webnovel

Epilogue

***

Iyak lang ako ng iyak sa bawat araw na nagdaan hindi dahil sa nangyari kay jane kundi dahil naalala kona.

Naalala ko na ang lahat.

Bat kung kelan huli na.

Kung kelan alam kong hindi na pwede.

Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Sa pwedeng gawin samin ni tito zleo.

Hindi ko na hahayaang mangyari ang dating nangyari.

Kahit masakit pipiliin ko ang alam kung tama.

At yun ang tamang gawin ko.

Sa ilang araw na nagdaan kelangan ko ng kausapin si kuya ash dahil sa mga naalala ko.

Hinanap ko lang siya sa loob ng mansyon nila. Dahil nakauwi na kami pagkatapos ng nangyari.

Inikot ko ang buong bahay ngunit hindi ko siya mahanap. Tinignan ko na din siya sa kwarto niya pero wala din siya.

Ng makasalubong ko si zildjian ay tinanong ko siya kung nakita pa niya si kuya ash.

Sinabi lang niya na napansin niyang nasa garden. Kaya dali dali ko siyang pinuntahan dun para maka usap.

-----

(Ashton POV)

Ilang araw na ang lumipas pero hindi ko parin nakakausap si peter.

Gustong gusto ko na siyang kausapin.

Hindi ko na kayang patagalin pa ito. Ayuko ng maulit ang nangyari kaya habang maaga pa aamin nako sa nararamdaman ko sakanya.

Tatayo na sana ako ng may boses na tumawag sakin. "K-kuya ash."

Hindi kaagad ako nakapagsalita. Nakatitig lang ako sa mga mata niya, titig na nangungulila at nagtatanong. Ang tagal ko ng gusto sabihin sa kanya tong nararamdaman ko. Ganoon kasi talaga pag mahal mo ang isang tao. Pansin ko sa mata niya na nalulungkot din siya kahit hindi man banggitin ng bibig niya ay sapat na yon para maiparating sa akin ang mensahe ng puso niya.

Binaba niya ang paningin niya sakin. Pansin ko parin ang kalungkutan doon. Yung matinding kalungkutan.

Saka biglang ngumiti na parang masakit at biglang tumingin sa akin.

"Kuya, miss na miss na kita. Pero naiintindihan ko naman na hanggang dito nalang tayo. Na hindi talaga tayo pwede sa isa't isa." Nakangiti siya pero hindi yun umabot sa mga mata niya.

"A-ano, bang sinasabi mo." Nauutal kong tanong sa kanya.

"Alam ko na kuya, naalala ko na ang lahat. S-sorry wala akong nagawa kuya. Hindi ko alam, wala akong alam pasensya na." Hangulngol na iyak niya sakin.

Tahimik lang ako. Nagpipigil ng emosyon dahil hindi ko alam na naalala na pala niya.

"Kuya, ayuko ng pahirapan ka. Kahit na wala tayong relasyon...p-pinapalaya na kita."

Nabingi ako sa mga narinig ko hindi ko matanggap. Hindi ko alam na iba pala ang gusto niya.

Dama ko ang bigat ng pakiramdam niya. Na tipong pag nagsalita pa siya sa harap ko ay baka hindi na niya kayanin. Gusto ko siyang yakapin para mawala ang bigat sa dibdib niya.

Tanging tango lang ang nagawa ko sa lahat ng sinabi niya. Hindi ko matanggap. Tumalikod na siya at naglalakad na papalabas sa garden. Hindi ito ang unang beses na nakita kong umalis siya, pero ito yata ang pinakamabigat na pakiramdam na nadama ko dahil sa pagtatalikod niyang iyon.

Parang may kulang. May gusto akong sabihin kahit sa huling sandali para gumaan ang bigat ng nararamdaman namin. Ayukong matapos dito na hindi niya alam na mahal ko din siya...na baka magbago ang pananaw niya na baka pwede din kaming magsama. Hindi ko kayang baunin ang mga kalungkutan at sakit na nakita ko sa mga mata niya.

Hindi ko na kayang pigilan. Parang sasabog na ang dibdib ko.

"PETER!"sigaw ko.

Hindi niya ko narinig. Mabilis akong tumayo at tumakbo papasok sa loob. Nakita ko siya sa sala umiinom ng tubig..at may maleta sa gilid.

Mabilis akong tumakbo at nakalapit sa kanya. Napalingon siya ng bahagya at nagulat dahil mahigpit akong yumakap mula sa likuran niya.

Nakayakap lang ako sa kanya. Hindi siya nagsasalita marahil dinarama ang pagkakayakap ko sa kanya. Sabik na sabik akong gawin ito sa kanya. Yong kahit ganitong yakap lang masayang masaya na ako.

Nangingilid na ang mga luha ko at ang muka ko ay nakapatong lang sa balikat niya. Hindi siya pumapalag. Naramdaman kung bumibilis ang tibok ng puso niya. Damang-dama ko yun.

Mga ilang segundo din kami sa ganoong position. Saka ako nagsalita.

"Mahal din kita." Tuluyan ng dumaloy ang mga luha ko at pumatak iyon sa balikat niya.

"Mahal na mahal din kita Peter." Mahina lang ang mga salita kong iyon pero buong-buo kahit na nagsimula ng mangatal ang boses ko.

Naramdaman kong nanginig ang balikat niya. Para bang may lumabas sa kanyang pagkatao kasabay din noon ang pagdaloy din ng luha niya, naramdaman ko kasing pumatak yun sa mga bisig ko na noon ay nakayakap sa kanya ng mahigpit.

Humarap siya sa akin at tinanggal ang pagkakayakap ko. Pinilit niyang ngumiti.

