webnovel

Please, Laniel

A transexual woman's story

pencoloredman · LGBT+
Không đủ số lượng người đọc
18 Chs

X.

"RISZA!" sigaw ko rito.

Tumakbo ako at niyakap siya nang mahigpit. Mamimiss ko ang babaitang ito. Pero napansin ko na medyo nakababa ang mukha nito.

"Bes, sorry," sabi nito sa mababang tono. Nangunot ang aking noo sa sinabi nito. May kasalanan ba siya?

"Ha? Anong sinasabi mo? Umayos ka ! Aalis na nga lang ako ganiyan ka pa." Nanatili siyang tahimik. Niyakap niya ako saka mabilis na tumakbo paalis na mas lalo ko lang ipinagtaka.

Gayunpaman, niyakap ko na rin sina mama at papa. Pumasok na ako sa loob at hindi ko na nakita pa ang pigura nina mama at papa.

Nasa escalator na ako nang mayroong sumigaw. "Carina Gari!"

Nanigas ang aking katawan at nanlaki ang aking mata noong makita ko sa Laniel na nasa ibaba ng nasabing escalator.

Umakyat siya kaya naman hinintay ko siya sa itaas. Wala akong ideya kung bakit siya nandito at paano niya nalaman na nandito ako.

Nang tuluyang makaakyat ay kaagad na may dinukot siya sa kulay itim niyang jacket na halos ikabagsak ko sa aking kinatatayuan. Bakit at paanong nangyari?

"Explain all of this shit, Carina." Mahinahon pero nakakatakot. Ayoko ng ganitong pakiramdam— hindi mapakali at hindi alam kung ano ang sasabihin.

"Hindi ka aalis," maawtoridad na sabi nito. Hinila niya ang kanang kamay ko at binaba niya ako gamit ang escalator.

Naglakad kami nang naglakad. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero ang alam ko lang ay maingat niya akong hinihila.

"L-aniel, saan mo ba ako ipupunta? Malapit na ang flight ko," apila ko rito pero hindi man lang siya nagsalita at patuloy pa rin ang paghila niya sa akin..

Kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang bagay na iyon. Hindi ko naman ipinadala o kaya ay ibinigay sa kaniya iyon.

Huminto kami sa parking lot— sa harapan ng kaniyang kulay itim na sasakyan. Walang katao-tao sa lugar na ito.

"Puwede mo bang ipaliwanag ang sulat na ito?" tanong nito sa kalmadong boses. Hindi ako umiimik dahil walang gustong salita ang gustong kumawala sa bibig ko.

"Carina, please," he begged. At nanatili na namang tahimik ang buong parking lot.

Ilang minuto kaming nagtitigan nang muli siyang nagsalita. "Minahal kita, Carina. Minahal kita at kinayanan kong mahalin ka kahit na ramdam kong inaayawan mo na ako. Sa'yo ko lang nakita ang tunay na ako, Carina. Ikaw ang dahilan ng pagbabao ko. Ikaw ang dahilan kung paano ako naging ganito katino. Pero bandang huli niloloko mo pala ako? Carina, ipinaglaban ko sa pamilya ko na hindi ka ganito, ganiyan dahil ako ang mas nakakasama mo."

Hindi na kinayanan ng aking dalawang mata na hawakan pa ang aking mga luhang kanina pa gustong kumawala. Nanatiling tikom ang aking bibig at hinayaan siyang magsalita.

"Carina, sana sinabi mo noon pa. Kaya ko naman tanggapin ang ikaw dahil sa ikaw lang ang mayroong kakayahan na baguhin ako," sabi nito.

Piangmasdan ko siya. Kita sa kaniyang mukha ang pagkadismaya sa nangyayari ngayon pero hindi pa rin ako makapagsalita para magpaliwanag dahil nananatiling takot ako.

"Carina, I will let you to explain. Hindi ako magagalit."

Wala akong magawa kun'di ang magsalita. Sumandal ako sa harapan ng sasakyan niya. "Way back 8 years ago, mama and papa decided to send me on Thailand. Carl Gonzales is my real name. I was 12 years old that time and the reason why they send me because I was bullied; bullied by my classmates. Nang makarating kami sa Thailand ay kaagad naming pinuntahan ang sinasabi ng kakilala ni papa na doctor. Ilang buwan rin iyon bago gumaling ang sugat na inoperahan." I stooped. Ngayon ko lang naramdaman na basa na pala ng aking luha ang mga pisngi ko.

"Nang gumaling ay umuwi kaagad kami sa Pilipinas. Marami ang nagtataka na kapit-bahay kung nasaan ang Carl nilang anak. Maraming nagtataka kung bakit may babaeng bata silang kasama. Pero hindi na nina mama at papa inintindi iyon. Ipinasok nila ako sa eskwelahan na kung saan kita nakilala. Yes, masyado pa tayong bata pero iba ang takbo ng isip ng mga tulad kong bakla. Makalipas ang isang taon noong sinabi ko kanila mama na may boyfriend na ako na nagngangalang Mon Laniel Sargo ay kaagad nila akong pinalayo sa'yo at nagdamdam ako noon na hinayaan mo lang ang bagay na iyon. Matagal ko ng gustong sabihin ang tungkol sa akin pero mas nilamon ako ng takot at hiya. Takot na baka kamuhian mo ako at iwanan. Hiya na hanggang sa hukay ay dadalhin mo. Hanggang sa dumating ang punto na ganito, noong dumating ka kamakailan lang ay nagdesisyon ulit akong umalis dahil sa sikreto ko. Sila mama lang ang tanging kakampi ko kahit hindi ko sila tunay na magulang. Sila ang kasangga ko lagi. Sila ang lagi kong kasama sa problema. Iyan ang totoo, Laniel at isa pang katotohanan ay minahal kita nang totoo at natatakot ako na iwanan mo ako pagdating ng panahon na malaman mong ganito ako."

Natahimik siya. Kita ko ang butil ng kaniyang pawis sa noo. Maging sa leeg ay mayroon na itong pawis.

"Laniel, ikaw ang tala ko. Talang hindi ko alam kung kalian mawawala at hanggang kalian lang. Hindi kita kayang abutin. You are Mon Laniel Sargo." Basag ko sa katahimikang nababalot sa aming dalawa. Humarap siyasa akin.

Kinuha niya ang kanan kong kamay at inilapat niya sa kaniyang kanang dibdib. Ramdam ko ang bawat pintig ng kaniyang puso. "Damhin mo lang."

Ipinikit ko ang aking mga mata. Ramdam na ramdam ko kung paano ito tumibok at napakalmado lang. Hindi ko alam pero ramdam kong hindi siya nagagalit.

"Kung paano kakalmado ang pagtibok ng puso ko ay gano'n din ako," sabi nito pero nanatili akong nakapikit. "Mahal kita, Carina kahit sino ka pa at ano ka pa. Huwag mong kakalimutan iyan. Niloko mo na akong minsan kaya sana ay hindi na maulitt pang muli. Mas natatakot akong mawala ka dahil ikaw lang nagiging lakas ko sa buhay kahit na maayroon akong pamilya na kayang bilhin ang lahat ng bagay."

"Please, Laniel." Idinilat ko ang aking mga mata at biglang nagtapo ang aming mga mata. "Patawarin mo ako. Mahal kita at natakot lang ako na mawala ka."