksyon ni Ace sa dalang pagkain nung dalawa.

"Why?!" Tanong namin na nakangiti.

"NOTHING." pilit ngiti niyang sabi.

Masaya kaming kumain dahil sa kwelang si Ace. Dito lubos namin siyang nakilala. Parang gumaan yung pakiramdam ko sa kaniya dahil ang sarap niyang kasama.

Nang matapos kaming kumain bumalik na rin kami sa dorm upang matulog.

~~~

A/N: Thank you for reading. Don't forget to Vote, Comment and Share. Thank you.