webnovel

Our Endless Magical End

Isang nilalang ang ipatatapon sa mundo ng mga tao upang parusahan, kung kaya't pilit niyang tatakasan ang kapalarang magmahal. Ngunit sa kanyang pagdating, hindi na niya nagawa pang pigilan ang nararamdaman. Muling mabubuhay ang pusong sandaling tumahan. Ang isipang minsang nakalimot ay babalik sa nakaraan. Ang nakatakdang kapalaran ay mawawakasan, ngunit muli ring haharap sa isang kapalarang hindi mapipigilan. This is a work of fiction. Some of the elements of this piece are made-up and imaginary - created from the author's imagination and existing only in the imagination. Disclaimer: No part of this piece may be reproduced or transmitted, in any form or by any means, without prior permission of the author. Any unauthorized act in relation to this piece is punishable by law.

Krishaz · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
11 Chs

Sa Unang Pagkakataon

Laurie Creis

May kilala ka bang pinatalsik ng dating pinapasukang paaralan nang dahil lang sa isang katangahan? Kung wala, let me introduce myself to you. I am Laurie Creis, 18 years of age and an incoming Grade 12 student, taking up Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) strand.

Paano? Pinasabog ko lang naman ang science laboratory ng Gionne Academy kung saan ako nag-aral last school year. Yes, I was permitted to enter the laboratory since I was the current Science Club President. But to do such experiment, no. Sobrang tagal kong pinaghandaan iyon, e. Sayang naman.

Ngiting-ngiti ako nang lumabas ako ng laboratory no'n. Pero nawala ang ngiting iyon nang may narinig akong isang malakas na... boom! Tumakbo ako agad pabalik para kumpirmahin ang nasa isip ko. At nakita ko ngang nilalamon na ng apoy ang buong laboratory. Habang tumatakbo ako, napansin kong nabulabog ang mga taong naroroon. Maigi na lamang pala at inihiwalay nila ito sa ibang laboratory. Brilliant! Mabuti rin at mabilis na dumating ang rescue.

First time kong mapatawag no'n sa Principal's Office. Nakakahiya sa part ko dahil hindi nila inasahang magagawa ko iyon. Patapos na ang school year no'n. Mabuti nga't pinatapos muna ako bago pinatalsik.

Naudlot ang aking pagbabalik-tanaw nang makababa na ako ng jeep. Bumungad sa akin amg napakalaki at napakataas na gate ng Mundane University. Kailangan ko pa palang gumawa ng katangahan bago matupad ang pangarap kong makatungtong sa paaralang ito.

Mas mahal kasi ang tuition fee rito kaya't doon ako sa GA pinag-aral ni Lola. Karamihan din sa mga pinsan ko ay doon nag-aaral. Ayaw niya akong mag-isa. Pero ngayon, wala nang choice. Ito lang ang pinakamalapit na paaralan sa bahay namin, na kung tutuusin ay malayo rin.

Matayog ang mga gusali. Naghahalo ang mga kulay abo at berde sa aking paningin. Halatang matagal na itong naitayo, pero makikita pa rin ang ganda nito kahit luma na. Sa may gate, makikita agad ang dalawang guwardiyang tutok na tutok sa pagmamatyag.

Dali-dali akong pumasok sa loob. Ilang minuto na lang pala ay magsisimula na ang flag ceremony.

Aray! Ay, isang gwapong anghel!

"Tumingin ka kasi sa dinaraanan mo! Babasagin mo pa itong salamin ko!"

Gwapong demonyo pala. Akala mo kung sino para sigawan ako.

Hindi pa man ako nakakabawi sa sinabi niya ay nakaalis na siya. Hindi man lang tumigil. Dire-diretsong naglakad palabas.

Teka. Pauwi na ba 'yon? Ang aga naman n'ong mag-cutting. Walang araw na palalampasin, gan'on?

Hindi ko na lang siya pinansin. Nagpatuloy ako sa paglakad. Hinanap ko ang pila ng G12 - Rigel. Marami na agad ang mga estudyante.

Finally! Nakita ko na ang pila nila. Wala pang isang minuto ay nagsimula na ang flag ceremony.

Kasalukuyang nakataas ang aking kamay para sa panunumpa. Kasabay niyon ay inilibot ko ang aking ulo sa paligid. Ang bawat gusali ay mayroong apat na palapag. Ang bawat palapag ay mayroong tatlong silid. Ang bawat silid ay mayroong dalawang pinto.