Hindi ako makatingin sa kanya ng derecho kaya ibinaling ko sa ibang bagay ang tingin ko.

"Mahal din kita kuya." Ngumiti lang siya at tuluyan ng pinunasan ang mga luha.

"Hindi Peter. Mahal kita!" Hindi ko pa din ma direcho yong sasabihin ko. Alam ko kasing iba ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko. Ang alam niya mahal ko siya bilang kapatid.

Tumingin na ako sakanya.

"Oo nga kuya, mahal din kita." Naguguluhan parin ang tuno niya.

Naiinis ako sa sarili ko nahihiya parin akong sabihin sa kanya ng derecho.

Naglakas loob na ako. Pinunasan ko muna ang mga luha ko pagkatapos bumuntong hininga.

"Mahal kita hindi dahil kapatid kita..." pinutol ko muna dahil parang nauubusan ako ng laway kulang pa ang lakas ng loob ko.

Nagtataka man siya ay napansin ko na ang ngiti sa mga labi niya.

"Mahal na mahal kita Peter kahit nasasaktan ako...matagal ko ng gustong sabihin sayo ito...pinipigilan ko pero nahihirapan na ako. Alam ko...."

Biglang naputol ang sasabihin ko sakanya dahil mabilis siyang yumakap sa akin. Sobrang higpit niyon, ramdam na ramdam ko.

"Teka lang Peter hindi pa ako tapos.." Pinipigilan kung tumawa pero bigo ako natatawa ako sa akap niya sa akin.

Tinulak ko siya ng bahagya dahil hindi pa ako tapos sa sasabihin ko. Subalit mahigpit talaga ang yakap niya sa akin. At mas lalo pa niyang hinigpitan.

"Ilang minuto lang kuya, kahit ilang minuto lang."

Sobrang saya ko.

Nagtagal kami sa ganoong ayos. Magkayakap lang kami na parang yon na ang huli naming pagkikita..kahit na ito naman talaga ang gusto niya.

Pero kahit na ganun para akong lumulutang sa alapaap. Matapos ang lahat ng pagkukubli, pagpipigil at panlalaban sa nararamdaman, hindi ko alam na ganito pala kasarap sa pakiramdam matapos kung masabi sa kanya na mahal ko siya..Sana noon ko pa ito ginawa.

Walang nagsalita ni isa sa amin. Ninanamnam lang namin ang bawat segundo at minuto ng pagkakayakap.

Naramdaman kung dahan-dahan siyang kumakalas sa pagkakayakap sa akin, kaya bumitaw na din ako. Pareho kaming nagpunas ng mga natirang luha. Nagkatitigan kami andun parin yung lungkot sa mga mata niya..lungkot na alam kong hindi ko na maalis pa.

"Sobrang saya ko kuya, kung alam mo lang kung gaano ako kasaya kaso.." Umiyak nanaman siya.

Hindi ko alam kung anong mali. Bakit ayaw na niya.

Bagsak balikat akong napatingin sa kanya.

"Kaso, ano Peter." Seryosong tanong ko dito.

Tumingin lang siya sakin. Inikot niya ang paningin niya at pagkatapos inaya niya ako sa garden.

Sumunod lang ako sa kanya.

"Kuya." Tawag niya sakin. Habang nakatingin sa taas. Makulimlim kasi siguro dahil hapon na.

Tumingin lang ako saglit sa kanya saka tumabi. "Ano."

"Salamat sa lahat, kasi kahit sa huling sandali pinasaya mo parin ako. Kahit na tutol ang mga magulang mo sa atin. Pinaramdam mo parin sakin na mahal moko pero kuya alam mong pag tinuloy natin to pwedeng may mangyaring masama sa inyo, at yun ang hindi ko hahayaan mangyari." Seryoso lang siya pero pansin ko parin ang ilang patak ng luha sa mga mata niya.

Nakatingin lang ako mismo sakanya habang siya nakatingin sa langit kung san makulimlim ang panahon. Parang nakikisabay sa aming dalawa.

"Kung noon naging duwag ako pero ngayon hindi ko na hahayaan mangyari ang gusto nila." Seryosong sambit ko.

Tumingin lang siya saglit sakin.

"Kuya tanda mo paba yung mga ginagawa natin noon? Yung panahon na hindi pa nila alam lahat. Yung panahon na masaya tayong dalawa. Yung wala pang pumipigil sa atin. Pero ngayon ibang iba na e, kahit anong gawin natin meron at merong humahadlang sa kaligayahan natin." Ramdam ko sa boses niya na nahihirapan na siyang magsalita. Pero pinipilit parin niya.

Sobra akong nasasaktan sa mga sinasabi niya.

Hindi nga ba talaga kami pwede.

Patuloy lang siyang nagsasalita. "Hindi tayo puwede sa isa't isa kuya, pero sobrang saya ko dahil dumating ka sa buhay ko...kahit na hindi yun nagtagal. Malay mo kuya, isang araw bigla nalang sumang-ayon sa atin ang tadhana. Na tayo naman pala talaga para sa isa't isa pero kelangan natin munang maghiwalay dahil kung talagang tayo, tayo talaga."

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Hindi ko alam kung papayag ba ako.

Pero siguro dito nga talaga nagtatapos ang kwento namin dalawa.

"Kung dadating man ang araw na yun hihintayin kita, kahit anong mangyari."

Ngumiti lang siya sa akin pero this time umabot na hanggang sa mata niya. Ngiting totoo at masaya.

Malaya na kami, hindi sa ganito ang inaasahan ko pero siguro ito talaga ang nakatadhana samin.

Siguro ito yung tinatawag nilang acceptance na kelangan namin dalawa.

Ang pagmamahalan namin ay wala sa kasarian kahit na hindi kami ang nagkatuluyan.

The End