webnovel

Online It Is

(UNDER REVISION) "Sino 'yan?" Nanginginig pero pasigaw na tanong ko sa may tapat ng pinto ngunit wala akong nakuha o narinig na sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto. Muling namutawi ang kalabog sa aking dibdib. Shet, wala akong mahihingian ng tulong kung sakaling may mangholdap sa akin, ako lang mag-isa dito sa bahay at dis oras na rin ng gabi, tulog na ang neighborhood sa mga oras na 'to. Bago pa man ako makaisip ng mga karumal-dumal na bagay ay pinindot ko ang video recorder ng phone ko at inilagay ito sa flower vase na malapit sa kinakatayuan ko. Tinakpan ko ito ng mga bulaklak but I made sure na makukunan pa rin ang view sa may pinto, pinahinaan ko rin ang brightness nito para makasigurado. Syempre, if ever na may mangyari sa aking masama ay may maipapakitang ebidensya sa otoridad kapag nag-imbistiga sila. Iba na ang wais sa panahon ngayon duh.  Pagkatapos kong iset-up ang phone at agad rin akong bumalik sa tapat ng pinto at huminga muna ng malalim bago hawakan ang doorknob at dahan-dahan habang pigil hininga ko itong pinihit nang paunti-unti.  At nang tuluyan ko na itong mabuksan ay nakahinga ako ng maluwag dahil puro tunog lang ng mga kulisap ang naririnig ko at wala nama akong kakaibang nararamdaman sa paligi---- "SURPISE!"  "T*NG*N@ MOOOOOOO!" Agad kong tinakpan ang aking bibig nang mapagtanto kung sino ang biglang sumulpot sa harapan ko. Pakiramdam ko'y milyun-milyong bultahe ng ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang habang kaharap ang nilalang na nasa harapan ko sa pagkakataong ito. Tila ba'y natutop ang aking bibig at walang lumalabas na boses mula rito. Pati ang aking mga paa ay wari'y nakadikit sa sahig at hindi ko ito maigalaw. A boy full of sweat on his face is smiling in front of me while holding a camera with his right hand and a paper bag in his left hand. My online boyfriend Rigel Petterson is in front of me right now. 

kylnxxx · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
102 Chs

Chapter 45.0

Chapter 45.0:

Abby's POV: 

"Para sa'n 'to?" Nagtatakang tanong ko nang may iabot siya sa aking isang maliit na piraso ng papel. Nakatiklop ito at hindi ko pa binubuklat. Aba malay ko ba kung ano'ng nakasulat dito, baka pinagtitripan nanaman niya ako.

"Read it."

"Wow Rigel ha, sa tingin mo mababasa ko 'to dito ey dim nga lang ang light dito sa pwesto natin. Hindi naman ako owl para magkaroon ng night vision noh?" Pamimilosopo ko.

"Tsk, here." Sabay abot sa akin ng phone niya na nakaswitch ang flashlight.

Agad ko naman ito'ng tinanggap at itinapat sa kakabuklat ko lang na papel.

Ayan perfect!

Agad akong napasinghap nang mabasa ang nakasulat sa papel.

"W-Where did you get this?" Nanginginig na tanong ko.

"That's the reason why I didn't show up after telling you the whole story. Alam kong hindi mo ako paniniwalaan hangga't wala akong naipapakitang proof, that's why I decided to look for one."

"Y-You mean..."

"Yes, I went to Pangasinan that day. I know it was a risky move since the weather was bad, but I need to provide a proof because I'm desperate. Luckily, I didn't encounter any accident on my way. I really did not know where to start, but I just found myself looking for that note at every part of the house. For two weeks, paulit-ulit kong binabalikan ang bawat sulok ng rest house kahit alam kong walang kasiguraduhan kung may mahahanap ba ako o wala."

Oh my gosh! Seryoso ba siya? "Pero hindi mo naman na kailangang gawin 'yon. Masyado lang akong na-shock that time kaya mahirap maniwala--" He cut me off before putting back his coat on my shoulder. But this time ay hindi ko na tinanggal dahil medyo maginaw na din dito sa pwesto namin.

"But I was so desperate Abby, nasa point na kasi ako wherein ang gusto ko na lang ay paniwalaan at pagkatiwalaan mo ulit ako."

Rigel...

"So paano at saan mo nahanap ang note na 'to?" Dahil limang taon na ang nakakaraan, kung tutuusin ay sobrang liit ng tsyansang mahanap mo ang isang bagay na katulad nito lalo na kung wala kang ideya kung nando'n pa ba 'to o wala na. Kung ako siya ay iisipin kong naitapon na 'to dahil ang tagal na panahon na ang nakalipas.

"I didn't find it. It was given to me by the caretaker of the rest house, si Manong Ignacio. Noong umaga bago ang event para sa buong Asuete ay saktong napadaan daw sila sa tapat ng kwarto mo at nakita nila ang isang pirasong papel na akala nila ay itinapon mo. Pinulot nila ito at isiningit sa pahina ng dala-dala nilang bibliya noong mga oras na 'yon. Balak raw nila sanang itapon ang papel pero nakalimutan na niyang gawin ito dahil marami ng trabaho na kailangang gawin kaya madalang na silang nakakapag-basa ng bibliya."

"And then?"

