webnovel

Snow Demon Lair

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Kanina.

Mula sa tuktok ng bundok, pinagmasdan lang ni Marvin ang tatlong taong nakapalibot kay Wayne. Muling lumalakas ang hangin at pagbagsak ng nyebe, kaya kahit nakita nila si Marvin, hindi gaanong maaninag ang kapaligiran.

Pero si Marvin na nasa mas mataas na posisyon, kahit papaano ay mas malinaw niyang nakikita ang mga ito.

Siya ang nagsabi kay Wayne na piliin ang spell set up na 'yon. Kung lalaban na sila ngayon, siguradong hindi ito magiging maganda!

Dahil masyadong matindi ang set up ni Marvin!

Kaya naman walang magagawa si Wayne kundi tumakbo.

'Masyadong malaki ang tiwala sa akin ni Wayne, hindi ko siya pwedeng biguin.'

'Bahala na! Maganda naman ang balance ko. Naniniwala akong suswertehin rin ako!'

Kita ang pagiging desidido n Marvin sa kanyang mga mata.

Lahat ng kanyang mga pinagdaanan niya mula noong nag-transmigrate siya, nalampasan niya dahil sa matinding pagpaplano at walang palya niyang pagsasagawa ng mga ito. Halos lahat ay napagdaanan na niya.

Pero ngayon, wala siyang magagawa kundi magbakasakali.

Lalo pa't nanganib si Wayne dahil nagtiwala ito sa kanya. Gayunpaman, kailangan niyang protektahan si Wayne!

"Laban na!"

Huminga ng malalim si Marvin at biglang tumakbo papunta sa shield na nasa lupa!

Tama, ang shield!

Ang dalawang metrong shield ay naroon pa rin matapos mamatay ng Guardian!

Hindi gaanong mabigat ang shield. Ito'y dahil hindi nakala ng Guardian na makakaharap ito ng mga taong may pambihirang lakas sa Battle of the Holy Grail. Dagdag pa rito na mayroong tatlong Wizard kaya mas pinili niya ang shield dahil magandang ang Magic Resistance nito.

Kaya halos hindi sapat ang lakas ni Marvin para buhatin ito!

Pero imposible rin niyang maniobrahin ito dahil medyo mababa lang ang kanyang strength.

Itinulak niya ang shield sa dulo ng pababang daan na ballot ng nyebe at iniayos ang posisyon nito.

Saka niya ito itinulak pababa saka tumalon at sumakay dito!

Tama, sinakyan ni Marvin ang Shield. Mabilis siyang nagpadulas pababa ng matarik na daanan!

Hindi na niya inisip kung ano ang mangyayari.

Maayos ang balance ni Marvin at mataas rin ang kanyang dexterity, pero hindi pa rin ganoon kadali ang ginawa nito.

Kung mayroong trosong nakatago sa dadaanan niya… maaaring maaksidente siya!

....

Halos mapasigaw si Kate nang makita niyang tumalon si Marvin mula sa tuktok ng bundok!

"Masyadong delikado!" Hindi niya mapigilang magkomento.

"Anong nangyari?" Gulat na tiningnan ni Lohart si Kate.

Saka lang napansin ni Kate na hndi na niya napigilan ang kanyang sarili at bahagyang napailing na lang.

Takang-taka si Lohart. Pero nang tumingin siya muli sa isa pang screen, natigilan siya!

Dahil makikita sa Magic screen ang isang aninong kasing bilis ng kidlat sa pag baba ng bundok. Wala pang tatlong minute ay naabot na nito ang tatlong kalahok!

Masyadong mabilis!

"Anong nangyari?" Napatayo dahil pagkabahala si Lohart mula sa kanyang kinauupuan!

Nanlaki ang kanyang mga mata, at mas matindi pa sa reaksyon ni Kate ang naging reaksyon niya!

Sinakyan ni Marvin ang shield at pilit na binabalanse ang sarili.

Humahampas ang mga nyebe sa mukha niya habang pababa siya, at may ilang piraso rin ng yelong kasama!

"Woosh!""Woosh!"

May ilang malalim na sugat sa kanyang mukha.

Mas bumibilis ang pagdausdos ng shield!

Hindi kumurap si Marvin at hinayaan niyang ang kanyang pilikmata ang sumalubong sa mga neebe. Hindi niya inalis ang tingin niya sa posisyon ni Wayne!

.

Nahirapan siyang manipulahin ang shield, walang preno lang siyang dumudulas patungo sa mga taong nasa may ibaba.

!

Sa isang iglap, naabot na niya ang dulo ng daanan!

"Wayne!" Sigaw nito!

