webnovel

Spirit

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Sa katunayan, matapos makapasok ni Marvin sa gate, ang una niyang tiningnan ay ang trono.

Para bang ito na ang pinakakanakaka-akit na kayamanan sa buong mundo, at kahit na mukha lang isang tumpok ng mga bakal na balot ng tinik ito, mayroon itong misteryosong awra.

Isang malaking tumpok ng mga buto ang makikita sa ilalim ng trono.

Humakbang si Marvin at inapakan ang isa sa mga buto.

"Krak!"

Umalingawngaw ang tunog ng pagkadurog ng buto sa buong kwarto.

Walang nakakaalam kung gaano na katagal ang mga kalansay na ito dito. Himala nang hindi pa naaabo ang mga ito, kaya naman madali lang nadurog ang mga ito nang apakan ito ni Marvin.

Sa katunayan, hindi naman sinadyang durugin ni Marvin ang mga buto.

Puno ng makakapal na buto ang buong sahig ng kwarto!

Walang ibang lalakaran ang sino mang pumasok dito.

Walang balak ang Bloddy Emperor na hayaang gambalain ng sino man ang kanyang pagpapahinga.

At matapos makalagpas sa gate, napansin ni Marvin na tila walang kinalaman ang nangyayari sa labas ng ng kwartong ito sa loob nito

Hindi marinig ni Marvin ang ingay ng labanan sa labas.

Hindi pa makasunod ang Black Knight sa ngayon.

Sa buong kwasrto, ang tunog lang ng pagduron ng mga paa ni Marvin sa mga buto ang maririnig.

Bukod dito, halos nakakabingi na ang katahimikan dito.

May ilan sigurong magdadalawang-isip pero dahil sa willpower at tapang ni Marvin, hindi niya ito iniinda.

Simple lang ang layunin ni Marvin. Gusto niyang makuha ang Sodom's Blades.

At para makuha ang mga ito, kailangan niyang mahanap ang bangkay ng Bloody Emperor.

Napaisip si Marvin, 'Nasaan nga ba ang bangkay ng Bloody Emperor?'

Napakarami niyang nakitang kalansay diro at nakakita pa siya ng mga sandatang balot ng alikabok, pero walang nakitang espesyal si Marvin.

Ang Monk skill na [Earth Perception], ay tila hindi gumagana sa lugar na ito. Tanging ang mata lang ni Marvin ang maaari niyang magamit para maghanap.

Hindi nabanggit sa forum kung paano makukuha ang Sodom's Blades at ang sinabi lang doon ay ang Bloody Throne ang susi nito.

Kaya naman, nilapitan ni Marvin ang Bloody Throne.

Ang likod ng Bloody Throne ay nakaharap kay Marvin, at habang tinitingnan niya ito, isang kakaibang bagay ang pumasok sa kanyang isipan. 'Hindi ba't sinabi doon na nakalagay ang bangkay sa parehong lugar kung nasaan ang Bloody Throne?'

'Bakit hindi ko makita?'

Nakaisip siya ng ideya, kaya nilalagpasan niya ang ilang tumpok ng buto at umikot siya papunta sa kabila nito.

Isang mababaw na bakas ng kanyang dinaan ang namuo sa mga tumpok ng buto.

Bakas ng mga piraso ng buto.

Biglang tumigil si Marvin!

Nakatuon ang kanyang paningin sa trono!

Makikita ang pagkamangha sa kanyang mukha.

'Ito…ang Bloody Empeor?'

Nakakita nga talaga siya ng bangkay sa trono!

Pero mayroong kakaiba sa bangkay.

Hindi ito ang inasahan ni Marvin.

Hini naisip ni Marvin na ang ang Tyrant na nagbuklod sa buong Underdark ay isang maliit na tao lang.

Siguradong Human ito na nagmula sa Underdark, pero napakaliit lang nito, hindi pa ito umaabot sa 150 cm.

Tumagal nang ilang segundo ang pagkagulat ni Marvin bago ito natawa, 'Ang liit lang pala ng Bloody Emperor?'

'Sinong nagsabi na hindi pwedeng maging isang Tyrant ng isang emperyo ang isang maliit na lalaki?'

Sigurado siya na ang maliit na bangkay na bahagyang nakadantay sa trono ay ang Bloody Emperor.

Dahil bukod sa maitim at maalikabok na pares ng curved dagger, mayroon rin siyang nakitang Blood Jade.

