webnovel

POWERFUL PRINCESS

Blue_BJAE · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
5 Chs

Chapter 3

SHAINA POV

"HI BABE!" Tawag ng babae mula sa aming likuran. Napalingon naman kaming dalawa ni Ace sa kaniya. Kahit na sa malayo ay tanaw na tanaw ang ganda niya, lalo na ng lumapit siya halos masinag ako at maconscious sa sarili ko dahil sa perpektong kabuuan niya. Matangos ang ilong, balingkinitang katawan, maputi, kutis mayaman, maganda, magandang mga mata at pilik mata at sobrang pulang labi na hugis puso.

Sino naman 'to? Ang ganda ah infairness. Bebe siguro  'to ni Ace.

Bago pa ko mahuli ng babaeng nasa harap ko na nakatitig sa kaniya ay iniwas ko agad ang tingin ko at binaling ito kay Ace na ngayon ay nakatingin na din sa babaeng nasa harapan namin. Akala ko mag huhugis puso ang mga mata niya dahil sa ganda ng babaeng nasa harap niya pero nagkamali ako dahil para na itong matanda ngayon dahil sa labis na pagkunot ng mga noo niya sinabayan pa ng ekspresyon niyang hindi mo mabasa.

Ano kayang iniisip ng lalaking 'to?

"What?!" wika ng babae na halata sa tono ang pagkairita habang sinusuyod ang mukha ni Ace na nakakunot parin hanggang ngayon.

"Nothing." walang emosyong sagot ni Ace.

"Are you mad at me?" malungkot na tanong ng babae kay Ace na ngayon ay lumalapit na saamin. Napaatras naman ako ng hawiin ako ng babae mula sa tabi ni Ace.

Aba'y bastos 'to ah. Makahawi wagas.

"Wala tayong dapat pag-usapan." malamig na sagot ni Ace sa kaniya. Akala ko ay lalapitan niya yung babae pero nagulat ako ng lumapit siya saakin at hilain ang kamay ko.Kinaladkad niya ko palayo dun sa babae na narinig ko pang binabanggit ang pangalan ni Ace at sumusunod saamin ngunit hindi niya ito pinapansin.

"Ace, hindi mo ba papansinin yung girlfriend mo?" tanong ko sa kaniya. Tumingin siya saakin at doon ko nasilayan ang mapupungay niyang mga mata.

"She's not my girlfriend and she will never be." Iling niya sabay iwas ng tingin. Kita ko sa labi niya ang pait ng banggitin niya ang mga salita na iyon. Napaawang naman ang labi ko at hindi na nagsalita dahil naakwardan na ko. Ayoko naman magtanong dahil baka isipin ni Ace na masyado akong tyismosa.

Tinuon ko nalang ang pansin ko sa pag linga-linga sa paligid at hindi na nagsalita. Gusto ko pa sanang mag tanong pa kay Ace tungkol sa lugar na ito pero hindi ko magawa dahil ayokong basagin ang katahimikin na bumabalot sa paligid.

Maya-maya lang huminto kami sa isang pinto. Kumikintab ito na akala mo ay isang christmas light na kumukutikutitap dahil sa iba-iba nitong kulay. Hindi ito katulad ng ibang pinto. Ito ay may pinaghalo-halong asul, pula, green at puting kulay na talagang agaw pansin dahil sa kakaibang kinang nito.

Binuksan niya ang pinto at pinapasok niya ko doon.

Sa pagtapak ko palang sa sahig nito ay namangha na agad ako sa ganda ng silid na pinagdalhan saakin ni Ace.Akala ko maliit lang ito pero kapag pasok mo ay mamangha ka sa laki nito. Mayroon itong dalawang palapag, dito sa baba ay may apat na cr. Kita mo din dito ang taas na may apat na kwarto. Sa bawat pinto ng kwarto sa taas ay may kulay. Kulay green, white, blue at yung isang pinto ay nandun ang tatlong kulay. Sa harap naman ng mga pinto ay isang malaking chandelier na nagbibigay ilaw sa kabuuan ng silid. Mayroon di itong isang mini kitchen. Salas na may dalawang malaking sofa at sa gitna nito may glass table na may nakapatong na base na may mga bulaklak ng orchids.

Ang ganda! Kanino kaya 'tong kwarto?

"Ace?Anong gagawin natin dito?" takang tanong ko kay Ace habang hindi mapakali ang mga mata ko na suyudin ang lugar.

"This is your dorm!"

Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi ni Ace.

"Dorm? You mean...dito ako titira?"

"Yep!"

Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi ni Ace.

