webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · Hiện thực
Không đủ số lượng người đọc
366 Chs

Ayos

Chapter 23. Ayos

   

    

HONESTLY, Kanon thought that she was still affected about what happened in Senior High School and couldn't move on no matter how many times she tried to. She even blamed Dice after the news broke that she sold her body so the Castillos would save their failing company thru acquiring it. Sinisi niya nang sinisi si Dice dahil kung hindi lumaki ang balita nang sumugod ito sa hotel, hindi sana iisipin o paniniwalaan ng madla ang paninirang ginawa sa kanila ng mga Castillo. That's where she thought that Daisuke Usui hurt her young heart the most.

Pero gaya nga ng sinabi niya noon, kahit paano, natulungan siya ng ex-boyfriend niya na tanggapin at harapin ang dagok na iyon sa kanyang buhay. Kinalimutan na nga niya ang lahat ng iyon hanggang sa aksidente silang magkita ulit ni Dice. Parang biglang bumalik ang lahat na parang kahapon lamang nangyari, kaya nga ba nagdadalawang-isip pa siya noon kung sinsero ba ito sa pakikipaglapit sa kanya o dahil kinakain lang ito ng konsensya.

Hanggang sa mapagpasyahan na niyang hayaan na ang lahat at huwag nang babalik-balikan. At hindi siya nagsisisi dahil mula nang piliin nilang magsimula ulit ay nakita niya ng buo ang tunay na damdamin nito para sa kanya.

Kahit ngayong pinapakilala siya nito sa mga kaibigan ay hindi mapakli ang ngiti sa mga labi nito. Kaya nga lang ay hindi siya pinakilala bilang girlfriend nito kaya napasimangot siya. Pero nang magpunta na sila sa table kung nasaan ang ama't ina nito ay umayos siya. Nakakahiya kung busangot siyang haharap sa pamilya nito.

"'My, Dad," pukaw ng lalaki sa atensyon ng mga magulang.

Lumapad ang pagkakangiti ng mommy nito nang pasadahan siya ng tingin. "Who's this pretty lady, Daisuke?"

"My girlfriend, Kanon Grace del Rio."

His mom froze, it's more like she didn't expect hearing her name again.

"Kanon? Sounds familiar," his dad.

"Yes, Dad. She's the same Kanon from my childhood."

Bakas din ang pagkabigla sa ginoo kaya napayuko siya para pagtakpan ang hiyang nadama. Siguro'y naalala ng mga ito ang ginawang pagkulong ng mama niya kay Dice noong hayskul. Parang gustong manubig ng mga mata niya't bumigat ang dibdib sa sobrang kaba.

"Mom, why are you crying?"

Gulat na napaangat siya ng tingin sa ginang. Her tears were really falling yet her smiles showed otherwise. Hindi ito mukhang malungkot o galit.

"I knew it, son. I knew it..."

"Mommy naman. Baka isipin ng mga bisita, may masama kaming ibinalita sa inyo."

Tumayo si Mrs. Usui at nilalpitan siya. "Can we go inside, dear? Ayokong makakuha pa ng atensyon at baka kung ano pang tsismis ang lumabas."

"Po?" gulat na tanong niya't bumaling kay Dice na nakangiti, pinararating sa kanya na maayos lang ang lahat. "S-sige po, Ma'am."

"Don't call me Ma'am, hija... God! I really can't believe it."

Inalalayan ng ama ni Dice ang ina nito at sabay-sabay silang pumasok sa magarbong tahanan ng mga ito. The Villaraigosa-Usui residence screamed treasure. It wasn't only because of the expensive furniture or displays, but because of the medals, certificates, trophies and awards that were proudly displayed on a designated place in the living room. Ang mga iyon ay sa dalawang magkapatid na Usui noong nag-aaral pa ang mga ito, base na rin sa mga pangalang nasa certificates.

"I knew it..." ulit ng mommy ni Dice na pumukaw sa atensyon niya. "I knew my son's couldn't forget you, that he's still head over heels about you. Kaya hindi na iyan nag-girlfriend mula nang makatapos ng High School."

"Po?" gulat na bulalas ulit niya. Kinakabahan talaga siya sa pagharap sa mga magulang ni Dice.

"Mommy naman..."

Umupo sila sa sofa, tinabihan siya ng ginang sa pahabang sofa habang ang ama nito'y umupo sa pang-isahan. Nanatili namang nakatayo si Dice.

"Why are you all ins—Oh!" Natigil sa pagsasalita ang bagong dating. Napaangat siya ng tingin at kahit matagal nang hindi nagkita ay hindi niya makakalimutan ang mataray na mukha ng dating School Nurse nila sa Gonzales, ang ate ni Dice na si Aihara. "Sino ka?" kunot-noong tanong nito sa kanya.

"Huwag mong pagsungitan! Girlfriend siya ng kapatid mo."

