CHAPTER 29
"Dude, you are doomed." Pagdidiin ni Kent sa sinabi.
Nasa loob na sila ng restaurant at kumakain habang nag uusap-usap. Yun agad ang unang narinig na reaksyon na galing sa kaibigan ni Raimer. Di pa nakapagsalita si Mike at nabulonan naman ng iniinom na iced tea si Jason.
"They are stricter. Taking extra precautions." Komento ni Mike.
"So when would the investigation start? We're also excited of what we'll figure out about her. " Tanong ni Jason habang sumusubo ulit ng inorder na ribs.
"No investigation would take place." Seryusong sabi ni Raimer sa mga kaibigan. Kanina pa siya huminto sa pagkain dahil nakatuon ang pag iisip niya sa kung anong dapat gawin.
"So you'll take the other way." Mike stated obviously.
"Yes. The only other way." He nodded.
"Bro, nagiging masyadong mabait ka na ata." Pagsasalungat ni Kent. "This is your chance to know her better and to unravel the mystery of Faith Fajarah. And no doubt that we'll figure out everything coz we all know your parents will hire the best detectives or private investigators in town or in the country if they want to."
"It just doesn't felt right." He replied. "Yeah, I want to know her. We all are. But not in that way. Masyado na nating pinapakialaman ang buhay niya."
"Bro, you're acting like your twin. Ang Rain na kilala namin ay walang pakialam sa tama o mali. Basta gusto niya ay ginagawa niya." Umiiling pa na saad ni Kent.
"I'm not acting like Raimer. Faith is just different. She's not like everyone."
"Yeah because you have feelings for her."
"Enough, you two." Pagsaway ni Mike sa sagutan nina Kent at Raimer.
"Rain's right. We should understand that he won't let his parents do that to his dear Faith." Pagsasalita na rin ni Jason. "Masyadong boring din if we just get to know her in that way. It's much more exciting if will figure her out ourselves."
Natahimik ang lahat. Napaisip sa susunod na gagawin.
"Hindi mo pa nga siya naliligawan pero ipapakilala mo na sa future in-laws niya." Jason said, amused. Natawa naman sila. "Hanip ka bro. Bilis ng diskarte mo. Wala na siyang kawala niyan. She'll be on your parent's radar."
Kung tutuosin, medyo bumigat ang pakiramdam niya sa naging topic na nila ngayon. Ang kasalan. He wanted to marry Michell because she's the woman he love the most. Pwede ng mangyari yun dahil sigurado siyang pakakasalan siya nito. But not him. Will never be him. Because he's Rain for everybody. Siya si Rain para kay Michell. He wanted her to love him as who he really is.
"Kailan nga ba alis ng parents mo?" Tanong ni Mike.
"This weekend. After the funeral." Mas naging bumigat ang nararamdaman niya. His own body would be burried. He can't come back, wala siyang alam na paraan kung paano.
"Today is Thursday. So bukas mo dapat ipakilala si Faith."
"A commoner will meet the Azarcon majesties. There should be a grand ball to complete the event." Pagpapagaan ni Jason sa usapan.
"You should talk with Faith today so she can be prepared for tomorrow." Sabat ni Kent.
"As if Faith would agree to it." Mike pointed out the obvious. They all groaned. For now that's their biggest problem.
"Wait!" Jason exclaimed with a happy thought. "She have to come for she don't have any choice. Unless she would allow herself to be investigated."
"Ou nga. Wala siyang choice. So she will agree." Dagdag pa ni Kent.
"Tama kayo. So our next problem is, what will we say in front of my parents?" Tanong ni Raimer sa kanilang tatlo.
"Just tell them to meet their future daughter in law." Jason said while grinning. Masama ang tingin ni Raimer sa kanya. Inabot ni Jason ang tubig sa mesa para makaiwas sa tingin ng kaibigan. Umiinom na siya ng biglang nabilaukan dahil may bumatok sa kanya. Muntik na niyang mabitawan ang baso. Binalik na niya yun sa mesa at bumaling sa kanyang katabi kasama ang masamang tingin. Pinagtawanan lang sila ng dalawang kaibigan. "Bastos mo talaga. Kitang umiinom ako eh." Parang batang reklamo ni Jason.
"I'm serious in my question." Raimer glared at him.
"No doubt why Faith won't like you. " Ganti nito.
"Enough." Pagsabat na ni Mike. "Let's talk about what should be the situation tomorrow."
"I decided to introduce her during dinner tomorrow night." Raimer stated.
"Dinner? Okay yun. She had to be presentable in front of your parents." Saad ni Kent.
"Of course she should be. Pero ang mas dapat nating isipin ay kung anong usapan ang mangyayari." Matino ng sabi ni Jason.
Sabay pa silang napabuntong-hininga lahat at napaisip.
"Should she lie that she came from a wealthy family? Or just simple as she is?" Opinion ni Kent.
"I have an idea!" Jason exclaimed again with a clap of hands. Napatingin sa kanya ang tatlong kasama. "Why not make us come with you. Dinner with your friends. In that way, mas magiging madali ang lahat."
"Idiot." Komento ni Mike sa suhestiyon ni Jason. "Are you even thinking? If we do that, Michell should be with us. Because if she's not there, his parents might wonder and would ask the Zapanta household about her not being able to join us."
"Yeah. And it would look like we betrayed her. You know how she feels about Rain." Dagdag pa ni Kent.