Nang mapadpad ang aking paningin sa likuran ay natanaw ko si Mr. Perfect. Now I know. Kaya pala siya palabas kanina ay dahil may tungkulin siya. They were assisting the late students. Aba't may ganito rin pala rito. I am not excited to be part of the line... soon. Lalo na kung-

"Ate, ibaba mo na," biglang sabi ng babaeng nasa likuran ko.

"Ang alin? Ako ba ang kinakausap mo?" pagtataka kong tanong sa kanya.

"Oo, ikaw." Mabilis kong tiningnan at ibinaba ang aking kamay. Kasabay ng mabilis na pagpihit ng aking ulo pabalik sa harapan ang pagngiti ko sa kanya na para bang batang may nagawang kasalanan.

Fudge!

Natapos na ang flag ceremony. Pinapasok na ang Grade 11 students sa kani-kanilang room. Naiwan kaming mga graduating students. Kasunod n'on, nakita kong may nagpuntang babae sa harapan. Siguro ay nasa 40 na ang edad niya. Siya siguro ang head ng university na ito.

Ipinakilala niya ang kanyang sarili. Sa pagkarinig ko, siya si Dr. Luzviminda Augustus. Ipinaliwanag niya sa amin ang mga dapat naming gawin bilang graduating students.

Samantala, habang nagsasalita siya sa harapan, nakita kong papalapit na ang mga SSG officers na nag-assist sa mga latecomers. Isa na nga ro'n si Mr. Perfect. Sa pagtayo niya sa harapan, sa pila ng mga latecomers siya kaagad tumingin. Ang dalawang kamay ay nasa likuran pa.

Grabe naman ito. Daig pa ang teachers sa sobrang strict. Papasa sana ang itsura, kaso ang ugali'y hindi. Hey! Nandito ako! Ako lang naman 'yong sinungitan mo kanina. Kung dito ako nag-aral last school year, sigurado akong hindi kita iboboto. Baka nga gumawa pa ako ng propaganda against sa iyo. Hey! Mr. Per-

Nagulat ako nang magbalik sa katinuan ang isip ko. Kanina pa kasi ako nakatingin sa kanya habang kinakausap siya gamit ang isip ko. At ngayon, nakatitig na siya sa akin. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko tuluyang naalis ang aking mga mata sa kanya. Fudge!

Pinapasok na kami sa aming kanya-kanyang room. Pero bigla akong tinawag ng isang babae. Sa pagkakatanda ko, isa siya sa mga SSG officers na katabi ni Mr. Perfect kanina.

Umalis ako sa pila at saka nagpunta sa kinaroroonan niya. "Bakit?" agad na tanong ko.

"Where's your ID?" masungit na tanong nito. Mas lalo siyang nagmukhang masungit sa kulot niyang buhok. Sa dami namin doon, bakit ako lang ang hinanapan niya ng ID? Dahil ba transferee ako? Dahil ba bago ako sa paningin niya?

"Hindi pa ako nabibigyan. First day pa lang, e. Kung gusto mo, may ID ako rito kaso no'ng Grade 11 pa ako nito," sambit ko sabay turo sa aking bag.

Tinitigan niya ako saglit bago nagsalita. "Hindi mo ba ako kilala?" Bakit naman kita dapat makilala?

"Transferee ako," tanging tugon ko.

"Iyong kaibigan kong transferee, kilala ako." So?

"Pasensya na, pero hindi kita kilala."

"Well, FYI. I am Kaylie Israel, girlfriend of Sky Russell," proud na pahayag niya. Sino 'yon? Artista ba 'yon? Ano'ng pakialam ko?

I remained quiet.

"Tsk! Akin na ang ID mo. That will be fine." Kinuha ko agad sa bag ko ang aking ID. Maigi pala't dinala ko. "Laurie Creis..." Tinitigan niya iyon. "Here," tugon niya sabay abot pabalik n'ong ID ko sa akin. "Hindi ka pang kasi familiar sa akin."

Hindi na ako nakasagot dahil umalis na siya agad. Dumiretso na rin ako sa aking room. RM 48. Fourth floor. First room.

Malapit na ako sa may pintuan. Pagkasilip ko ay bumungad sa akin ang mukha ng mga kaklase kong parang mananakmal. Yumuko ako nang kaunti palapit sa isang bakanteng upuan sa unahan. Iyon na lang ang natitirang walang nakaupo. Fudge! Nakakafrustrate!