"The day when I decided to go back here in Manila, tinanong nila kung nahanap ko ba ang hinahanap ko at sinabi kong hindi kung kaya'y  babalik na ako. Tapos tinanong nila kung ano ba ang hinahanap ko, at sinabi ko na isang note sa kwarto mo from five years ago."

"Tapos naalala ni manong na may napulot silang note five years ago at ibinigay nila ito sa'yo since naalala nilang hindi pa pala nito ito naitatapon?" Pagdugtong ko sa sinabi niya.

"You're right." Pasang-ayon nito.

Oh 'diba ang galing ko magpredict.

"I see."

Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa hawak na note, halatang matagal itong nakaipit sa libro dahil sa texture nito.

"So ano na?" I awkwardly said.

Dang, hindi ko alam kung ano'ng sasabihin.

"I don't know either. But since I already have the evidence that you want, naniniwala ka na ba  sa akin ngayon?"

It took me awhile before answering his question.

"Y-You know what Rigel, I am so sorry for all what I have said. At kapag sinabi kong lahat, I literally meant as in lahat. Napakarami kong nasabing hindi maganda sa'yo, at hindi ko na mai-eenumerate pa ang lahat ng mga 'yon."

"You don't need to say sorry Abby. I know that you didn't mean it, and besides, kahit ano pang sabihin mong masasakit na salita sa akin ay ayos lang dahil mahal kita. I love you so damn much Abby na kahit ano'ng sabihin mo sa akin ay tatanggapin ko-- Hey, why are you crying?" 

Wala na.

Bumagsak nanaman ang mga traydor kong luha.

Hindi na rin akong nag-alangang suminga sa coat ni Rigel dahil hindi ko na kinakaya yung sipon na tumutulo mula sa ilong ko, kadiri naman kung hindi ko pupunasan 'diba.

"Eksena ka kasi." Nakangusong sabi ko habang sumisinghot pa rin.

"Ano nanamang ginawa ko?" He then chuckled habang pinapat niya ang ulo ko na parang aso. Eksena talaga.

Hindi ko lubos akalain na babalik talaga siya sa Pangasinan para lang hanapin itong note. Mukha siguro siyang tanga doon sa rest house kung ang ginawa niya sa buong dalawang linggong 'yon ay ang maghalughog ng mga gamit doon. I wonder kung paano niya napapapayag si tita na hayaan siyang magkalikot sa rest house.

Naappreciate ko yung effort niyang magmukhang tanga kakahanap para lang maibalik yung tiwala ko sa kaniya. But the fact na wala siyang nahanap at nakay manong Ignacio lang pala ang hinahanap niya ay medyo nakakatawa haha.

Well, ang pagkuha ng loob ng ibang tao ang isa sa mga talent niya, kaya ba't pa ako magtataka?

Take note, that's 70% compliment and 30% uhh ewan? Ahh basta yun na 'yon!

"Wala!" Tinasaan ko siya ng kilay, pero agad din itong bumaba. Naglaho ring ang kunot sa aking noo. "Pero uhh, sorry pa rin talaga kung hindi kita pinaniwalaan at the same time thank you for not giving up on me." I sincerely said.

"Mahal kita eh~" Malambing na sabi nito bago ako niyakap.

Pero mahina ko siyang tinulak papalayo sa akin. "Suminga ako dito sa coat mo, kaya may sipon." Pagpapaalala ko. Hindi ba niya nakitang suminga ako dito kanina?

"Then let's remove it." Hindi pa ako nakakasagot ay inalis na niya ito agad mula sa aking mga balikat at saka mabilis akong niyakap nang mahigpit.

Dang, it feels so warm and comfortable being in his arms.

Ilang minuto rin kaming nanatili sa gano'ng pwesto nang magsalita siya.

"So are we okay now?"

Napangisi ako sa tanong niya.

Shocks, sobrang lambing ng boses niya. Makalaglag napkin mga beshy!

"Ano sa tingin mo?" Duh, hindi naman ako magpapayakap sa kaniya kung hindi kami okay noh?

"I don't know. It's up to you."

"Eh pa'no kung sabihin kong hindi pa?" Paghahamon ko.

"Then why did you let me hug you? 'Cause you don't hug someone kung hindi kayo okay unless nagpaplastikan kayo."

"Mismo Rigel! Tumpak ka diyan!" I sarcastically said. Alam naman niya pala eh, nagtatanong pa siya. Jusko naman Rigel oh.

"But..." Pahabol ko.

"But what?"

"May atraso ka pa sa akin, kaya binabawi ko na. Hindi na ulit tayo okay ngayon Rigel. I changed my mind." Sabi ko bago kumalas sa yakap niya.

Akala mo ha, hindi ako mabilis makalimot Rigel. Tsk, tsk, tsk.

"Atraso?"

"Bakit, nakalimutan mo na ba? Hmm." Don't tell me ay nakalimutan na niya talaga?

"Come on Abby, hindi ako manghuhula. Kaya sabihin mo na."

Oops, nakalimutan na nga ng loko.

"Edi bahala ka diyan. Atraso mo, tapos kinakalimutan mo? Aba'y ang galing mo naman kung gano'n." I teased him.

Dumistansya ako ng kaunti mula sa kaniya, mga isang metro lang naman.

"Ayan, social distancing muna tayo hangga't hindi mo naaalala ang atraso mo sa akin."

"What the hell Abby? Are you serious?" Natatawa at the same time ay hindi makapaniwalang tanong niya.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts