webnovel

Wilderness

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Habang may tigre sa harap at mga lobo sa kanyang likuran, itataya na ni Marvin ang lahat.

Ginamit niya ng [Ruler's Wrath] at pinalaki ang kanyang sarili hanggang makakaya niya.

Pero wala sino man ang nag-akala sa kanila, na bago pa man magsimula ang laban, isang boses na umaawit ang aalingawngaw mula sa dakong hilagang bahagi ng Holy Light City.

Ang boses ay sinauna at mapanglaw, hindi maunawaan ang mga salita, pero ang sino mang nakikinig ay makakarmdam ng kalungkutan!

Nagulat ang lahat nang marinig nila ang boses.

Dahil isang kahanga-hanga, at malaking templo ang lumitaw kasabay nito!

Malayo sa dakong silangan nakatayo ang templo.

Ang lahat ng mga gusaling matatanaw sa paligid ay nawala, at tanginng ang templo lang na tahimik na nakatayo doon ang naiwan.

Ang pulang bato na bumabalot sa labas nito ay nagbigay ng masama at madugong pakiramdam.

Maraming damo sa paligid pero hindi natatakpan ang templo, na para bang kaulayaw nito ang templo.

Nanlamig ang lahat.

Tila ba mayroong misteryosong pwersa ang tahimik na nagmamasid sa kanila.

"Diyosko… tunay ang mga balita, lumitaw nga ang Wilderness Hall…"

Makikita ang takot sa mukha ni Wayn.

Bilang isang taong nasa panig ng isang God, natural na marami siyang nalalaman tungkol sa Wilderness God.

Kahit sa Dream God Realm, ang Wilderness God ay isang pangalan na nagdudulot ng takot sa sino mang makarinig nito.

Sinasabi na isa itong nakakatakot na Evil God.

Kakaiba ito at nagawang makatakas kay Lance nang maraming beses, at mahusay na namumuhay sa Universe, Minamata ang bawat nilalang na para bang isa itong tigre na naghahanap ng makakain.

Ang Wilderness Hall ang isa sa mga pinakanakakatakot na lugar sa Crimson Wasteland.

Kahit na matagal na itong hindi nakikita at unti-unti nang nalilimutan, nang lumitaw ito muli, nagdulot ito nang takot na hindi maiiwasan.

Kahit ang Blade Demon na hindi pinansin ang kahit ano at nakatuon lang ang atensyon sa pagpatay ay natakot sa templong ito.

Nanatili itong walang galaw, bumubulong. Hindi maunawaan ni Marvin kung ano ang sinasabi nito.

Tiningnan ni Marvin ang kanyang interface. Tila naninigas at hindi makagalaw ang kanyang katawan, at ang dahilan ay isang hindi malinaw na willpower check.

"Yan ba talaga ang Wilderness Hall?"

Narinig niyang nagsimulang mag-usap ang dalawang Dream Guardian.

Nagbago rin ang reaksyon ng agresibong Dream Guardian.

Namumutlang nakatingin si Swift sa gusaling nasa malayo, hindi maiwasang makita ang kaduwagan sa kanyang mga mata. "Sinasabi na ang sino mang tumingin sa Wilderness Hall ay lalamunin nito."

"Pucha, bakit minalas pa tayo?"

"Ano 'yung kumakantang 'yon? Ancient God Language ba 'yon? Bakit hindi natin maintindihan?"

'Hindi maintindihan kahit ng mga Dream Guardian?' Isip-isip ni Marvin.

Bilang mga umaasang maging Drea Servant, siguradong maalam ito sa God Language, pero ang Ancient God Language ay mas malalim na lenggwahe.

Tinawag lang ng mga God ito na Ancient Go Language para magayabang. Ang lenggwaheng ito ang sinasabing ginagamit na pangkaraniwang lenggwahe ng mga ancient na nilalang.

Kasama na dito ang mga unang Demon, Devil, Evil Spirit, at mga God…

Biglang naramdaman ni Marvin na tila pamilyar ang lenggwaheng ito.

'Ito rin ang… narinig ko noong unang beses kong Nakita ang Archdevil Head…'

'Hind ito isang willpower check illusion? Totoo nga ba 'to? O may kakayahan lang ito manghula?'

Natigilan si Marvin at inalala ang nangyari noong nadiskubre niya ang Archdevil Head sa lihim na kwarto.

Kahit na nauunawaan na niya na ang Archdevil Head na iyon ay isa lang alchemy item na ginawa ng kanyang lolo, nilalaman naman nito ang ilan sa mga sikreto ng Archdevil.