"Baka kunwari lang iyan, ah! Noong nakaraan may nagpunta ritong nagpanggap na girlfriend ng mokong na ito, at buntis pa!"

"K-kailan?" Hindi napigilang tanong niya't nagtatakang bumaling kay Dice.

"Last week lang. Bakit?" masungit na tugon ni Ai.

"I'll explain—"

"Naku, hija, huwag kang mag-alala, ni hindi kilala ng anak ko ang babaeng iyon. She's a delusional fan of his."

Ngumuso si Dice at ngingiti-ngiti dahil sa pagtatanggol ng ginang. Bakit hindi nito sinabi sa kanya ang tungkol sa bagay na iyon?

"Wait, you kind of look familiar," ang ate nito nang makalapit sa kanila.

Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila ni Dice at natutop ang bibig.

"Kanon del Rio? Is that you?!"

Nahihiyang tumango siya.

"Naku! Sorry kung nasungitan kita! Pagod lang din kasi ako sa trabaho. Ano ba iyan, nakakahiya! Sige, mag-usap na kayo. Magpapahinga lang ako saglit sa kwarto, pero bababa rin ako maya-maya."

"Okay l-lang."

"Pasensya ka na ulit! Hindi kasi kita nakilala."

Matapos nitong humalik sa pisngi ng mga magulang, at bahagyang sinundot ang tagiliran ni Dice sa paraang nanunudyo, ay pumanhik na ito sa silid.

"Pagpasensyahan mo na ang panganay ko," ang ama ni Dice. Sa unang tingin ay aakalaing hindi ito matatas managalog lalo pa't malakas ang dugo ng Hapon sa pisikal na anyo nito. Speaking of Japan, ang alam niya'y roon pinanganak sina Dice at ang ate nito pero sa Pilipinas na lumaki. At kaya marunong magsalita ng Nihonggo ang lalaki ay dahil doon nagbabakasyon ang mga ito noon pa man.

"Ayos lang p-po."

"Kailan pa naging kayo ni Dice? Bakit ba naman kasi hindi ka niya kinukwento sa amin!" Sinamaan nito ng tingin ang anak.

"Kumukuha pa kasi ako ng tyempo, 'My. Pero nasabi ko na sa inyong may nililigawan ako."

Natigilan ang ginang. "Ah, that. I thought you only said that so you won't go to the blind dates I set up. So, hija, kailan pa naging kayo ng anak ako?"

"Kanina ko lang po siya sinagot," tugon naman niya sa tanong ng ginang.

"Oh, my God! This calls for a celebration! I want to meet your mom so we can talk about your marriage—"

"'My, do not pressure her," sabad ng ama ni Dice at bumaling sa kanya, humihingi ng paumanhin ang mga ngiti.

Ngumiti naman ng malapad sa kanya ang ginang. Now that she had a closer look, she now knew where did Dice get his eye smiles and his dimple—from his mom. Pati na rin ang ibang pisikal na katangian nito gaya ng labi at ilong, habang ang may kasingkitang mata nito't kutis ay namana sa ama.

"I hope I'm not pressuring you, dear."

"H-hindi naman po," kinakabahang wika niya. Hindi pa rin kasi maalis sa isip niya ang nagawang mali ng kanyang mama noon.

"Oh! I think you're nervous. Pasensya na. Nasabik lang kasi talaga ako. Paano ka ba niya niligawan?"

"'My," it was her husband. "Hija, make yourself comfortable. Let's go back outside so we could entertain the visitors."

At bumalik na nga sila sa labas, kung saan nakapwesto ang mesang inokupa nila.

"How's your mom? I really like her fashion sense! Nagmumukha akong bata kapag sinusunod ko ang tips niya." Pero kahit walang tips galing sa mama niya ay mas bata pa rin itong tingnan kaysa sa tunay na edad.

"She's doing great po. T-thanks."

"Oh, I think I know why you're feeling that way. If it's about your mom, let's just bury everything in the past."

Napatingin siya sa ginang at sumeryoso ang huli.

"Inaamin kong nagalit ako sa mama mo noon, pero wala na iyon ngayon, at isa pa, ngayong nakikita kitang narito at maayos na lumaki ay hindi ako nagsisising sinunod ko ang anak ko." Bahagya itong sumulyap kay Dice.

"Sinunod po?"

"My son told me your health were unstable because of the rumors. Pinilit niya akong huwag magsampa ng kaso dahil ayaw niyang mawalay ka sa iyong mama't wala kang ibang masasandalan."

Napamaang siya at lumingon kay Dice na tahimik lang na kumakain ng diced fruits sa tabing upuan niya. Ginagap nito ang kaliwang palad niyang nakakuyom sa itaas ng hita dahil sa sobrang nerbiyos at bahagyang pinisil iyon.

"'My, let's greet the other visitors now."