Ikinagulat naman ng tatlo ang sigaw na ito. Pero masyadong mabilis ang pagbulusok ni Marvin at nabigla ang mga ito.

Bago pa man sila makapag-isip, nilampasan na sila ni Marvin!

Agad rin nitong ipinamalas ang kanyang Rope Master na ability.

Sadyang makapangyarihan ang Wishful Rope na hawak nito.

Isang paghatak lang ay nahila na si Wayne patungo sa sinasakyang shield ni Marvin!

Agad na naglaho ang dalawa pababa ng bundok.

Naiwan ang tatlo na hindi maintindihan kung ano ang nangyari!

Nagkakagulo ang mga manunuod.

Hindi nila inakalang ganito katindi ang magiging simula ng Battle of the Holy Grail ngayong taon.

"Diyos ko! Hindi ako makapaniwalang nasaksihan ko 'yon…"

"Nagawa niya! Nagawa niya! … Sledding expert ba ang Baron Marvin na 'yon?"

"Nakakamangha rin ang rope skill niya! Hihingi ako ng payo sa kanya mamaya!"

"Napakagaling! Tingnan niyo yung mukha noong tatlo, hindi nila alam kung anong nangyari, para silang nakakita ng multo!"

Hindi mapigilan ng ilang noble na isigaw ang pangalan ni Marvin!

Habang ang iba naman, tuwang-tuwa rin nanunod!

Kahit na wala pang dalawang minute, nakatuon na ang atensyon ng lahat kay Marvin.

Tila bas a isang iglap naging si Marvin ang bida.

Pinanuod nilang mabuti si Marvin, sabik sa kung anong susunod na gagawin nito!

"Napakagaling." Nagningning ang mga mata ni Hathaway.

Higit pa sa inaasahan ni Hathaway ang ipinakitang husay ni Marvin. Walang naka-isip na gamitin gna shlied ng guardian para doon.

Sa malawak na snow mountain, Binuhat ni Marvin si Wayne at bahagyang yumuko habang mabilis silang dumudulas pababa!

Hindi pa sila ligtas sa panganib.

Masyadong mabilis ang takbo at hindi lang nila ito basta-basta kayang patigilin. Tila isa na itong tunay na sledge na walang preno.

"Kuya! Wala akong makita!" Nahihirapang sigaw ni Wayne.

"Kumapit kang mabuti!" Sigaw ni Marvin.

Tila may nakikita siya kagubatan sa di kalayuan!

Kapag hinayaan niyang sumalpo sa isang puno ang shield habang mabilis ang takbo nito, siguradong mamamatay ang magkapatid.

Kaya kailangan na niyang makakita ng malinaw.

Huminga ng malalim si Marvin at tinuon ang pansin sa kanyang kapaligiran.

Nakita niya ang dalawang matangkad na puno sa magkabilang panig.

Inihanda niya ang kanang mga kamay para maibato ang mga Wishful Rope.

"Sige Kuya!" Sagot ni Wayne habang hinihigpitan ang kapit sa baywang ni Marvin.

'Hindi ako pwedeng pumalya!'

Pagpasok na pagpasok ng shield sa gubat, inihagis ni Marvin ang parehong lubid!

Pumulupot ito sa mga puno na nasa magkabilang-panig.

!

Kasabay nito, tumalong si Marvin gamit ang magkabilang paa, at tumalon mula sa shield!

Dahil may karga-karga siya, hindi kasing lakas gaya ng dati ang kanyang pagtalon. Pero sapat na ang ginawa niya para maka-alis mula sa shield.

Tuloy-tuloy namang dumausdos pababa ang shield, nagkalat ang nyebe dahil dito. At halos maputol nito ang mga puno sa tuwing may madadaanan siya sa may kagubatan.

At silang dalawa naman ay nakaligtas dahil sa Wishful Rope na dala nila.

Pero kahit na ganoon, lumilipad pa rin sila pa-abante, at tinanggal ni Marvin ang mga rope bago pa man lumapag sa lupa.

"Pshh!"

Bumagsak sa nyebe ang magkapatid habang yakap ang isa't isa.

Kahit na magkasugat-sugat sila, maswerte pa rin silang buhay pa sila.

Si Marvin na hinawakan si Wayne ay binitawan na ito. Saka ito biglang tumayong muli.

Hinimas ni Wayne ang kanyang ilong na humampas kay Marvin bago tuluyang tumayo muli.

Tiningnan ng dalawa ang dinaanan ng shield at hindi napigilang mapabuntong-hinginga.

Nag-apir ang dalawa. Pagtingin ng mga ito sa itaas ay nakita nilang napakalayo na nila sa tatlo nilang kalaban.