Naalala niya ang eksa na mayroong hindi mabilang na mga nilalang na tila Human pero hindi Human na umiikot sa isang malaking apoy habang nagtatalik. Ang blood sacrifice ng maputlang batang babae, ang malaking palakol na pumunit sa kanyang damit… at ang kalaunang paglamon sa lahat ng nilalang at naging buto na lang ang lahat.

Nang makita niya ang lahat ng ito, naririnig niya sa kanyang tenga ang lenggwahe na ito.

Noong una ay inakala niyang Anzed Language ito, pero kalaunan ay nalaman niya na ang lenggwaheng ito ay naiiba sa Anzed Language.

Ang mga Anzed ang unang mga Human na nanirahan sa Feinan, kaya madaling unawaain na ang kanilang lenggwahe ay may pagkakapareho sa Ancient God Language.

Pero bakit may dalang makapangyarihang Magic Power ang lenggwahe na ito?

Halos sigurado na si Marvin na dahil sa lenggwaheng ito kaya hindi sila makagalaw lahat.

Isa na siyang Ruler of the Night at mataas na ang lahat ng kanyang Resistance. Mayroong ding matataas na Resistance ang mga Dream Guardian, pero nagawa silang kontrolin ng boses.

Ang apat na nilalang na mula sa iba't ibang plane ay nais makatakas mula sa boses na umaawit.

Pero huli na ang lahat.

Sa nakakatakot na pangyayaring ito, napag-alaman nila na nawalan na sila ng kontrol sa kanilang sariling katawan.

Humarap silang lahat patungo sa dakong silangan!

Ibinuhos nila ang lahat ng kanilang lakas pero hindi sila makakawala sa kung ano mang nagpapagalaw sa kanilang katawan. Para silang mga manikang minamanipula, isa-isang hakbang na naglalakad patungo sa kawalan.

Isang makapal na hamog ang biglang bumalot sa kasukalan.

Naging mas malinaw ang boses na umaawit.

Hindi na rin makita ni Marvin ang Holy Light City at nakakakita ng mga aninong lumilitaw sa kalayuan. Ang mga taong ito ay kapareho nilang apat, puno ng takot ang kanilang mga mukha.

Ni hindi sila makapagsalita!

Isang misteryosong pwersa ang nagmamanipula sa katawan ng hindi bababa sa 30 Legend at pinaglalakad silang lahat pa-silangan.

At ang Willderness Hall ay parang isang madugong bunganga ng isang ancient giant creature na nakabuka, naghahandang lamunin silang lahat.

Mapayapa ang lahat.

Naharangan ang lahat ng ingay, at ang tanging naiwan ay ang boses na umaawit.

Pinigilan ni Marvin ang kanyang takot at sinumulang pagmasdan ang kanyang kapaligiran.

Pero ang nakapagtataka, tila walang kakaiba.

Bukod sa mga "puppet" at sa templo, wala na siyang nakitang hindi normal sa kanilang paligid.

Labis na humina ang kanyang perception, kaya pakiramdam niya ay bahagya siyang nabulag.

'Pucha!'

Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya pero hindi siya makakawala.

Sadyang nakakatakot ito!

Hindi ba't namatay na ang Wilderness God?

Bakit lumitaw muli ang Wilderness Hall?

Bakit umaalingawngaw muli ang pagkanta ng mala-bangungot na boses na ito?

Nagngalit ang ngipin ni Marvin, pero bigla niyang napagtanto kung ano ang kinakanta ng babae. Ito rin ang parehong awitin na narinig niya noong pumasok siya sa lihim na lagusan sa kanyang teritoryo noong hawak pa ito ng mga Gnoll.

Dahil sa pagkakapareho nito sa Anzed Language, at ang kanyang Noble class, naunawaan niya ang literal na kahulugan ng awitin sa lagusan!

"Isang bulaklak, dalawang bulaklak, hindi uuwi ang Devil ngayong gabi."

"Ayaw sa pagbagsak ng ulan, ayaw sa dagundong ng kulog, nakaupo ako sa balon, umiiyak."

"Nakasuot ng puti para sa pagdiriwang, nakasuot ng itim para sa lamay, hindi pa tumitigil ang kampanilya ng hating gabi."

"Ang namatay, ay mamamatay pa lang."

Paulit-ulit lang ang apat na pangungusap na ito.

Tila boses ito ng lalaki, at minsan naman ay parang sa babae, at labis itong nakakatakot.

Sa kakaibang sitwasyon na ito, puno ng takot ang mga Legend powerhouse habang unti-unti silang naglalakad patungo sa Wilderness Hall!

Walang nakaka-alam kung ano ang naghihintay sa kanila doon!