webnovel

OneSoul10

" Anak siya ang iyong ama na si Haring Phoenix Devereaux, at ito ang iyong kambal na mga kuya si Paxton Devereaux" pagtuturo niya sa lalaking nagtutok ng patalim sa aking leeg na may kulay blonde na buhok eto ang pinaka kahawig ng aking ama "at eto namang ang iyong kuya Pierce Devereaux" pagtuturo niya sa lalaking kulay brown ang buhok siya Naman ang may pagkaka hawig Kay ina.

awtomatiko akong ngumiti sa kanila Hindi ko alam ang aking sasabihin ang tangi kolang alam ay kahit gulong gulo ako sobrang nasisiyahan ang aking puso.

"Tara na't kumain, marahil ay gusto ng kumain ng ating prinsesa" pagyayaya ni ama nag silabasan naman na sila naiwan lamang si ina sa aking tabi.

umiikot ang aking paningin habang naglalakad sa napakagandang palasyong ito. nakakamangha ang mga kagamitan halos lahat ay napapalibutan ng ginto at dyamante. nasa ikalawang palapag pala ng palasyo kami, napaka gara din kahit ng hagdan ng lugar na ito. kapansin pansin din na wala akong nakikita kahit isang tagapag silbi o gwardiya habang bumaba kami.

"marahil ikaw ay nag tataka anak kung bakit walang mga tagapag silbi ang palasyong ito. pinalabas pansamantala ng iyong amang Hari ang ating mga tagapag silbi at gwardiya sa palasyo dahil gusto ka naming protektahan kahit na nasa loob ka ng sarili nating kaharian mahirap na magtiwala sa lahat delikadong malaman ng dark kingdom na ikaw ay nabubuhay, ayaw naming mawala ka na naman anak" Sabi ng aking Ina habang inaalalayan ako pababa ng hagdan, Wala naman problema na walang mga tagapag silbi mas masaya nga na pamilya mo lang ang kasama sa bahay ngunit palasyo nga pala ito hindi pala bahay.

masaya kaming kumain sa hapagkainan kitang kita ang mga ningning sa kanilang mga Mata at pagmamahal sa akin, Napaka swerte ko naman kahit saan ako mapunta mayroong pamilyang nag mamahal sa akin.

pagkatapos kumain ay dinala ako ni ina sa isang silid mas malaki sa silid na pinang galingan ko kanina, halos kulay ginto ang kulay ng kwartong ito. madami ding nag kikinangang dyamante napaka sarap tignan parang tinatawag ako ng bawat parte ng kwartong ito. naupo ako sa harap ng aking Ina sa isang maliit na lamesang nasa kwartong ito. marahil ay kwarto ito ng Reyna at Hari

"Anak ito na ang magiging kwarto mo simula ngayon. Ang kwarto kung nasaan tayo kanina ay ang kwarto kung saan namin tinago ang iyong katawan ng napaka habang panahon, ayoko na muling makita ka sa kwartong iyon habang natutulog dahil bumabalik lahat sa akin ng sakit at pangungulila sa iyo kaya ito na ang iyong magiging kwarto mag mula ngayon" Paliwanag sa akin ng Mahal na Reyna habang hinahaplos ang aking buhok, may na alala ako na gumagawa sa akin ng ganito. nasaan na kaya siya gustong gusto ko na siyang makasama at mayakap.

"Ina? maari ba kong mag tanong?" medyo may pag aalinlangan kong paalam sa kanya

"oo naman basta ikaw anak" nakangiti na naman siya habang diretsong tumingin sa aking mga mata na pinapahiwatig na kahit anong aking itanong sasagutin niya ng katotohanan

"Ang huli ko po kasing pagkakatanda na aksidente ako, ano na pong nangyari sa katawan ko sa mundo ng mga mortal? ilang araw na po ba akong natutulog?" masyadong sensitibo Ang aking tanong dahil parang pinapahiwatig ko na mas gusto ko ang aking katawan dati.

"Anak tatlong taon ng natutulog ang katawan mo sa lupa, dalawamput dalawang taon ka nung na aksidente ang iyong katawan ngayon ay dalawamput Lima na ang edad mo sa lupa. ngunit gusto kong ipa alala sa iyo na iba Ang edad mo dito sa ating mundo dahil mag ka iba ang oras natin sa mga mortal ikaw ay labingpito pa lamang sa ating mundo"

"tatlong taon po? ganun na po ako katagal na natutulog? at labingpitong taon pa lamang ako dito?" di makapaniwalang tanong ko Ang tagal ko ng natutulog? paano na ang aking pamilya sa mortal Kong katawan? paano na ang aking nobyo? nakahanap na ba siya ng iba? marahil ay may iba na siyang Mahal dahil matagal na akong nawala. unti unting pumatak ang aking luha sa isiping iyon, napayakap naman ang aking ina pinipilit pinapakalma ang aking sistema.

"patawad anak, patawad kung napag dadaanan mo ang ganitong sitwasyon ngayon. Kung pwede lang na ako nalang ang nasaktan nung panahong muntik ka ng mawala sa akin ay gagawin ko. nahihirapan akong nakikita kang naguguluhan sa mga nangyayari sa iyo" lumuluhang sambit nito, napakasakit siguro sa isang ina na nahihirapan ang kanyang anak sa pag tanggap sa mga nangyayari rito. nakakaawa din ang aking inang reyna dahil matagal itong nanabik na makasama ako ngunit ngayong andito nako hinahanap ko ang ibang pamilyang kinamulatan ko.

"Wala kayong kasalanan Ina wag kayong mag alala, unti unti ay matatanggap ko din ang lahat ng mga nangyayari" yumakap ako sa kanya ramdam na ramdam ko pa din ang kanyang mga haplos na may kasamang pagmamahal.

"anak mag pahinga kana muna kailangan mo iyon at kung kakailanganin mo ng mga damit buksan mo lamang ang pintong iyon" pagtuturo niya sa isang pintong malapit sa pintuan ng banyo

"andoon lahat ng damit mo, ako ay magaayos lamang para matabihan kang matulog ngayong Gabi" nakangiting sabi nito at hinalikan ako sa aking noo at lumabas na ng aking silid.