Totoo ba 'to? O jinojoke time lang ako ng lalaking 'to? My gosh! Kung panaginip lang 'to 'wag niyo na ko gisingin.

"Sige na maiwan na kita." paalam ni Ace habang naglakad na plabas. Laglag panga naman akong naiwan dito dahil hindi ako makapaniwala.

Gash! Dito ba talaga ko titira? Ang ganda. 'di ako makapaniwala. Ang buong akala ko mahirap na buhay ang sasalubong saakin dito sa maynila kagaya sa probinsya.

Naputol ang pagmumuni-muni ko ng may narinig akong yabag ng paa.

My gosh ano yuuuun?!

Agad binalot ng takot ang katawan ko. Napatingin ako sa pinto... nakaawang pa ito ng konti, tatakbo sana ko papalapit doon para magpasalamat sana kay Ace at sasabihin na may mumu ngunit sinarado niya na agad ang pinto.

Waah! Anong gagawin ko?!

Pinikit ko nalang ang mata ko dahil wala na kong time para magtago.

"O to the M, to the G... Girls andito na siya!" Napadilat ang aking mga mata at laglag pangang napatingin sa babaeng sumigaw. Halos atakihin ako sa puso dahil sa gulat, akala ko multo sila yun pala ay mga dyosa. Napatingin ako sa mga kasuotan nila, kagaya ito ng akin... sobrang ganda.

(A/N: Tignan niyo nalang po yung gown nila sa gallery. Yung Blue kay Ice yung white kay Airicka at yung Green kay Waterilla.)

"Hi I'm Iceleigh Zapanta the Ice Bender.  I'm 18 years old. "sabi ng sumalubong sakin.

Ang ganda naman niya! Pwede siyang mag artista! Ganda rin ng mata niya... kulay asul na akala mo ay mata ng pusa. Napatitig ako dito dahil sobra akong namangha sa kagandahan ng mata niya pero sa kabila nun ay para bang may natatago itong kalungkutan para bang ang lamig nitong tignan pero hindi niya 'to pinapakita.

Hindi agad ako nakapagsalita dahil namamangha pa ko sa mukha niyang akala mo isang anghel. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinila niya ko patungo sa sofa at doon nasilayan ko din ang ganda ng mga kasama niya.

"Ako naman si Airicka Battala, ang pinaka maganda sa lahat." Kinindatan niya ko. "Ako ang dyosa ng mga hangin, the Air Bender. I'm 18 years old too." Dugtong niya. Siya naman ang pinasadahan ko ng tingin. Sobrang puti niya, balingkinitan ang katawan, may pagka mataray ang kaniyang mukha kung titignan pero kagaya ni Iceleigh ay sobrang perpekto ng kaniyang wangis. Hindi nga maipagkakailang maganda siya.

"Last but not the least, I'm Waterilla Sacem, the water bender. Kasing edad lang din nilang dalawa." Wika naman ng naka light green na gown. Pinasadahan ko rin siya ng tigin, sobrang ganda niya din mukha siyang sirena dahil sa mukha niyang parang may guhit guhit na kulay green at blue nakasuit din siya ng isang crown na panglamang dagat.

Jusko lord, Ba't naman po may mga ganito kagagandang nilalang? Siguro nung nagpasabog ka ng kagandahan nasalo nilang lahat. Perpektong-perpekto sila Lord, nahiya ang sarili ko sa kanila.

"At ikaw si?" Napabalik ako sa aking ulirat ng magsalita si Iceleigh at nagsimula na silang tumabi saakin at ginitgit ako sa gitna. Tinignan nila ako sa aking mga mata na tila ba hinihintay ang magiging sagot ko.

"Huh? Ah..ano, ako si S-shaina Fontanilla." Nahihiya kong pagpapakilala sa kanila dahil parang na conscious naman ako sa sarili ko.

"Nice to meet you Shaina!" Sabay-sabay na sigaw nilang tatlo.  Halos mabingi naman ako dahil sa sobrang lakas ng boses nila kaya napatakip ako sa tenga ko.

Tinignan ko sila isa-isa upang iparating sa kanila na masyado silang maingay pero isang peace sign lang ang sinukli nila saakin habang nakangiti.

"Anong powers mo, Shaina?" kita ko sa mukha ni Waterilla ang curiosity pero di niya pa din inaalis ang ngiti niya sa kaniyang mga labi. Napaawang naman ang bibig ko dahil sa tanong niya.

Anong powers? Pinagloloko ba ko neto ni Waterilla? Ang alam ko sa T.V lang meron nun ah yung palabas na Encantadia, waaah..namiss ko tuloy yung palabas na yon.

