webnovel

NOATHAST ACADEMY (SCHOOL OF DEATH)

(TagLish) An evil monster needs a heart that truly loves him in order to make him fully human again, but how is this mystery connected to the most prestigious school in town?

envieve · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
13 Chs

Chapter 6: Ride

Chapter 6

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. Nanggagaling ito mula sa aking bintana. Tumitig ako sa ceiling at nagmuni-muni. 

Parang totoo ang panaginip ko.

I subconsciously touched my lips with my index finger. Para talagang totoo at tila ramdam ko kung gaano kalambot ang labi niya.

Umiling-iling ako.

Bakit ko ba napanaginipan ang mokong na yun. Hindi ko naman siya inisip bago ako matulog or nakita. In fact, I was too tired last night from my part time job after school. Tapos gumawa pa ako ng assignment kahit pagod at antok na antok na.

Sinipat ko ang orasan sa side table. Agad naman akong napaupo.

Shemay! 8:30 AM na! Ang first class ko 9:00 AM.

Mabilis akong kumilos at hindi na nakapag-almusal. Wala na akong time para magluto ng instant noodles.

Wala pa atang 20 minutes nang matapos akong kumilos. Tumakbo ako palabas ng apartment. Walking distance lang naman papuntang school pero it can take 15-20 minutes walk. Kapag tinakbo ko siguro sure na yung 15 minutes.

Malas lang dahil walang trike at hindi dito nadaan ang mga jeep or bus. Parang BGC or sa Mckinley. Mayroon lang na lugar na babaan para sa mga jeep or BGC bus, if you have no private vehicle, you have no choice kundi maglakad papunta sa kung saan man.

Tumigil ako sandali dahil hinihingal na ako after 5 minutes of running. Huminga ako ng malalim bago tumakbo uli.

Halos ma-out of balance ako nang biglang may tumigil na lamborghini sa harapan ko. That familiar luxury car is blocking my way. As in binaladra nya yung kotse nya sa dadaanan ko.

Slowly, bumaba ang bintana sa driver's side. Revealing the most handsome man I have ever seen in my entire existence. Alam ko mayaman siya and all. Pero ang pagiging fresh niya ay napaka-beyond. At masyado akong naiinis sa sarili ko kasi hindi ko talaga maiwasang hindi mapatitig sa mukha niya... kahit na sanay naman na akong makakita ng mga good looking boys lalo na nang mag-aral ako sa Noathast Academy. Ang daming model, artista, influencers, you name it!

Bumaba ang tingin ko mula sa mga mata niya papunta sa matangos niyang ilong at pababa sa labi niya. It has the sexiest curve and has a natural red color. Napalunok ako at umiwas ng tingin. Tumingin nalang ako sa kotse niyang makintab at sobrang ganda. Such a dream car!

"Running at the same pace I walk won't make it." And he's a freaking tease! Pinatong pa niya ang isang braso sa parte ng pinto ng kotse kung saan bumababa at tumataas ang bintana. Hindi ko ma-describe ng maayos dahil mali-late na ako basta ayun na yun.

Magkaklase kami sa unang subject kaya alam niyang tumatakbo ako to make it on our first class. Luh, porket de-kotse siya? Tss.

"Thank you for stopping, then." Hindi ko alam kung anong klase ng kapal ng mukha ang meron ako today. "I know you will offer me a ride."

And then I saw him grin a little. He closed the window of his car without saying a word. Then automatic na umangat yung pinto sa kabilang side, letting me in!

I giggled. A savior somehow!

Tumakbo ako papunta sa kabilang side at sumakay na sa astig niyang lamborghini. Then the door automatically went down and closed.

Tinignan ko si Hades. "Thank you, classmate!"

He just looked at me na parang nandidiri sa sinabi ko at nag-drive na.

"Hanggang dito ka lang," sabi niya. He pulled over near a narra tree. Tanaw ko na ang school.

"Oo naman," sagot ko. Mas okay yung ganito kaysa may makakita pa sa'min na iba. Dadami makakaaway ko lalo. Baka hindi na ako magkaroon ng tahimik na buhay. "Thank you uli! Bawi ako soon." I smiled at him bago ako nagsimulang umalis.

Gaano man kapangit ang mundo, may mababait pa rin talagang tao ngayon. May 10 minutes pa ako. Hindi ako na-late dahil sinabay ako ni Hades, at ang bilis niyang magmaneho. Wala pa atang 5 minutes bago niya ako ibaba.

Sinundan ko ng tingin yung kotse ni Hades nang malagpasan niya ako. That person has duality. Usually, he's such a snob. Ang daming gustong makipag-friend sakanya sa school. Mapa-babae man o lalake pero lahat yun hindi niya pinapansin at kinakausap. Ni hindi niya manlang magawang tingnan kahit saglit. Basta snob lang. Walang pake ganun. Pero minsan nakikita ko siyang mabait like one time may janitor na nakahulog ng walis. Nakita ko siyang dinampot iyon at binigay sa janitor. Napakasimpleng bahay, oo. Pero sa paaralang ito, with all the rich and famous students, walang willing gumawa non. At na-touch ako kay Hades non.

Baka sabihin niyo inoobserbahan ko siya ha. Nagkataon lang na nakita ko yun.

Annyeong! May readers ba ako? Bakit parang puro silent readers lahat? Hahaha.

The number of views is increasing but I don’t see someone commenting. I wanna hear your thoughts about the story.

envievecreators' thoughts