webnovel

POWERFUL PRINCESS

Blue_BJAE · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
5 Chs

Chapter 2

SHAINA POV

Pilit niyang pinakpakalma ang sarili niya at tila gulat na gulat  siya ng mapadako ang tingin niya sa akin. Inayos niya ang kanyang sarili bago naglakad patungo sa kinaroroon namin ni Madame Butterfly.

"Oh Ace? Anong nangyari? Bakit ka kumakaripas ng takbo?" Tanong ni Madame Butterfly na tila ba nag-aalala siya sa kalagayan ni Ace na pawis na pawis at hingal na hingal pa din.

"Madame B. si kuya po kasi nakikipagaway nanaman! Malaki na po ang pinsalang nadulot niya dahil hanggang ngayon hindi niya parin makontrol ang gicam niya." paliwanag ni ace habang pinupunasan ang ilang butil ng pawis sa kanyang mukha.

Infairness ang gwapo niya huh! Kalaglag panty hahaha joke. Peace. By the way sino kaya yung kuya niya? Siguro gwapo din yun yieeee hehehe.

Nakatitig lang ako sa kaniya. Nakasuot siya ng white polo at maong pants na fitted sakanya habang nakataas ang buhok niya...singkit ang mga mata, maskuladong katawan, mapula ang kanyang labi at ang tangos ng ilong, pogi hihihihi.

"Miss matunaw ako niyan." saad niya sabay kindat. Namumula naman ang aking pisnge na umiwas ng tigin dahil di ko namalayan nakatitig na pala ko sa kanya.

Gasss! Napansin niya kong nakatitig sa kanya, nakakahiya!

"Assuming!" pagtataray ko para hindi niya mapansin ang pagkakahiya ko sa kaniya.

Hindi na ko pinansin ni Ace 'kuno' bagkus ay tinignan niya lamang ako ng may nakakalokong ngiti. Agad ko naman siyang inismidan at mas piniling tumingin na lang kay Madame B. na busy sa pagnonote sa isang libro na halatanmong luma na, may kinuwa siyang papel doon at inilahad 'yon sa akin.

"Prinsesa Shaina Fontanilla ito ang iyong schedule at ang number ng dorm mo." sabay abot sakin ni Madame B ng isang papel na tila ba sinunog dahil sa kulay nito.

Napakunot naman ang noo ko na kinuwa ang papel at tinignan ko ito.

Huwait! Dorm? Ibig sabihin dito ako titira? Hala ka, ito ba talaga yung maynila? Pero bakit ganito? Tsyaka anong schedule, ano yun? Gulong-gulo na ko!

"At Ikaw Mr. Ace Delavelle samahan mo siya sa kanyang dorm. Ikaw na ang bahala sa kanya." sabay baling ni Madame B kay Ace. Aangal pa sana ako ngunit dali-dali siyang lumabas ng office kya napabuntong hininga nalang  ako at tumingin kay Ace na nakita kong nakatingin din siya sakin.

Kaazar, siya pa talaga yung maghahatid saakin. Hiyang hiya na nga ko sa kaniya eh, jusko.

"Anong tinitingin tingin mo dyan!" Kunot noo kong tanong sa kanya habang napapahilamos ako saakijg mukha upang hindi niya mapansin ang pamumula ng mukha ko dahil sa kahihiyan lalo na ng ngumiti siya sakin.

Ang cute niya shocks, may dimple!

Nagulat ako ng lumapit siya saakin, akala ko kung anong gagawin niya pero kukunin niya lang pala ang mga dala kong gamit.

Ano ba yan, umasa pa naman ako.

"Tara?" yaya nito saakin habang hindi parin inaalis ang ngiti sa kaniyang mga labi. Sasagot pa sana ko pero tinalikuran niya na ako at naglakad papalayo.

Aba'y bastos 'to ahh! talikuran ba naman ako? infairness ang pogi niya parin kahit nakatalikod hihihi.

Agad kong sinampal ang sarili ko para kumalma ang nagwawalang kaharutan sa katawan ko.

"Shaina, wag maharot." Bulong ko sa sarili ko bang pinapakalma ang sarili ko. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago sumunod sa nakatalikod na lalaki na hawak-hawak na ang pihitan ng pintuan para buksan ito.

Hindi na ko nagsalita dahil baka kung anong kaharutan nanaman ang sumapi sa katauhan ko at ano pang gawin ko sa lalaking nilalang na nasa harapan ko ngayon.

Habang naglalakad ang daming estudyante na naglalakad rito't parito pero imbis na matuwa na may nakikita na kong tao ay natakot pa ko dahil sa kakaiba nilang aura. Habang bisi ang mga mata ko sa pagtingin-tingin sa paligid, hindi ko namalayan na wala na pala si Ace na sinusundan ko. 

Jusko! Asan na ba si Ace? Hindi ko na matake pa yung mga nakikita ko! Hindi na normal ito, gash Ace! Asan na ba yun?

Nagpalinga-linga pa ko sa paligid umaasang makikita ko pa siya pero... wala.

Tae ka Ace!

Sa pag-ikot ng mga mata ko ay hindi inaasahang makita ko ang kani-kanilang. Meron nagiging I merong tumatagos sa mga pader at merong gumagamit ng powers. Akala ko namamalikmata lang ako kaya kinusot-kusot ko ang mga mata ko nagbabakasakaling hindi totoo ang mga nakikita ko pero nagkakamaki ako. Halos maiyak na ako dahil sa sobrang takot na namumutawi sa puso ko, para bang ano mang oras ay babagsak nalang ako sa kinatatayuan ko.

