webnovel

Universe Magic Pool

Biên tập viên: LiberReverieGroup

...

Matapos ang mahabang pag-iisip, umiling si Wayne. "Kalimutan mo na 'yon, wala lang 'yon."

"Iba na lang pag-usapan natin."

Sumimangot si Marvin.

Hindi maipinta ang mukha ni Wayne.

Bihira lang maglihim sakanya ang nakababatang kapatid.

Pero, ang kanyang itsura… Bakit namumutla ang mukha niya? 9 na taong gulang lang ang batang yun, ano ba talaga ang nagyari?

Hindi niya masabi kung ang nasa isip ng kanyang nakababatang kapatid.

Medyo nalulungkot si Marvin. Hindi masyadong kumibo noon si Wayne nang patayin niya ang nobya nito. Pero sa kanyang pagdadalawang-isip at pananahimik, nakakaduda ang kanyang inaasta!

Pero dahil ayaw niyang makipag-usap, hindi ito kukwestyunin ni Marvin, mas pagtutuunan na lang niya ng pansin si Wayne sa mga susunod na araw.

"Kung ganon, kailangan muna nating gumawa ng plano," sabi ni Marvin sa malalim na boses.

"Nilabas na ba ang mga patakaran ng Battle of the Holy Grail?" tanong niya.

Tumango si Wayne at inabot kay Marvin ang scroll.

Dalawang tao lang ang maaaring lumahok, ang Wizard, at ang follower. Hindi dapat hihigit ang level ng follower sa Wizard ng dalawang level.

Kasalukuyang nasa level 7 si Marvin kaya pasok siya sa pamantayan.

Malamang parehong level 7 follower rin ang kasama ng dalawang kalaban. 

Tulad ng dati, magaganap ito sa loob ng incomplete plane ng Legend Wizard na si Leymann, ang master ng Thunder Tower, sa isang snow mountain na hindi nagbabago sa buong taon.

Sa pagkakataong ito, mas magiging mapanganib ito kaysa sa nakaraang qualifying round. Dahil hindi lamang mas malakas ang makakalaban sa snow mountain, meron ding ibang mga panganib.

Ang ibang patakaran ay maingat na isinulat.

Binasa ito ni Marvin ng mabuti para maintindihan niya ng maayos ang takbo ng kumpetisyon.

Pareho ito sa Battle of the Holy Grail sa laro. Maraming beses sa laro na pinayagang sumali ang maraming kalahok. Pero isang pagkakataon na lamang ngayon sa kasalukuyang Feinan, kaya hindi niya dapat ito palampasin. Kailangan niyang makiha ang Magic Holy Grail.

Hindi magiging madali para kay Marvin ang snow mountain, kaya kailangan nilang gumawa ng istratehiyang gagamitin.

Saglit na nag-isip si Marvin at biglang tinanong, "Ilang spell ang kaya mong gamitin?"

Karamihan ng mga Wizard ay mag-aalinlangan saguting ang ganitong klase ng tanong.

Pero hindi nag-alinlangan si Wayne na ipaalam kay Marvin ang tunay na lakas nito.

Kitang-kita na malaki ang tiwala niya sa kanyang nakatatandang kapatid.

Ang Magic Point value (MP) ni Wayne ay 150. Sapat na ito para magawa niyang makipagpalitan ng 8 hanggang 10 0-circle spell, at apat hanggang anim na 1st circle spells kada araw.

Ang ganitong klase ng abilidad ay higit pa kumpara sa kaya ng isang level 5 na Wizard. Bukod pa dito, natutunan na rin niya ang [Quck casting], [Mobile Casting], [Lucky Proc]. At iba pang malalakas na class specialty.

Tunay ngang talentado ang batang ito pagdating sa pagiging isang Wizard. Kung hindi lang dahil sa nalalapit na pagkasira ng Universe Magic Pool, hindi malayong maging isa siyang Legend.

Sa kasamaang-palad…

Biglang napaisip ng malalim si Marvin matapos magpaliwanag ni Wayne.

Ang Universe Magic Pool ang dahilan kung bakit namayagpag at pinagharian ng mga Wizard ang era na ito.

Ganito gumagana ang Universe Magic Pool:

Magninilay-nilay ang mga Wizard at kokonekta ang kanilang kamalayan sa Universe Magic Pool. Karamihan sa kanila ay mabibigo sa pag-konekta sa Universe Magic Pool pagkapanganak nila kaya naman hindi sila nagiging Wizard.

At para naamn sa mga kayang maging Wizard, lilinangin nila ang kanilang sariling kamalayan sa pamamagitan ng pagninilay-nilay, kaya naman mas tumitindi ang koneksyon nila sa Universe Magic Pool.

Sa madaling salita, ang pagiging Wizard at parang pagbuo ng dalawang lagusan sa kanilang sarili at sa Universe Magic Pool.

Tila isang lawa ang Universe Magic Pool, at ang magic power sa loob nito ang tubig.