Ang [Ruler's Blood Jade]. Isa itong item na ginagamit para patunay ng pagpapamana ng katauyuan ng pagiging isang Ruler. Sinasabing mayroon itong nakakatakot na kapangyarihang nakatago sa loob nito.

Sa kasamaang palad, noon pa man ay magulo na ang Underdak, at matapos ang pagkamatay ng Bloody Emperor, agad na bumagsak ang emperyo. Muling nalubog sa kaguluhan at nahati ang Underdark.

Hindi na gaanong nag-isip si Marvin at inabot at kunuha na niya ang Sodom's Blades.

Mayroon siyang respeto sa lakas ng Tyrant, pero paubos na ang kanyang oras kaya hindi siya maaaring tumitig nang matagal.

Siguradong kasunod niya na si Black Knight Sangore.

Hinawakan niya ang hawakan ng dagger, pero nang kukunin niya na ito,… isang tuyot na kamay ang humawak sa braso ni Marvin.

Nagulat si Marvin!

'May ibang bagay dito?'

"Ang Scorched Hell ay isang nakakamanghang lugar."

Sa labas ng daan papasok ng Tomb, kaswal na nagsasalita si Saydis, "Nabalitaan ko na napugot ang ulo ng master mo maraming taon na ang nakakalipas, pero nabawi na niya ito."

Sumimangot si Blackhand.

Maaaring nagsisiyasat pa rin ito, pero ang sinadya niyang sabihin ang huli niyang sinabi.

Ang Archdevil na si Diross ay isa sa siyam na Ancient Angel na nagtatag ng Nine Hells. Hindi maaaring maliitin ang kanyang lakas. Pero ang nangyaring iyon ay pinagbabawal na pag-usapan sa Scorched Hell.

Sa mundong ito, kakaunting tao lang ang nakakaalam na nahuli ang ulo ni Diross at ginamit ito ng isang clan sa Feinan.

Noong mga taon na iyon, magkakaalyansa pa ang Nine Hells. Dahil kung hindi, noong mga panahon na iyon na walang Archdevil na isinisillang, maaaring nasakop na sila.

Ngayon, nagbalik na si Diross.

Pero kaunti lang ang nakakaalam na ang kasalukuyang Diross ay hindi na ang makapangyarihang Angel na nagtatag ng Scorched Hell.

Syempre, alam ito ni Saydis.

Nalaman niya ang sikretong ito ng Scorched Hell mula mismo sa bibig ng kanyang ama at kaya madalang na itong magpakita ng paggalang sa mga Devil ng Scorched Hell. Para naman sa mababang Devil na ito na nasa harapan niya, nandidiri na siya rito kahit tinitingnan niya lang ito.

Malaking bahagi nito ay dahil sa pagkainip niya sa hindi pagpasok sa Tomb. Pinaghandaan ng sinungaling na iyon ang mga Devil, kaya kung basta-basta na lang siyang pumasok, maaaring makulong siya doon habang-buhay.

Kaya naman, wala siyang magagawa kundi maghintay sa labas kasama ang mababang Devil na ito.

Idagdag pa rito na hindi niya maaaring saktan ang Devil na ito dahil nasa loob sila ng Devil Town. Masama ang timpla ni Saydis, kaya nanghamak at nangutya na lang ito.

Kumpara kay Saydis, mas mahinahon naman si Blackhand. "Makakarating ang opinyon ni Sir Saydis sa aming Lord.

Tinitigan siya ni Saydis. "Ginagamit mo si Diross para pagbantaan ako? Sino ka ba sa tingin mo!"

Walang emosyon na sinabi ni Blackhand, "Hindi ako mangangahas."

Ngumisi si Saydis, "Kahit na hindi ko alam ang pinaplano mo, kakaunting tao lang ang nakakakilala tulad ng pagkakakilala ko sa mandarayang 'yon!"

"Ganoon ba kaganda ang Sodom's Blades? Sa tingin mo basta na lang siyang namatay at hindi nag-iwan ng kahit ano para protektahan 'yon?"

Tahimik lang si Blackhand. Tama naman ang sinasabi nito. Kung mayroong nakakakilala sa Bloody Emperor nang husto, siguradong si Saydis iyon.

"Ano ba ang iniwan niya?" Direktang tanong ni Blackhand.

Saglit na natahimik si Saydis bago tumawa, "Ang Spirit niya."

'Ang Spirit niya? O iba pa?!'

Sa katunayan, nang pumasok ang ideyang ito sa isipan ni Marvin, agad niyang naisip na imposible ito!

Ang Spirit ay isang bagay na hindi maaaring iwan.