Taka ko silang tinignan.

"Huh? Powers? Wala eh hehehe. Kili-kili powers lang." akala ko matatawa sila sa joke ko pero biglang nanlaki ang mga mata nilang tatlong napatingin saakin.

"ANO?!WALA KANG POWERS? PANO KA NAKAPASOK DITO?" tanong nila na mas lalong ikinabingi ko dahil sa pagsigaw nila malapit pa mismo sa tenga ko.

"Ano ba! Makasigaw, hindi malayo yung kausap niyo mga be nasa tabi niyo lang."

Hindi nila ko pinansin bagkus ay mas tinuon nila ang kanilang mga sarili saakin.

"Wala ka ba talagang powers?" gulat paring tanong ng tatlo na ngayon ay medyo nahimasmasan na.

Wala akong nagawa kundi ikwento sa kanila kung paano ako nakapasok sa lugar nila, baka kasi sigawan nanaman nila ulit ako kapag hindi ko ikwento. Mamaya ayun pa yung maging sanhi ng pagka bingi ko.

Habang nagkwekwento ako, kita ko sa mukha nila na hindi sila satisfied sa mga sinasabi ko para bang pinaparating nila na may mali sa nangyari saakin, na may mali sa pagkakapunta ko dito. Pilit kong iniintindi ang bawat ekspresyon ng kanilang mukha pero hindi ko ito maintindihan.

Nagkwentuhan pa kami about sa sarili namin at pinakita nila kung paano nila gamitin ang kanilang mga kapangyarihan. Sa una, natakot ako at nabahala dahil baka may mangyaring masama saakin dito pero pinaliwanag naman nila saakin na ginagamit lang 'yon laban sa mga masasama. Sa huli ay nawala din ang takot ko at napalitan na lamang iyon ng mangha dahil wala naman nito sa probinsya namin.

Lumipas ang oras, kahit sandali ko palang silang nakikilala naging magaan na agad ang loob ko sa kanila. Gusto ko pa sanang mag tanong tungkol dito sa lugar na ito pero hindi ko na nagawa dahil may kumatok sa pintuan kaya naputol ang aming kwentuhan.

"Hi girls!" bati nito samin na todo ngiti. Dire-diretso itong pumasok na akala mo ay sarili niya itong bahay.

"Hello!" Bati naming tatlo pabalik na halata mong napipilitan lang dahil sa mukha nilang halos ngumiwi na dahil sa pagdating ni Ace.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Dinadalaw si Shaina, Airicka."

Lumapit sa kinaroroonan namin si Ace kaya tumayo ako para magpasalamat dahil sa paghahatid niya sa akin dito.

"Bakit ka nawala kanina? Thank you pala sa paghatid mo sakin."

"Ah..Ehhh...May inasikaso lang!" napakamot siya sa ulo niya. Shets ang gwapo niya. "By the way, pwede bang tumambay sa dorm niyo?" Tanong nito na may nakakalokong ngiti.

Halos masamid ako sa tanong ni Ace. Nagtinginan kaming apat na para bang nandidiri.

Pwede bang tumambay ang lalaki sa dorm ng babae? Alam  ko bawal yun ahhh! Aba loko 'tong lalaking 'to ah.

"NO WAY!" Sabay-sabay naming sigaw sa kanya. Kita kong isa-isang naglalabas ng kapangyarihan ang tatlo habang nilalaro ito sa kanilang mga kamay habang nakangising nakatingin kay Ace. Kita mo naman sa mukha ni Ace ang takot dahil sa ginawa ng tatlo. Napangiting iling nalang ako dahil alam ko naman na hindi nila sasaktan si Ace. Tinatakot lang nila ito para umalis na 'to dito sa silid namin.

Habang tinitignan ko ang kapangyarihan nilang nasa kanilang mga kamay ay hindi ko maipagkakailang manghang mangha ako dito pero may takot parin sa dibdib ko.

"Relax girls nagbibiro lang naman eh." wika nito na halata mo sa mukha ang takot kahit nakangiting ngiwi ito sa tatlo.

Ikaw ba namang labasan ng tatlong magkakaibang kapangyarihan eh di ko lang alam kung di ka matakot hahaha.

"Get out!" Sigaw nilang tatlo. Akmang babatuhin ni Iceleigh ng bolang yelo na may matutulis na yelo na nakapalibot dito si Ace ng bigla itong nagkakaripas patakbo.

Napahalakhak kaming tatlo dahil sa mukha ni Ace na epic failed.