Gamit ang unang lagusan, kukuha ng tubig mula sa lawa ang mga wizard patungo sa kanilang katawa; ito ang bahagi kung saan sila nagninilay-nilay.

Pagkatapos nito, magkakaroon na ng magic power ang katawan ng Wizard. Pero hindi sapat ang Magic Power (MP) lang. Kailangan mong makipagpalitan ng spell.

Tama, makipagpalitan.

Kailangan magdesisyon ng mga Wizard araw-araw kung anong spell ang nais nilang gamitin sa susunod na araw, saka lang nila ito makukuha. Kailangan nilang gawin ito bago magsimula ang susunod na araw.

Ang lagusan ng pagpapalit ay ang ikalawang lagusan. Siguro'y hindi akma ang mga lagusan para ilarawan ito pero ito na ang pinakamalapit na representasyon ng mga ito.

Kailangan mong gumamit ng MP para makipagpalitan at matanggap ang spell na gagamitin mo kinabukasan. Naka-base rin sa level ng isang Wizard kung gaanong kalaking kapangyarihan ang ibibigay dito ng Universe Magic Pool.

Lilitaw ang mga spell na ito mula sa kaibuturan ng kanilang pag-iisip, saka nila ito maaaring gamitin anong oras man nila gustuhin.

Halimabawa, ang isang level 5 Wizard ay maaaaring gumamit ng 20 MP kapalit ng isang 1st-circle spell, pero maaari niya ring gamiting ang 20 MP kapalit ng tatlong 0-circle spell. Depende na ito sa pipiliin ng Wizard.

Kaya kung titingnan, hindi lang isang magic power pool ang Universe Magic Pool, isa rin itong spell pool.

Hindi na kailangan pang magsaliksik ng mga Wizard ng mga spell dahil sa Universe Magic Pool, kailangan na lang nilang palakasin nang palakasin ang kanilang kamalayan. Saka nila aatakihin ang barikada sa pagitan ng Universe Magic Pool at kanilang kamalayan, upang mas mapalaki pa ang kapangyarihang manggagaling dito.

Kung babalikan natin ang paglalarawan, kailangan nilang palawakin ang unang lagusan para makatanggap ng mas maraming MP, kasabay nito, palalawakin ang saklaw ng mga spell na maaari nilang matutunan ng kapangyarihang makukuha nila mula sa pag-atake ng barikada.

Sa kabila nito, iba-iba ang natutunang spell ng bawat isang Wizard.

Dahil sa Universe Magic Pool, na bumuo ng isang systema, kaya naging Wizard God si Lance!

Dahil binawasan nito ang oras na magagamit ng mga Wizard, lalo pa't kailangan lang nilang ituon ang sarili sa pagninilay-nilay!

Hindi na nila kailangan pang magsalik-sik ng mga spell. Kailangan lang nilang palakasin ang kanilang magic power at sugurin ang spell system ng Magic Pool para makipagpalitan.

Malaking ang natipid nilang oras para sap ag-eensayo at nagamit pa ito para sa ibang laranagan, kaya naman mas napapabuti nila ang kanilang mga sarili.

Kaya naman, ito ang Wizard Era.

Pero ang Wizard Era na ito ay may kakulangan rin sa pagiging malikhain dahil masyado na silang umaasa sa Universe Magic Pool.

Tanging mga Legend Wizard lang ang nakaka-alpas mula sa mga limitasyon ng Universe Magic Pool at direktang nakakakuha ng Chaos Magic Power mula sa void para makagawa ng sarili nilang mga spell.

Pero sa oras na masanay na ang isang 3rd rank na Wizard sa pag-asa sa Universe Magic Pool, mahihirapan na itong baguhin ito.

Kaya naman, may mabuti at masamang dulot pa rin ang pagkakaroon ng Universe Magic Pool.

Pinadali nito ang pag-abot ng mga wizard sa mga matataas na rank. Pero pinahirap nito ang pag-abot sa pagiging Legend.

Dahil para maging isang Legend, kailangan nilang maalis ang lahat ng impluwensya sa kanila ng Universe Magic Pool para gumawa ng kanilang sariling Magic Pool at Spell Pool!

...

Gayunpaman, isang mabuting balita ang pagkakabuo ng Universe Magic Pool sa buong Feinan. Dahil hindi maapektuhan ang isang ordinaryong nilalang ng Chaos Magic Power.

At isang mahirap na bagay ang paggawa ng isang spell.

Lalo pa't limitado lang ang MP na maaari nilang gamitin sa isang araw. Kaya kung magkamali sila sa kanilang gagawin, o nagkamali ng estima sa magic power, malaking problema ito sa kanila.

"Kuya, ito ang napag-usapan naming ni Sir Hanzer."

Inabot ni Wayne kay Marvin ang isang listahan ng mga spell.

Mayroon itong sampung 0-circle spell at limang 1st-circle spell.

Nahahati sa 6/4 ang proposyon ng paggamit ng MP nito, kung saan 60% nito ay nakalaan para sa mga 0-circle spell at ang natitirang 40% ay para sa mga 1st-circle spell.

