webnovel

Regis Ruins

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Ang Black Forest ang naging pinakamagandang panakip ni Marvin.

Malinaw na hindi alam ng Jade Banshee na sinusundan siya.

May hawak itong bolang kristal na naglalabas ng malamlam na liawanag. Makikita sa bolang kristal ang eksana ng paglalakad nina Marvin at Griffin pa-hilaga at paglabas nila sa Black Forest.

Pagkatapos nito, wala nang makikita sa bolang kristal.

Malinaw na may limitasyon lang na distansyang naaabot ang spell.

Tahimik lang si Marvin, nabuhay ang pagiging mausisa niya.

Naramdaman niyang ang paglitaw ng Jade Banshee sa lugar na ito ay hindi lang simpleng bagay. Bakit niya sinusubukang pigilan na makalapit sa bundok ang mga tao?

At dahil pinabayaan sila nito, pinapatunayan nito na hindi ang pagharang ng daan mula Black Swan Hill patungong Holy Lights City ang pakay niya.

Mukhang mayroon itong itinatago.

Black Forest, mga lihim, at ang balita ng paglitaw ng Cold Light's Grasp, hindi mapigilang isipin ni Marvin ang lahat ng ito.

Tutal nasa loob na rin siya ng Black Forest, kaya malapit na siya sa Holy Light City. Kung naroon pa ang Half-God na si Minsk, hindi naman siguro ito mawawala sa loob lang ng ilang araw.

Sinundan niya ang Banshee hanggang dulo, nasubok nang lubusan ang kanayng sneak ability.

Naabot nila ang gitna ng kagubatan sa loob ng dalawampung minuto.

Ito ang hanggan ng bundok at ng kagubatan, kung saan mayroong maiitim na bato at may mga nakakatakot na punong tila sala-salabat.

Isang maliit na daan papasok ang lumitaw sa likod ng isang halaman, na nasa harap ni Marvin.

Agad na pumasok an Jade Banshee.

Nagtago si Marvin sa likod ng puno at ipinikit ang kanyang mata.

[Earth Perception]!

Nararamdaman niya ang kanyang buong kapaligiran. Napansin niya ang isang natataning ritmo at pumasok sa kanyang isipan ang isang makatotohanang imahe ng paligid.

Isa ito sa mga pinakamahalagang skill ng mga Monk, dahil ligtas silang nakakaiwas sa panganib gamit ang nakakamanghang perception na ito.

Nararamdaman niya ang isang kakaibang awra ng magic.

Ang tila ordinaryong bundok ng nyebe ay naglalaman pala ng nakakagulat na halaga ng Chaos Magic Power.

Ang dahilan lang kung bakit hindi ito halata ay dahil sineselyo ng isang makapangyarihang lakas ang Chaos Magic Power.

Para itong Universe Magic Pool na ginamit ni God Lance para iselyo ang Chaos Magic ng Universe.

Nakatago pala sa lugar na ito ang isang mas maliit na Magic Pool!

Mas nagulat pa si Marvin nang malaman niyang ang Magic Power na ito ay naiiba sa pangaraniwang Chaos Magic Power.

Ang Magic Power… ay tila may sariling buhay .

Kinilabutan si Marvin dahil dito.

Noon pa man isa nang mahalagang elemento sa mga nilalang ang Chaos Magic Power. Para itong Order Power, naroon ito bilang pundasyon.

Pero ang pundasyon na iyon ay base sa Magic Power na walang sariling kamalayan.

Kayang sirain ng Chaos Magic Power ang isipan ng isang ordinaryong tao dahil kaya nitong sirain ang kaunting Order Power. Pero kung mayroong kamalayan ang Chaos Magic Power… Ayaw nang isipin pa ni Marvin ang posibleng mangyari.

'Anong nangyayari dito?' Naging alisto si Marvin.

'Ito kaya ang sinasabi nilang Regis Ruins?'

'Ang lihim na kampong itinayo ng gurpo ng mga baliw na Wizard sa Crimson Wasteland? Anong klaseng mga eksperimento ang ginawa nila?'

Ang Black Forest ay naging pugad ng masasamang halimaw, at ang loob ng bundok na ito ay nakakagulat na mayroong awra na pareho sa isang buhay na Magic Power.

Nang maramdaman niya ito, hindi siya makapaniwala.

Malinaw na pamilyar ang Jade Banshee sa lugar na ito, dahil pumasok ito nang walang pag-aalinlangan. At kung ano man ang pinaplano nito ay siguradong may kinalaman sa Regis Ruins.

Nagdalawang-isip si Marvin.

Nagpunta si Marvin sa Crimson Wasteland para hanapin ang Half-God na si Minsk, habang pinapalakas ang pagpapalakas sa kanyang sarili.

