webnovel

Skills and Specialties

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Dalawang specialty ang sabay niyang nakuha!

Hindi ito inaasahan ni Marvin.

Mas mahalaga kasi ang mga specialty kumpara sa skill. Karamihan sa kanila'y maganda ang mga epekto at kapaki-pakinabang.

Tungkol naman sa kanyang labang, ibinigay ni Marvin ang lahat ng makakaya niya.

Buong laban niya'y nasa bingit siya ng kamatayan. Kung di dahil sa Vine Metamorphosis, baka namatay na siya!

At dahil napukaw ang kanyang potensyal sa laban, nakakuha siya ng dalawang specialty.

.

Una na dito ang Endurane.

.

[Endurance]: Magkakaroon ka ng willpower check kada 10 minuto matapos makatanggap ng pinsala. Kapag matagumpay ang check, hindi mo na iindahin ang sakit.

Isang malakas na specialty!

'Kaya pala hindi ko naramdaman ang sakit noong mga oras 'yon.'

May biglang napagtanto si Marvin. Naalala niyang hindi na niya naramdaman ang pagbaba ng stamina, pagkawala ng balanse, at ang sakit noong tumagal-tagal.

Ayun pala'y epekto ito ng specialty.

Magkaiba mang ang specialty na ito at ang [Tenacity] ni Ana, pareho naman ito ng epekto. At pareho rin itong specialty na inaasam-asam ng mga melee class holder.

Kadalasan, malaki ang nagiging impluwensiya ng nararamdaman sakit sa mga tao, lalong-lalo na sa isang laban.

Pwedeng maapektuhan ng sakit na 'to ang bawat galaw, at maaari nitong mabago ang kahihinatnan ng laban.

Kahanga-hanga specialty talaga ang Endurance at kadalasan ay nakukuha ito ng mga warrior na madalas masugatan. Maswerte si Marvin at nakakuha siya ng ganitong specialty.

Ang pangalawang specialty naman niya's Burst.

[Burst]: Hindi tugma ang matatag na kaluluwa mo sa iyong mahinang katawan. Maaari mong malampasan ang limitasyon ng iyong katawan. Subalit, mayroong itong malalang epekto sa iyo pagkatapos.

Bibihirang makita ang specialty na Burst dahil basta-basta na lang ito dumarating.

Walang itong limitasyon sa paggamit, pero alam ni Marvin na kaunting beses niya lang ito maaaring gamitin.

Siguradong resulta na ng Burst ang huling Shadow Step na ginamit niya sa laban!

Nagawa niyang iwasan ang palaso dahil sa Burst, pero nabalian naman siya ng paa dahil dito.

Mahalagang specialty rin ito kay Marvin, lalo pa at maaari niya itong gamitin kahit kailan niya gusto.

'Magsasakripisyo ka ng 800 na damage para makapagdulot ka ng 1000…Pwedeng magamit para sa isang three hit combo..hmm…'

Nauunawaan ni Marvin ang sikreto ng specialty na ito.

Saktong-sakto ang specialty na ito para kay Marvin. Dati pa gumagamit ng burst strength ang mga dual wielding na ranger.

Maliit na bagay lang ang kaunting baling buto o sugat!

Basta lumamang siya sa kanyang kalaban, siguradong siya na ang mananalo!

Nangunguna pagdating sa medisina ang Feinan, lalong-lalo na pagkatapos ng Great Calamity. Ibat't ibang uri ng church ang naitayo at bumaba ang presyo ng mga priest.

Mas naging mura ang mga healing divine spell kumpara dati.

'Dalawang kapaki-pakinabang na specialty…'

'Lalong tumaas ang fighting strength ko.'

Tuwang-tuwa si Marvin, pero bahagyang napawi ito dahil sa sakit na nararamdaman niya.

Nakabaon pa rin ang palaso sa kanyang balikat, kalahati na lang ang natitira sa kanyang HP, at nabalian ang magkabilang paa niya. Masama na ang lagay niya.

Kung hindi siya inalalayan ni Sean maglakad, baka gumapang na siya pabalik.

Eto ang matinding kapalit ng paggamit ng burst.

Pero malaki rin naman ang nakuha niya. Bukod sa nakuha niyang mapa ng kayamanan sa archer, nakakuha rin siya ng hindi bababa sa 1650 battle exp.

Malaking halaga ng exp ang kailangan sap ag-advance, kaya naman matagal na itong pinaghahandaan ni Marvin. Hindi bababa sa 6000 ang advancement experience para maging isang Night Walker.

Mas marami, mas mabuti.

"Mahusay ang fighting strength mo. Nakita ko rin ang bagsik mo sa pakikipaglaban."

Ang abalang-abalang blacksmith ay biglang dumatin, at wala itong ibang nasabi kay Marvin kundi mga papuri.

Kinayang patayin mag-isa ng 14 anyos na bata ang limang thief, kahit na hiwa-hiwalay niya ito nagawa, pambihira pa rin ito.

'Nararapat lang sa isang seer,' sabi ni Sean sa kanyang isip.

'Muling babangon ang mga Night Walker.'

"Natapos mo na ang unang pagsubok. Kwalipikado ka nang maging miyembro ng mga Night Walker," ika ni Sean.

Kasabay nito, pinahinto ni Sean si Marvin para putulin gamit ang kutsilyo ang ulo ng palasong tumagos sa balikat ni Marvin. Saka nito buninot ang buntot ng palaso sa balikat ni Marvin!

Sumirit ang dugo!

Mabilis na bumaba ang HP niya!