Nagpaalam ang mag-asawa't naiwan silang dalawa ni Dice sa mesa. Ang mga kaibigan at bisita ni Dice ay nag-iinuman na sa kabilang banda ng malawak na hardin.

"Hoy, Daisuke! Kami naman ang asikasuhin mo," pabirong tinawag si Dice ng isa sa mga kaibigan nito.

"Gusto mo bang pumunta tayo roon?"

Tumanggi siya. "Sige, lapitan mo na sila. Kanina mo pa naman ako inaasikaso rito." Asikasong-asikaso nga ito sa kanya't kapansin-pansin iyon.

"Sandali lang ako, okey?"

Tumango siya. Now she got it why he didn't introduce her as his girlfriend a while ago. Sa ingay ng mga kaibigan nito ay alam niyang tutudyuin sila. Inaalala ni Dice na baka mailang siya kung sakali. At isa pa, pinakilala na siya nito sa mga magulang kaya mas magaan na ang pakiramdam niya.

Umiiling na nilapitan nito ang ang mga kaibigan.

Kaya lang ay napasimangot ulit siya nang mapansin ang isang dalagang kung makatingin sa kanyang boyfriend ay parang pinauulanan nito ng puso ang boyfriend niya, at mukhang hindi naman iyon napapansin ng boyfriend niya.

That girl obviously likes my boyfriend, Aniya sa isip. Inuulit-ulit ang salitang boyfriend.

Kung hindi pa lumapit ang ate nito sa pwesto niya ay baka hanggang mamaya siya nakabusangot.

"I can't believe you are that Kanon back then," pansin nito sa kanya.

"Uh, patpatin k-kasi ako noon."

"Naku! Sorry talaga kanina. 'Yan tuloy, naiilang ka ngayon."

She licked her lips. It was a good thing that she saw her boyfriend coming back to their place because she really didn't know how to kick off a conversation between her and his sister. Kaya lang ay nasabat ng iba pang bisita ang boyfriend niya kaya bumati muna ito roon.

Ilang sandali lang nama'y nakapalagayan na niya ng loob si Aihara. Mukhang nasa lahi na ng mga ito ang maging friendly.

"Mas bagay mo ang pigura mo ngayon, hindi tulad noon na hipan ka lang yata ng hangin, matatangay ka. No offense meant," natatawang komento nito.

Natawa rin siya ng bahagya. Totoo naman kasi iyon. Grade twelve na siya nang magsimulang mag-develop nang husto ang pigura ng katawan niya. A little bit late that the girls in her age before.

"Kakain muna ako. It was nice seeing you again, Kanon," paalam nito nang makalapit si Dice.

"Are you tired already?"

Umiling siya.

"About that girl my sister mentioned, I didn't tell you because I totally forgot about that situation. Sa iyo lang kasi ako nang sa iyo naka-focus sa tuwing magkasama tayo."

"Okay lang. Kinabahan lang ako na kaya hindi mo sinabi kasi natatakot kang bumaho ang pangalan mo sa akin lalo pa't nanliligaw ka."

"It's not like that."

"Basta sa susunod, magkwento ka, ha? Ganoon din ako."

"I will."

Pagkuwa'y may naalala muli siya. "Ikaw ba talaga ang dahilan kung bakit hindi nakulong sina Mama't Tita noon?"

"Kan, sweetie, let's not talk about that. You will cry."

"Bakit naman ako iiyak?"

"Your eyes say so."

Ngumuso siya at hindi na tinuloy ang usapan tungkol doon. Sa mga susunod na araw na lang siguro. "Gusto mo ba roon sa mga kasama mo?" tanong na lang niya.

Tumango ito. "Pero mas gusto ko rito."

"We can go there together. Ayos lang naman kung tuksuhin tayo. Hindi ako maiilang, promise."

Ngumuso ito at hinuli ang kanyang tingin. "Maiilang ka," siguradong bulalas nito.

"Well, oo, pero mababaling din naman ang atensyon nila kapag nag-usap-usap na kayo ng ibang topic."

"Let's just stay here. Umiinom sila. 'Tsaka na kita ipakikilala kapag wala nang alcohol sa sistema nila."

"Sure ka?"

"Oo."

"Pero baka kasi gusto mo—"

"Kan, matagal ko na silang kasama. Alam na nila kapag hindi ako pumunta sa mesa nila, maiintindihan nila dahil minsan na kitang nakwento sa kanila't alam nilang patay na patay ako sa iyo."

Napangiti siya. Hindi talaga ito nahihiya sa paghayag ng damdamin para sa kanya.

"At totoong mas gusto ko rito kasi medyo tahimik at solo kita."

Pero sa huli ay siya ang nasunod. Pinakilala siya nito sa mga kaibigan at gaya ng inaasahan ay inulan sila ng tukso, pero ayos lang naman iyon. Totoo namang may relasyon na silang dalawa kaya ayos lang sa kanya na tuksuhin sila. Ayos na ayos pa nga, eh.