webnovel

Pahiram si Misis

POGI_FERRER · Hiện thực
Không đủ số lượng người đọc
78 Chs

Pahiram si misis Part47

Hindi ko alam ang gagawin sa nangyari kay misis, unti-unti akong napaupo sa sahig at nagsimula kong sisihin ang aking sarili!

"Ito ba ang kapalit ng mga kagaguhan ko sa buhay?!"

"Ang pagkantot sa ibang babae?!"

"Ang pangangaliwa ko sa aking misis?!"

"Kung anong pangbababoy sa mga putang dumaan sa aking piling ay ganoon din ba ang sinapit ni misis?!"

Napahagulgol na ko sa isang sulok kipkip ang aking dibdib. Halos hindi ko matanggap ang masalimuot na nangyari kay misis.

"Bakit si misis ang tumanggap ng aking karma sa buhay?!"

"Dapat ay ako na lang! ako ang malibog!"

"Ako ang hindi makapagpigil sa tawag ng kamunduhan!"

"Ang misis kong hangad lamang ay simpleng buhay at mabuhay ng payapa!"

"Bakit siya pa?!"

Dahil sa pagkakaupo ko sa sahig at tago sa kamang hinihigaan ni misis ay naaninag ko ang isang aninong pumasok sa kwarto, sa tindi ng aking nararamdaman ay hindi ko ninais pang malaman kung sino ang dumating.

"Dok, ako na bahala sa bills ng pasyente"

"Basta hanggat maaari ay walang makaalam sa tunay na nangyari?"

"Pero…sir…"

"Basta dok, ako na bahala…"

"Ako na bahala…"

Bigla ay nanlaki ang aking mga mata ng marinig ko ang boses ng bagong dating! Nanginginig man ang aking buong katawan ay pinilit kong tumayo upang makita kung sino ang dumating, bakit siya ang sasagot sa bills ni misis at bakit walang dapat makaalam?!

Pagtayo ko ay hindi ko na napigilan ang aking sarili ng makilala ko kung sino ang dumating!

Putang ina!

Ano ang kinalaman ng malibog na 'to sa nangyari kay misis?!

Bigla kong sinunggaban at hinawakan sa kanyang magarang kasuotan ang lalaking bagong dating!

"Puta ka! Ano ginawa mo sa misis ko?!"

"Hayop kang demonyo ka!?"

"Pati asawa ko?!"

"Binaboy n'yo asawa ko!"

"Tang ina mo!"

"Po…Pogi?!"

Nagulat ang lalaki sa aking pagdaluhong sa kanyang katawan, mabilis kong naitulak ang kanyang katawan sa pader sabay sakal sa kanyang leeg na napapalamutian ng mga alahas.

"Tang ina ka! Pati asawa ko niyari n'yo!"

"Po…Pogi…sandali!..."

"Babasagin ko mukha mong animal ka!"

"Magbabayad ka!"

Isang kamay ang humahawak sa aking balikat at ramdam ko ang pagpigil sa aking bisig. Pagtingin ko sa pumipigil sa akin ay nagulat ako ng makita ko si Aling Lucida!

Paaanong nangyaring narito si Aling Lucida?! Samantalang dalawang babae lamang ang nakita kong nagbabantay kay misis kanina.

"Pogi…"

"Pogi..."

"Pogi…"

"Gising!"

Bigla ay napamulat ako ng aking mga mata! Bumungad sa aking harapan ang nakaluhod na si Aling Lucida!

Nilingon ko ang aking paligid at bigla ay nakita ko ang aking sarili na nakaupo sa sofa ng aming unit! Napatingin ako sa pintuan at nakatayo doon si Gener.

"Boss, binabangungot ka 'yata?"

Ang sambit ni Gener.

"Pogi… okey ka lang ba?"

Ang tanong ni aling Lucida.

Tila nahimasmasan ako sa nangyayari, isang panaginip lang pala ang lahat!

"Ano nangyari?!"

Ang aking pagtatanong sa dalawang taong nasa aming unit.

"Boss Pogi, buti na lang dumating si madam at nakita kang natutulog sa sofa, kaya lang napansin yatang binabangungot ka, kaya tinawag ako at humingi ng tulong baka kung napapano ka na?"

"Ganon ba? Salamat"

"Oo nga Pogi, buti na lang at napagawi ako dito upang maningil. Sakto naman na binabangungot ka"

"Salamat-salamat"

Mula sa pagkakatayo ni Gener sa pintuan ay pumasok siya na tuloy-tuloy sa kusina at pagbalik ay may dalang tubig.

"Boss, tubig muna"

Kinuha ko ang tubig at bahagyang uminom, unti-unti ay nakalma ko ang aking sarili at nang bumalik sa katinuan ang aking isip ay naalala ko na ang lahat ng nangyari.

Naalala kong pagkapasok ng aming unit ay namahinga muna ko sa sofa at doon ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ko.

Laking pasasalamat ko sa Diyos na isang panaginip lang pala, isang masamang panaginip ang lahat ng pangyayari kay misis.

Nang maging ayos na ang pakiramdam ko ay umalis na si Gener, ngunit si Aling Lucida ay nanatili lamang sa aking tabi at pansin ko ang pagkakahawak niya sa aking hita. Minsan ay ramdam ko pa ang pahimas-himas niya.

"Ano ba napanaginipan mo at mukhang masama yata?"

"Ah wala-wala po"

"Ah sige, mukhang okey ka na kaya tuloy na ko"

"Ah sige po"

Nang makaalis si Aling Lucida ay huminga ko ng malalim at muling nagpasalamat sa Diyos dahil panaginip lamang pala ang lahat. Pero isang bagay ang biglang nagpakaba sa aking dibdib, hinggil sa lalaking nasa aking panaginip.

"Bakit nasa panaginip ko si Tito John?!"

"Ang malibog na si Tito John"

Inisip ko na lamang na kabaliktaran ang panaginip sa katotohanan pero tila iba ang dating sa akin ni Tito John. Tila sa una kong pagkikita namin sa bahay ni mare ay may kung anong hiwaga ang nagpakaba sa aking dibdib.

"Sino nga ba si Tito John?"…