Ang pinakamalaking benepisyo ng pananatili sa Crimson Wasteland ay mas mabilis ang pagtakbo ng oras dito kumpara sa Feinan.

Sa pagkuha ng karanasan dito, makakalaban niya ang lahat ng uri ng expert at makakakuha pa siya ng Comprehension para mapataas ang kanyang level.

Kapag bumalik siya sa Feinan, siguradong mas malakas na siya kumpara noong umalis siya.

At sa oras na iyon, magiging mas madali na para sa kanyang harapin ang mga mag-dedescend na mga Divine Servant.

Hindi rin niya nakakalimutan nag alit sa kanya ang Black Dragon God, Dream God, at iba pang mga makapangyarihang God.

Pero naaakit si Marvin sa awra na nagmumula sa Regis Ruin.

Malakas ang loob ni Marvin at mahilig itong makipagsapalaran.

Lagi siyang sabik sa mga bagay na hindi niya alam. Bukod sa walang patid na mga krisis, ito ang isa sa mga rason kung bakit mabilis ang usad ng kanyang progreso sa Feinan.

Dahil mayroong ancient ruins sa kanyang harapan, hindi mapigil ni Marvin ang kanyang kagustuhan na pasukin ito.

'Ilang taon na ang lumipas, kung mayroon mang kakila-kilabot na mekanismo o mga guardian, wala naman na siguro ang mga iyon.'

'Kahit na isang caster ang Jade Banshee na iyon, hindi naman siguro ito direktang konektado sa Regis Ruins. Dahil nakapasok ito nang walang problema, wala na sigurong patibong o ano man. Pero hindi pa rin masama na maging maingat.'

Pagkatapos ay nagdesisyon na si Marvin.

Pero hindi siya agad na pumasok sa lagusan. Gumamit muna siya ng isang skill!

[Ruler's Wrath]!

Hindi lang siya kayang gawin isang malaking higante ng skill na ito, maaari rin siyang gawing kasing liit ng langgam.

Matapos lumiit, naging sobrang gaan ni Marvin.

[Witchcraft – Flight]!

Ginamit niya ang Witchcraft ability na nakuha niya sa Witch Queen's Tear bago tahimik na lumipad papasok sa kweba na parang isang tutubi.

Sa likod ng daan papasok ay isang simpleng lagusan.

Base sa istruktura ng lagusan, mukhang papunta ito sa kaibuturan ng bundok.

Binilisan pa ni Marvin ang kilos at narrating na ang dulo ng lagusan paglipas ng sampung minuto.

Lumipad siya palabas sa lagusan at nakarating sa isang malaking kwato!

Walang mag-aakala na ang tila ordinaryong bundok na ito ay mayroong tinatagong malawak na dungeon!

Pinakalma ni Marvin ang kanyang sarili at tiningnan ang lahat ng nasa paligid niya.

Wala siyang masabi sa kung gaano kamangha-mangha ang dungeon na ito.

Kahit na sira na ang malaking bahagi nito, masasabi niyang dati itong nakamamanghang siyudad bases sa mga wasak na dingding sa paligid.

Mayroong matatalas na bato sa kisame na mayroong mga hiyas na nakapaloob ditto, at naglalabas ito ng malamlam na liwanag.

Ang mga hiyas na ito, kasama ng ilang fluorescent moss sa lupa ang nagbibigay liwanag sa buong dungeon.

Ang malaking siyudad ay nakatayo sa isang hindi patag na lugar, at base sa laki ng dungeon, kasya ditto ang 50,000 hanggang 60,000 tao.

Napakalaki ng bilang na ito. Lalo pa at kakaunti lang ang mga pagkukunan ng mga pangangailangan sa ilalim ng lupa. Karamihan ng mga dungeon ay hindi kayang bigyan ng pangangailangan ang ganoon karaming mga tao.

Ang ikinagulat pa ni Marvin ay karamihan ng mga gusaling namumukod-tangi ay nasa gitna ng siyudad!

Marahil hindi pa nga ito matatawag na gusali.

Dahil nararamdaman ni Marvin natumitibok-tibok ito!

Isa itong nakakatakot at kakaibang globo na tatatak sa sino mang makakita nito.

Nakagapos ito sa gitna ng siyudad gamit ang napakaraming kadena at isang tubo ang makikita sa labas ng globo.

'Ito kaya ang … sinasabi nilang Dungeon Core?'

Pumikit si Marvin at mayroong narinig na pagtibok.

Tumitibok ang bagay na ito na parang puso!

Pakiramdam ni Marvin ay para itong isang ilusyon.

Ano ng aba talaga ang ginawa ng mga Regis caster dito noon?

Biglang lumiwanag ang isang kulay berdeng ilaw sa harapan ni Marvin.