Sa haba ng kasaysayan, iilan lang ang humiling at pinayagan ng Plane Will na panatilihing nabubuhay ang kanilang Spirit sa ibang paraan, para makawala sa Underworld. Pero isa itong mahirap na bagay.

Ang katawn ni Marvin ay mayroong nakakabit na spirit inheritance!

Pero iyon ay sa Night Monarch!

Pinamunuan nito ang mga Human at sa iba pang race sa pag-alis mula sa Wilderness at gumawa ng kaayusan sa ancient time. Ito ang tunay na Monarch.

Makapangyarihan ang Bloody Emperor, pero hindi sapat ang kanyang lakas para iwan ang kanyang Spirit.

Subalit, makita ni Marvin na nagsisimula nang lumobo ang bangkay, at ilang maitim na laman ang lumitaw mula sa kawalan, unti-unti nitong pinupunan ang mga kalansay.

Pahigpit nang pahigpit ang pagkapit ng kamay na humawak sa braso ni Marvin. Wala siyang magagawa kundi tanggapin ito!

Hindi lang ito basta isang bangkay na muling nabubuhay!

Kundi isang nakakatakot na Spirit.

Sa isang iglap, bukod sa walang humpay na pagmumura sa nag-iwan ng post sa forum, pumasok din sa isip ni Marvin ang napakaraming spekulasyon sa kung paano naiwan ng Bloody Emperor ang Spirit niya.

Pero katotohanan na ito!

Hinila niya ang kanyang kamay palayo at tumakbo siya sa tumpok ng mga buto!

Naramdaman ni Marvin na kailangan niyang lumayo mula sa trono!

Kahit na labis na humina ang kanyang Perception sa loob ng kwartong ito, naramdaman pa rin ni Marvin na mapanganib ang nilalang na ito.

Ang Spiritual Possession ng isang katawan ay hindi muling pagkabuhay. Bahagi lang ito ng Spirit na kumakabit sa isang pisikal na katawan.

Alam ni Marvin na hindi lang basta-basta ibibigay ng Tyrant na ito ang Artifact na ito, pero kung alam niya lang na ang pagsubok ay ang pagharap sa Spirit ni Sodom, hindi na sana siya pumasok sa lugar na ito!

Alam niya rin ang tungkol sa kapangyarihan ng isang Spirit.

Noong hindi pa siya isang Legend, nagawa niyang mapatay si Madeline dahil sa tulong ng spirit imprint ng Night Monarch!

Kahit na nabigla rin si Madeline sa kanyang pag-atake, tumatak sa isipan ni Marvin ang nakakatakot na kapangyarihang ipinamalas ng Spirit nito.

Isang bahagi lang iyon ng Spirit ng Night Monarch, isang bahagi lang. Ang malaking bahagi ng kanyang kapangyarihan ay iniwan sa isang stone tablet sa tomb nito.

Ang kapangyarihan ng Night Walker advancement ay nagmumula sa walang patid na pagdalit ng Spirit ng Night Monarch.

At ngayon, kailangan harapin ni Marvin ang Spirit buo pa ang lakas.

Noong 3rd Era, kilala ang taong ito bilang Sovereign na kayang pumatay ng mga God!

Habang iniisip ito, isang nakakapangilabot na takot ang pumasok sa isip ni Marvin, sinubukan niyang tumakas!

Kasing bilis ng kidlat ang kanyang pagkilos at sa isang iglap, nasa harapan na siya ng gate!

Isang hakbang na lang at makakatakas na siya.

Pero hindi na niya ito nagawa.

Isang madugong liwanag ang lumabas mula sa kawalan at tumigil ang katawan ni Marvin, dahil sa isang iglap, ang lugar sa harap ni Marvin at nawasak!

Mayroong matalas na patalim ang sumira sa mismong Space, nahagip pa ang mukha ni Marvin, at nasugat ito!

Tumalsik ang dugo at nakaramdam si Marvin ng sakit.

Agad na umatras si Marvin.

Ang maliit at tuyot na bangkay ay hawak ang mga dagger at mayroon itong binubulong habang walang pag-aalinlangan itong umatake!

May pait sa ngiti ni Marvin, pero hindi pa rin siya nagpapatinag

Tumalikod siya at binunot ang kanyang mga [Azure Leaf] dagger, at harapang sinalubong ang kalaban.

"Ting! Klang! Peng!"

Matapos ang tatlong pagsasalubong, hindi makapaniwala sia Marvin sa kanyang nakita…

Ang dagger ng Great Elven King…

Ay nabasag!