Sinumulan kong ihakbang ang mga paa ko dahil hindi ko nantalaga keri. Binilisan ko ang aking lakad dahil ang sama na ng mga tingin nila sakin para bang kakainin nila ako ng buhay. Tagaktak ang pawis kong napapalingon sa paligid dahil baka sinusundan nila ko, pero dahil sa sobrang taranta ko hindi ko namalayan na may nabangga na pala ko.

"OMG!" Rinig kong maarteng sigaw ng nabangga ko. Tumayo ako sa pagkakasalampak sa sahig at tinigna ko ang nabangga ko na kulay asul na ang puting dress niya dahil natapon sa sakaniya ang Lemonade na dala-dala niya.

"I'm so sorry." hingi ko ng paumanhin. Natataranta akong kinuwa ang panyo sa bag ko. Akmang pupunasan ko na ang damit niya ng higgitin niya ang kamay ko at nanlilisik ang kaniyang mga mata na tinignan ako.

"Don't you dare to touch my dress, ugly bitch creature! Ano pang magagawa ng sorry mo kung nadumihan mo na ang favorite dress ko argh!" sigaw niya sa akin habang dinuduro-duro ako. Sasabunutan na sana niya ko ng may nagsalita sa likod ko.

"Alexis, ano nanaman ba 'to?" Tanong ng isang boses lalaki. Hindi  na pinagtuonan ng pansin ang lalaking nasa harapan ko ngayon bagkus ay yumuko nalang ako dahil marami naring taong nakakakita saamin at nahihiya't natatakot na ko.

"Siya kasi kuya look, ang dumi-dumi ko na tinapunan niya ko ng juice!" pabebeng saad nito. Nakita ko sa peripheral vision ko na nagpapaawa effect pa siya sa kuya niya kaya napataas ang aking mukha at napatingin sa babaeng nakabangga ko.

"Psh, childish." hindi ko namalayan napalakas ko na ang sinasabi ng isip ko kaya napatakip ang dalawa kong kamay sa bibig ko.

Waaah, Shaina ang careless mo.

"What?!" Halata dito ang inis habang nakatingin sakin.

"Alexis go to your dorm! Wag kang lalabas dun habang hindi pa tayo nakakapag nakakapag-usap."

"But kuya---"

"No but's! Go to your dorm!" Sigaw ng kuya niya na halata ang pagkairita sa tono ng boses dahil sa katigasan ng ulo ng kapatid niya.

Wala nang nagawa si Alexis bagkus umalis na lang siya ng nakabusangot ang mukha. Pero bago siya umalis ay tumingin muna siya saakin na may nakakairitang ngisi at nakita ko nalang na may nahulog na papel galing sa bulsa niya. Agad-agad ko itong dinampot para ibalik sana sa kaniya pero nagulat ako ng bigla itong gumalaw, parang may kung anong kiti-kiti ang nasa loob ng papel na gustong kumawala kay binuksan ko ito...

"Get lost ugly creature!You don't know me!" isang boses na may lumabas galing sa papel na ikinagulat ko. Halos atakihin ako sa puso dahil sa gulat, hindi ako makapaniwalang may ganung klaseng teknolohiya pala dito sa maynila, nakamangha.

Habang nakatingin ako sa papel na nahulog ni Alexis kuno, di parin ako makaget over dahil sa kwkaibang teknolohiya na 'yon. Nagulat ako ng may humablot nito mula sakin sa likod ko, linukot lukot niya ito at binato sa isa sa mga trash can. Napatingin ako sa mukha ng kuya ni Alexis kuno at doon ko napagtanto na ang gwapo niya pala kahit nakasalamin.

"Wag mo nang intindihin yun. Ako na hihingi ng paumanhin sa ginawa sayo ng kapatid ko." saad nito habang inaayos ang salamin niya. Hindi niya manlang ako nagawang tignan sa mga mata ko dahil narin siguro sa hiya sa ginawa ng kapatid niyang maldita.

Sasagot na sana ko para magpasalamat kaso may narinig akong pamilyar na boses na nagpawala ng kaba at takot ko sa dibdib.

"SHAINA WHERE ARE YOU?!" Sigaw ng pamilyar na boses. Halos hindi naman magkandaugaga ang pag-ikot ng mata ko para hanapin kung nasaan siya.

"Shocks si Ace yun ahh!ACE I'M HERE!"sigaw ko habang winawagayway ang kamay ko. Agad naman siyang lumapit sa kinaroroonan  ko galing sa mga nagkukumpulang  na sanhi kaya hindi ko agad siya nakita. Lumingin ako sa likod ko upang sana ipakilala siya kay Ace at magpasalamat nadin sa kaniya  ngunit wala na siya sa likod ko.

Aish! Asan na 'yon? Bigla nalang nawala! Sayang hindi ko manlang nalaman yung name niya.

"Where have you been? Kanina pa kita hinahanap, paglingon ko sa likod ko wala kana. Mapapagalitan pa ako ni Madame Butterfly dahil sayo." Nakita ko sa mukha niya ang pagaalala habang sinasambit ang mga salitang iyon.

"I'm so sorry hmm --"

Naputol ang sasabihin ko ng..

"Ace My Labs!"

May panibago na namang asungot.

_______