webnovel

Shadow

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Glynos!

Madalas isipin ni Marvin ang kanyang kalaban magmula noong sa Saruha.

Ang God Realm ng Shadow Prince ay napasabog ng isang missile na ginawa ng mga Ancient Gnome, at alam ito ng lahat ng tao.

Umabot na sa punto na kahit si Marvin ay nakaligtaan na si Glynos.

Pero ang aninong ito… Sigurado siyang hindi siya nagkakamali.

Siguradong ito ang mas mahinang bersyon ng Divine Source ni Glynos.

Sa laro, direktang nasaksihan ni Marvin ang Divine Source ni Glynos nang pinatay niya ito.

Tumatak ito sa kanya at hindi na niya ito nalimutan.

Tiningnan niya ang anino sa kamay ni Old Ent, at hindi mapigilang sabihin, "Shadow Prince!"

Makikita ang gulat sa mukha ng lahat ng Great Druid.

Mabagal na sabi ni Old Ent, "Kung nariyan pa nga si Glynos, siya talaga ang una naming paghihinalaan."

"Pero dahil sa missile, nahimbing na siya sa isang mahabang pagtulog at siguradong hindi na siya banta sa World Tree."

"Kahit na gustuhin niyang nakawin ang Nature Power, hindi niya magagawang makapasok sa World Tree."

Sumimangot si Marvin.

Wala siyang paraan para makumbinsi ang mga Druid.

Hindi naman niya maaaring sabihin na nakita na niya ang itsura ng Divine Source ni Glynos sa dati niyang buhay, hindi ba?

Pero nararamdaman niya na si Glynos nga ito!

'Nabuhay pa siya.'

'Paano niya nagawa 'yon?'

Mas lalong naging listo si Marvin.

Mortal na magkaaway silang dalawa ni Glynos.

Kung tunay nga na muling nakabangon ang Shadow Prince sa pamamagitan ng paghigop ng Nature Power, kapag bumalik ito sa Feinan, siguradong siya ang una nitong pupunteryahin!

Isa pa, alam ni Marvin na ang pagtulog ng Ancient Nature God ay pagpapakitang tao lang.

Matapos ikonekta ng makapangyarihang God na ito ang kanyang katawan sa World Tree, umalis na ang kanyang kaluluwa at kamalayan sa kanyang pisikal na katawan para humanap ng bakas ng Wizard God sa Primal Chaos Fringe.

Kung nagawang malaman ni Glynos kung saang lokasyon nakatago ang katawan ng Nature God, maaari niya ngang mahigop ang Nature Power nang walang humahadlang sa kanya.

Pero syempre, hindi niya ito direktang hihigupn. Maaaring ginamit niya lang ang katawan ng Nature God bilang tulay para mahigop ang kapangyarihan ng World Tree.

Ganito rin ang ginawa ni Diggles.

Pero noong mga oras na iyon, may pagkabaliw na si Diggle. Para mahigop ang kanyang kapangyarihan, kinonekta niya ang kanyang buong plane sa World Tree.

Dahil di hamak na mas mabagal ang bilis ng kanyang paghigop, walang naging reaksyon ang World Tree ng Feinan. Pero ngayon, mas mabilis na nahihigop ni Glynos ang kapangyarihan kumpara sa Decaying Plateau!

Nauunawaan na ito ni Marvin. Nalagay sa bingit ng kamatayan si Glynos dahil sa missile, kaya kailangan niya ng malakas na kapangyarihan.

Ang isang God na nawasak ang God Realm ay parang isang walang hangang balon, sapat ang lalim nito para makakuha ng kapangyarihan sa World Tree hanggang sa manuyot ito.

Pero para naman sa pangunahing World Tree, hindi naman ito masyadong maapektuhan dahil sa mga Universe Law.

Agad na pumasok ang ideya na ito sa isip ni Marvin.

Kahit na isa lang itong hula, 80% siyang sigurado dito.

Itinago ng Nature God sa kaibuturan ng Universe ang kanyang katawan, at napunta rin si Glynos sa panghabang-buhay na exile.

Kung aksidente nyang nakita ang katawan ng Nature God, maaari nga talagang mangyari ito!

Habang mas iniisip ito ni Marvin, mas lalo siyang nagigingsigurado na ito ang posibleng paliwanag.

Lalo pa at bukod kay Glynos at sa kanyang sarili, kakaunti lang ang mga powerhouse na mayroong Shadow Domain. Pero sa mga iyon, wala sa mga ito ang may kakayahan na higupin ang kapangyarihan ng World Tree at magdulot ng ganoong epekto!

Ang Nature Power ay siguradong lumakas sa paglipas ng panahon. Sadyang hindi kakayanin ng isang ordinaryong tao na kunin ang kapangyarihan na iyon!

Ito ay isang bagay na si Glynos lang ang makakagawa.

Hindi na pinagpatuloy ni Marvin ang pagsasabi ng kanyang hinala. Bahagya niya lang binanggit ang isang bagay: Ang paghina ng Nature Power ay maaring hindi problema ng World Tree Feinan, sa halip ay maaaring problema ito para sa katawan ng Nature God.

