webnovel

Online It Is

(UNDER REVISION) "Sino 'yan?" Nanginginig pero pasigaw na tanong ko sa may tapat ng pinto ngunit wala akong nakuha o narinig na sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto. Muling namutawi ang kalabog sa aking dibdib. Shet, wala akong mahihingian ng tulong kung sakaling may mangholdap sa akin, ako lang mag-isa dito sa bahay at dis oras na rin ng gabi, tulog na ang neighborhood sa mga oras na 'to. Bago pa man ako makaisip ng mga karumal-dumal na bagay ay pinindot ko ang video recorder ng phone ko at inilagay ito sa flower vase na malapit sa kinakatayuan ko. Tinakpan ko ito ng mga bulaklak but I made sure na makukunan pa rin ang view sa may pinto, pinahinaan ko rin ang brightness nito para makasigurado. Syempre, if ever na may mangyari sa aking masama ay may maipapakitang ebidensya sa otoridad kapag nag-imbistiga sila. Iba na ang wais sa panahon ngayon duh.  Pagkatapos kong iset-up ang phone at agad rin akong bumalik sa tapat ng pinto at huminga muna ng malalim bago hawakan ang doorknob at dahan-dahan habang pigil hininga ko itong pinihit nang paunti-unti.  At nang tuluyan ko na itong mabuksan ay nakahinga ako ng maluwag dahil puro tunog lang ng mga kulisap ang naririnig ko at wala nama akong kakaibang nararamdaman sa paligi---- "SURPISE!"  "T*NG*N@ MOOOOOOO!" Agad kong tinakpan ang aking bibig nang mapagtanto kung sino ang biglang sumulpot sa harapan ko. Pakiramdam ko'y milyun-milyong bultahe ng ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang habang kaharap ang nilalang na nasa harapan ko sa pagkakataong ito. Tila ba'y natutop ang aking bibig at walang lumalabas na boses mula rito. Pati ang aking mga paa ay wari'y nakadikit sa sahig at hindi ko ito maigalaw. A boy full of sweat on his face is smiling in front of me while holding a camera with his right hand and a paper bag in his left hand. My online boyfriend Rigel Petterson is in front of me right now. 

kylnxxx · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
102 Chs

Chapter 8.5

Chapter 8.5:

"Next please."

"Another one please."

"Revise."

"Add more detail."

"Make it more specific."

"Avoid using ambiguous words."

"Too short."

"Too long."

"Thank you next."

"ARRGH! Ayo'ko na! Kanina pa ako gawa ng gawa ng jingle pero ikaw reject ka naman ng reject.  Ikaw na lang gumawa, pagod na braincells ko!" Padabog kong inilapag ang papel na naglalaman ng mga kinompose kong jingle para sa event. Pumanhik ako sa kwarto at padabog ring isinara ang pintuan. "Nakakagigil! Ayaw niya naman pala ng mga gawa ko edi siya na lang gumawa! Sabi niya ako daw bahala sa kung ano'ng isusulat ko pero aartehan niya kapag nandiyan na. Nako nanggigigil talaga ako. Tapos dadaan-daanin niya ako sa pa "thank you next" niya, sino siya? Si Ariana Grande? Kaloka!

"Abby please open the door, I'm sorry." 

"Bahala ka diyan! Naiinis ako sa'yo hmp!" Pero itinuloy niya pa rin ang pagkatok.

"Hey, c'mon. Tapusin na natin yung video." Malambing na sabi niya. Sus, hindi uubra sa'kin 'yang paawa effect niya, pagod na pagod ako kahit alam kong mas pagod siya.

Mga ilang minuto pa siya kumatok sa pintuan bago siya huminto. Nang wala na akong marinig na katok ay dali-dali akong pumunta sa tapat ng pinto at binuksan ito.

"AHHHHHHH! BITAWAN MO AKO! ANO BA RIGEL HAHAHAHA MAY KILITI AKO DIYAN 'WAG MO AKOG HAWAKAN DIYAN HAHAHAH!" Buhatin daw ba naman ako na parang isang sakong bigas nang makalabas ako ng kwarto. Aish! Nakakainis, bakit kasi hindi ko naisip na nandoon pa siya.

"I'm not going to let you go unless you stop shouting--OUCH!" 

"Aray! Aray! Aray ko poooooo!" Napadaing ako nang mabitawan niya ako habang binabagtas namin ang hagdan. Kinurot ko kasi ang pwet niya at saka ko hinila ang buhok niya sa likod, akala naman niya madadaan niya ako sa mga kondisyon niya. But what I did is a wrong move, dahil sa ginawa ko ay nabitawan niya ako at bumagsak ako sa hagdan! 

"Hey Abby, are you okay? I'm so sorry, ikaw naman kasi why did you do that." Nilapitan niya ako at sinipat na para bang nag-iinspeksyon siya ng isang invention. Binatukan ko siya na siyang nagpadaing sa kaniya, wala eh, binatukan ko na parang binuhos ko lahat ng lakas na mayroon ako.