Inayos namin ang aming sarili, hinatid nila ako sa kwarto ko at tinulungan nila akong magayos ng gamit. Nang matapos kami ay tsyaka kami kumain dahil nakaramdam narin kami ng gutom. Marami kaming napagkwentuhang mga bagay bagay at doon ko sila nakilala ng lubusan. Hindi narin kami nagtagal at natulog din kami kaagad dahil maaga pa daw ang pasok namin bukas. Madali naman akong nakatulog dahil narin sa labis na pagod.

***~KINABUKASAN ~***

Maaga kaming nagising dahil ngayong araw ang simula nang klase

"Tara na kase Shaina! Malalate na tayo oh!" pilit sakin ni Iceleigh sabay tingin sa relo niya.

Kanina pa nila ko pinipilit pumasok ngunit napapangunahan parin ako ng takot. Akala ko kagahapon ay wala na yung takot ko pero parang bumalik ito ngayon. Wala kasi akong tiwala sa ibang tao dito. Feeling ko may gagawin silang masama sa akin ano mang oras.

Tatalikod na sana ko para magpalit na sana ulit ng pambahay pero nagulat ako ng hindi ko na maramdaman ang sahig na para ba kong lumalutang. Naramdaman ko din na para bang may malamig na hangin na bumalot sa katawan ko. Sa una di ko iyon pinansin dahil sa pagmamadali pero pagyuko ko doon ko na nakita na lumulutang na pala ko at dinadala na ako nito patungong pintuan.

"Waaaaahhhhh!" sigaw ko.

Halos magpapadyak ako sa hangin dahil sa sobrang takot.

"Ibaba mo nga ko rito Airicka!" Sigaw ko sabay tingin ng masama kay Airicka na ngayon ay nagpipigil ng tawa kasama ang dalawa.

Waaah huhu! Ayoko naaa.

"Aaahhh!" sigaw ko dahil babagsak na ko sa sahig dahil nawala na yung hangin na bumabalot sakin kanina.  Napapikit nalang ako at hinintay ang pagbagsak ko.

"Ouch! Ang Shaket huhu." mangiyak ngiyak na ko habang hinihimas ang pwet ko.

Bwiset na Airicka yun! Ibagsak ba naman ako sa sahig! Ang sakit tuloy ng pwet ko huwaaah! Lagot talaga sa akin yang babaeng yan!

Napatigil ako sa paghimas ng pwet ko ng marinig ko ang halakhalakan nilang tatlo. Halos mangisay sila kakatawa. Napairap nalang ako at tinignan sila ng masama.

"Mga bwiset kayo!" sigaw ko sa kanila.

"Kapag ako lang talaga nagkaroon ng gicam, who you kayo sakin." Dugotong na banta ko sa kanila. Hindi sila sumagot bagkus nag sitawanan lang sila na akala mo wala ng bukas.

Tumayo ako kahit iniinda parin ang sskit ng pwet ko. Kinuwa ko ang mga gamit ko.

"Halika na nga kayo!" tawag ko sa kanila.

Wala akong nagawa kundi pumasok dahil sa pilit nila. Nakakatakot naman kung tumanggi nanaman ako baka mamaya ano ng magawa saakin ng mga bwiset na babae. Kaya ngayon late kaming papasok.

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon sa hallway, nagtataka kong tinignan ang mga bawat estudyanteng nadaan dahil lahat sila ay napapayuko at nagbabow na akala mo may royalties na dumating.

"Water, bakit sila humihinto?At nagbobow?" takang tanong ko kay Waterilla na nasa tabi ko.

"Wala lang trip lang nila." pangiti-ngiting sagot nito.

Tsk. Niloloko nanaman ako.

"Ano nga kasi!"

"Bilang pagbibigay galang." Maikling paliwanag niya.

Napakunot ang noo ko.

"Pagbibigay galang?"

"Yep, di pa ba namin naikwewento sayo?"

Napailing ako. "Nope."

"Isa kasi kami sa mga makakapangyarihan dito kaya kinakailangan nilang gumalang saamin."

"Ahhh..." tanging yan nalang ang nasabi ko.

Hindi na niya ko sinagot at nagtuloy tuloy lang kami sa paglakad. Marami ang nakatingin saamin at para silang mga kapitbahay naming chismosa na nagbubulungan. Hindi ko nalang sila pinansin at mas tinuon ko nalang ang pansin ko sa daan dahil natatakot akong pag tumingin ako sa mga mata nila ay mabulag nalang ako bigla.

Nang narating namin ang room 001, pagkapasok pa lang namin nagkakagulong estudyante na agad ang nadatnan namin. Ginagamit nila ang kanya kanya nilang kapangyarihan na may ibat-ibang klase, na hindi ko alam kung anong uri.

