Tahimik lang si Faith, nag-iisip. Ayaw na niyang may mapahamak pang iba dahil sa kanya. Kahit kaluluwa na si Rain, ay nanganganib pa rin ito.
"Isa ring multo, right?" Naiinip na tanong ni Rain. "Describe mo sakin."
Kumunot ang noo ni Faith. "Pano mo nasabi?"
"My friends interrogated the teacher that was with you. She said, you seemed like you're seeing something that they can't." He explained. "At nagkakagulo din ang mga estudyante sa section niyo. They all saw the chair suddenly flew on your forehead. But no one saw who did it. Basta nalang yun tumilapon sayo. And they all bet na nakikita mo kung ano yun."
Tahimik lang na nakikinig si Faith dito. Nabibingi na siya sa kanyang naririnig dahil umuugong sa isip niya ang paglala ng mga komplikasyon niya sa buhay.
"Faith, are you listening?" Naiiritang tanong ni Rain.
Tumingin na rin siya dito dahil kanina pa siya nakatango.
"So, sino nga ang may gawa sayo niyan? Isa ba sa mga kaluluwa sa school? Sabihin mo sakin." Rain demanded. Umiinit ang ulo niya sa pinag-uusapan nila ni Faith.
"Hindi ko kilala ang multong yun. First time ko lang nakita." She lied. Pero totoong di niya kilala yun. She only lied about saying that it was a ghost. It's scarily more than that. Pero hinding-hindi niya yun sasabihin kay Rain. He's out of her business. Di na dapat ito masangkot pa sa kagulohan ng buhay niya.
"Naalala mo ba itsura niya? Ano suot niya? Babae o lalaki?" Sunod-sunod nitong tanong.
Sinamaan niya ito ng tingin. "Di ko na maalala, tumilapon na nga yung upuan sakin. Kaya di ko na natitigan mukha niya. Basta lalaki." Tumatapang na boses niya dahil naiinis na siya sa mga tanong nito. Ayaw na kasi niyang pag-usapan pa.
Umusbong ang katahimikan sa kanila.
Bumuntong-hininga si Rain at itinaas ang kamay. Hinaplos niya ang buhok ni Faith dahil natatabunan na ang mukha nito. Bago pa niya mailagay sa likod ng tenga nito ang buhok ay winakli na ng dalaga ang kamay niya.
"Tumigil ka nga." She glared at him.
Rain smirked and shook his head. Kita niyang masama pa rin tingin ni Faith sa kanya. Hinawakan niya ulo nito at ginulo ang buhok.
Dalawang kamay na nito ang ginamit para pigilan siya.
"Tumigil ka nga sabi eh!" Pasigaw na niyang sabi dito. Bigla niyang nasapo ulo dahil sa biglang pagsakit niyon. Dahil sa pagsigaw niya.
Rain immediately stopped and moved closer to her. Napalis agad ang ngiti sa mukha niya at napalitan ng pag-aalala.
"Okay ka lang?" Hinawakan niya kamay nito.
"Ou. Lumayo ka nga sakin." Marahan pa siyang tinulak ng dalaga palayo at binawi ang kamay mula sa kanya.
Natigil sila nang may kumatok at bumukas na ang pinto. Tumayo agad si Rain at lumayo sa kanya. Bumalik ito sa pwesto na nasa sulok lang, nakatayo habang naka crossed-arms pa.
"Nasan sila?" Tanong ni Faith. Si Raimer lang kasi ang pumasok.
"Umuwi na." Sagot nito habang humahakbang patungo sa kanya. Nilagay nito ang dalang pagkain sa bedside cabinet at kinuha ang foodtray sa ibaba.
"Di ka ba uuwi?" Tanong niya dito. Nilagay nito ang tray sa harap niya, sunod ang pagkain sa ibabaw at kutsara't tinidor.
"Hindi." Kumuha ito ng tubig sa despenser at nilagay sa harap niya, katabi ng pagkain.
Nakapacklunch ang pagkain. Bubuksan na sana ni Raimer pero hinarangan nya kamay nito. "Ako na. Kaya ko naman eh. Thanks nalang."
Tumango ito. "Pwede maupo dito?" He patted the space near her foot.
Tinanguan niya lang ito.
"Salamat dito." Pagbukas niya ng pagkain ay agad niyang nilamon yun, gutom na gutom kasi siya.
"Dahan-dahan lang baka mabulonan ka." Usal ni Raimer.
Di lang siya sumagot. Hinayaan itong pinapanood siyang kumain.
Bumuntong-hininga si Rain. Napakuyom na mga kamao niya kanina pa. Nanggigigil siya, gusto niyang lapitan ang dalawa para maputol ang nangyayare. Pansin niyang nagiging sweet si Raimer kay Faith.
Gusto na niyang gumawa ng ingay para maisturbo ang dalawa.
"Di ka ba uuwi?" Tanong ni Faith kay Raimer.
"Hindi."
"Bakit?" Umiinom na siya ng tubig ngayon.
"Ayoko lng. Mas gusto ko na dito kesa sa bahay."
"Dito ka matutulog?"
"Ou."