Nagulat ang mga Great Druid sa hinuhang ito.

Hindi nila naisip na maaaring nakawin ng iba ang Nature Power sa pamamagitan ng makapangyarihang Nature God.

Pero matapos ang mabuting pag-iisip, napagtanto nila na ang Ancient Nature God ay matagal nang umalis sa mundong ito.

Ang kanyang mga kapangyarihan at prebilehiyo ay napunta na sa World Tree ng Feinan, at umabot na sa punto na ang Magic Nature System ay maaarin nang matutunan gamit ang mga Nature Leaf.

Kahit ang mga makapangyarihang Druid ay hindi kayang makipag-usap sa Ancient Nature God.

Kasama na dito si Heavenly Deer Lorant. Bago siya mag-descend, siya ang isa sa mga kinagigiliwang kasama ng Ancient Nature God.

Hindi rin magawang kumonekta ni Old Ent sa Acient Nature God.

Kung tunay nga na nahanap na ang pinagtataguan ng katawan ng Ancient Nature God, maaari ngang mangyari ang sitwasyon na iyon.

Dahil umabot na sa ganito ang mga bagay, ayaw nang makipagtalo pa ni Marvin sa Migratory Bird Council tungkol sa mga maliliit na detalye.

Lalo pa at nalaman na niya mula sa Migratory Bird Council na hindi pinarusahan si Endless Ocean, sa halip ay dinala siya ng isa pang Great Druid sa [Green Sea Paradise]. Susundan nila ang bakas ng Ancient Nature God doon at baka sakaling swertehin sila.

Sila Constantine at O'Brien naman, nauna nasilang umalis sa Jadeite City.

Nag-iwan sila ng liham para kay Marvin, at simple lang ang nilalaman nito. Mukhang mayroong problema sa Night Walker Stronghold sa Norte, kaya kailangan muna nila itong asikasuhin.

Alam n ani Marvin na mayroong Night Walker Stronghol sa hilagang-silangang bahagi ng kontinente, at bibihirang magpakita si O'Brien sa iba pang mga bahagi ng kontinente dahil madalas ay naroon siya at binabantayan ito.

Sa dakong hilagang-silangan, sa ilalim ng malaking bitak, ay mayroong naninirahang nakakatakot na Molten Clan. Sinasabi na nakikipag-usap daw ito sa ilang Abyssal Plane at madalas na mayroong mga Demon na lumalabas mula dito.

Dito rin sa lugar na ito dating naninirahan ang mga Dwarf.

Noong kamakailan lang ay mayroong Molten Overlord na pinugutan ng ulo si O'Brien doon, pero hindi niya inaasahan na magkakaroon uli kaagad ng panibagong problema.

'Mga Demon kaya 'yon?'

Tahimik na napailing si Marvin matapos niyang basahin ang liham.

Sandali siyang walang imik.

Hindi madali ang pinagdaanan niya at nagmadali pa siya para makarating sa Jadeite City pero wala na palang naghihintay sa kanya doon.

Umalis na rin ng Jadeite City si Shadow Thief Owl at nagtungo sa Lavis.

Tila nag-aalala pa rin ito sa labi ng kanyang lola.

Tanging si Old Ent, ang matandang nanlinlang sa kanya, ang nasa Jadeite City.

"Dahil alam niyo nang hindi ako ang nagnakaw ng Nature Power, pwede niyo naman sigurong ipahiram sa akin ang Long Distance Teleportation Array ng Jadeite City?"

"Gusto ko munang magpunta sa Lavis Dukedom."

Sinabi n ani Marvin ang kanyang hiling.

Dahil nagpunta pa siya dito Norte, minabuti na niyang tingnan ang kalagayan ng Lavis Dukedom.

Matapos ang pag-atake ng mga Demon, ano na nga ba ang kalagayan ng Sorcerer Country sa ilalim ng pamumuno ni Daniela?

Isa pa, ang Lavis ay malapit sa Three Cities ng Norte. Balak ni Marvin magpunta doon.

Hindi naging maganda ang unang pagkikita nil ani Valkyrie Eve noon. Talagang malaking abala ang kanyang taga-sunod noon, at muntik nang makatakas si Dark Phoenix dahil dito. Kung hindi lang sa eksaktong pagdating ni Hathaway, baka hindi nagtagumpay si Marvin na patayin si Dark Phoenix.

Syempre, hindi naman naghahanap ng gulo si Marvin. Malaki ang potensyal ni Eve, at maganda itong gawing isang lihim na kakampi.

Kahit na hindi sila makakabuo ng alyansa, kailangan pa rin niyang siguraduhin na hindi sila magiging magkalaban. Lalo pa at kakaunti lang ang mga tunay na powerhouse sa mundong ito.

Pero hindi niya inasahan na biglang itatanong ni Old Ent, "Interesado ba si Mister Marvin sa mga Nature Leaf?"