Nanlamig ang pawis ni Marvin dahil sa sakit na nadarama niya sa buong katawan niya. Kinuyom ni Marvin ng mahigpit ang kanyang mga ngipin para pigilan ang sariling sumigaw.

At sa mga oras na 'yon niya naunawaan ang pinagkaiba ng laro sa tunay na mundo!!

Inilagay ni Marvin sa 1% ang level of pain sa laro!

Pero nararanasan na niya ngayon ang tunay na sakit!

Wala siyang naramadamang sakit dati noong di pa siya nakakatamo ng malubhang pinsala. Pero ngayong gabi, damang-dama ni Marvin ang sakit!

Nagawa pa rin niyang hindi sumigaw.

Binendahan ng matandang blacksmith ang mga sugat ni Marvin. Metikuloso at mahusay ang kanyang bawat galaw. May inilagay itong halamang gamot.

Agad na tumigil ang pagdudugo ng mga sugat nito.

Sa ngayon, wala nang dapat ikatakot si Marvin.

"Panuorin mo ang ginagawa ko. Baka magamit mo sa susunod," sabi ni Sean kay Marvin.

Tumango si Marvin, nang biglang may log window ang lumabas:

[Napanuod mo ang Quick Bandage ng isang First Aid Master at naintidihan ang skill. (1/3)]

'Ha? Anong ibig sabihin nito?'

Biglang may naisip si Marvin at nagtanong kay Sean, "Pwede bang ipakita mo ulit sa akin yung ginawa mo?"

Saglit na natigilan si Sean, Pero dahil sa sinabi ni Marvin, inulit niya uli ang kanyang ginawa.

Kahit na mailap ito sa tao, sa oras na mapansin at kinilala na nito ang kakayahan ng isang tao, pakikisamahan na niya ito.

Walang kaduda-dudang nahuli n ani Marvin ang simpatya ni Sean dahil sa ipinamalas niya ngayong gabi.

Pinanuod ni Marvin ang ginagawa ni Sean ng mabuti, at biglang lumitaw ang log.

Pero sa pagakataong ito, naging (2/3) na ang kaninang (1/3) lang.

Isa pa?

Nahihiya na si Marvin pero muli itong nakiusap, "Pwede bang isa pa?"

.

Bahagyang nainis si Sean.

"Ano bang ginagawa mo?'

Maingat na sinabi ni Marvin na, "Gusto kong matutunan ang Quick Bandage skill."

"Niloloko mo ba ko?" Galit na sabi ni Sean. "Kahit na simpleng skill lang ang Quick Bandage, kakailanganin pa rin nito ng isang linggong pagsasanay. Sa tingin mo matutunan mo 'to nang paulit-ulit na panunuod lang?"

Nag-aatubiling sumagot si Marvin pero sa huli sinabi nitong, "May iba't ibang kakayahan ang mga seer."

Biglang natahimik si Sean. Saka nito inulit ang ginawa.

Agad namang pinanuog uli ito ni Marvin ng mabuti.

Biglang lumabas muli ang log window:

[Napanuod mo ang Quick Bandage ng isang First Aid Master at naintidihan ang skill. (3/3)]

[Naunawaan mo sa pamamagitan ng panunuod – Quick Bandage]

[Gawing personal skill ito gamit ang 100 battle exp!]

Sige!

Tuwang-tuwa si Marvin.

Maliit na bagay ang 100 battle exp. Malaki ang pakinabang ni Marvin sa paggamit ng mga benda at hemostatic para sa Quick Bandage.

Lalo na sa mahaba at matinding laban!

Agad niyang ginamit ang 100 battle exp at lumabas naman agad ang [Quick Bandage (45)] sa skill list niya.

'Isang high level skill… Mukhang may koneksyon 'to sa [First Aid Master] na titolo ni Sean,' sabi ni Marvin sa kanyang isip.

Nakatulala lang si Marvin habang kitang hindi na natutuwa si Sean. "Totoy, anong ginagawa mo? Nasiraan ka ba ng ulo sa laban?"

Agad na bumalik sa ulirat si Marvin at sinabi kay Sean na,"Akin na kamay mo."

Nag-aalinlangang ibinigay ni Sean ang kamay.

Agad na pinulot ni Marvin ang hemostatic at benda at walang hirap na binendahan ang kamay ni Sean sa loob lang ng 30 segundo.

Kung may sugat ito, titigil agad ang pagdudugo nito at magkakaroon ito ng epekto na magpapagaling sa sugat!

"Ano!"

"Paanong nangyari 'to?"

"Toy, niloloko mo ba ko?"

Sumimangot si Sean!

Hindi siya makapaniwalang natutunan ni Marvin agad-agad ang Quick Bandage!

Tinuruan pa si Sean ng isang Night Keeper na dalubhasa sa panggagamot. Mayroon ring titolong Master si Sean!

Gayunpaman, parehong-pareho ito sa ginawa ni Sean!

Taliwas ito sa lahat ng naranasan at nalalaman niya!

"Punyeta…"

"Mga hindi talaga normal ang mga seer!" Nagmumurang sabi ni Sean.

Sinimulan na nitong gamutin ang pa ani Marvin.

Nagkibit-balikat lang si Marvin.

'Hindi naman talaga ako seer.'

'Nag-transmigrate lang talaga ako.'

Habang iniisip ito, bigla siyang nakaramdam ng matinding sakit sa kanyang paa!

"Ah… Dahan-dahan lang!" Napasigaw si Marvin!

"Manahimik ka nga! Ang art emo." Galit-galitang sabi ni Sean.

Pero sa loob-loob niya'y natatawa siya sa kanyang ginawa.