webnovel

once upon a baby

Zia hated Xander so much sa hindi maipaliwanag na dahilan. Siguro dahil feeling nya isa itong mayabang, masungit at ungentleman na lalaki. Pero nabago ang lahat ng dumating si baby Ziggy. Ang angel ng kanilang buhay.

pjdeelove · Hiện thực
Không đủ số lượng người đọc
26 Chs

Chapter 12

Xander POV

I smiled when she say's she would come on the graduation day of stacey. I need to call mom also para mainform sila na dadalo din sa party si Zia.

Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni mommy. Makalipas ang tatlong ring ay sumagot na rin ito.

"Hi mom!" bungad ko.

"oh Xander, how are you iho?" tanong ni mommy.

"okay naman po ako mom, anyway i called you to inform you na aattend ng graduation ceremony si Zia and i also want you to know na sasama din sya sa party." sabi ko kahit hindi ako sigurado.

"oh! Good to hear that. Papalinis ko yung kwarto mo baka maisipan nyong matulog dito sa bahay" excited na sabi ni mommy.

"No need mom, ihahatid ko na lang sya sakanila, baka hindi rin pumayag si Mr, Sandoval kung dyan sya tutulog"

"No iho.. I'm sure hindi yun magagalit. Isa pa, Sobrang lapit na ng kasal nyo kaya hindi na kami tututol pa kung magsama na kayo" halata sa boses ni mommy naparang kinikilig habang nagsasalita.

"hmm, okay mom. Just in case na gusto nyang umuwi ay ihahatid ko sya. Okay mom?" anas ko.

"sige iho. By the way where are you?

"im on my way to the office, may kailangan lang akong pirmahan tapos uuwi na din ako sa condo ko mom. Why?"

"okay, naisip ko lang kung ayos na ba yung bahay na tutuluyan nyo ni Zia after wedding iho? Kompleto na ba ang lahat ng gamit?" napaisip ako.

Napagusapan ng parents namin na dapat ay tumira kami ni Zia sa isang bahay. Pinaayos yun nila mommy para hindi na kami kailangan pang tumira sa condo. Wala ding maids na kinuha sina mommy, kaming dalawa lang ang gagawa ng lahat ng gawaing bahay.

Ito daw kasi yung chance para magkasama at magkakilala kami ni Zia. Lahat ng furniture ay sina mommy ang namili.

Bumisita ako doon kahapon to check if nasa ayos na ba ang lahat. And okay naman dahil halos kompleto na ang mga kagamitan doon, maliban na lang sa kusina. Wala pa kahit isang condiments ang naroroon.

"i think mom, sa kusina na lang po ang may kulang, i dont know what should i buy. Pwede mo ba akong ipaggrocery mom? i just give you my card" pakiusap ko kay mommy, baka kasi may makalimutan akong bilhin kaya papakiusapan ko na lang su mommy.

"sige iho ako na ang bahala. Maggogrocery ako mamaya, daanan mo na lang dito sa bahay para madala mo sa tutuluyan niyo ni Zia ang mga groceries bago ka umuwi sa condo mo. Dito ka na din maghapunan"

"Sige mom, thanks. Bye!" paalam ko. At pinatay na ang tawag nya.

Nang matapos ako sa office ay dumeretso na ako sa bahay nina mommy. 5:30pm na ako nakaalis sa office, kaya madilim na nang dumating ako kina mommy.

I kissed mom nung makita ko sya at niyakap ko naman si dad.

"tamang tama ang dating mo iho, naghahain na ang mga katulong. Tara na ng makakain na tayo. Alam kong gutom ka na." ipinulupot ni mommy ang kamay nya sa braso ko at sabay sabay na kaming nagtungo sa dining table.

"Kuyaaaaaaa!!" Napalingon naman ako ng biglang sumigaw si Stacey. Patakbo itong lumapit sakin at niyakap ako.

"Kuya your here! Akala ko di ka na namin makakasama sa dinner" sabi nito ng nakalabi pa.

Natawa naman ako dahil parang batang nagsusumbong ang itsura. "Im so excited kuya, magiging kompleto tayo sa graduation day ko, including yout soon to be wife!" kumindat pa at ngiting ngiti sa akin.

"yeah, and im so proud of you dahil gagraduate na ang bunso namin" sabay gulo sa buhok nito.

"kuya namin eh" reklamo nya habang inaayos ang buhok pero nakayap parin ito sakin.

"halika na nga kakain na, gutom na ang kuya. Hindi mo ba ako papakainin?" tanong ko dito ng pabiro.

"Mukha ngang gutom ka na kuya, naririnig ko na ang pagwawala ng mga bulate sa tyan mo. Eiw!" ganting biro naman nito sabay kalas sa pagkakayakap sakin.

Napahalakhak na lang ako pati sina mommy ay nakikitawa na rin. "ikaw talaga"

Nagkamustahan lang kami habang kumakain at nagkwentuhan. Excited na daw sila makita si Zia.

Pagkatapos naming kumain ay pinadala ko na sa kotse ko ang mga pinamili ni mommy, at nagpaalam na din sa kanila. Napagdesisyunan kong doon na lang sa bahay namin ako matutulog. Aayusin ko pa kasi ang mga pinamili ni mommy, sigurado ako gabi na ako matatapos dahil ang daming pinamili ni mommy.

8pm na ako nakarating sa bahay, pagdating ko ay inayos ko na agad ang mga groceries. 10pm na ako natapos, nagshower na muna ako bago natulog. May mga damit na rin naman ako dito kaya kahit dito na ako magstay ay ayos lang.

- - -

-Friday stacey's graduation-

Alas dyes na ng umaga. Naghanda na ako, Graduation day kasi ni Stacey kaya dapat ay hindi ako malate.

Bago mag alas dose ay nakarating na ako sa bahay nina Zia.

"maupo muna kayo senyorito, tawagin ko lang po si senyorita Patricia" anas ng katulong

Tumango na lang ako dito at iniwan na ako.

Hindi naman nagtagal ay bumaba na si Zia. Napatulala ako ng makita ko sya. Ibang Patricia Sandoval ang nakikita ko ngayon. Ang dating old fashion na dalaga ay nagmukang sexy at elegant ang dating. Nag-slow mo.. ang paligid pati ang paglakad nya, pati smile nya ay parang kumikinang. Pakiramdam ko naghugis puso ang mga mata ko. Ang ganda nya.

Natauhan naman ako bigla ng may tumapik sa aking pisngi. Si Zia, di ko namalayan ay nasa harap ko na pala sya.

"What happened to you?" tanong nito ng nagtataka.

"sorry i was mesmerized by you.. You look so.. Different" anas ko ng hindi man lang tinatanggal ang pagkakatitig ko dito.

"baka naman beautiful!, hindi mo lang maamin kasi binubully mo ako palagi. And you never expect that i can turn from ugly duckling into swan?" sabay halakhak at ngiti ng nakakatukso.

Bakit ganun? Ang sarap pakinggan ng kanyang pagtawa?

"maybe" sagot ko at nauna na akong naglakad palabas.

Pangiti ngiti pa ako, habang papalapit ng pinto.Hindi ko akalain na may ganitong ganda rin pala ang fiancee ko.