Sa kung anong hangin na pumasok sa utak ni Author, napagdesisyunan kong ipagpatuloy ang kwentong ito sapagkat maraming katanungan ang kailangan ng kasagutan. Maraming blankong palaisipan ang kailangan punuan ng mga detalyeng nakapaloob dito. At kailangan nang itama ang lahat ng pagkakamali ng mga tauhan sa nobelang ito.
Higpitan ang kapit dahil ipapakita ng nobelang ito na lahat ay may hangganan. Na lahat ay panandalian lamang. Sa panibagong yugto ng nobelang ito, maipapakita at maipapahayag ang katotohanan sa likod ng pamagat nito.
Mga kasinungalingang pilit pinagtatakpan. Mga kasagutan na pilit pinagtataguan ngunit walang lihim ang hindi mabubunyag. Mga salang nangangailangan nang pagbayaran at mga pakiramdam na kailangan nang baguhin nang hindi na masaktan.
Ang tanong..
Muli nga bang mauulit ang nakaraan?
Sino sa kanila ang muling masasaktan?
Sino sa kanila ang unang mabubuwag sa kanilang binuong pagmamahalan?
May hangganan nga ba ang pagmamahal ng isang tao?
May limitasyon nga ba ang isang relasyong pilit binubuwag?
May tali nga ba ang isang kasal?
May "Forever" nga bang mangyayari sa nobelang ito?
Ang kasagutan?
Sabay-sabay nating malalaman.
---
Yun lamang po, at muli po ninyong tangkilin at subaybayan ang Pangalawang Yugto ng Nobelang ito.
xoxo,
Bluesundae20 ❤❤