Halos maluha luha ako bakit nagka ganito? ibig sabihin hindi ko tunay na magulang at mga kapatid ang nakalakihan ko?
napakahirap tanggapin ng aking sitwasyon sa ngayon ngunit ano pa nga bang aking magagawa.
"Mahal na Reyna? andiyan ho ba kayo sa loob? andito na ho ang mahal na Hari at ang dalawang prinsipe" mahinang salita ang narinig ko mula sa labas ng pintuan ng silid na ito kasabay ng mahihinang katakot. halatang bawat kilos ng kung sino mang tao sa labas ay may pag galang
agad naman tumayo ang Reyna na aking Ina at Kinausap sa labas ang taong tumatawag sa kanya kanina.
"paki sabi puntahan nila ako dito ngayon na Salamat" mahinhin na pag kakasabi ng Reyna ni walang bakas ng awtorisasyon sa kanyang boses.
"masusunod po mahal na Reyna" pagkasabi noon ng kung sino man ay nakarinig nako ng mabilis na lakad palayo sa silid, pumasok na din sa loob ang aking Ina
"Anak lubos ang kasiyahan sa aking puso ngayon, magmula nung araw na nawala ka sa amin napaka hirap Lalo na sa iyong ama ni pag iyak mo ay hindi niya narinig simula ng ikaw ay aking isilang, lubos ang pangungulila namin sa iyo gustong gusto kang turuan ng iyong ama ng mga bagay na dapat mong matutunan katulad ng pagtuturo niya sa iyong mga kapatid ngunit hindi niya magawa dahil kahit humihinga ang iyong katawan, kahit nakikita namin ang iyong pag laki ngunit kahit kailan ay hindi namin narinig ang iyong tinig, Hindi namin nakita ang iyong pag ngiti kaya lubos kaming nanabik sa iyo anak" maluha luha na namang sabi ng Reyna, Mahirap man tanggapin ang mga nangyayari ngayon batid ko naman na napaka sakit sa kanila na mawalan ng isang anak.
Niyakap ko ang aking ina, napakasarap sa pakiramdam napapatalon ang aking puso sa tuwa marahil iba man ang kinilala kong magulang gamit ang ibang katawan. Ang katawan kong ito at ang aking kaluluwa ay sabik na sabik sa yakap at haplos ng tunay na ina.
Mahinang pagkatok ang pumutol sa aking pagyakap, agad agad nag punas ng luha ang Reyna at ngumiti.
"anak magtago ka gusto kong supresahin ang iyong ama at mga kapatid" napatango na lamang ako at agad nag tago sa likod ng mga kabinet ng silid na ito
nag punta naman agad ang Reyna sa tapat ng pintuan, napansin ko ang paghinga nito ng malalim at pansin din ang pagpatak ng sunod sunod na luha nito, ano kayang kalokohan ang naiisip ng aking Ina?
binuksan nito ang pintuan ng silid kitang kita ko na may tatlong nag gwagwapuhang lalaki ang pumasok sa loob ang unang lalaki ay medyo may edad na din marahil ay ka edad ni Ina Blonde Ang buhok Green ang mata at napaka tangos ng ilong matikas ang pangangatawan at mga nasa 6ft ang taas marahil ay ito ang aking ama malaki ang pagkakahawig naming dalawa. Ang sumunod naman ay brown ang buhok blue ang mata napakaganda din ng tindig nito at nasa 5'11 ang height magkamukhang magkamuha sila nung Isa pang lalaki pati tangkad at pangangatawan ay parehas maliban nalang sa buhok dahil blonde ang buhok ng isa, eto na siguro ang kambal kong mga kuya na tinutukoy ni ina.
"Mahal kong Reyna bakit ikaw ay lumuluha?" nag aalalang tanong ng lalaking siguro ay aking ama pinapahid pa nito ang mga luha ng Reyna
"Mahal ko nawawala ang ating anak na si Vienna!! pagkapunta ko sa silid na ito hindi ko na siya nakita sa kanyang kinahihigaan!!" nawawala? akala ko ba ako si vienna? ang galing umarte ng aking Ina ha pang artista.
kapansin pansin na nag iba ang ekspresyon sa mukha ng mga lalaking nasa loob ng silid nataranta ang mga ito maluha luha naman ang Hari. nag simulang mag hanap muna ang mga lalaki sa kwarto pati ang Hari ay naki hanap naikot na nila ang buong silid ngunit hindi nila ko matagpuan pinipilit ko ding itago Ang aking sarili pati ang aking presensya sa silid na ito.
nagulat na lamang ako ng biglang may humatak sa akin mula sa aking pagkakatago at tinutukan ako ng patalim sa aking leeg.
"Sino ka ? nasaan ang aking kapatid?" Mariin na pagkakasabi nito
napalingon naman sa kinaroroonan namin ang Reyna, Hari at ang lalaking may kulay brown na buhok marahil ay ang lalaking blonde ang buhok ang may hawak sa akin.
namula bigla ang mata ng Hari at ng lalaking kulay brown ang buhok agad agad itong lumapit sa amin, di pa din inaalis ang patalim na nakatutok sa aking leeg ngunit wala akong takot na nararamdaman.
"anak ibaba mo ang iyong patalim wag mong saktan ang iyong kapatid" mahinang sabi ng Reyna nakangiti pa ito bakas na bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha
unti unti namang bumaba ang patalim na nasa aking leeg pero bago ito tuluyang naibaba nadaplisan ng kaunti ang aking balat nang lumabas ang aking dugo ay hindi ko naiwasang mailabas ang aking presensya kasabay ng napaka bangong nang gagaling sa aking katawan. humarap sa akin ang kulay blonde ang buhok na isa sa kambal, halos hindi makapaniwala ang ekspresyon nito. nag umpisa na din tumulo ang kanyang mga luha habang nakatitig sa akin ramdam na ramdam ko punong puno sila ng pagmamahal at pangungulila sa akin.
"anak ikaw nga! Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito ang magising ka diyan sa iyong higaan at makita ang pagmulat ng napaka ganda mong mata" Umiiyak na sabi ng Hari yumakap ito ng mahigpit sa akin ganun din ang ginawa ng dalawang kambal
"Ang aming mahal na prinsesa sa wakas ay gising na" mag kasabay na sabi ng kambal, pagkambal pala kailangan sabay mag salita napangiti na lamang ako at tumingin sa Reyna
"Isali niyo naman ako nakakatampo naman kayo" nakasimangot na sabi nito, agad agad naman itong nakiyakap sa amin. Ang sarap sa pakiramdam, parang tumatalon ang aking puso.