webnovel

REstart

"we're doing the best we can, but I must say na dapat prepared kayo sa kung anong pwede mangyari"

Madilim. Nakapikit siguro ako?

Hmm??

Naririnig ko yung boses ni mama,

Umiiyak sya.

"pero doc? Diba mag uundergo naman sya ng surgery?"

"there are complications, we'll do our best, but I can say that the surgery can't guarantee 100% chance recovery..."

Naririnig ko rin yung galit na boses ni Lester,

Inaaway nya yung doctor,

Si Oliver, although masyadong calm yung boses nya, naririnig kong galit din syang nagpapaliwanag sa doctor.

Wag sana nilang awayin yung doctor, kawawa naman sya.

I woke up. Nakatulog nanaman ako nang hindi ko namalayan. Pagising ko, may taong ang sarap ng tulog sa braso ko, nagising sya pagpat ko sa ulo nya.

Si Lester pala.

"Karina?"

"yung sunset…. Ang ganda."

Kitang kita yung pagpula ng langit habang pababa ang araw. Lumingon ako kay Lester, bagay pala sa kanya ang brunette? Nagiging light yung buhok nya dahil sa sikat ng araw.

"Kamusta nang pakiramdam mo?.... Karina?" Tumayo sya para tignan kung saan ako nakatingin.

Inangat ko ang kamay ko para abutin ang buhok nya. Ang lambot non na parang balahibo ng pusa.

"gusto ko sanang makita yung sunset? Galing doon sa rooftop."

Inayos nya yung kumot ko saka iniharap yung mukha ko papunta sa direksyon nya. "ah….hehe, okay, kukuha lang ako ng wheelchair---"

"si Oliver?"

Napahinto sya,

"okay… dadalhin ko din si Oliver, kasama nung wheelchair.. haha!" ayoko syang tignan.

He looks so miserable.

Sorry Lester, Last na 'to promise.

It's like a scene from the movies. When the ending credits starts flashing from below. The only thing that's different is there are no words flying on the background.

But the feeling of sadness and emptiness lingers inside, bit by bit, building its sanctuary to be dwelled in.

You rethink about life, your purpose, and what you have supposed to do if you where the main character, thinking the end could have been better.

---------- [Lester's PoV]

"Actually, I already have a fiancé, and I just had some time off to enjoy my remaining days being single."

Kung hindi ko napigilan yung sarili ko, malamang nasapak ko 'tong gag* to sa harap ng maraming tao!

Wala naman akong pakialam kung gag* sya, ang ayoko lang, yung idadamay nya si Karina sa ka gag*han nya!!

Time off?? Ano yon? Parang in preparation bago sya mag-asawa?

Bachelors party?

Ngayon lang ako nakakita ng ganitong version?

"alam mo? gusto ko nang sapakin yang matangos mong ilong, but for the sake of Karina, I'll just curse you, *************" malutong pa sa chicharon yung mga mura ko sa kanya,

to the point na tinignan na ko nung guard at balak na yata akong hilain palabas.

Mukha naman syang nagulantang kung saan ko napulot yung mga incomprehensible words na naririrnig nya.

"I'm sorry….I am really planning to tell her the truth after that date, since I realized that she's not the type of girl to be treated like that..."

mukha syang apologetic at takot.

Sa mukha ko pa namang to?

Pinalagpas ko nalang muna yung kagag*han nya, but I came to a conclusion na hindi dapat malaman ni Karina yung totoo, not in her condition at dahil alam kong kahit hindi nya ipakita, masasaktan sya ng sobra.

That's why I created that story para mabawasan yung sakit para sa kanya, I know her, though she looks tough on the outside, she's really sensitive and empathic deep inside.

Alam kong mali yung ginawa ko.

Ang sama ko,

Thinking that the lie wouldn't be found out, para ko naring inamin,

Na mawawala din sya eventually.

Karma ko na din siguro to.

I look so desperate.

Akala ko ako yung hahanapin nya in the end.

Ayoko sanang bitawan yung kamay nya, pero anong magagawa ko? Kung alam kong hindi naman nya hahawakan yon.

Sh*t!

hindi ko na masyadong makita ang daan, ang labo nang paligid, at walang paring tigil sa pagpatak ang mga luha ko.

Hinigpitan ko ang hawal sa manibela,

I can't see anything, I can't hear anything,

I can only feel the throbbing pain in my chest.

Please,

Don't take her away…

..

..

..

Don't take her away...…

..

..

..

That's when a light suddenly flashes in my eyes.