"Mukha ba akong okay? Haler, nahulog ako sa last 3 steps ng hagdan." Mabuti na lang at carpeted ang hagdan dahil kung hindi ay magiging problema. Pero pakiramdam ko ay magkakapasa ako.

"Bakit mo kasi kinurot yung pwet ko at sinabunutan yung buhok ko, kaya ayan tuloy nabitawan kita. Tapos ngayon binatukan mo nanaman ako, masyado ka naman atang mapanakit." Diretsong tagalog na pagkakasabi niya pero hindi ko na sinita dahil naiinis pa rin ako.

"Bakit mo kasi ako binuhat?"

"Bakit ka kasi nagwalk-out?"

"Bakit kasi nirereject mo ako?"

"Why would I do that?"

"Bakit nga ba? Nakadaming pakita na ako sa'yo ng kinompose ko tapos ikaw reject ka ng reject." Naiiyak na ako siguro ay dahil sa frustration at sa sakit na nararamdaman ko dulot ng pagkahulog sa hagdan pero pinigilan ko. Ayokong magmukhang OA sa harapan niya.

"Oh that..." Bumuntong hininga ito at ngumiti. "I'm sorry Abby, I just want it to be perfect. But I don't want you to be mad so let's just do this way." Ramdam ko ang sinseridad sa kaniyang pananalita. But why would he want it to be perfect? Gustong-gusto niya talaga sigurong manalo sa event.

"Paano?" 

"We'll just gonna insert some cute background sound then enumerate the things that are worth doing for during the quarantine. So I want you to think what are those things.*

"Ilan?"

"Ten will be enough."

"Okay." Patayo na ako nang bigla akong makaramdam ng sakit sa aking binti. Shete naman oh. Agad akong dinaluhan ni Rigel at hindi ko na siya pinigilan dahil alam kong I really need some help for this one.

Iginiya niya ako sa may sofa sa sala at nagpaalam siya para daw kumuha ng cold compress. Hindi na rin siya nagtagal dahil agad siyang nakabalik na may dalang ice pack.

"Woosh, teka lang teh. Ang lamig naman, yung dugo ko tumitigas." 

"Silly, ganiyan talaga 'yan. We need to put it to reduce swelling as well as constrict broken blood vessels."

"Shunga, alam ko naman. Ang sinasabi ko is 'wag mong diinan yung ice pack."

"Ah oh, I'm sorry my bad." Saka ito humagikgik. Pansin ko lang na mahilig humagikgik ang isang 'to. Kaunti na lang talaga ay iisipin ko ng inaakit ako nito. Wait, ako? Naaakit sa kaniya? No way.

~

"So how is it? I'm sorry, it's a bit messy. We rushed it anyway so we can't expect it to be perfect."

Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako sa sinasabi ng lalaking 'to. Jusko! "Masyado kang eksena Rigel eh alam naman nating sobrang ganda ng ginawa mo." Totoo ang sinasabi ko, walang halong charot. "Masyado ka lang talagang perfectionist. Pero I swear sobrang ganda, hindi pa ba sapat yung naging reaksyon ko kanina?" 

Pakiramdam ko isa akong judge sa PGT dahil napa-tayo pa ako pagkatapos kong mapanuod ang video, syempre may kasama ring palakpak. Kung isa siyang contestant sa PGT at ako ang judge ay siguradong siya ang bibigyan ko ng aking golden buzzer.

Siguro para sa kaniya ay napapansin niya pa ang mga pagkukulang ng video, pero kung ako ang tanungin ay masasabi kong it's all perfect. 

He created an animated version of ourselves. He edited both of the videos na iuupload namin for the entry sa event. Siya ang unang nag-upload sa first part then ako naman ang sumunod na nag-upload ng video at nakipag-duet sa unang video na inupload niya. 

Ang kinalabasan ng dalawang video sa magkadikit ay sa left side na video ay makikita si Rigel with his animated self sa tabi niya same with me sa right side kasama ang aking animated version. Sinayaw namin ang dance steps na tinuro ni Rigel while projecting the 10 things to do to make your life more significant or meaningful during the community quarantine. Basic lang ang steps namin dahil ang video ay inaalay namin para sa lahat. May times na nagpapalitan ang mga animated version namin, pupunta ang sa'kin sa left side at pupunta naman sa right side ang kay Rigel. Kumbaga parang magkakatabi lang kaming apat but we're in different places. We also made some other steps wherein nakikipag-interact kaming apat sa isa't-isa, but in the end ay kami na ang magkatabi ni Rigel sa left side at sa right side naman ang animated self namin. We posed like warriors; not warriors who fight with horses and swords, but warriors who fight with strong determination and self-discipline. We are not only a fighter who can survive, but a fighter who will overcome and win against COVID 19.

"Well, ang mahalaga ay nakapag-upload tayo ng entry before the cut-off." Nakangiting sabi niya.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts