webnovel

Saint, Ruler, Mighty

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Isa itong halimaw na may katawan ng isang hayop at may mukha ng isang tao.

Mahinahon lang itong nakahiga. Kasing laki ng mga kamao ni Marvin ang mga kamay nito. Sa tabi ng halimaw ay may nakabaon na lumang espada sa lupa.

Tatlong daan ang nasalikuran nito.

Sa iba't ibang direksyon patungon ang bawat isa sa mga ito.

Huminga nang malalim si Marvin.

Ito na ang huling pagsubok ng Thorny Path.

Tapos na niya ang Pain at Fear.

Sunod na ang [Choice].

"Marvin," sabi ng kakaibang nilalang, napakalalim ng boses nito.

Kikilabutan ang sino mang makarinig nito.

Hindi alam ni Marvin kung ano ang pangalan ng halimaw na ito, pero alam niyang nandito ito para magbantay.

Kung hindi siya papayagang makalagpas nito, wala nang ibang paraan para matapos ang ikatlong bahagi ng Thorny Path.

Kaya naman lumapit siya sa halimaw at binati ito, "Magandang araw, Mister."

"Mister? Gusto ko ang katawagang iyan." Ginamit ng halimaw ang mala-dragon na kuko para kamutin ang likod nito kung saan makikita rin ang dalawang pakpak na nakatiklop.

Mukhang isang malakas na nilalang ito.

"Bilang isang Night Walker, sap ag-abot mo rito ay napatunayan mong kaya mong tiisin ang sakit at sapat ang willpower mo para labanan ang takot."

"Pero ang pagmamana ng ipamamana ng Night Monarch ay hindi ganoon ka-simple."

"Alam naman ng lahat na kapag may gusto kang makuha, kailangan mayroon ka ring isuko."

"Sabihin mo sa akin kung ano ang napili mo," sabi ng kakaibang nilalang.

Nanlalamig si Marvin sa bawat salitang sinasabi nito, pero patuloy pa rin siyang lumalapit dito, paunti-unti.

Mabagal siya pero banayad.

"Pipilii? Anong pipiliin?" Tanong ni Marvin kahit na alam na niya ang sagot.

Sa katunayan, may nakita na si Marvin na pampubikong video ng isang expert Night Walker dati. Parehong-pareho ang nangyari, alam niya na rin ang ibig sabihin ng tatlong daan sa likuran ng halimaw.

Ang expert noon ay tumigil rin doon ay pumili pero hindi ito nagtagumpay.

Kaya naman nagkaroon ng diskusyon ang mga tao sa kung ano ba dapat ang pinili nito. Pero pakiramdam ni Marvin ay nagkakamali ang mga ito.

Kung siya o sino mang manlalarong maingat ang nasa posisyon ng Night Walker na iyo, marahil hindi ito pumalya sa quest.

Hindi niya lang ito masubukan noon dahil hindi naman siya isang Night Walker. Pero sa pagkakataong ito, Maaari na niyang malaman kung tama baa ng kanyang desisyon.

Kaya naman pinagpatuloy nito ang paglapit.

Tiningnang maigi ng nilalang na ito s Marvin. "Sasabihin ko sayo kung ano ang ibig sabihin ng bawat daan sa aking likuran."

"Hindi mo pwedeng daanan ang bawat isa. Maaari ka lang pumili ng isa."

Pagkatapos noon, may lumitaw na malilinaw na litrato ng mga tao sa harap ni Marvin.

Ang unang daan ay ang Path of the Saint.

Sa dulo ng daang ito ay ang mga Ancient Saint. Ibinigay nila ang lahat para maprotektahan ang Feinan.

Ang pagdaan sa daang ito ay nangangahulugan ng pag-sunod ni Marvin sa yapak ng Ancients Saint, kukunin niya ang tungkulin at responsibilidad sa pagprotekta sa buong Feinan.

Isa itong mahirap na daan!

Noong unang panahon, dito rin dumaan ang Night Monarch.

"Pipiliin niya kaya ang Path of the Saint?"

Sa tabi ng pugon, dalawang pinuno ng organisasyon ang nakatingin sa malayo.

Hindi mapigilang magtanong ni O'Brien.

Nakikita nila si Marvin na naka-abot na sa tatlong landas at kaharap na nito ang halimaw.

"Hindi ko alam." Wala pa ring reaksyon si Sean. "Pero sa tingin ko hindi ito ang pipiliin niya."

"Hindi isang santo ang batang ito."

Nagkibit-balikat lang si O'Brein. "Mabuti na ring hindi niya piliin ang daang iyon. Nabigo ako nang pinili ang Path of the Saint.

"Ayoko," naninindigang sagot ni Marvin.

"Kilala ko ang sarili ko, hindi ako pang-santo."

Huminahon ang halimaw, isang kakaibang kislap ang lumiwanag sa mata nito. "Mabuti, ipakikilala ko sayo ang ikalawang daan."

Nawala bigla ang unang daan.

May mga alon na lumitaw naman sa ikalawang daan.

Ang White River Valley, River Shore City, pati na ang pamilyar na panibagong daungan ay lumabas sa harap ni Marvin.

Nakita niya ang matandang butler, pati na ang ibang mga mamamayan ng White River Valleu. Nakita niyang abalang-abala ang mga gwardya.

"Ito ang teritoryo mo, sila ang mga nasasakupan mo."

"Hindi mo man kayang protektahan ang buong mundo, mabuti pa rin naman ang pagbabantay sa isang lugar."

"Kaya namang, ang ikalawang daan ay ang Path of the Ruler."

Path of the Ruler.

Ang ibig sabihin nito ay hndi mo kailangan protektahan ang buong kontinente, tanging ang teritoryo mo lang.

Ang lahat ng nasasakupan mo ay nasa ilalim ng iyong pangangalaga.

Nabubuhay sila dahil sayo, at ano mang sakuna ang dumating, kakailanganin mong protektahan silang lahat.

Ito ang tungkulin ng isang Ruler.

Maraming Ancient Ruler ang dumaan sa landas na ito. Hindi man sila mga Saint, pero para silang mga god sa kanilang mga nasasakupan.

Mayroong mga Ruler na nagtatag ng sarili nilang teritoryo gamit ang sarili nilang kapangyariha..

Ang pag-apak sa landas na ito ay nangangahulugang poprotektahan moa ng iyong sariling teritoryo hanggang sa mamatay ka.

Mahinahon namang tinitingnan ni Marvin ang larawang nasa harap niya.

Isang kakaibang boses ng halimaw ang umalungawngaw sa kanyang tenga. "Pipiliin mo ba ang Path of the Ruler?"

"Pipiliin niya ba?" Muling tanong ni O'Brien.

Hindi mapigilang umirap ng matandang blacksmith. "Aba malay ko?"

"Sa tingin ko kasi mas matalino ka kesa sa akin," pagpapakatotoong sinabi ni O'Brien.

Walang nasabi ang matandang blacksmith, pero matapos ang ilang sandal, "Hindi naman siguro."

"Bakit naman?" Gulat na sagot ni O'Brien.

Ngumisi ang blacksmith, "Dahil nakapagdesisyon na siya."

"Ayoko!" Sagot ni Marvin.

Kaya naman nawala na ang ikalawang daan mula sa kanyang paningin.

Biglang naging masama ang tingin ng halimaw kay Marvin.

"Batang Night Walker, isa kang makasariling tao."

"Parang hindi na ata kita nagugustuhan."

"Pero dahil sa tungkulin ko, sasabihin ko pa rin sayo ang tungkol sa ikatlong daan."

"Mukhang balak mong piliin ang daan na ito. Tunay nga na ito ang pinakamadaling daan, pero mapanganib rin ito. Marahil pakiramdam mo ay napakalakas mo, pero siguradng makakaharap ka ng isang matinding pagsubok!"

Ang ikatlong daan.

Matagumpay na naging isang Ruler of the Night si Marvin, at hindi na mabilang ang taong pinatay niya para maabot ito.

Siya'y naging pinakamalakas na tao sa buong kontinente, pero kakaunti lang ang kaya niyang protektahan.

May ilang pamilya na mukha ang lumabas sa knayng harap: Si Anna, Wayne, Hathaway… Kahit si Lola ay nakakagulat na kasama sa mga ito!

Ito ang malalapit niyang kaibigan.

Ang ikatlong daan ay ang Path of the Mighty.

Isang taong patuloy na lumalakas, ay pinoprotektahan lang ang iilang tao.

Marahil isang araw magiging isa kang makapangyarihang nilalang, pero sa paparating na kalamidad, tanging ang sarili at iilang tao lang ang kakayanin mong protektahan.

At wala kang magagawa kundi panuorin lang mamatay ang napakaraming tao.

Ito ang nakalulungkot na Path of the Mighty.

"Mukhang gusto niyang piliin ang Path of the Mighty," dismayadong sabi ni O'Brien. "Hindi ba makasarili 'yon?"

Napabuntong hininga ang blacksmith, "Hindi k aba makapaghintay? Hintayin mong gumawa ng desisyon bago kang dumaldal ng kung ano-ano."

Tumango si O'Brien bago ito natigilan at napasigaw, "Ano?!"

"Hindi niya rin pinili 'yon?!"

Sa harap ng ikatlong daan.

Pangatlong beses nang tumanggi ni Marvin.

Sa pagkakataong ito, sobrang lapit na niya sa kakaibang nilalang, sa sobrang lapit ay nakikita na niya ang mga detalye sa katawan nito.

"Ayokong piliin ang daan na 'yan." Sabi ni Marvin.

Galit na umatungal ang halimaw, "Hindi pwede!"

"Ito na ang huling bahagi ng Thorny Path. Kailangan mong pumili!"

"Sabihin mo sa akin kung ano ang pipiliin mo! Kung hindi hindi ka makakalagpas!"

Muling bumalik ang tatlong daan sa likuran nito.

Ang Saint, ang Ruler, at ang Mighty.

Pero noong mga oras na iyon, may ginawa si Marvin na ikinagulat ni O'Brien at ng blacksmith!

Bigla itong tumakbo pataas, at tumalon patungo sa gilid ng halimaw at dinampot ang espada.

"Anong ginagawa mo!" Tila nabaliw sa takot ang halimaw.

"Pinapaalam ko sayo ang desisyon ko!"

Itinaas ni Marvin ang bakal na espada at tumalon ng napakataas, at walang habas na isinaksak ito sa ulo ng halimaw.

"Sphhhlt!"

Ang tila mapurol na espada ay bumaon ang espada hanggang sa hawakan nito.

"Ito nga…. Mamatay ka na!"

Matapos magsalita ni Marvin, umatungal na sa sakit ang halimaw.

Biglang lumiit ang nakakatakot na katawan nito at naging isang maliit na Imp. Kasing liit na lang ito ng isang kamao at tila nakapako ito sa isang bato dahil sa espada.

"Ako ang gagawa ng sarili kong landas. Kahit na kailangan kong magdesisyon, wala ka nang pakielam doon," walang emosyong sabi ni Marvin habang binubunot ang espada.

Pagtapos nito ay isang panibagong daana ng lumitaw sa harap ni Marvin. Hindi na nito pinansin ang Imp na umaatungal sa sakit at mabilis na naglakad.

Sa tabi ng pugon, tulirong-tuliro si O'Brien!

"Teka… Bakit walang nakapansin sa espadang nakabaon doon sa tagal ng panahon?!"

"Isa lang walang kwentang Imp 'yon? Paano 'yon napansin ni Marvin!"

"Iyon baa ng tamang piliin?"

Gulat na gulat ang dalawa.

Sa tagal nang panahon, hindi pa nila nasasaksihan na malampasan ng isang Night Walker ang huling yugot ng Thorny Path.

Dahil bawat isa sa mga ito ay pumili.

Wala ni isa sa kanila ang katulad ni Marvin, na gumawa ng desisyon na wala sa pagpipilian.

Pinatay nito ang kakaibang nilalang at gumawa ng sariling landas.

Ito ang pagsubok na ginawa para sa tagapagmana ng Night Monarch!

Sinundan lang ni Marvin ang daan. At hindi nagtagal ay nakarating ito sa isang bundok

Ang Endless Mountain.

Tumingala siya at tumingin sa taas. Hindi naman masyadong matarik ang bundok na ito pero hindi niya matanaw ang tuktok nito.

Sa pamamagitan lang ng pagdaan ditto, saka lang siya makakarating sa dagat ng kadiliman kung saan natutulog ang mga mandirigma.

Huminga nang malalim si Marin at nagsimulang umakyat.

Ito ang unang beses na mayroong naka-apak sa bundok na ito magmula nang umalis ang Night Monarch sa Eternal Night Kingdom.

Humakbang si Marvin. Nakakapagod umakyat ng isang bundok, lalo pa at wala itong katapusan.

Hanggang doon na lang ang nalalaman ni Marvin dahil wala pa namang nakakalagpas sa Thorny Path.

Wala siyang ibang aasahan kundi ang sarili niya.

'Sinubok ng Thorny Path ang tatag, willpower, at paggawa ng desisyon.'

'Ano ang sinusubok ng Endless Mountain na ito?'

'Hindi kaya katatagan….?

Umakyat lang nang umakyat si Marvin at saka ito muling tumingala. Hindi pa rin niya makita ang tuktok.

Pagod na pagod na siya.

Kinuyom nito ang kanyang ngipin at umakyat pa ng kaunti, naghahanda na siyang tumigil at magpahinga kapag hindi na niya talaga kinaya.

Hindi niya inaasahang magiging sobrang gaspang na ng kanyang mga kamay.

Hindi na ito kamay ng isang kinse anyos na lalaki.

Mayroong maliit na lawa ng tubig sa di kalayuan. Pinilit ni Marvin ang sarili para silipin ito.

Tinitigan niya ang lawa, at isang matandang lalaking may marka ng oras ang nanlulumong tumitig pabalik.