Maayos naman ang pagkakahati nito. Isa ito sa pinakamagandang paghahati.

Pero isang sulyap lang ni Marvin dito ay bigla na niya itong itinapon.

"Kuya …?" Bahagyang nagulat si Wayne.

"Ibahin mo ang set up," ika ni Marvin.

Kumuha ito ng papel at nagsimulang magsulat.

Agad rin siyang natapos.

Lalo pang nagulat si Wayne nang mabasa ito.

"Kuya, ang ganitong set up…"

Hindi mapigilang magtanong ni Wayne, "Hindi ba mahirap 'to?"

Umiling si Marvin at tiningnan lang si Wayne, "Basta maghanda ka para sa set up na 'yan"

"Kailangan kong magawa mo 'to."

Saglit na natahimik si Wayne, bago ito tuluyang tumango. "Sige, kuya."

"May tiwala ako sayo."

Napangiti si Marvin sa kanyang narinig. Hindi na niya kinailangan pang magpaliwanag para lang pumayag si Wayne sa kanyang "Baguhang" pag-paplano.

Malaki talaga ang tiwala ni Wayne kay Marvin.

Kasunod nito, pinag-usapan naman ng mgakapatid ang istratehiyan nila at ipinaliwanag na rin ni Marvin ang dahilan kung bakit ito ang set up na napili niya.

Nang matapos ang paliwanag, napagtanto ni Wayne na may dahilan nga kung bakit ito ang set up na napili ni Marvin.

Base sa sitwasyon, aminado si Wayne na mas maganda ang plano ni Marvin para masiguro ang kanilang pagkapanalo.

Inabot na sila ng hating-gabi sa pag-uusap.

"Magpahinga ka na." Inilapag ni Marvin ang isang mapa at humikab. "Mahirap ang plano natin kaya kailangan natin mag-ipon ng lakas at enerhiya para sa kompetisyon. "

Pagtapos nito, binalak na rin niyang magpahinga sa ibang kwarto.

Malalaki ang mga dormitoryo ng Magore Academy. Ang isang dormitoryo ng mga estudyante ay mayroong lima hanggang anim na kwarto. Sa katabing kwarto natutulog ang butler.

Pero biglang hinila ni Wayne si Marvin.

"Kuya matagal na noong huli tayong natulog sa iisang kwarto."

"Kakaiba ang mga napapanaginipan ko noong mga nakaraan. Pwede bang dito ka na lang matulog?"

Pagkatapos sabihin ito, tiningnan niya si Marvin sa mara,

Nabigla si Marvin pero ngumiti ito.

Kung sabagay, isa nga pala itong 9 na taong gulang na bata.

Takot pa rin pala ito sa mga kakaibang panaginip?

"Sige," tugon ni Marvin.

Nakahinga ng maluwag si Wayne at napangiti.

Sa Thunder Tower, sa balkonahe ng isang tahimik na dormitoryo.

Isang estudyanteng babae ang nakasuot ng bathrobe ang nakatayo doon at pinagmamasdaan ang mga tanawin.

Nang biglang may isang pares ng malalakas na kamay ang yumapos sa kanyang mga balikat.

"Bitawan mo ko!" Namutla ang mukha ng estudyante habang tinutulak palayo ang lalaki.

Wala itong suot pangitaas at nagkibit-balikat na lang.

"Binalaan na kita, kapag hinawakan mo pa ko, kahit kaunti, ititigil ko na ang pakikipagtulungan sa Unicorn Clan!" Sigaw ng estudyante.

"Hindi mo magagawa 'yon. Kailangan mo ng pera. At isa kang ambisyosang babae." Tumawa lang ang lalaki.

"Pero hindi ko ibinebenta ang katawan ko," seryosong sabi ng babae. "Ngayon, bilang follower ko, inuutusan kitang lumayas sa paningin ko!"

"Pero naibenta mo na ang kaluluwa mo. Hindi mo naman tatanggapin ang alok ng pamilya ko kung hindi." Pangungutyang sagot ng lalaki.

Mahinahon namang sumagot ang babae, "Eh ano ngayon? Hindi naman ako makokonsensya sa pagpatay ng ilang tao."

"Para sa akin, madudumi at basura ang lahat ng lalaki sa mundong 'to. Lalaban naman talaga ako para makuha ang Holy Grail, parte na lang ang pagpatay sa Marvin na 'yon at sa kapatid niya!"

"Mabuti naman, sige, aalis na ko." Ngumisi ang lalaki habang naglalakad palayo, "basta wag mong kakalimutan ang mga sinabi mo."

"Ayoko ng kahit anong aberya sa kompetisyon. At kailangan ako mismo ang pumatay kay Marvin!"

"Lalo pa't siya ang pumatay sa pinakamamahal kong si White."

Biglang nagbago ang boses nito ang naging boses ng babae!

Tiningnan ng masama ng estudyante ang lalaki bago pabulong na sinabing, "Mamatay ka na, manyakis." At napailing na lang ito.