Sobrang takot ang namayani saakin dahil unang beses sa tanang buhay ko ang makakita ng toto atgiba,'t ibang kapangyarihan na nageexist pala sa mundo. Nakita ko na rin naman yung kila Waterilla, Airicka at Iceleigh pero iba ngayon ang daming kapangyarihan ang nagkalat.

Nang makapasok kami at ng makita nila ako ay napahinto sila sa kanilang ginagawa at tinignan nila ako na para bang nagtatanong kung sino ako. Hindi ko sila pinansin dahil natatakot na din ako. Bagkus umupo ako sa tabi ni Airicka dahil wala naman siyang katabi. Tumingin ako sa bintana at hindi ininda ang mga taong nakatingin sakin ngayon. Nagulat ako ng may nakita akong lalaki sa isang puno na natutulog. Tumayo ako upang matitigan siya ng malapitan. Kahawig niya si Ace pero kung anong kinapogi ni Ace mas dobleng pogi nito ni kuya hihihihi.

Sarap niyang pagmasdan habang natutulog.

Napaatras ako ng dumilat ito at tumingin sa mga mata ko. Walang kaemosyon emosyon ang mukha niya. Sobrang weirdo ng mga tingin niya pero para ka nitong hinihipnotismo.

Napaiwas ako ng tingin ng may nagsalita sa likod ko.

"Look girls, the ugly froggie girl." sabi nito sa mga kaibigan niya sabay turo sakin.

Eh? Mga wala ba tong magawa?

"Hahahaha." tawanan nilang apat.

"Hmmmmm...Kung ako ugly froggie eh ano ka naman unggoy? Gorilla?" palaban na wika ko habang nakataas ang isa kong kilay na nakatingin sa kaniya.

Ano akala niya sa akin 'di lalaban?

"HAHAHAHA!" rinig kong tawanan ng mga kaklase ko na ngayon saamin na nakatuon ang atensyon.

"Aba lumalaban! Hindi mo ba ko kilala bitch?!" halata sa boses nito ang panggigigil.

"Hindi at sino ka naman para kilalanin ko pa. Nagsasayang lang ako ng panahon sa kagaya mong walang kwenta. Kung ako bitch, anong tawag mo sa sarili mo G R O? Pokpok? tsk!" pangbabara ko sa kanya at iniwan ko siyang tulala at halata ang gulat sa kanya dahil sa sinabi ko .

"Yun oh... May nanalo na!"

"I love you na girl."

"Astig."  sigaw ng mga kaklase ko.

"May araw karin sakin!" bulong niya habang nakangisi na tila ba asar na asar.

Hindi ko yun pinansin at nagdirediretso lang na umupo sa tabi ni Airicka na tuwang tuwa sa ginawa ko .

"Ang galing mo dun girl." ngiting tagumpay na bungad ni Waterilla sa akin habang pumapalakpak.

"Hahahahaha." tawanan naming apat.

"Pero Shai magiingat ka diyan sa babaeng yan. Mabangis pa yan sa hayop kung makipagaway. " pagbabanta sakin ni Iceleigh.

"Kung mabangis siya mas mabangis ako, kung hayop siya mas hayop ako." matapang kong saad sa kanila.

"Hoooo...Ganyan ang kaibigan namin palaban!" sigaw nilang tatlo. Napangiti nalang ako sa mga expression ng mukha nila.

Hindi na ko sumagot at nanatiling tahimik dahil napaisip ako.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin ngayon dahil dati hindi naman ako dating ganito katapang parang may kakaibang enerhiya ang bumabalot sakin kapag nagtitimpi ko.

Nagkwentuhan lang kami sa isang buong oras dahil walang prof ang dumating.

Habang nagkwekwentuhan may naririnig kaming sigawan sa labas ng classroom.

"Gosh beshie anjan na si Prince." rinig kong wika ng kaklase kong babe na para bang mangingisay sa kilig.

Sino namang Prince 'yon? Sabi pogi daw! Naeexcite tuloy ako hihihi.

Marami pa kong narininig tungkol kay Prince na puro papuri. Hindi ko siya kilala pero parang naeexcite akong makita siya dahil parang ganun na lamang siya kasikat sa room namin.

Maya maya lang ay mas lumakas pa ang sigawan ng mga kaklase kong babae at nakita ko na lang namay pumasok na sobrang poging lalaki na nagpapasigaw sa kababaihan sa loob ng room pati yung tatlo na patili na rin ng pumasok ang napakapoging nilalang at…

Gosh! Anong gagawin niya?