"Ou na, ou na." Jason said and even raised both hands like surrendering to a police. "Lagi niyo kong pinagtutulongan eh. Pero dati na natin siyang pinagtataguan ng mga pinaggagagawa ni Rain na may kinalaman kay Faith."
"She's not my girlfriend to know everything what I'm doing or to be in it. But still, i don't want to hurt her more than i already did." Sagot niya dito.
"Anyway, you can do this, Rain. You always have your way in things." Mike even tapped Raimer's shoulder.
"Kailangan mo ng kausapin si Faith at mapapayag mo." Ani Kent.
"After school. I'll talk to her. For now, we need to go."
Sabay-sabay silang tumayong apat at umalis sa restaurant na yun. Naglakad na sila papuntang kotse nila.
"Don't worry bro, pag nagkagipitan na, just tell your parents that one of us is her boyfriend. Para tigilan na nila." Pahabol pa ni Jason na nakangisi.
"Then my parents would talk to her boyfriend's parents that they already meet their son's official girlfriend. Then they would set a meeting to meet her." Raimer stated. "Mas magiging malala lang ang sitwasyon."
They all agreed and stepped up on their cars. Bumiyahe na rin sila papuntang school.
• * * * * * * * * * * *
Pagkatapos ng lahat ng klase niya ay bumalik na si Faith sa cafeteria para magbihis at kunin ang gitara. Pupunta na siya sa club kahit maaga pa. Nagpapasalamat siya na ni anino ni Rain ay hindi niya nakikita. Kapahamakan lang kasi ang dala ng lalaking yun sa kanya. Nang matapos sa paghahanda ay umalis na siya at naglakad papuntang gate.
Ramdam niya ang pagvibrate ng phone kanina pa pero di niya pinansin yun. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Paglabas ng gate ay nahinto siya sa paghakbang nang hinarangan siya ng isa sa mga sikat sa campus nila.
"Ms. Fajarah." Sambit nito sa pangalan niya.
Tiningnan niya ito ng deritso. "Bakit?"
"Excuse me! Pwede ba huwag kang humarang sa daraanan!" bahagya pa siyang tinabig ng maarteng babae. Isa sa campus bitches na turing niya.
"Sorry." Sambit niya.
Hinarap uli siya nito. "What was that? Sorry? I don't need it." Pagtataray pa nito.
"Wala akong paki." She even smirked. Natatawa nalang siya sa ginagawa nito sa kanya. Typical bitch attitude.
Nanatiling nakatayo lang ang lalaki sa harapan nila. Kita ang pagkaaliw nito sa kanila.
Dadaanan nalang sana niya ito pero may humablot sa braso niya dahilan para mapaharap siya. Yung babae pala ang humablot sa kanya.
"I'm not done with you yet."
"Hands off her." Singit na ni Mike sa kanila.
Bumuntong hininga si Faith. Ito na ata ang simula ng typical school life. "Pwede ba, ediretso mo na yang pagpapapansin mo kay Mike. Wag mo na idaan sakin."
Nanlaki ang mata ng babae, alam niyang nahuli na niya ang intensyon nito.
Napangisi na si Mike sa nasasaksihan. "Let go of her Miss." Binitawan naman si Faith ng babae. "Di rin kita papansinin." Sabi nito saka bumaling kay Faith. "Com'on, there's something urgent." Hinila niya si Faith, hawak ang pulso nito at dinala sa parking lot.
Hindi nalang pumalag si Faith kahit kanina pa siya naiirita. Ayaw na niyang gumawa pa ng eksena. May mga bulongan pa naman sa paligid nang nakita ng iba ang paghila nito sa kanya.
Sa parking lot ay walang masyadong estudyante. Hindi pa rin siya binibitawan nito hanggang sa nakarap na nila ang barkada nito. He did the right thing, kundi kanina pa siya nakatakas dito.
"Faith, we need to talk." Bungad agad sa kanya ni Raimer.
"Easyhan mo lang dude." Natatawang usal ni Kent sa kaibigan.
"Don't frighten her. We gotta go." Sambit naman ni Jason at tumalikod na sila.
"This is for your own sake so you better have a talk." Dagdag ni Mike at umalis na rin ito. Pumunta sa mga kanya-kanyang sasakyan.
Naiwan silang dalawa ni Raimer na magkaharap. Nagugulohan siya sa mga pinagsasabi ng tropa nito.
"Ano bang nangyayari?" Agad niyang tanong.
"We need to talk privately. Kung ayaw mong may makakita pa satin." Sabi nito at pinagbuksan siya ng pinto ng kotse ni Rain.
"Yung gitara ko."
"Dito na natin ilagay." Binuksan ni Raimer ang pinto sa backseat.
Nanlaki ang mata ni Faith pagbukas non. Di niya pwede ihiga ang gitara niya sa upuan don. May nauna ng nakapwesto don. Nagtagpo ang paningin nila ni Rain. Nakapulupot ang mga braso nito at mataman lang siyang tiningnan.
"Faith? Ilagay mo na." Naghihintay na tugon ni Raimer.
"Wag na. Isasama ko nalang sa harapan." Baling niya dito.
"Sigurado ka?"
"Ou. Sige na." Hinayaan na ni Faith si Raimer na sinirado ang pinto don at sumakay na siya sa harapan kasama ang gitara.