"Buti na lang natakasan natin sila." Pilit na ngumiti si Wayne. "Akala ko talaga mamamatay na ko."

"Pero alam kong ililigtas mo ako, kuya."

"Tapos ayun na nga, dumating ka."

Ngumiti rin si Marvin. "Kahit na medyo minalas tayo noong simula, mukhang nagiging maayos na ang lagay natin ngayon."

Itinuro nito ang gubat at sinabing, "Hindi naman tayo nalayo sa tunay na pakay natin."

Tumango si Wayne.

"Tara na, habang malayo pa sila," sabi ni Marvin.

Agad namang tumakbo ang dalawa patungo sa kabilang dulo ng gubat.

...

"Pucha, nakatakas pa rin ang kumag na 'yon?"

Galit na galit na tinitingnan ni Lohart ang magic screen. Habang nakahinga rin ng maluwag ang iba pang manunuod dahil nakatakas ang magkapatid!

Karamihan sa mga ito'y unti-unti nang sinuportahan sina Marvin at Wayne!

Dahil magmula nang magsimula ang Battle of the Holy Grail, lahat ng kapana-panabik at makapigil-hiningang kaganapan ay dahil kay Marvin.

Una, ang paghaharap niya at ng Guardian, nagulat ang lahat sa husay ng paggamit niya ng kanyang mga dagger!

At ang pagkatanggal ng armor ng Guardian na hinding-hindi malilimutan ng mga manunuod.

Kailanman ay hindi pa nakikita ang ganitong taktika sa buong Feinan, dahil isa itong player made skill, ang paggamit ng mga puwang sa pagitan ng mga patong-patong na armor para was akin ito. Kailangan nito ng mahusay na blade skill at magandang sandata! At ginamit nga ni Marvin ang kangyang Blazing Fury na amyroong [Shatter] property. Tanging isang sandatang ganito katalim ang makakagawa nito.

At pagtapos naman noon, ang pagpapadulas niya pababa ng bundok gamit ang shield.

Sino ba namang makakaisip na gamitin ang shield ng isang Guardian bilang isang sledge? At hindi lang ito sinubukan ni Marvin, kundi matagumpay niya rin itong nagawa!

Nagawa ring tumigil ng magkapatid sa kalagitnaan ng bundok.

Pero sapat na ang unang 30 minutong ito para mapasaya nila ang mga manunuod.

Mas lalong nagpupuyos sag alit si Lohart habang naririnig niya ang pagpuri ng mga tao sa husay at galing ng skill ni Marvin.

Naparito siya dahil sa utos ng kanyang clan. Kailangan niyang gawin ang lahat para madispatya si Marvin at Wayne upang mapatunayan ang lakas ng Unicorn clan!

Siya mismo ang pumili ng Gemini killer na ito. Kaya niya rin naisipan na sa Battle of the Holy Grail gawin ang pagpatay at hindi isang simpleng assassination lang, ay para makita ng maraming tao kung gaano kalakas ang Unicorn clan ng buong East Coast.

Pero sino ba namang mag-aakala na si Marvin pa pala ang magiging bida sa palabras na ito?!

Uminit ang ulo niya dahil dito.

"Hindi sila makakatakas!"

"Sinusumpa ko!" Nagngalit ang ngipin ni Lohart habang pinapanuod ang magic screen.

Sumimangot si Kate at biglang sinabi, "Pasensya na, medyo masama ang pakiramdam ko. Mauuna na ko."

Bahagyang nagulat si Lohart pero tumango rin ito.

Tumayo si Kate at umalis.

Kailangan niyang makahanap ng lugar na malayo kay Lohart!

....

Sa dulo ng gubat, nakarating sina Marvin at Wayne sa isang yungib na hindi naman gaanong tago.

"Sa wakas." Nakahinga ng maluwag si Marvin.

Nasa higit isang dosena ang mga yungib na malapit sa snow mountain.

'Magiging mas madali na ang susunod na plano dahil nahanap na natin ang yungib.'

Magagamit na nila ang mga lagusang nahanap ng mga manlalaro noong sumasali sila sa Battle of the Holy Grail.

Kahit na medyo hindi maganda ang kanilang naging simula, ngayong umabot na sila dito, kailangan na lang nilang tapusin ito.

"Tara na, ihanada mo na ang sarili mo para gamitin ang mga spell mo." Tumango si Marvin kay Wayne. Agad naman sumunod si Wayne sa kanyang kapatid.

Pumasok ang dalawa sa yungib.

Tandang-tanda ni Marvin na may pugad ng mga Snow Demon sa bawat yungib.

Kuta talaga ng mga Snow Demon ang mga yungib na ito!