Naiintindihan ni Rain ang sitwasyon ni Raimer, kung bakit ayaw nitong umuwi. Pero di pa rin niya maiwasan ang mas lalong magalit.
Napaupo nalang si Rain sa pwesto niya. He can't do anything dahil nandyan ang kakambal.
Nang matapos siyang kumain ay kinuha ni Raimer ang pinagkain at tray sa harap niya. Bumalik din ito sa inupuang pwesto kanina.
"Kumusta na pakiramdam mo?"
"Okay na ako. Kailangan ko na umuwi bukas."
"But i can't allow that." Agad tutol nito.
"Bakit ba?" Nagsusuplada na siya.
"Because you're not good enough to get out of here." Kalmado pa rin ang tono nito.
"Alam mo, para ka na ngang si Rain." Irap niya dito.
Napatawa naman si Raimer. "Hindi ba yan nga ang gagawin ko. To act like him."
"Well, not when you're with me. Naiinis lang ako."
"Nagkakasundo na pala kayong dalawa dahil alam mong siya si Raimer." Singit ni Rain pero si Faith lang ang nakakarinig. Matigas ang tono ng boses nito. "Bakit niya sinabi sayo?"
Hindi pinansin yun ni Faith. Alam naman nitong di niya ito masasagot.
"Kinaiinisan mo talaga ang kakambal ko no, bakit? Di mo pa naman siya masyadong kilala." Tanong ni Raimer.
"I know enough. At tama na yun."
Tumawa uli ito.
"Wag na nga natin pag-usapan yang tungkol sa kakambal mo. Baka ano pa masabi ko." Nagpaparinig din siya kay Rain.
"Okay, sige." Nanatili pa rin ang ngiti sa mukha ni Raimer. "So, where are you from?"
"Nako, walang interview na mangyayare ngayon. Kaya wag ka na magtanong." Pagtigil niya ulit sa usapan.
Napaisip si Raimer don. Madami nga talagang tinatago ang dalaga dahil umiiwas ito sa mga personal na tanong.
"Okay." Sabi nalang niya at tumayo. "I think you should rest now. It's already 9." Tatalikod na sana siya pero natigil sa tanong ni Faith.
"Kumain ka na ba?"
Napaharap siya uli dito. Nagulat siya sa tanong ng dalaga. Kasi parang concerned na din ito sa kanya. Halata niya din sa mukha nito na nadulas lang siguro ang pagkakatanong non.
"Bakit?" Tanong uli nito. Nakatitig nalang kasi siya kay Faith.
"Nothing. You just surprised me with your question." Napangiti siya dito. "Kumain na ako. Kanina pa." Sagot na niya at tumalikod na. Di niya maipaliwanag ang nararamdaman, natutuwa lang kasi siya sa dalaga. Unpredictable kasi ito.
"Isa pang pagkausap mo sa kanya, lalapitan na kita." Matigas na banta ni Rain." Kanina pa nagngingitngit ang paningin niya sa dalawa.
Napatingin na si Faith sa gawi niya. Sinipatan niya lang din ito.
Kumuha ng extra blanket si Raimer sa isang cabinet na nasa malapit sa despenser.
"Masyado bang malamig ang aircon para sayo?"
"Hindi naman. Sakto lang." Sagot niya.
Nilagay ni Raimer ang kumot sa sofa.
Humakbang palapit si Rain kay Faith. Nakita yun ng dalaga at pinanlakihan niya ito ng mga mata. Mabuti at nakatalikod si Raimer sa kanya. Inaayos nito ang sofang hihigaan.
Nang nasa tabi na niya si Rain ay inilapit nito ang mukha sa kanya. Di na siya nakagalaw dahil hinawakan nito ang batok niya. Gentle but firm. Ang bibig nito ay nakatapat sa kanyang tenga.
"You're mine. Remember that."
Tumindig ang balahibo niya dahil parang nagbabanta ito.
"Bwesit ka." Bulong niya at tinulak ito palayo.
"Ano?" Natigil si Raimer at tumigin sa gawi niya.
"Ah wala. Nagdadasal lang ako." Umakto pa siyang nagdadasal. "Ilayo mo po sakin ang mga taong ayaw ko. Amen." Nag sign of the cross pa siya at humiga na sabay talukbong ng kumot. Ayaw na niyang makita pa ang pagmumukha ni Rain.
Napailing nalang si Raimer na may kasamang ngiti. Iniisip kung anong klaseng dasal yun.
"You want me to turn off the lights above you?" Tanong niya.
"Sige. Thanks."
Pinatay ni Raimer ang ilaw sa pwesto nito. May isa pa namang naka on sa ibabaw ng sala set. He adjusted the lights. Ginawa na niyang dim yun. "Good night, miss Fajarah." Tinanggal ni Raimer ang sapatos at humiga na.
"Likewise, Mr. Azarcon."
"Not so fast, Ms. Fajarah." Sabi ni Rain sabay hila ng kumot para makita mukha ni Faith.
Magkalapit lang mukha nila. Di na rin sila mapapansin ni Raimer dahil nakahiga na ito at medyo madilim pa sa pwesto nilang dalawa.