webnovel

Senorita

Nakikita ko ang mga babae sa mesa na kanina pa nakatingin. While I am enjoying my whiskey dito sa bar.

"Damn, he's so cute" bulong ng isa pa.

"Yeah, I think I am going to show off" at ng isa pa.

"Hmmm..." malalim na hininga ang hinugot ko.

Dapat sanay na ako na makasalamuha ang mga babaeng kagaya nila. Wala namang bago, tuwing gabi na lalabas ako paulit-ulit na lang.

Nang mapansin ko ang pag dating ng isa pang babae.

" Hey! Guys, ang aga ninyo ha" malakas sa sabi niya.

Na naging dahilan ng paglingon sa kaniya ng mga tao sa ibang mesa.

"Late ka lang" sagot sa kaniya ng isa.

" My God, she's here again" bulong ng isang kasama niya.

"Oh wait!" Sabi niya.

At naramdaman ko na ang paglapit niya.

"Hi! I'm Divine!" Walang gatol na pakilala niya sa sarili niya ng nasa tabi ko na siya.

Tinignan ko lang siya at ngumiti.

"Can I join you?" Siya ulit.

"Sure!" Sagot ko.

She was about to sit in the stool beside me ng mag ring ang phone niya.

" I love it when you call me senorita

I wish I could pretend I didn't need you "

Tinitigan ko siyang mabuti, baka sakaling may makita ako na siya ang aking hinahanap. Isa na lang ang paraan para maka siguro ako.

"You like my ringtone?" Tanong niya pagkatapos niya makipag-usap sa telepono.

"No, I actually love your ringtone"  sabi ko at sinunggaban ko na siya ng halik.

"Let's go somewhere else" bulong niya.

Hindi na ako nagdalawang isip, agad na akong tumayo at lumabas ng bar.

Sumunod naman siya pagkatapos niya magpaalam sa mga kasama niya.

Pagkapasok pa lang namin ng sasakyan agad na niya akong hinalikan.

"Wait, can I hear that song again?" Sabi ko.

Nakita ko naman na nalukot ang mukha niya, pero agad din na ngumiti.

"Oh, so you want to do it with a background music?" Nakangiting tanong niya.

"I guess" sagot ko habang pinapanood ko siya na kinakalikot ang telepono niya.

"But every touch is ohh la la la

It's true la la la

Ohh I should be running

Ohh you know I love it"

I kissed her again, hindi ko na mapigilsn ang sarili ko as I hear the song. Going down to her neck.

"Ackkkkk" I heard her say. Then I looked at her after  few seconds.

" You are not my senorita" I said, as I open my door and throw her out from my car.

Ini start ko na ang sasakyan ko, nilingon ko muna ang babaeng nakahiga pa rin sa kalsada bago ako umarangkada.

"I am not going to stop looking for you Divina" I said as I wipe the blood on my lips.

Pinindot ko ang stero.

"I love it when you call me senorita

I wish I could pretent I didn't need you"

Divina's POV

"Parang hindi ka na nagkukuwento ng tungkol kay Lyndoln anak" tanong sa akin ni mama.

"Ah... n-nasa ibang bansa po siya ma" sagot ko para hindi na magtanong si mama.

"S-sige po, aakyat na po ako sa kuwarto." Paalam ko.

"Sige" si mama.

Matagal na akong naka upo dito sa kama pero, hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari.

"Mahal na mahal kita Divina" si Lyndoln, first year anniversary namin kaya naisip namin na mag date, at nandito nga kami ngayon sa taas ng building nila.

"Sagutin mo naman ako"  siya

"Ha! Ha! Ano ka ba? Hindi pa ba halata?"tanong ko sa kaniya ng tumatawa.

"Siyempre, gusto ko rin marinig" siya, halatang nagtatampo na.

"Mahal din po kita, sobra!" Malakas na sabi ko.

Na nagpangiti sa iyo. Lalo ka tuloy gumuapo, minsan tinatanong ko ang sarili ko kung ano ba talaga ang nakita mo sa akin.

"Ang guwapo niya noh?" Rinig ko pa na sabi ng babae kanina sa restaurant kung saan tayo kumain.

"Ay may ipaparinig ako sa iyo, bagong ringtone ko" sabi ko para maiwala ang mga gumugulo sa aking isipan.

"I love it when you call me senorita"

Kanta sa ringtone ko.

"Ha! Ha!Narinig ko na iyan, I didn't know na gusto mo rin 'yan" sabi niya ng natatawa.

"Haist! Kainis, tinawanan pa, hindi ko na lang sana ipinarinig" maktol ko.

"Ha! Ha!, Hindi ko naman tinatawanan ang ringtone mo, natawa lang ako kasi parang wala sa itsura mo na gawing ringtone iyan" siya ulit.

"Eiiihh, ito naman eh" sabi ko at yumuko ako.

Naramdaman ko na lang ang paghila niya sa kamay ko.

"Alam mo kahit ano pa ang gusto mo gagawin ko at susundin ko" sabi niya sa akin habang niyayakap ako.

"Three months" sabi ko.

"Anong three months?" Tanong niya.

"Three months ko lang ito gagamitin" sabi ko.

"Wala naman ako sinabi eh" siya ulit.

"Basta, pangako three months lang pagsasawain ko lang ang tenga ko" ako habang nskatingin sa kaniya.

"Sige, huwag ka magpapalit ng ringtone ng three months ha, para kapag narinig ko iyan maaalala kita" siya ulit at hinalikan ang tungki ng ilong ko, bago niya hagkan ang labi ko.

"I love you Divina" bulong niya sa tenga ko habang yakap ako ng mahigpit.

"I love you too" sagot ko sa iyo, at muli kong naramdaman ang pag higpit ng yakap mo.

Naramdaman ko na lang ang mga luha na nag-uunahan sa pagtulo.

"Hindi ko naisip na iyon na pala ang huling beses na sasabihan mo ako noon" bulong ko habang tinitignan ang mga pictures natin ng gabi na iyon.

"Kung sana alam ko lang hindi kita pinayagan ng umaga na iyon" muling bulong ko, habang kinakausap ang litrato mo.

"Ano ba nangyari sa atin?" Muling bulong ko. Habang pinipigilan ang pag lakas ng iyak.

Wala pa alam sina mama sa nangyari sa atin. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag dahil ako mismo hindi pa maliwanag sa akin ang lahat.